A hard day

3863 Words
Sakay ng sasakyan ni Luke, naging mabilis ang byahe namin papunta sa pinaka malapit na mall sa lugar namin. Wala naman masyadong traffic, habang na sa byahe rin ay halatang hindi mapakali 'yung dalawa, akala ata nila'y hindi ko napapansin ang mga palitan nila ng tingin. Siguro'y hindi pa sinasabi ni Luke kay Annie na alam ko na ang tungkol sa relasyon nila, tsk. Nang makapasok kami ng parking lot ay ma-ingat na minaniobra ni Luke ang sasakyan nito sa may bandang gitna. "...And we're here", anas ni Luke sa amin ni Annie. "Nakikita ko nga...ano? Dito na lang ba tayo? Wala ng babaan?" sambit ko. Nakita ko ang paglaho ng ngiti ni Luke at Annie. "Ate naman?...Shempre bababa tayo!" nguso ni Annie saka binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. Nagmadali ring bumaba si Luke kasunod nito. Mabilis na tumakbo si Luke sa gawi ko para lang pagbuksan ako. Ay, wow. Gentleman. "Ate Red...here" bukas nito ng pinto. Kaagad naman akong bumaba, suminghap pa ako saka sila binalingan ng tingin. Gusto ko tumawa ng malakas dahil sa mga hitsura nila, mukha silang nadudumi na ewan. "Salamat", "Saan na tayo nito?" tanong ko. Nagtinginan pa muna sila bago ako hinarap. "Jollibee!"---"Wolfgang!" sabay pa nilang sigaw. Kumunot pa pareho ang noo nila, halatang hindi sila nagkakaintindihan. Si Annie ay gusto kumain sa Jollibee, itong si Luke naman ay sa Wolfgang? Rich kid talaga ang isang 'to ano? Ilang beses pa lang akong nakakain dyan tapos kung i-suggest nya ay parang kapresyo lang ng Jollihotdog ang mga pagkain do'n. Nakita ko pa ang marahang pagsiko ni Annie kay Luke dahil sa magkaiba nilang suhestiyon. "Aw...babe naman?--" "Shh!" hindi na nakahirit pa si Luke nang takpan ni Annie ang bibig nito. Ano? Nadulas ang nobyo mo ano? Babe pala ha. "Ano 'yon Luke?" pang-aasar ko pa kaya naman mas nanlaki ang mata ni Annie rito. Bakas sa mukha ni Luke ang takot sa mga titig ng kapatid ko. "Naku! Wala siyang sinabi ate...na...nagsusuggest siya ng movie! Oo! Yung Babe the movie...h-hehe" utal pa nitong paliwanag habang sinisiko si Luke sa gilid nito. Kawawang Luke. "Akala ko ba'y kakain? Bakit kayo nagsa-suggest ng papanoorin?" ngisi ko pa, tumawa lang sila na medyo awkward, mukhang hindi na nila alam ang sasabihin kaya naman tinigilan ko na ang pang-aasar sa mga ito. "Oh sya...pumasok na lang muna tayo sa loob para makapili na tayo ng kakainan" sambit ko at nagliwanag naman ang mga mukha nila. Mukhang nakahinga sila ng maluwag sa sinabi ko. Huminto pa ako sandali saka humarap kay Luke, natigilan rin ito sa paghinto ko. "A-Any problem?" ilang na tanong nito sakin nang makita akong nakatitig sa kanya. Si Annie naman ay panay ang paglunok. "Ayoko sa Wolfgang. Hindi ko trip pagkain ng mayayaman." bulaslas ko na ikinatigil nito. Hindi naman sa nagsusungit ako, pero parang gano'n na nga. Joke lang, sadyang hindi lang ako fan ng mga gano'ng lugar. Baka sabihin nyong masyado kong inaapi si Luke. "I see...hanap na lang siguro muna tayo", nahihiyang tawa nito sabay himas sa batok. Pinauna ko pa silang dalawa maglakad, panay ang palihim nilang pagtatalo pero kita ko pa rin naman. Ngayon ko lang napansing bagay pala talaga sila ano? Sa unang tingin mo pa lang ay aakalain mong mga artista ang mga ito dahil sa mga kutis nitong mala-porselana, akala mo'y gatas ang mga ipinanliligo. Hindi na ako magtataka kung habulin itong nobyo ni Annie. At tulad ng napagkasunduan, pumasok na nga kami sa loob ng mall. Nakailang ikot at lakad pa kami sa unang palapag ng mall dahil wala kaming mapili sa dami ng resto na nando'n. Nakakatamad naman, napakadaming tao pa rin kahit weekdays, kahit saan kami tumingin ay mayro'ong nagtatawanan at nagkakasiyahan. Turo doon, turo dito, si Luke na todo ang pagrecommend sa mga nadadaan naming kainan, panay lang ang ngiwi namin ni Annie dahil puro ang sakit sa bulsa ng mga pinagtuturo nito. Ilang minuto pa nang mapadaan naman kami sa isang kumpol ng estudyante ay biglang nag-iba ang timpla ni Annie. Paano ba naman, halatang taga ibang school ang mga estudyanteng nakatambay sa open cafe na nalakaran namin pero kilala pa rin ng mga ito si Luke. Nakauniporme rin ang mga ito, pencil skirt with long sleeves na may malalaking ribbon. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa mga hitsura nila, halata namang may pera ang mga ito dahil sa mga nag-gagaraang designer bags sa mga braso nito pero...grabe ang hitsura ng mga make-up nila, masyadong strong ang approach, medyo off shade ata? Hindi ako gano'n kaexpert pagdating sa make-up pero alam kong magkaiba ang kulay ng mukha nila sa leeg nila. Habang kami'y magkakasamang nakatayo nila Annie at Luke ay parang agos ng dagat na rumagasa ang mga ito patungo sa kinatatayuan namin. At heto na nga, Para kaming inanod na lang bigla palayo kay Luke. Napanganga pa ako nang halos pmapunta na kami sa likuran ng mga ito, sila na ngayon ang na sa harapan ng nobyo ni Annie. "Annie, okay ka lang?" alala kong tanong rito nang bahagya itong matulak palayo. Kaagad ko pang nilingon kung sinong gumawa nito ngunit nakita ko nang pinagkakaguluhan si Luke sa sulok. "O-Oo ate...ayos lang ako.." sambit nito habang pilit ring tinatanaw si Luke sa hindi kalayuan. "Mygad! It's him right?! that handsome basketball player from St. Ford?! Kyah!" "It's really him huhu" "Luke, where's your captain Shawn?" "how about the twins? Seth and Kean? I wanna see them" "Gosh! Can we have your number? You're so pogi pala sa malapitan" Tilian nung apat na babaeng estudyante, para silang mga bulateng inasinan dahil sa hindi nila pagkakamayaw. Hindi mapakali ang mga ito. Ang ingay nila sobra. Pinagtitinginan na nga kami ng iba pang mga tao sa mall dahil parang hindi sila nahihiya sa inaasta nila. Hindi ba nila nakikitang kasama ni Luke ang girlfriend nya? HETO, OH. Si ANNIE. Humugot pa ako ng malamin na buntong hininga saka hinigit ang pulsuhan ni Annie. Hindi ko 'to kayang panoorin lang, "Ate...teka! Anong gagawin mo?" Natatarantang tanong nito dahil hinila ko na ito sa braso. Alam kong naiilang rin siya sa mga nanonood samin ngayon dahil sobrang dami na talagang nakahinto para tingnan ang mga ginagawa ng mga babaeng 'to kay Luke. At para sabihin ko sa inyo, mall 'to! Literal na nasa harap kami ng isang open cafe at nakaharang sa mga taong may balak kumain. "Hindi ba't nobya ka nyang si Luke? Anong ginagawa mo't hinahayaan mong dumugin siya ng mga babaeng 'yon?" irita kong saad sa mukha ni Annie. Mukhang hindi kaagad nagproseso ang mga sinsabi ko sa kanya, ang salitang nobya na lang ata ang nagpapaulit-ulit sa utak nya ngayon. Bakas kasi sa mukha nito ang pagkagulat, tuwa at mumunting takot. Feeling ko ay iniisip nyang madi-dissapoint ako sa kanya kapag nalaman kong may nobyo na siya. "Annie?" tawag ko sa pangalan nito saka ito tinitigan. Kitang-kita ko ang pag galaw ng itim ng mga mata nito, para bang hindi niya alam kung saang lupalop siya huhugot ng salitang isasagot sakin. "Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Luke...kaya naman kunin mo na ang nobyo mo" ngisi ko. Pagkasabing-pagkasabi ko pa lang no'n ay kumawala na ang malapad na ngiti sa mukha nito. Para 'tong nabuhayan bigla. "Akong bahala ate!" sigaw pa nito saka hinawi ang buhok niya. Kaagad itong naglakad papunta sa pwesto nila Luke, sumunod naman ako. "Excuse me" malakas na sigaw ni Annie sa gitna nung mga babaeng nagkakagulo. Natanaw ko pa si Luke na nakahinga ng maluwag nang makita si Annie na papalapit sa kanya. "...And who are you?..." mataray pang lingon nila kay Annie ngunit natigilan sila nang makita ito. Sino ba namang hindi matitigilan sa ganda ng kapatid ko? Marahang naglakad si Annie sa kinatatayuan ni Luke saka ngumiti sa mga babaeng nakatitig sa kanya. Inilagay pa niya ang mga umaalpas nyang buhok sa likod ng tenga nya na mas nakapagpanga-nga sa mga babaeng tuod. "Can y'all stop bothering my boyfriend? Kakain pa kasi kami at masyado na kaming nade-delay dahil sa mga walang kwenta nyong pinagsasabi, okay?" ngiti pa rin Annie sa mga ito. Halatang nagulat ang mga ito dahil hindi sila makapaniwala sa mga naririnig nila. Well, kokontra pa ba sila? Kitang-kita naman na match si Annie at si Luke? Tikom bibig lang ang mga ito at para bang nagpapakiramdaman kung sino ang sasagot sa sinabi ni Annie, maya-maya'y nakita ko nang humakbang yung isa sa kanila at akmang tatapunan ng drinks si Annie, nagmadali kong sinanggi ang kamay nito saka inikot patalikod. "A-AHH! ARAY!" sigaw nitong babaeng may pearl clip sa buhok. Halos magkagulo ang mga kasamahan nito nang makita ang kaibigan nilang hawak ko ngayon. "Hey! Stop! Sino ka ba?!" maarteng sigaw nung kasamahan nitong blonde ang buhok. " Bitiwan mo siya!" sigaw pa ulit ng isa sa mga ito pero sina Luke at Annie lang ang nilingon ko. Mukhang nagulat sila sa ginawa ko, "Ate.." bulaslas pa ni Annie pero hindi ko pa rin kasi mapigil ang inis ko nang makitang tatapunan dapat siya nitong babaeng 'to. Mas nadiinan ko tuloy ang pag hawak ko sa braso nitong nakapilipit. Sumigaw pa ito na para bang naiiyak na, alam kong nagbubulungan na yung mga nakiki-usyoso rito kanina pa. Gusto pala nila ng palabas, edi heto. Nang makita kong may papalapit ng guard samin ay binitiwan ko na ito pabato sa mga kasama nito. Mangiyak-ngiyak pa itong tumitig sakin habang nanlilisik ang mga mata. "Y-You'll pay for this!" sigaw pa nito saka inayos ang sarili. Napangisi na lang ako. Nakita kong naglalakad na yung guard kasama ng isang staff ng mall ata 'yon dahil naka-uniform ito katulad ng mga dumadaang nagtatrabaho, para silang referee na aawat sa isang match. Napatawa na lang ako sa naisip ko, "Ma'am? May nakapagsabi saming may kaunting argumento sa grupo nyo. Ano po bang problema?" pasimula nung guwardiya na nakahinto na sa pwesto namin. Ang kasama nitong isang staff ay nag-uumpisa nang paalisin ang mga nagkukumpulang tao dahil nakakaabala na sa mga dumaraan, "It's her f*****g fault! She harrased me! See?!" biglang sigaw nung babaeng pinilipit ko yung braso, ipwinesto pa nito ang braso nito paharap do'n sa guard. " Totoo ba Ma'am?" tanong pa nung guwardiya, Gusto kong humalakhak dahil feeling victim ang isang ito, siya kaya itong muntik na makasakit ng tao! Anong gagawin nya kung naibuhos nya talaga yang mainit na kape sa kapatid ko? Ano bang ineexpect nyang gawin ko sa kanya? Tsk. Una pa lang naman ay sila na talaga ang nanggulo samin, sila ang unang nang harass kay Luke. Tama bang dumugin yung tao dahil lang sa gwapo ito? Paano kung sila ang ginanon? Porke ba lalaki si Luke bawal na siyang magreklamo at mailang? Nako! Napansin ata ni Annie'ng iba na ang hitsura ko nang balingan ako nito, sasali pa sana siya sa argumento ngunit humakbang na si Luke upang depensahan ako. "That's not true...", "tatapunan sana ng drinks nyang babaeng yan ang girlfriend ko pero pinigilan lang siya ni Ate Red by holding her", "What if natapunan nya talaga ang girlfriend ko? That's a f*****g hot coffee." kalmadong anas ni Luke rito, tatango-tango naman yung guard na bumaling sakin saka sa kabilang grupo. Kainis naman, Gusto ko sila bigyan ng tig-iisang suntok sa mukha. Napaka-aaarte, bakit lahat sila nagsisi-iyakan eh isa lang naman ang sinaktan ko sa kanila? "Gano'n naman pala" anas pa nung guard."Kung gusto niyo magdemandahan ay kayo ang bahala, pero kung wala na kayong problema ay magtungo na kayo sa kaniya-kanyiang sadya rito sa mall...para naman hindi ho tayo nakakaabala", diin pa ni manong guard sa apat na kababaihan sa tapat namin. Nanlilisik ang mga mata nila, kanya-kanya silang labas ng iphone at nagpipindot dito. Paki-elam ko ba, kahit tumawag pa sila ng abogado nila, kaya ko ang sarili ko ano. Nakakaurat. Grabe, kuhang-kuha nila 'yung inis ko. "Sige ho, papalampasin ko yung ginawa nila sa KAPATID ko at sa NOBYO ng KAPATID ko kung hihingi sila ng tawad ngayon din", seryoso kong anas sa mga ito saka binalingan yung guard. Kitang-kita ko ang pagbabago ng mga hitsura nito, parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Anong akala niyo? Gano'n na lang 'yon? Tsk. "O-Oh, gano'n naman pala eh...humingi na kayo ng tawad mga iha! Mahiya kayo sa magandang dilag na 'to" uutal-utal pang sigaw ng guard sa kanila matapos ko itong ngitian. See? "No way!" "Yeah! There's no damage done here! are ya blind?" "Over my dead body. Mas gugustuhin ko pang magbayad ng fine kaysa magsorry sa kanila", kani-kaniya nilang maaarteng sigaw kaya natawa ako. Anak mayaman nga pala sila, baka hindi uso ang magsorry sa kanila. Tumindig pa ako ng ayos saka nagcross arm bago tuluyang nagsalita, "Madali akong kausap. Then OK, pay us the amount of not less than One hundred thousand pesos (P100,000.00) for the emotional distress that you caused to my sister and her boyfriend, under Republic Act No. 9262, it is mandated to fine you that much since it'll require us to go to psychological counseling or psychiatric treatment." walang gana kong paliwanag na nakapagpatikom ng bibig nila, ang kaninang pagtatype nila ay nahinto rin. "You guys don't know what you did?..." mangha ko pang bulaslas saka isa-isa itong tinitigan. "We're peacefully walking, naghahanap ng makakainan...and there you are...biglang boom!" muwestra ko ng kamay ko na parang ginagaya ang pagputok ng isang lobo. "Ya'll ganging up that man, which is my sister's boyfriend." turo ko pa sa naguguluhang si Luke. "Kung hindi nyo alam, that's what you call harassment and invasion of privacy. Why are you taking pictures of him without asking his permission? That's sick." asar na singhal ko sa mga ito. Kitang-kita ko ang pangangasim ng mukha nila dahil tama ang sinabi ko, ayaw nila itong tanggapin sa halip ay sila pa ang galit. "Ate...hayaan mo na...ayos naman na kami ni Luke" lapit sakin ni Annie nang mapansing wala na talaga ako sa wisyo. Biglang tumahimik ang paligid, walang sino man ang gumagawa ng ingay bukod kay Annie at Luke. Pati ang guwardiya ay naghihintay lang ng hudyat upang gumawa ng desisyon, "Ate Red...I'm really sorry about this", "let's just eat, okay?" pamimilit rin ni Luke. Dalawa na silang nakaalalay sa magkabila kong gilid, marahan nila akong hinihila palayo do'n sa apat na babaeng kulang na lang ay paputukin ko ang mga labi dahil sa sobrang asar ko. Napabuntong hininga na lang ako saka tumalikod sa mga ito, nagsimula na akong maglakad palayo sa lugar na 'yon, tinanggal ko ang pagkakahawak sakin nung dalawa, kahit naririnig ko ang pagtawag sakin nung guard ay wala na akong pake dito at sa reklamo nung apat na 'yon o nino mn, hindi ko rin tatanggapin ang bayad nila dahil paniguradong ipapakulong sila. Biglang bumagsak yung mood ko, sa totoo lang. Rinig ko naman ang mga naging yabag sa likuran ko kaya alam kong sumunod na sakin sila Luke at Annie. Halos kalahating minuto pa kaming nagpalakad-lakad makalayo lang sa unang palapag at sa mga taong nando'n, sa sobrang pangit rin ng timpla ko ay hindi ko na namalayang nakapili na pala kami ng resto, tuloy-tuloy lang kasi ang hakbang ng mga paa ko. Saka ko lang din napansing nakaupo na pala ako, nang libutin ng mata ko ang paligid ay na sa isang closed room reservation na kami. Hindi ko alam kung ano at saang resto 'to. Ganito kasi ako, kapag badtrip na ako ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. "Ate...hindi ka pa rin ba okay? Umorder na si Luke ng makakain ohh" yugyog sakin ni Annie kaya naman nahimasmasan ako. Kita ko ang pag-alala sa mukha nito. Mukhang natakot siya sa ginawa ko kanina. Alam kasi niyang kaya kong makipag-away kahit na kanino basta tungkol sa kanya. "Sorry...ang plano pa naman ay magbobonding tayo nila Luke...mukhang nasira ko ata" tawa ko pa ng marahan pero mas lumungkot ang ekspresyon nito. "Salamat ate...", "lagi ka na lang nandyan para sakin" bulong nito pero rinig ko pa rin. Natigilan lang kami nang dumating na si Luke kasunod yung mga crew na may bitbit ng pagkain namin. "Kumain na lang muna tayo, hmm?" nahihiyang suhestiyon pa nito saka tumabi sa gilid ni Annie. Tumango na lang ako. Nag-umpisa na kaming kumain, tahimik lang kaming tatlo dahil walang gusto mag-open up nung nangyari kanina. Ewan ko ba, hindi naman talaga maiinitin ang ulo ko. Nahihiya pa nga ako kapag masyado akong napapansin ng mga tao sa paligid ko pero kanina, parang wala akong paki sa sasabihin nila, gusto ko silang bigwasan isa-isa. Natutop ko na lang ang sarili kong labi, hinayaan ko na lang kumain ang gutom kong katawan, bahala na. Natapos kaming kumain nang hindi manlang nag-uusap. Naiilang na ako. Nag-iba naman na kahit papaano yung pakiramdam ko kasi nakakain na ako, napag-isip-isip kong mali rin yung pagiging bayolente ko kanina. Pero hindi ko naman kasalanan ang lahat ng iyon hindi ba? Ksalanan 'yon ng mga off-shade bitches na 'yon e, Huminga pa ako ng malalim bago ko sila hinarap. "Um...I'm sorry", usal ko na ikinahinto ni Luke at Annie. "Hindi ko dapat pinalala yung situation, I know I can handle that better pero naunahan ako ng inis ko, pasensya na", lintaya ko sa mga ito. Ngumiti lang si Luke at umiling-iling. "We're thankful kasi ginawa mo 'yon...you're only protecting Annie", "and me..I guess" nahihiya pa nitong sabi. Natawa naman ako dahil sa sinabi nito. Siya? Prinoprotektahan ko? Asa. Si Annie pwede pa, Saka ayoko lang nung mga inasta nung mga babaeng 'yon kanina. "Huwag ka ngang madrama dyan ate! Huhu...kainis 'to...akala ko hindi mo na kami kakausapin" hikbi ni Annie sabay yakap sakin. Natatawa ko itong hinarap, "Pwede ba naman 'yon? Bonding day kaya natin 'to" ganti ko rito. "can I get a hug too?" biglang singit ni Luke, sabay pa kaming napalingon ni Annie rito at nagsabing 'che'. Masaya kaming nagtuloy sa paglilibot ng mall pagtapos naming kumain, nagtungo kaming sunod sa department store at binili lahat nang na sa listahan na ginawa ko. Sa sobang dami ng napamili naming gamit sa bahay at kasama na rin yung groceries ay parang hindi na kasya sa sasakyan ni Luke, ang ginawa na lang namin ay pinahataid itong lahat sa address namin. Sasama naman daw samin si Luke pauwi kaya naman ayos lang, makakapag-ayos pa kami ng bahay. Hindi ko pa nagagawa ang pakay ko ano. Natapos ang pamimili namin ng mapayapa kahit na wala man lang alam na kahit anong gamit sa bahay itong Luke, hindi ko alam kung bano ba siya o super yaman nya lang rin talaga. Kahit walis tambo kamo ay wala siyang ideya, hindi pa raw siya nakakakita non kaya naman kasama yun sa binili ko, para saan? Pagwawalisin ko lang naman siya sa bahay namin. Naging mabilis ang byahe namin pauwi, kung ano-ano lang rin ang napagkwentuhan namin sa sasakyan habang nagmamaneho si Luke. Hindi na sila naiilang katulad kanina, panay na ang tawa nila at kulitan. Nakakatuwa rin naman kahit papaano. "Ate Red, ipapasok na ba namin 'tong mga furnitures sa loob?" tanong ni Luke nang dumating na yung truck sa harap ng bahay namin. "Oo, nailabas ko na naman lahat ng lumang gamit namin" sambit ko pa, natigilan lang ako nang hindi ko matanaw si Annie sa likod nito. "Si Annie ba ang hanap nyo? May pupuntahan lang daw siya saglit eh" saad nito nang mapansing naglilibot ang mata ko. Saan naman kaya pumunta ang isang 'yon? "Gano'n ba? Sige, paki-pasok na lang nyan...teka...sure ka bang pwede kang magbuhat? Eh, mukhang hindi ka manlang pinapadapuan ng langaw sa inyo ah?" ngisi ko pa na ikinanguso nito. "I can do this much..." nguyngoy pa nito saka tinulungan yung mga trabahador na maglabas ng mga gamit. "Baka sabihin mo kay Annie'y inaapi kita!" pahabol ko pang sigaw nang makapasok na ito sa loob kasuong yung trabahador bitbit yung kulay pink na sofa. Natatawa ko itong tinanaw mula sa kinatatayuan ko, chinicheck ko pa kasi yung list, baka may kulang. Nang makitang kumpleto ang lahat ng pinamili namin ay pumirma na ako sa mga ito at nag-tip. Lumipas ang mahabang oras ng paglilinis at kulitan kasama sina Luke at Annie ay natapos naman ang araw ko ng maganda, nang tanungin ko naman kanina kung saan si Annie nanggaling ay sabi lang niya'y sa tabi lang. Hinayaan ko na lang ito dahil baka nga lumabas lang, After naming magpaganda ng bahay ay para na ulit itong bago, may paminsanang ko pang pinagwawalis si Luke kaya panay ang tawa naming tatlo. Hindi man lang kasi nito makuha ang mga kalat sa sahig at panay ang urong nito hawak ang dustpan. Pinagluto ko rin ito nang makakain dahil ginabi na ito sa bahay. "Uuwi ka na bang talaga? Hindi ka ba napagod? Kung gusto mo'y magpahinga ka pa ng onti...pero bawal ka matulog dito ha?" anas ko pa kay Luke, nakatayo na kasi ito sa pinto at handa ng umalis. "Ate naman..." nguso pa ni Annie sa sinabi ko. "Ano? Alangan dito matulog yan? Lalaki pa rin 'yan no" nguso ko rin dito. Narinig ko pa ang paghalakhak nilang dalawa, "Ate Red...thank you but I'll go home na lang, hinahanap na ako ni Mom" sambit nito, maka-nanay pala ang isang 'to. "Gano'n ba? Mag-ingat ka...saka pala huwag ka na mag-ate...eighteen lang rin ako" anas ko na ikinalaki ng mata nito, "W-What?" utal pa nitong saad. Palitan ang tingin na ginawa nito samin ni Annie, si Annie naman ay pa ngisi-ngisi lang sa tabi ko. "Sabi ko magkasing edad lang tayo" pag-uulit ko pa ngunit mukhang hindi pa rin nagpoproseso sa utak nya ang mga sinabi ko. "P-Pero...babe diba ate mo siya? I thought she was twenty-five or something.." baling pa nito kay Annie na grabe na ang tawa ngayon. Kumunot kaagad ang noo ko nang marealize ang sinabi ni Luke. "Sinasabi mo bang mukha akong matanda?" inis na sambit ko rito, nakita ko pa ang pagkataranta nito. "N-No! Ofc not!...I thought you were older because you're so mature and...disciplined..and you were like her parent..I-I guess.." pahina ng pahina nitong sabi. Dito na kami natahimik. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ewan ko, parang hindi kasi compliment ang dating nito sa sakin. I mean, yeah. I'm proud that he's thinking of me as a grown up but... there's something in me na nagsasabing... I'm supposed to be a teen... I shouldn't be doing those adult roles... I should be having the best of my life as a teen... I should be growing up without worrying about the world... yet I don't have the option, to begin with. Wala namang mali sa sinabi ni Luke, oo, hindi ayon sa edad ko ang kilos ko. Isang taon lang ang tanda ko kay Annie pero kung ituring ko pa rin ito ay bata...nasanay akong ako ang tumatayong magulang samin. I think I'm just a bit jealous. Ewan ko. "T-Tama na nga...umuwi ka na...baka hinahanap ka na ni Tita" pag-iiba na lang ni Annie ng usapan. Nagpaalam na si Luke pagkatapos non. Pumasok na rin kaming dalawa ni Annie sa loob na para bang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD