Start something new

3007 Words
Nagising akong kalapit si Annie. Nakatulog pala kaming dalawa sa sala, nang tignan ko ang cellphone ko ay alas sais pa lang ng umaga. Kaagad akong tumayo mula sa pagkakahiga, inayos ko pa muna ang kumot na sa sahig at ipinatong iyon sa ibabaw ni Annie. Mukhang nagpuyat na naman ang isang 'to pagkatapos kong makatulog kagabi. Iniwan ko na si Annie'ng mahimbing ang tulog saka nagdiretso sa kusina para maghanda ng agahan. Lahat ng hinanda nito kahapon ay itinabi ko na. Naglabas lang ako ng itlog at bacon mula sa ref dahil ito ang paborito ni Annie'ng kainin tuwing umaga. Madali lang naman itong lutuin kaya ayos na! Mga ilang minuto rin akong nag-asikaso ng agahan saka ito ihinain sa mesa. Ngayon ay lunes kaya naman may pasok si Annie. "Ate?...", humihikab pa nitong tawag sakin nang makalapit na ito sa kusina. Napangiti ako sa paghihitsura nito. Halatang kakamulat pa lang nito ng mga mata. "Maghilamos ka na at mag-aalmusal na tayo", anas ko saka naupo sa mesa. Kaagad naman itong sumunod sa sinabi ko at nagtungo sa banyo. Maliit lang ang bahay namin, dahil dalawa lang kami ni Annie ay ayos na sa amin ang ganitong espasyo. May kusina, kwarto at sala. Dito na kaming dalawa lumaki kung tutuusin. Katorse lamang ako noong kinuha namin itong bahay at si Annie naman ay trese anyos. Naigapang ko ang pangangailangan namin dahil sa kakaibang trabaho ko. Kumurba ang mapait na ngiti sa labi ko ng hindi ko namamalayan. "Ate ayos ka lang?", gulat kong nilingon ito mula sa likuran ko. Mukhang tapos na ito mag-ayos. Umiling na lang ako sa sinabi nito. "Ayos lang, natulala lang sandali", tawa ko rito pero mas mukhang nag-aalala ang ekspresyon nito. Pinilit ko na lang umaktong normal saka ito ipinagsandok ng makakain. "Oh, kumain ka na lang. Huwag kung ano-ano ang iniisp. Hindi ba't may klase ka ngayong umaga?", tanong ko pa. Tumango lang ito bilang pag sagot at nagsimula ng kumain, gayon din naman ang ginawa ko. Minsan ay ang hirap iwasan ng mga sasabihin ni Annie. Natatakot akong baka malaman niya ang totoo. "Ate...baka late na akong makauwi", anas nito na nakapagpahinto sa pagsubo ko. "Mayroon kaming presentation next week, kailangan namin matapos yung materials namin ngayong araw", dugtong pa nito habang nahihiyang tinutusok ang itlog sa plato. "Saan kayo magpapalipas ng oras?" , usisa ko pa dahil alam kong ibang klase ang mga kamag-aral ni Annie. Sa private school ko kase ito inenroll, ayokong matulad siya sakin na elemtarya lang ang natapos. Gusto kong matupad niya ang mga gusto niyang gawin sa buhay at makapagtapos sa kilalang unibersidad. Natural na mayaman ang mga kaklase nito kaya medyo nag-aalala akong hindi nakakasabay si Annie sa mga ito. "Sa bahay ng kaklase ko. Malapit lang iyon sa school namin", ngiti nito na para bang sinisiguradong wala akong dapat ipag-alala. Hindi mo naman maiaalis ng ganoon na lang 'yon. Kahit pa binibigyan ko ito ng allowance na sobra-sobra ay alam kong hindi ito basta ginagalaw ni Annie. Ganoon siya kabuting bata. "Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang. May allowance ka pa ba? Bumawas ka sa pera natin sa bahay dahil sobra naman iyon", paliwanag ko rito ngunit pumakla ang hitsura nito. Anong problema niya? "Ate naman? Sobra na nga ang mga ibinibigay mo sa aking allowance. Marami pa akong tira, hindi ko kailangan ng pera. Magtira ka naman para sa sarili mo", reklamo nito na siyang ikinatahimik ko. Napabuntong hininga na lang ako nang makitang hindi ito titigil hangga't hindi ako sumasang-ayon sa kanya. "Nako, aanhin ko naman ang pera? Hindi ko kailangan niyan...", panimula ko pa ngunit mas pumangit ang hitsura nito. "Suko na ako. Oo na, magtitira ako para sakin", singhal ko rito. Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon nito kaya natawa ako. "Ate hindi nakakatawa, ipangako mong iti-treat mo ang sarili mo ngayong araw. Sa tingin ko ay wala kang trabaho ngayon dahil umuwi ka....kaya naman lumabas ka ngayong araw!", sigaw nito habang nakaduro ng tinidor sakin, Aba't? "May gagawin ako", diretso kong sambit rito. Natigilan kaagad ito sa sinabi ko. "Ano? wala kang trabaho ngayon!", pagpupumilit nito. Hays, paano ko ba sasabihing ayokong lumabas? Ni ayokong makaaninag ng kung sinong mga tao. Siguro nga ay sumuko na ako sa salitang humanity. Napatawa na lang ako sa naisip ko. "Ate!", natigilin ako sa pag-iisip nang makita ang naninirik na mata ni Annie. "Uhh, okay, fine. Panalo ka na. Lalabas ako ngayong araw". I uttered. Napasandal na lang ako sa upuan nang makitang lumapad ang ngisi nito. Nako, naman. I really have plans for today, Annie. "Yehey! Ganyan. Be free ate! Huwag mo akong alalahanin. Malaki na ako", tawa nito. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang mga sinasabi nya. Kahit hindi sabihni ni Annie ay ramdam kong pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko. She doesn't want me to feel burdened. "Thank you. Appreciated", sambit ko na nakapag papula sa mukha nito. Nahihiya ba siya? Halos mapunit ang labi ko dahil sa pilit na pagpigil ko sa kumakawalang ngiti rito. "A-Ate naman...", medyo naiilang pa nitong anas saka umiwas ng tingin. "...pero don't forget the proof when you're about to go outside. Mag-picture ka ha? Gusto ko yung happy ka sa pictures and then send it to me", dugtong pa nito na ikinabigla ko. Proof? Really? Iba talaga ang pag-iisip nitong si Annie. I don't have time for that. Napansin ata nitong natahimik ako kaya parang nailang ito. Oh no. "ah...kung ayaw mo naman ng pictures ay ayos-", "No. I'll take a lot of pictures and send it to you", dali-dali ko pang sagot rito. Hindi ko kayang nalulungkot si Annie. Ngumiti naman ito ng sobra kaya nahawa na rin ako. Ilang minuto pa ang itinagal namin sa mesa habang nag-uusap. Ang dami nitong kiniwentong mga bagay sakin tulad na lang ng mga nangyayari sa school nila pati na rin ang mga updates sa mga paborito nyang palabas ay naibahagi nya. Natutuwa akong makitang kinakaya ni Annie ang lahat kahit na minsan ay parang anlayo ko sa kanya. Inayos ko na ang bag nito at iniabot sa kanya. "Annie, mag-iingat ka ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom at mag-aral ng mabuti", anas ko sabay halik sa pisngi nito. Sunod-sunod na pagtango ang ginanti nito sakin. "Basic ate, I'm still in the first place. Hindi ko hahayaan mawala ang scholarship ko", pagyayabang pa nito saka gumanti ng sobrang higpit na yakap. Iginaya ko na ito pasakay ng tricycle palabas ng village namin. At heto na nga, ako na lang ang natitirang tao sa bahay. Napatulala na lang ako nang makapasok na ako sa loob, nang libutin ko kase ang kabuuan ng bahay ay parang kinulang ito sa linis. Busy kase masyado si Annie sa mga school works nito at hindi na masyado naasikaso pa ang bahay. Nagsimula akong maglinis ng sala, sumunod ang kwarto at kusina, sinama ko na rin ang banyo para wala na itong problemahin pagkagaling ng university. Sa pagod ko ay pabagsak akong tumilapon sa couch ng sala namin. "Grabe, feeling ko nirarayuma na kaagad ako", bulaslas ko nang maramdamang kumirot ang likuran at kasu-kasuan ko. Napaupo akong bigla nang may mag-ring sa hindi kalayuan. Simula kanina ay hindi ko pa nakita ang cellphone ko. Pagapang ko itong kinuha sa sulok saka tinignan ang mga pangalang naglalabasan sa screen nito. Unang-una ang pangalan ni David sa mga messages na natanggap ko. Naningkit ang mga mata kong tumitig rito. 'Princess, I may not be able to meet you again. Stay safe and thank you for the memories. I liked your company. I hope you find peace soon'. Basa ko sa nilalaman ng text nito. Kaya pala. Kaya pala gano'n kalaki ang ibinigay nya saking pera ay dahil last na pagkikita na namin 'yon? Hindi naman sa masama ang loob ko. Alam kong naging mabuting daddy sakin si David at wala naman siyang binali sa kontrata namin. Hindi ko alam kung anong mali sakin. Sa tingin ko ay nagkaka-feelings na ako sa Sugar Daddy ko na si David. Mas mabuti na rin itong natapos na ang usapan namin. Hindi mabuti ang nararamdaman ko para sa kanya. Noong una ay ang tingin ko lang rito ay katulad ng iba, source of income. Hindi naman kase ito ang nauna kong Sugar Daddy kung tutuusin. Ibat-ibang terms at condition kase ang sini-set para sa sugar daddy at sugar baby relationship. May ibang gusto ka lang talagang alagaan at isama sa mga pag-gastos ng wealth nila at i-ispoiled ka at yung iba naman ay 'yung mas deep relationship with their daddies. Alam niyo na kung ano 'yon. Nag umpisa ako sa mga meet and greet lang, walang halong kalaswaan kundi bonding at kuwentuhan lang noong na sa edad katorse pa lamang ako. Pero nung tumungtong ako sa edad na disi-sais ay tumatanggap na ako ng s****l relationship dahil mas malaki ang kita ko rito. Malaking tulong iyon para sa pag-papaaral ko kay Annie at hanggang ngayon, ayon pa rin ang ginagawa ko. Ngunit nung dumating si David sa buhay ko, hindi na ako tumatanggap pa ng ibang daddies. David assured me that he'll provide everything I need at tinupad naman niya yon, halos mag dadalawang taon ko ng kasama si David kaya siguro gano'n na lang ang epekto nito sakin. Alam ko namang hindi ako ganong kahalaga sa kanya at panandaliaan nya lang akong kaligahayan. Sa totoo lang ay hindi nanghihingi ng ano mang kalaswaan sakin si David. Ayos lang sa kanyang makitang nag-eenjoy ako kapag kumakain kami sa labas, namimili ng damit at tumatambay sa library. Pero dahil hindi ako napapakitaan ng ganong kabutihan, I tend to fall easily. Binibigay ko ang sarili ko kay David kahit hindi niya hinihingi iyon. Hindi ko alam kung dahil iyon sa pasasalamat ko sa kanyang nabuhay kami ni Annie ng maayos dahil sa kanya o gusto ko talaga itong mangyari samin. I really need to try something new. Wala na si David, nasa legal age na ako para magtrabaho ng maranggal, pero may tatanggap ba ng elementary graduate? Kahit na nagseself-study ako ay masyadong mataas ang standard ng Pilipinas sa pagtanggap ng mga tao. Nako, naman. Sinubsob ko na lang ang sarili kong mukha sa mga unan na nakalagay sa couch. Tinatamad na tuloy akong lumabas gawa ng mga naisip ko. Sobra na akong nag-ooverthink. Nang tignan ko pa ang mga ibang messages ay puro bayarin na ito. Mabigat sa loob akong tumayo mula sa sahig at dumiretso na sa banyo para maligo. Naalala kong kailangan ko palang simulan ang araw ko ng masaya dahil nangako ako kay Annie. Wala na akong sinayang pang mga segundo at nag ayos na ako ng sarili. Nahinto ako sa salamin naming nakadikit sa ding-ding, kitang kita ko ang wavy kong buhok. Itim na itim ito. Kanino kaya hinulma ang mukha ko? Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero alam kong hindi pangkaraniwan ang hitsura ko. Kaya naisipan ko ring pasukin itong trabaho dahil alam kong walang makakatanggi sa hitsura ko. I have a small face after all. Hindi na ako nag-apply ng make up dahil ayokong maging center of attraction kaya naman tracksuit lang ulit ang suot ko. I never dolled up myslef kung ako lang naman ang lalabas mag-isa. Mas gusto ko pang hindi pansinin kaysa titigan ng kakaiba. Mag-aayos lang ako kapag merong meet up involving daddies. Lumabas ako ng bahay suot ang paborito kong gray tracksuit. Masyado itong baggy dahil ayokong mapansin ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit nako-concious ako kapag tinititigan ako ng ibang tao. Nakarating ako ng mall wala pang kalahating oras. Nagsimula na akong maglakad at tumingin tingin sa mga stall. Napangiti ako nang maisip na ito ang first time kong lumabas mag-isa para mag-saya. Nakakatuwa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumitig sa mga taong naglalabas masok ng mall kasama ang mga pamilya nito. Bigla kong naalala si Annie. Muntik ko ng malimutan ang sinabi nitong magpicture sa mga nagugustuhan kong lugar kaya naman nagtungo ako sa loob ng National Bookstore. Napukaw kaagad ng paningin ko yung libro ni Mitch Albom na naka-display sa main section ng store. Kaagad akong binati nung sales lady at napansing titig na titig ako sa display sa hindi kalayuan. "Ma'am, sale po itong nasa section na ito", nakangiti nitong sabi habang ginagaya ako papunta sa corner. "ah...eh", naiilang kong anas dahil gusto ko lang naman ito tignan at wala akong balak bilhin iyon, alam ko kaseng mahal ang presyo ng mga gawa ni Mitch Albom dahil lahat ng gawa nito ay isang masterpiece! "don't worry ma'am, bibigyan ko pa po kayo ng discount bukod sa sale! Ang ganda ganda niyo po kase, nakakatuwang makakita ng katulad niyo, pwede po kayong mag model at promote!", masaya pa nitong saad na ikinalunok ko. Model? ako? Ayoko! "Nako...wala po akong hilig sa ganyan...uhh..bibilhin ko na lang po yung libro. Huwag niyo na pong banggitin yung promotion", natataranta ko pang sabi dahil ayoko talagang tinititigan ako ng mga tao. "Gano'n po ba? Sayang naman. Pero salamat po, heto, libre ko na sainyo. Another sequel ng book ni Sir Albom", ngiting malapad nung sales lady sakin. Nabayaran ko na yung dalawang libro sa counter pero hindi ko alam kung bakit ako pumayag magpapicture kasama nung dalawang libro. Hindi ko na nahindian si ate dahil sa pamimilit nito. Naalala ko rin kaseng kailangan kong magsend ng picture kay Annie. Kahit naiilang dahil sa dami ng taong humihinto sa shop dahil sa biglaang photoshoot sa harap nito ay pinilit kong ibigay ang genuine smile ko. Para ito kay Annie! Say, cheeze! Nahihiya akong umalis ng national bookstore dahil pinipilit akong bayaran nung manager to use my photo as an advertisement. Pumayag na lang ako dahil sa loob lang naman daw nila ipapaskil katabi nong book. Siyempre tinanggap ko yung pera, kailangan ko no'n ano. Mabilis ko 'yon kinuha at naglakad na palayo. "Grabe", bulaslas ko nang makalayo na ako. Kaagad kong sinend yung picture ko kay Annie pero mukhang hindi ito online. It makes sense dahil na sa klase siya. Naglakad-lakad na lang ulit ako para maglibot bit-bit yung mga binili kong libro. Hindi ko alam kung bakit ako huminto sa isang clothing apparel. Mukhang mamahalin ang mga binibenta rito. Napahawak ako sa salamin nang makita ang manikin'g nakasuot ng isang evening dress na kulay celestial black. "Ang ganda naman...", wala sa sarili kong anas habang nakatitig rito. Naiimagine ko yung sarili kong umaattend ng prom night at ito ang suot. Sayang lang at hindi ko naranasan ang mga ganong bagay. "Wanna try it?", halos umanggat ang balikat ko sa gulat nang makarinig ng boses sa tagiliran ko. Hindi sadyang napahawak ako sa dibdib ko at nabitawan ang bitbit kong libro. "I'm sorry to startle you. I'm Sean. It's my apparel so I'm just suggesting if you wanted to try our new arrival dress since you're um...staring too much...", naiilang nitong pakilala saka pinulot ang nailaglag kong libro. Natulala ako sa hitsura nito dahil hindi ko alam ang ipapakita kong reaksyon dito. Seryoso ba sya? Sa tingin niya ba ay kaya kong bilihin ang isang dress na tulad niyan? Siguro nga ay isang buwang gastusin na ang halaga ng dress na iyan. Isama mo na ring Cleo ang brand nito, katulad nung brand na binili ni David para sa Eighteenth birthday ko. Saka ano 'It's my apparel'? He is the owner? This number one CLEO FASHION APPAREL? Napalunok na lang ako nang mapagtantong kanina pa nito inaabot yung mga gamit ko. "Ah...um...hindi po, nagandahan lang po ako sa dress. Wala po akong balak bumili ng ganyang kamahal-I mean ganiyang kaimportanteng damit", paliwanag ko rito habang inaabot ang hawak nito. I heard his little laughs. Sa sobrang kaba ko ay hindi sadyang nagtama ang mga daliri namin. Natigilan rin ako dahil kakaiba rin ang namutawing reaksyon dito. Biglang pumula ang magkabilang tenga nito at nag iwas ng tingin. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala kaedad ang isang ito. Bakit ba napapalibutan ako ng mga taong malaki ang agwat ng edad sa akin? Akala ko kasi ay nasa bente pa lang ito sahil sa pigura nitong hubog na hubog. Malaki ang pangangatawan nitong nakadepina sa suot nitong suit. Halata sa hitsura nitong pinagkakaguluhan ito nung kabataan nito. Sa tansya ko ay na sa forties na ito. Malamlam ang mga mata nitong mayroong mahahabang pilik, mayroon rin itong matangos na ilong, mapulang labi at bagsak na mga buhok. Talaga namang nakakalinlang ang pang labas nitong hitsura. Sa tagal ko na sa mundo ng mga sugar daddies at babies relationship ay mabilis ko na lang nakikilatis ang isang tao kung anong edad nito. Base sa boses, pangangatawan, kung paano kumilos at iba pa. "Miss? Are you okay?...um can you hear me?", taranta nitong tanong na nakapagpabalik sa ulirat ko. Hala! Mukhang kanina pa ako kinakausap nito. Nakakahiya! "Pasensya na po...ayos lang ako, mauna na-" madali kong tugon pero pinutol kaagad nito ang pananalita ko. "I...uh...if you're interested in modeling...feel free to contact me, young lady", naiilang pa nitong sambit saka isinuksok sa loob ng hawak kong libro ang sariling business card. Magsasalita pa sana ako pero mabilis na itong pumasok sa loob nung CLEO Apparel. Nakakahiya naman itong habulin kaya wala na akong nagawa at tinanggap ito. 'Sean Benedict Wilhem, CEO of CLEO Fashion Apparel.' basa ko sa nakasulat sa business card nito. Totoo ba ito? Normal bang makasalubong ang CEO ng isang sikat na company tulad ng CLEO? Ito na ba 'yon? Can I really start a new one? Sa sobrang tuwa ko ay naisipan kong i-message si Annie. 'Bunso! I think this is it, kaunting tiis na lang!' type ko sabay send kay Annie. Nag picture pa ako ng nagpicture sa kahit anong makita ko sa loob ng mall at sinend ito kay Annie. Sobrang saya ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD