He's the owner

3148 Words
Gumising ako ng sobrang saya, pakiramdam ko ay kaya kong tumakbo ng ilang kilometro! Nang makauwi kase ako kagabi ay nakipagtalo pa ako sa sarili ko kung tatawagan ko ba si Sir Sean Benedict Wilhem pero hindi ko rin naman napigilang hindi tumawag rito. Natatakot rin kase ako, masyado akong nag-overthink kagabi, hindi ko alam kung qualified ba ako bilang model nila since ang dami kong shortcomings na nakikita sa sarili ko. Isa na do'n ay ang educational background ko, pakiramdam ko tuloy ay wala na kaagad akong pag-asa. In the end, tinawagan ko pa rin naman ito. Si Annie ang nag-dial dahil kinakabahan talaga ako. Naikwento ko kase kay Annie ang nangyari kaya naman tinulungan ako nitong matawagan si Mr. Sean. Sobrang natutuwa si Annie para sakin. Nang i-dial ni Annie yung number ni Sir Sean ay halos kumaripas ng takbo ang puso ko. Kaagad naman itong nag-ring pero boses ng babae ang narinig namin mula sa kabilang linya. Nagtiningan pa kami ni Annie ngunit kaagad naman itong nagpakilala. Sekritarya pala ito ni Sir Sean. Sinabi nitong mayroon na raw akong appointment rito at maaari na akong umattend ng direct interview sa mismong office nito dahil hindi ko na daw kailangan magpasa ng modeling photos sa kanilang agency at lumagpas sa iba pang screening dahil sa ito raw ang utos ni Sir Sean. Para akong sasabog sa tuwa nang marinig ang sinabi nito. Totoo nga ito! Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala. Sa tuwa ko ay paulit-ulit akong nagpasalamat rito at sinabing makakarating ako sa nasabing araw at oras. Mabilis natapos ang araw at dumating na nga araw na pinaka-hihintay namin ni Annie. Heto na ang araw na iyon, handang-handa na ako sa first legit interview ko! "Ate, huwag ka namang malikot", suway sakin ni Annie nang hindi sadyang umikot ang upuan ko. "Pasensya...excited lang ako", tawa ko rito. Nagpatulong kase ako kay Annie mag-ayos. Hindi ko kase alam kung anong appropriate sa mga ganitong okasyon. May tiwala naman ako sa kapatid ko dahil alam kong matalino ito. "Tandaan mo ate, hindi mo kailangan ng strong make up sa interview mo. Hindi ba't pinadiretso ka do'n ng mismong may ari? Ibig sabihin ay kailangan mong magpakita with your bare face. You only need lip gloss and light powder. They want to see your natural face and beauty", anas nito habang inaayos ang buhok ko. Tumango-tango ako sa sinabi nito. Gano'n pala 'yon. "Ayos lang kaya itong buhok ko?", alala ko pang tanong rito pero nag thumbs up lang ito. "Ate, super ganda ng buhok mo! It has natural curls and bounce. Hindi mo kailangan mag-alala", ngisi nito saka iniangat ang mukha ko. Bakas sa mukha nitong proud na proud ito sa ginawa nito sa hitsura ko base sa malapad na ngisi nito sa labi. "Huwag kang kakabahan. Alalahanin mo lang ang mga tinuro ko sayong sagot ha? Kung sa mukha at katawan ay panalong panalo ka na! Magkamukha tayo 'di ba ate?", saad pa nito na siyang nakatulong sakin para naman kumalma ang sistema ko. "Salamat, Annie. Gagawin ko lahat ng sinabi mo", sambit ko pa rito at heto na naman ang pamumula ng mukha niya, hindi talaga marunong tumanggap ng compliment ang isang ito. "Ano kaba ate...tumayo ka na nga! Isuot mo na lang yung white heels na binili ko sayo last year dahil baby blue puff sleeve mini dress naman yang suot mo", bulyaw nito na siyang ikinatawa ko. Hindi na ako nagsalita at kinuha ang kahon sa ilalim ng kama namin. Sinuot ko kaagad ang heels na sinasabi ni Annie. Medyo napangiwi pa ako nang ipasok ko ang paa ko rito. Mukhang medyo masikip na ito sakin. "Bakit ate? Hindi na ba kasya?", alalang tanong ni Annie kaya naman ngumiti akong kaagad para hindi na ito mag-alala pa. "Hindi ano, oh tignan mo. Bagay ba?", tumayo na lang ako sa harap nito saka umikot. Nakita ko ang paglapad ng ngiti nito kaya natuwa ako. "Ate the best! Ikaw na talaga!", palakpak pa nito habang pinipicturan ako. "Para saan naman 'yan ha?", natatawa ko pang tanong dahil halos nagpaikot-ikot na ito sa harapan ko para lang kumuha ng mga litrato. "Memories ito ano", tawa pa nito saka sumali sa mismong litrato. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito natapos. "Ano? hindi ka pa tapos?", natatawa kong tanong rito pero umiling na ito sakin. Mukhang napagod na itong mag-picture kaya naman hinayaan ko na muna itong magpahinga. Nag ayos na lang ako ng mga dadalhin ko para sa interview. Resume lang naman ang sinabi sakin ng secretary ni Sir Sean kaya ayon lang ang inimpake ko. Sila na daw ang bahala sa lahat. Nang balingan ko na ng tingin si Annie ay mayroon na itong kausap sa phone. Kumunot pa ang noo ko dahil pakiramdam ko ay lalaki ang kausap nito, nang magbaba ito ng telepono ay kaagad akong lumapit rito. "Sino 'yon?" usisa ko na ikinagulat nito. "ah...si Luke, kaibigan ko ate. Nakiusap akong ihatid ka sa Cleo Fashion Apparel", anas nito habang nakangiti ng pilit. Luke? Wala naman siyang nakikwentong kaibigan at lalaki pa? Pero teka, ano daw? "teka...teka? Anong ihahatid?", naguguluhan kong tanong rito. Mukhang nataranta naman ito sa naging reaksyon ko. "ate naman, ayoko namang sumakay ka ng bus papunta do'n. Mabuti ng ihatid ka ni Luke kaysa naman mag-isa kang sumakay ng bus. Kaibigan ko 'yon ate, ipapakilala ko siya sayo ng maayos kapag tapos ng interview mo, okay?", paliwanag nito na ikinatahimik ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil may punto naman siya. Ano bang masama do'n? Mukhang matagal na itong kaibigan ni Annie. "Oh sige, nasaan na ba 'yang Luke na 'yan?", saad ko na ikinangiti nito. "Papunta na siya ate! Magugustuhan mo 'yon, mabait si Luke, promise", excited pa nitong hirit na nakapag paningkit ng mata ko. "B-Bakit ganyan ka makatingin? Mali ang iniisip mo ate ha", todo paliwanag pa nito na siyang ikinatawa ko. Aba't? Anong meron? "Bakit ang defensive mo? Wala naman akong sinasabi ah", tawa ko pa dahil sa paghihitsura nito. "Ate naman eh!", sigaw pa nito ngunit natigilan ito nang mag-ring na namang muli ang cellphone nito. Ayan na ba yung sinasabi nyang Luke? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa isang 'to. Hmm, pero hindi naman siguro magsisinungaling sakin si Annie, ano? Kung ano-ano na tuloy ang naiisip ko. "Nandiyan na sa labas natin si Luke, ate", nakangising tawag pa ni Annie sakin. Sobrang saya naman ata niya? Gano'n niya ba ka gustong makita ang kaibigan niya? Natawa na lang ako dito dahil nagkikilos bata na naman ito. Bigla kase itong kumaripas palabas ng bahay namin. Siyempre ay sumunod na rin ako rito palabas bitbit ang bag ko. Tote bag lang dinala ko dahil wala naman akong designer bag na puweding gamitin saka ginawa itong bag ni Annie. Kulay puti ito na may maliit na flower sa laylayan nito. Nakarating ako sa tapat ng bahay namin ng medyo nagmamadali. Si Annie kase ay dinaig pa si flash sa bilis nitong tumakbo. "Ate! Here!", sigaw nito nang matanaw akong papalapit sa pwesto nila. Lumampas kase ng kaunti ang pag park ng sasakyan nung Luke. Naningkit ang mata ko nang makitang isang itim na BMW Sedan ang sasakyan nitong dala. Ganito ba kayaman ang mga estudyante sa university ni Annie? Isipin niyo , high school pa lang sila. Halos kapareho na ito ng isang sasakyan na ginagamit ni David sa tuwing lumalabas kami. Ibang klase. "Ate, meet Luke. My...uh...friend", ngisi ni Annie habang pinapakilala yung matangkad na lalaki sa tagiliran niya. Halos balikat lang nito si Annie, hindi naman kami maliit ni Annie dahil 5'9 ako at 5'6 naman ito. Sa tansiya ko ay na sa 5'10 itong si Luke? Dahil mas matangkad lang ito sakin ng kaunti. Disisyete anyos pa lang naman ito kaya tatangkad pa ito ng sobra. Teka, disisyete? "May lisensya ka na ba?", wala sa sariling bulaslas ko dahil sa mga isipin na pumasok sa kukote ko. "Ate naman? Sorry Luke, minsan kase lutang talaga itong si Ate. Siya nga pala si Red Esteban, ate ko", "Ate, si Luke. Luke, si ate", si Annie na ang nagpakilala sakin. Ano bang mali sa sinabi ko? Wala na akong nagawa kung hindi ilahad na lang ang kamay ko sa harap nito. Napansin ko namang nakatitig lang ito sa mukha ko. Teka? May mali ba sa hitsura ko? Ang sabi ni Annie ay mas maayos kapag ganito? Napakunot na lang ako ng noo. "Annie? Ayos lang ba itong kaibigan mo?", tawag ko kay Annie dahil ang tagal ng nakalahad ng kamay ko sa ere. Pati si Annie ay naguluhan sa inasta nito. "I'm...uh...I'm sorry. I'm Luke and I have my license already. Baka nagtataka kayo, I'm eighteen. Senior po ako ni Annie", utal nitong sambit sa harap ko. Senior? Eh magkasing edad na kami nito ah? Paano naman sila nagkakilala? Kung na sa 11th grade ngayon si Annie ay malamang na sa 12th grade ang isang 'to. Hindi ko alam kung bakit umarko ang kilay ko sa sinabi nito. Mukhang napansin ni Annie ang paghihitsura ko kaya pumwesto ito sa harap ko. "Alam mo ate male-late ka na kung hindi ka pa aalis ngayon", tulak nito sakin papasok sa loob nung sasakyan. Wala na akong nagawa nang pumasok na rin sa loob yung Luke. "Luke ikaw na bahala kay ate ha? Sinend ko na sayo yung address", kaway ni Annie mula sa labas. Bakit naman sa front seat pa ako ipinasok ni Annie? "Sure, akong bahala Annie", nahihiya pa nitong anas sa kapatid ko saka nagmaniobra ng sasakyan. Nagsimula na itong umandar palabas ng village namin kaya naman hinayaan ko na lang ang sarili kong ma-relax sa upuan. Nang bumaling ako ng tingin kay Luke ay napansin kong may hitsura ito. Maayos pumili ng kaibigan si Annie ah? Curly hair with brown eyes? May lahi ba ang isang ito? Nakaramdam ata itong nakatitig ako sa kanya dahil nakita ko ang paglunok nito ng sunod-sunod. Kabado? Hindi ko alam kung bakit may pumasok sa isip kong kakaibang tanong. "Luke? Hindi ka kaibigan ni Annie hindi ba? Ano ka niya?", bulaslas ko. Halos ubuhin naman ito sa sinabi ko. Sinasabi ko na nga ba. Kakaiba ang kinikilos nila simula pa kanina. Bakit walang sinasabi sakin si Annie tungkol dito? Hindi naman ako tututol sa mga gusto niya basta hindi ito nakakaapekto sa pag-aaral niya. Mahigpit itong humawak sa manibela saka lumingon sakin. Aha? "B-Boyfriend po ako ni Annie", utal nitong saad habang sa kalsada na ang tingin. Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nito. "Hindi naman ako magagalit eh, sana sinabi niyo sakin. Saka ang bata niyo pa", medyo asar ko pang saad. Ayoko lang magmadali sila. Paano kung madisgrasya niya si Annie? Marami pa akong pangarap para kay Annie. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Annie, pero kase sa panahon ngayon hindi mo na alam kung ano ang tama o mali. Ilang minutong katahimikan pa ang namutawi dahil hinyaan lang ako ni Luke magsalita. Siguro ay naintindihan niya rin ang pinupunto ko rito. Natapos ang buong byahe na tahimik lang ito. Hindi naman sa hindi ako boto sa kanya, sadyang masyado pa talagang maaga ang ganitong bagay para kay Annie. "Salamat sa paghatid. Hindi mo na ako kailangan hintayin, magbu-bus na lang ako pauwi. Akong bahala kay Annie huwag kang mag-alala", pasasalamat ko kay Luke nang makarating na kami sa tapat na building ng CLEO Company. Tahimik lang itong tumango sakin na para bang nagpipigil ng mga sasabihin. Bumaba na ako ng kotse at hindi ko na ito pinansin. Akmang maglalakad na ako palayo ay narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko kasabay ng pagbaba ng bintana ng kotse nito. "Ate Red, I'll promise you. I'm not that kind of man. I'll wait for Annie as long as she wants. Sobra kong nirerespeto ang kapatid niyo. Kung inaakalala niyong baka magkamali ako, don't worry. I will not do that kind of things to her", saad nito habang nakatitig sa mga mata ko. Ramdam ko ang sinseridad sa bawat binitawan nitong salita. Alam kong mahal niya si Annie. Hindi naman ako hahadlang sa kanila, pero sana ay maisip nilang masyado silang nagmamadali. Kumaway lang ako rito at hindi nagsalita. Hindi ko kailangan ng mga matatamis na salita, kailangan mong tuparin lahat ng sinabi mo. Si Annie lang ang pamilya ko. Ayokong mabuhay siya na minamaliit ng mga na sa paligid niya. Tumalikod na ako rito saka naglakad papasok ng CLEO ng walang lingon-lingon. Nang makapasok na ako sa loob ng CLEO ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Ganito pala ang pakiramdam pumasok sa isang 25-story building? Para akong sinampal ng reyalidad. Kitang kita ng mga mata ko ang layo ng estado ng mga taong na sa loob ngayon kumpara sakin. Pag pasok na pag pasok mo ay babalandra sayo ang mga naka display na damit sa bawat kanto ng hallway. Nakalagay ito isa-isa sa loob ng malaking thin glass case. Halos malaglag ang panga ko sa dami ng mga models na nagdadaanan at damit na naka-display sa bawat kanto ng building. Halatang dinudumog ito ng mga kilalang businessman. Mapapansin mo rin ang kakaibang disenyo ng building mula sa loob. Sa unang palapag pa lang ay makikita mo na ang mataas nitong ceiling na mayroong sandamakmak na ilaw sa itaas, para kang na sa loob ng mall kung tutuusin, sa dami ba naman ng mga stall at open counters ay hindi mo inaasahang isa itong company. "Excuse me, Mademoiselle. I am deeply sorry for being blinded by you. May I know your name?", biglang anas ng kung sino sa harap ko. Nakasuot ito ng gray na furry coat at black turtle neck bilang pangloob. Napatingin pa muna ako sa wrist watch na suot ko at saktong eight fourty na. Kailangan kong makarating sa opisina ni Sir Sean bago mag nine kaya naman hinarap ko na 'yung lalaking humarang sakin. Nangangamoy antipatiko ang isang 'to kaya mas mabuti ng umiwas. "Good Sir, I'm sorry. Kailangan ko ng umalis dahil may importante akong appointment ngayong araw", paliwanag ko rito. Akmang hahakbang na ako paalis nang hawakan nito ang braso ko. "How dare you ignore me? Are you one of the VIPs? Oh baka isa ka lang sa mga modelo ng CLEO?", sigaw nito na nakapagpatigil sa mga dumaraang tao. Ano bang problema niya? Hindi niya ba nakitang nagmamadali ako? Sinasabi ko na nga ba, antipatiko. Pinilit kong higitin ang braso kong hawak nito pero hindi manlang ito natinag. Humihigpit pa lalo ang hawak niya! "Sir, nasasaktan ako. Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?", singhal ko na ikinakunot ng noo nito. "You're only a beauty but your clothing is trash. How dare you talk back to me? Kaya kitang bilihin", ngisi nito na nakapag pakulo ng laman ko. "Kung basura at cheap ako, bakit napaka desperado mo?", sigaw ko sa mukha nito. Kitang kita ko ang paglabas ng mga ugat nito sa ulo. "You...", sigaw nito habang papalapit ang mga kamaong tatama sa akin. Awtomatikong nagsara ang mga mata ko sa takot na baka masuntok ako nito. Doble ang laki sakin ng lalaking ito ano! Para akong kinapos sa hangin nang buksan ko kaunti ang mga mata ko para sana silipin ito, gusto ko kasing malaman kung bakit wala paring palad o kamao ang tumama sa mukha ko kahit ilang segundo na ang lumipas. Halos kainin ako ng kaba nang tuluyan kong maaninag ang pigurang pumigil don sa nanghaharass sakin. Si Sir Sean Benedict Wilhem. "Sir...Sean?", wala sa sariling bulaslas ko nang makita itong nakatindig sa harap ko. Hindi ako nito nilingon sa halip ay pabatong itinulak yung lalaking gumagawa ng eksena. "I don't care if you're one of our VIPs or shareholders, get the f*****g out of my company", malamig na sambit ni Sir Sean gamit ang malalim nitong boses. Parang kakaiba ang awra nito ngayon, hindi katulad nung mahiyaing personang nakita ko sa mall nang mga nakaraan. "tsk! Y-You...will pay for this Mr. Wilhem", anas nung lalaki saka mabilis na naglakad palabas ng kompanya. Nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod nang makalayo na ito. Kaagad akong sinalo ni Sir Sean dahil sa kamuntik ko ng pagtumba. Sumasakit ang braso ko. Ang malas naman ng araw ng interview ko, pakiramdam ko ay pinagtatawanan ako ngayon ng langit. "Hey, you alright?" alala nitong tanong habang nakaalalay sakin. "Ayos lang ak-ouch...", daing ko sa braso kong namumula na ngayon. Ang malas. "God. What the f**k did he do to you? Come with me, I'll treat you right away", mariin nitong sambit saka ako hinila papapunta ng elevator. Naging sanhi kami ng atensyon salamat sa antipatikong lalaking 'yon. Hindi ko kinakaya ang bawat titig ng mga empleyado ng CLEO sakin. Pakiramdam ko ay tumatagos ito hanggang sa buto ko. Hindi rin naman nagtagal at narating na namin ang elevator. Tahimik lang akong nakatitig sa mga buton nito at hindi mapakali. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sitwasyon namin ngayon. Hawak pa rin kase nito ang kamay ko, natatakot naman akong bawiin ito dahil halatang asar pa rin ang ekspresyon niya. Anong gagawin ko? Sobrang nilalamon na ako ng kaba! Jusko po... Hindi pa ba ito hihinto? Bakit ba naman kase na sa penthouse ang office niya? Hindi sumasang-ayon sakin ang tadhana, mamamatay ata ako ng wala sa oras sa sobrang tagal ng andar ng elevator. Nasa ikalabing-anim na palapalg pa lang kami! Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Mas mabuti sigurong huwag ko na lang isipin na kami lang ang dalawang nakasakay ngayon dito. Para na akong siraulo. Kasabay ng pagtunog ng elevator ay ang siyang pagsinok ko. Ano bang nangyayari sakin? Nasisiraan na talaga ako. Tikom bibig akong sumunod rito papasok sa loob ng opesina nito. Kaagad kaming sinalubong ng babaeng naka pencil skirt na nakapwesto sa mahabang table sa labas ng office ni Sir Sean. "Secretary Zein, bring first aid kit in my office. MOVE", seryosong anas ni Sir Sean kaya napalunok ako lalo. Bakit parang galit? Hindi na ba matutuloy ang interview ko? Natutop ko na lang ang sariling labi nang alalayan ako nito pa-upo sa sofa nito. Hindi sadyang nilibot ng mata ko ang kabuuan ng opisina nito. Sobrang lawak, napakadaming designer clothes ang naka display rito. Pakiramdam ko ay dito ginagawa itong mga mamahaling damit na nakikita ko sa tv. "Mr. President, ito na po", gulat akong napalingon nang makabalik na ang sekretarya ni Sir Sean na may bitbit ng first aid kit. Kinuha naman itong kaagad ni Sir Sean sa kamay nito. "Ms. Esteban don't move", ma-awtoridad nitong anas, hindi ko alam kung bakit awtomatiko rin akong sumunod sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD