Hindi pa rin ako makapaniwalang naitawid ko ang interview ko kahapon kahit na ang totoo ay wala namang naganap masyado. Ano bang dapat ko i-react? I mean, nagkaroon lang naman ako ng eksena sa first interview ko at inasikaso ng magiging employer ko. Sobrang nahihiya ako kay Sir Sean kahapon, gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa sobrang hiya. We proceed to the interview, tinanong niya lang ako ng ilang questions pag katapos nitong basahin ang resume ko. I asked if there will be a problem in terms of my educational background pero ang sabi niya ay siya na raw ang bahala.
Wala pa rin ako sa sariling nakahiga ngayon sa kama ko at iniisip pa rin ang mga bagay-bagay. Totoo na nga ito. May trabaho na ako, totoong trabaho! Sa tuwa ko ay nagpagulong-gulong ako sa kama yakap ang unan ni Annie. Para akong nananaginip, akala ko ay matagal pa bago matupad ang mga hiling ko sa buhay. Napatulala na lang ako sa kisame ng kwarto. Ano kayang magandang gawin sa ibinagay saking isang linggo ni Sir Sean?
Naputol ang pag-iisip ko nang katukin ako ni Annie mula sa labas. Tumayo naman akong kaagad saka tiniklop ang kumot na ginamit ko.
"Sandali!", sigaw ko pa rito saka itinabi ang mga unan na nakakalat rin. Nang matapos akong magligpit ay lumapit na ako sa pinto at pinagbuksan ito. Tumambad sakin si Annie'ng naka uniporme na. May pasok nga pala ito ngayong araw. Sinuri pa nito ang kabuuan ko saka nagsalita,
"Akala ko ay hindi ka na babangon", nguso ni Annie sakin saka ako hinigit palabas ng kwarto.
"Pwede ba 'yon?", tawa ko rito saka nagpatianod patungong kusina. Nakaluto na rin ito ng agahan. Masyado ata akong nagsaya at hindi ko na ito naasikaso.
"Ate, may naluto na rin akong ulam dya'n. Ipainit mo na lang kapag kakain ka na ulit. Alam kong pagod ka", ngising pusa nito saka ako sinandukan ng kanin. Tinitigan ko lang ito dahil pakiramdam ko ay may iba itong ipinaparating at gustong sabihin. Hmm. Given na ipinagluto na rin niya ako ng tanghalian ay medyo nakakaduda.
"Salamat...", anas ko sabay kuha ng platong nilagyan niya ng kanin. Kumuha rin ako ng itlog at nilagay iyon sa plato ko. Nang mag-angat ulit ako ng paningin ay nakangiti pa rin sakin si Annie. Sinasabi ko na nga ba, may gustong sabihin ang isang ito.
"Ano 'yon? Kanina ka pa hindi mapakali dya'n", diretsong tanong ko rito saka ibinaba ang hawak na kutsara. Biglang lumapad ang ngiti nito nang marinig ang sinabi ko. Sinasabi ko na nga ba, ito talagang si Annie.
"Ano kase...um...ate", nahihiya pa nitong panimula saka huminga ng malamin.
"Gusto sanang lumabas ni Luke kasama ka. Half day lang kasi kami ngayong araw", paliwanag nito habang hinihimas ang batok. Sabi ko na nga ba at tungkol ito sa kanila. Tinitigan ko ito saka umayos ng upo. Para naman itong naestatwa nang makita ang magkakrus kong mga braso. Lumabas pala ang gusto niya ah? Siguro ay nagbabalak na silang magpaalam sakin para sa relasyon nila. Kung bonding talaga ang hinihingi nila ay pag-iisipan ko.
Ilang minuto pa akong natahimik saka tumikhim ng hangin bago nagsalita. Halos umangat ang balikat nito nang titigan ko ito sa mata, hays. Masyado ka pa talagang bata.
"Ate...", tawag nito sakin. Medyo naawa naman ako sa paghihitsura nito kaya napabuntong hininga na lang ako. Tutal wala naman akong gagawin. Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan ko sila ano? Teka, gamitin ko na lang kaya itong araw para sa amin ni Annie? Matagal na rin kaming hindi nakakalabas, pati kailangan na namin bumili ng mga bagong gamit sa bahay. Marami pa naman akong natirang pera, gagamitin ko na lang iyon para ayusin ang bahay namin. Sakto, pwede kong patulungin sa gawain ang nobyo ni Annie. Bakit hindi ko kaagad naisip 'yon? Tignan natin ang tibay niya sa gawaing bahay. Anak mayaman pa naman, tsk. Kung susuko kaagad siya sa ipapagawa ko ay hindi siya nararapat para kay Annie.
"Ate?...", tawag ulit sakin ni Annie. Natigilan naman ako sa mga pag-iisip dahil dito. Napangisi na lang ako. Halatang naguluhan si Annie sa hitsura ko.
"Maganda ang naisip nya! Tamang-tama, sa susunod pa na linggo ang simula ko sa trabaho. Ako ng bahala sa pag-alis natin. Hihintayin ko kayo sa tapat ng university niyo", ngiti ko na ikinakunoot ng noo niya.
"Bakit? Ayaw mo?", taas kilay kong tanong rito pero umiling-iling lang ito. Malamang ay naguguluhan ito sa ikinikilos ko. Ginusto nila 'to hindi ba?
"H-Ha? wala akong sinabi ah! Siguradong matutuwa si Luke nito", anas ni Annie pero kaagad akong umubo rito.
"hehe sorry ate, kain kana!", tawa nito saka ako nilagyan ng sandamukal na ulam.
"Hoy! Ang dami masyado!", suway ko rito pero tumawa lang ito, natawa na lang rin ako dahil para kaming mga ewan umagang-umaga.
Natapos kaming mag-almusal ni Annie nang wala pang ilang minuto. Maaga daw siyang papasok ngayon para daw magawa niya ang iba niya pang gagawin sa University, excited daw kase siya para mamayang hapon kaya kailangan ay wala itong maiwang gawain.
"Hindi ka ba magpapasundo kay Luke?", tanong ko rito nang makarating kami sa harap ng bahay namin. Umiling naman itong kaagad saka humalik sa pisngi ko.
"Hindi na ate, kaya ko naman na ang sarili ko", ngiti nito saka inayos ang bitbit na bag. Nang suriin ko ang kabuuan ni Annie ay nakita kong tumatanda na nga ito. Dati ay binubuhat ko pa ito lagi sa likod ko, ngayon ay dalagang dalaga na ito. Kumpara sakin ay masyadong petite itong si Annie. Hindi rin ito curly hair, sobrang tuwid ng buhok nitong hanggang beywang. Hindi naman mapagkakailang magkamukha kami nito kahit mas matapang ang features ng mukha ko. Malambing kase masyado ang mukha ni Annie. Marami namang nagsasabi na parang kinuha raw ang paghihitsura ko sa mga banyaga noong 17th century. Hindi naman ako masyadong nagpapadala sa mga sabi-sabi kaya hinahayaan ko na lang. Malay ko ba kung saan kami nagmana ni Annie.
"Ate? Ang lalim na naman ng narating ng isipin mo ano?", tawag sakin ni Annie na siyang ikinagitla ko. Ang hilig ko talaga maligaw sa mga deep thoughts. Kaunting sandali lang ay nalulunod na kaagad ako sa mga walang kwenta kong isipin.
"Tsk. Naisip ko lang ang laki mo na talaga, parang dati lang ay hindi ka nakakatulog ng hindi ako katabi", reklamo ko pa rito pero tumawa lang ito.
"Malamang ate, ilang taon na 'yon ano. Tama na nga 'yan. Mamaya magdrama ka na naman dya'n", pang-aasar pa nito kaya napanguso na lang ako.
"Oo na, sige na at pumasok ka na", pagtataboy ko rito. Ngumisi lang ito saka kumaway, akmang aalis na ito nang bigla itong umikot pabalik. May nakalimutan ba siya?
Itatanong ko na sana kung may naiwan ba ito sa loob ng bahay pero bigla itong sumigaw ng, "Ate! Kapag tracksuit ang sinuot mo mamaya ay magagalit talaga ako sayo!",
Napakunoot na lang ang noo ko dahil sa sinabi nito. Hindi na ako nakasagot pa rito dahil kumaripas na ito ng takbo paliko sa kanto. Bakit naman dinamay pa niya ang tracksuit ko? Komportable iyon sa katawan! Saka ano namang kinalaman ng tracksuit sa galit niya? Puro tracksuit lang naman ang available sa mga damit ko. Hays, ano bang problema niya?
Hindi ko maintindihan! Bakit kailangan ko pa mag-iba ng susuotin. Planado ko na ngang susuotin ko yung paborito kong tracksuit mamaya kaso tingnan mo ang gusto niyang mangyari. Ugh!
Natigilan ako nang makaramdam ako ng pagvibrate sa bulsa ng pajama ko. Nang ilabas ko ang cellphone ko mula ro'n ay nakita kong may text si Annie. 'Ate, mag-ayos ka ha? Gusto kong ipakita sa buong St. Ford University na isang dyosa ang ate ko! p.s bawal ang tracksuit', basa ko sa sinend nito. Aba't namumuro na ang isang ito ah? Kailan pa siya naging conscious sa sasabihin ng mga tao? Pero wala namang mawawala sakin kung mag-aayos ako saka hiling rin naman ito ni Annie. Pero nakakailang naman kasing pagtinginan ng tao. Inaatake na naman ako ng consciousness ko.
Napabuntong hininga na lang ako saka nag diretso sa loob ng bahay. Ano bang laban ko? Si Annie 'yon eh. Nang makapasok na ako sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa sala. Naupo ako sa couch namin saka binuhay ang tv. Manonood na lang muna ako pampalipas oras. Nagplay na yung tv pero wala pa rin akong magandang mapili, feeling ko ay wala ako sa mood manood ng tv ngayon. Nang isandal ko ang ulo ko sa mismong haligi ng couch ay narinig ko ang malakas na pagtunong ng kahoy nito, parang may nabiak na kung ano sa loob nito. Tumayo ako sandali para suriin kung anong mali dahil parang lumubog yung pinakang frame nung couch.
"Sira na kaya ito? Ilang taon na rin samin ito ni Annie", kausap ko sa sarili ko saka umikot-ikot sa harap ng couch. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip, napagpasiyahan kong bumili na ng bagong couch. Kumuha pa ako ng papel at ballpen saka inilista ang mga bagay na kailangan namin ni Annie sa bahay. Ngayon ko lang napansing kulang pala kami sa plato, baso, kutsara, kawali, at kung ano-ano pa. Naisip ko ring isabay na ang grocery namin, pati na rin ang mga bagong wallpaper na ilalagay ko sa dingding namin. Uubusin ko na lang ang isang linggo ko para sa pag-aayos ng bahay namin ni Annie.
Lumipas ang ilang oras ng paglilista at pag-aayos lang ginawa ko maghapon. Nang tingalain ko ang orasan sa pader namin ay nakita kong alas tres na ng hapon. Malapit na ang labasan nila Annie kaya naman ihinanda ko na yung susuotin ko. Isa ito sa mga iniregalo sakin ni David dati. Tinago ko ito dahil CLEO ang brand nito, halos lahat nga ng ibinigay saking damit ni David ay galing sa CLEO. Hindi ko rin alam kung bakit, hindi naman ako mahilig sa mamahaling gamit. Tinignan ko yung summer short dress na nasa kamay ko ngayon, short sleeve ito na mayroong A-line at isang V-neck type. Maganda naman ang kulay nitong pink kaya ito na lang. Alam kong may pagkamaiksi ito pero ito na ang pinaka mahaba sa iba ko pang dress. Ayoko namang mag jeans dahil mahihirapan pa akong maghanap ng pang itaas na ipapares dito. Ito na lang para isang suotan!
Dumiretso na ako sa banyo saka naligo. Binilisan ko lang ang pagkilos ko saka nagbihis na. Nag flats lang ako dahil ramdam ko pa ang pananakit ng paa ko mula sa heels na ginamit ko nung interview. Naalala ko na naman tuloy yung kahihiyan moment ko, pati yung paltos ko ay naasikaso ni Sir Sean, sobrang nakakahiya talaga. Mabuti pang huwag ko na lang alalahanin ano? Kinuha ko na lang yung susi ng bahay sa loob ng sling bag ko at ini-lock ito. Nakakuha naman kaagad ako ng taxi papunta sa St. Ford University.
"Manong dito na lang", para ko nang makita na ang entrance ng university.
Nang makababa ako ng taxi ay naglakad na ako sa gilid papunta sa main gate ng school. Heto na naman ang mga titig na tagos hanggang laman ng mga nakakasalubong kong mga tao. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa tuwing lalabas ako. Lagi naman akong lumalabas ngunit hirap pa rin akong tumanggap ng mga titig ng tao. Pakiramdam ko ay kung ano-ano ang sinasabi nila patungkol sakin. Siguro nga'y paranoid lang talaga ako. Huminga na lang ako ng malalim at pinilit ipaskil ang seryosong ekspresyon sa mukha ko saka dumiretso sa pinakang guard-house sa may entrance at tahimik na tumindig rito.
'Model ba 'yan? Ang tangkad niya...'
'Grabe. Sis, look. May foreigner'
'Ang ganda naman niya. Paniguradong anak mayaman 'yan, kutis pa lang tol'
'Sino naman hinihintay nyan? May boyfriend ba siya rito?'
'Mukhang bigatin rin ang jowa, sa St. Ford nag-aaral oh'
Mga kumentong naririnig ko mula sa mga dumaraang mga estudyante. Napangiwi na lang ako sa mga pinagsasabi ng mga ito. Sana nga ay anak mayaman na lang ako, para naman kain at tulog na lang rin ang aatupagin ko, hays. Itong mga estudyante na 'to, ayaw na lang mag-si-aral. Tsk.
"Miss, may pwede ba akong itulong sa inyo?" biglang kausap sakin ng guard na naka-station rito. Hindi ko alam kung kailan pa ito nakalapit sakin, nang suriin ko ang kabuuan nito ay ang tansya ko ay na sa 30's na ito. Nakangiti ito sa akin, hinihintay ang pag-sagot ko. Mukhang mabait naman ito kaya sumagot ako,
"Ah...okay lang po ako. Hinihintay ko lang po ang kapatid ko" panimula ko pa saka ngumiti pabalik rito. Kaagad namang lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ko.
"Ganoon ba Miss? Babae rin ba ang kapatid ninyo?" dugtong pa nito na siyang nakapagpa-ilang na sa akin. I don't know why I feel uncomfortable. Pakiramdam ko lang ay may hindi magandang mangyayari. Lumunok pa ako bago nagsalita, "Ah...opo",
"Naku! Paanong hindi ko napapansin ang ganyang 'mukha' kung araw-araw itong pumapasok rito? Paniguradong kamukha ninyo ang kapatid niyo tama ba ako?" tawa pa nito habang papalapit na sakin lalo. No way. I hate dudes like him. Hindi ko namalayang napapaatras na ang isa kong paa. Instinct ba 'to? Nang balingan kong muli yung gurard ay may maliit na ngisi na ito sa kanyang labi.
"Gusto niyo ba ng kausap habang naghihintay? Libre ako Miss—"
"Is this a part of your job as a guard? Why don't you f*****g go back to where you're stationed? Gross." salita ng kung sinong sumulpot sa likod namin. Hindi natapos nung guard yung sasabihin niya dahil pinutol na kaagad ito ng tao sa likuran namin. Hindi pa lumilingon si manong guard mula sa lalaking nagsalita ay para na itong nasobrahan sa takot. Kita ko kase ang panginginig ng kamay nito habang dahan-dahang nililingon ang tao sa likod namin. Pakiramdam ko ay kilala ni manong gurad kung sino ang nagsalita. Buti naman! A savior.
"Pasensya na po" karipas ng takbo nung gurad nang humarap do'n sa lalaki, halatang natakot ito dito. Teka, sino ba 'to?
Nang madaanan ako nung lalaking sumuway sa guard ay nagtama ang mga titig namin. Napansin kong naka-uniporme ito ng katulad kay Annie kaya malamang ay dito rin siya nag-aaral. Mukhang galing siya sa loob dahil palabas ito ng gate. Hindi sadyang napatitig ako sa mukha nito. I found his face familiar kahit na ngayon ko lang ito nakita. I don't know why pero parang nakita ko na ang mukha nito. Anyways,
Halatang sikat ang isang ito, hitsura pa lang. He has unimpressed eyes while looking at me. Matangkad ito kaya medyo napatingala pa ako nang titigan ako nitong maigi. Pakiramdam ko ay inirapan nito ang kabuuan ko bago ulit ako tinitigan sa mata bago ako tuluyang nilampasan.
Napakunot na lang ako ng noo sa inasta nito. Ang taray ha, mukhang hindi naman niya ako tinulungan at sinuway niya lang talaga yung dapat na nagtatrabahong guard. Tama nga naman, sino ba naman ako.
Nang makalampas ito sakin ay saka ko lang napansin ang dalawang lalaking kabuntot nito na biglang huminto sa harapan ko.
"Woah, I know Shawn is blind pero paano niya nagawang lampasan ang shawty na 'to?" bulaslas nung lalaki sa harap ko. Isa ito sa mga kasama nung sumita sa guard. Shawn pala ang pangalan nung suplado. Even his name sounds familiar. Pero hindi ko na 'to dapat iniisip.
Tumitig na lang ako sa mga kasamahan nitong naiwan, mukhang susunod pa yata sa yapak nung guard itong mga kaibigan niya, hays.
"Dude, shut up" suway pa ng isa pang kasamahan nitong nakauniporme rin. Ano ba namang buhay 'to, hindi ba ako pwede maghintay ng payapa rito? "I'll ask for her number" bulong pa nung naunang magsalita sa katabi nito na rinig na rinig ko naman.
"Sorry hindi ako nagbibigay ng number sa hindi ko kilala" una ko ng sabi. Halatang nagulat ang mga ito sa sinabi ko. Tumindig pa silang ayos saka muling humarap sakin.
"I'm Kean", "and I'm Seth" lahad nila ng kamay pareho. Nagkatinginan pa silang dalawa na para bang sinasabing 'ako na ang mauuna!'.
Napabuntong hininga na lang ako ng malala. Kaya nakakainis lumabas, dahil sa mga ganitong tao. Hindi ba nila naiisip na hindi naman nakakagaan ng loob ang papuri nila patungkol sa panlabas na hitsura ng mga kababaihan. Paminsan-minsan ay katahimikan lang ang gusto namin. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko alam kung aabutin ko ba ang kamay nila o ano, sakto namang may nakita akong pamilyar na pigura sa likod ng mga ito sa hindi kalayuan. Nagkaroon kaagad ako ng ideya kung paano lalampasan ang dalawang nagpapakilala sa harapan ko ngayon. Sa wakas!
"Um, pasensya na kayo. Mukhang sa susunod na lang ang pakikipagkilala! Hayan na kase ang hinihintay ko!" turo ko pa sa naglalakad na si Luke. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata nito habang salitan ang naging tingin sakin at sa dalawang lalaking nakatindig sa gilid ko.
"Hey, wait!" "Tell us your name first!" sigaw pa ng mga ito ngunit tumakbo na ako papalapit kay Luke. Gulat na gulat ito sa paglapit ko kaya naman ako na ang humila rito paalis sa lugar na iyon.
"A-Ate Red? Why are you with them?..." takhang tanong pa ni Luke na para bang imposibleng makasama ko ang mga iyon. His eyes are confused. Habang kaladkad ko ito ay wala na akong nagawa kung hindi magkwento. Sinabi ko kung anong nangyari at kung bakit ko nakausap ang mga ito. Tumango-tango naman ito nang maranig lahat ng sinabi ko.
"So, sinasabi mo bang mga seniors mo ang mga 'yon?" tanong ko kay Luke nang makarating na kami ng parking lot ng university. Habang papunta kami rito ay grabe ang mga titig samin ng mga tao, wala naman akong magawa kaya binitiwan ko na rin si Luke nang medyo nakalayo na kami do'n sa 'Kean at Seth'.
"Yes, ate. They are siblings by the way. Anak sila ng senator kaya marami ang nakakakilala sa kanila rito sa school. I'm sure kakausapin nila ako bukas tungkol sayo.", paliwanag ni Luke sakin. Natahimik na lang ako. Buti na lang at walang masamang nangyari, marami kaseng naooffend sa tuwing umiiwas akong magpakilala, ang hirap bumangga ng mga taong mataas ang estado sa buhay.
"Buti na lang wala silang ginawa sayo, ang swerte mo dahil wala ang pinaka leader nilang si Shawn. I remember him, kapag gusto niya ay kinukuha niya", dugtong pa ni Luke na nakapagapkunot ng noo ko. What does he mean? Ang Shwan ba na tinutukoy ni Luke ay yung sumita sa guwardiya kanina? Nagkibit balikat na lang ako dahil wala na naman akong balak pang kilalanin ang mga bigatin sa school nila. Hindi naman ako pumunta dito para alamin 'yon.
"Kalimutan na natin 'yon. Nasaan na ba si Annie?" pag-iiba ko na lang ng usapan. Umubo naman ito saka humarap sakin.
"Um, she's already in my car. Pinasundo ka niya sakin sa entrance..." nahihiya nitong sabi saka ako iginaya papunta sa direksyon ng sasakyan niya. Heto na naman ang itim na BMW Sedan, kahit ilang beses ko itong makita ay namamangha pa rin ako.
"Ganoon ba? Salamat" anas ko. Ngumiti naman ito saka ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Aba? Gustong umani ng points para kay Annie? Hmm.
Pagpasok ko ng sasakyan ay nakita ko kaagad si Annie na nakangisi sa front seat.
"Hi Ate!" kaway pa nito nang makaupo na ako. Umarko pa ang kilay ko sa inasta nito, "At bakit nandyan ka naka-pwesto?" tanong ko pa na ikinagulat nito. Sakto namang pumasok na rin si Luke sa loob at umupo sa drivers seat.
"Ah...right!...Luke saan nga ulit tayo kakain? Mukhang excited na si ate oh" segway nito habang iniiba ang topic. Napatawa na lang ako dahil napaka trying hard nito.
"Oo na, panalo na kayong dalawa." ngiti ko kina Annie at Luke.
Tingnan na lang natin kung hanggang saan kayo aabot. Papahirapan ko kayo!