New recruit

3633 Words
Ang isang linggong bakasyon ko ay naglaho na lamang ng parang bula, biro lang. Naging productive naman ang mga araw ko, simula nung lumabas kami nila Annie at Luke, ang continuation ng pag-aayos namin ng bahay ni Annie, pag-renovate namin ng kitchen pati ng sala, saka ang paghahanda ko para ngayong araw. Ngayon kasi ang simula ko sa araw ng trabaho, medyo kabado pa ako pero excited rin naman. Parang ang bilis ng araw ano? Hindi mo talaga mapapansing tumatakbo ang oras dahil sa dami na rin ng mga pinaggaga-gawa natin sa araw-araw. Humarap na akong muli sa salamin saka sinuri ang kabuuan ko, tinignan ko pa ang ang suot kong highwaist na trousers, kulay khaki ito at tinernohan ko rin ng isang kulay khaki na blazer, pinalooban ko ito ng dark brown na single strap spaghetti sa loob. Pinasuot rin sakin ni Annie itong heels nya. Kaonting make-up at voila! Ready na ako! Mag-isa na lang rin naman ako ngayon dito sa bahay dahil kanina pa naunang pumasok si Annie, sinundo ito ni Luke rito. Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko at nakitang almost 8 am na kaya naman nagmadali na akong umalis. Nang makarating ako ng kanto ay nagtawag kaagad ako ng tricycle at sumakay na patungong labasan, saktong pagbaba ko ay nakaabot pa ako sa pang alas-otsong byahe ng bus kaya patakbo akong sumakay rito. "T-Teka manong...." habol ko sa hininga ko nang makapasok ako sa loob ng sasakyan. Halos yumapos na ako sa pole na nakadikit sa upuan ng driver dahil sa sobrang pagod. Tinitigan pa ako nito na para bang awang-awa sakin. Grabe naman manong, chineck ko pa ang kabuuan ko at mukhang presentable pa rin naman ako para sa unang araw ko sa trabaho. Muntik na! Muntik na akong pagpawisan ng matindi. "Bayad ho..." dagdag ko pang sambit saka isinukbit ng ayos ang tote bag ko, kinuha naman nito ang bayad ko kaya nag-umpisa ng libutin ng mata ko ang laman ng bus. Natutop ko pa ang pang-ibabang labi ko nang mapagtantong puno ito, marami rin ang mga nakatayong pasahero, karamihan din sa mga ito ay mga may edad na. Nakisiksik na lang ako papasok dahil wala na naman akong magagawa kung walang bakanteng upuan, nang marating ko ang bandang gitna ng bus ay natigilan ako. May bigla kasing lalaking tumayo mula sa upuan nito at tinitigan ako. The heck? "M-Miss...dito ka na" bulaslas pa nito kaya kumunot ang noo ko. Ako ba ang kausap nito? Linga ko pa sa paligid ngunit sakin din nakatingin ang mga katabi kong nakatayo. Napangiwi pa ako ng bahagya, "Hindi na..si nanay na lang oh" turo ko don sa katapat kong matandang nakatayo rin. Nakita ko pa ang pagbagsak ng ngiti nito dahil sa sinabi ko. Ang kapal naman ng mukha ko kung kukunin ko 'yan, ang dami-daming priority dito sa bus, kaya bakit ako? Mukha ba akong may sakit? Tsk. "Hay! Salamat, Hija! Namigay rin sa senior!" parinig pa nung matandang babae habang agresibong inupuan yung bakante. Wala na ring nagawa yung lalaking nag-alok sakin ng upuan dahil inagaw na yung upuan niya nung matanda. Nakita ko pa ang muling panlulumo nung lalaki, kasalanan naman niya hindi ba? Bakit kasi inaalok pa niya kung ayaw naman pala niyang paupuan 'yon? Pagtapos no'n ay sunod-sunod na rin ang nagpaparinig na matatandang nakatayo sa mga kabataang nakaupo sa bus. Wala ng nagawa ang mga ito kung hindi magsitayuan kaya naman puro kabataan na ang mga nagperform ng standing ovation. Gusto ko pa sanang tumawa dahil kahit ayaw nung iba mag-offer ng seats nila ay no choice na talaga. Tatamaan ka na lang talaga ng hiya. Pero hindi ba dapat ay gano'n naman talaga? Ibig kong sabihin ay hindi ba dapat na given na priority ang mga seniors at pwd? Equality siguro ang na sa kokote ng mga 'to. Ang hirap talaga maniharan sa earth. Ilang minuto pa ang naging byahe ay nakarating na rin ako sa Cleo company. Pagkahinto ng bus ay kaagad na akong bumama rito, tumakbo pa ako papasok saka sumakay ng elevator, medyo masikip pa nga dahil anong oras na rin. Ang dami kong kasabay na empleyado, ang karamihan ay nakatagilid na upang makapasok pa yung iba. Nagmasid-masid pa ako sa loob at nakitang grabe ang mga pormahan ng mga empleyado dito, hindi ko alam kung mga modelo ito oh ano. Imagine, itong katabi ko, kitang-kita ko mula sa salamin ng elevator ang overall balenciaga jumpsuit nitong suot. Yung presyo ng damit nya ay halos katumbas na ng isang taon na pang gastos namin ni Annie para mabuhay. Nakakaloka. Itong lalaki naman sa gilid ko ay naka-summer collection suit ng Prada, napamaang na lang ako dahil kung susumahin, napaka laki ng perang ginagastos nila sa damit nila! Akala ko ay wala ng magpapagulat pa sakin ngunit halos lumuwa ang mata ko nang makita ang black-fur coat nung isang lalaki sa may bandang gitna namin. Isa ito sa mga limited edition ng Cleo na kaparehong-kapareho ng suot ni David nung umalis kami papuntang Pampangga. Ang sabi pa ni David ay kulang pa ang kalahating milyon para bilhin ang designer clothe niya na 'yon. What the hell. Sino namang matino ang bibili ng gano'ng kamahal na damit?...Sa tingin ko ay si David...pero kayang-kaya naman kasi nitong bumili ng gano'ng kamahal na damit. Kung ako 'yan ay kailangan ko pang magbenta ng lamang loob para lang makabili. Kasabay ng pag-iisip ko ay ang siyang pagtunog ng elevator. Parang mumunting along naglaho ang laman na pasahero nito, nagpatianod na rin ako upang mabilis akong makalabas. Ang alam ko ay mayroong naka-station sa mga bagong recruit na model sa tenth floor kaya naman nandito ako ngayon. Nang libutin ng paningin ko ang paligid ay grabe ang pagkamangha ko rito. Napakaganda, sobrang sarap sa mata ng disenyo ng buong palapag, kitang-kita mo ang pagiging classy nito, nahahati sa mga kwartong hindi na kayang mabilang ng mga mata ko. May mga round tables malapit sa hallway at coffee section sa pinakang-dulo. Napansin kong wala masyadong tao ang nandidito, as in wala. Kung nung unang punta ko rito ay ang daming naglalakarang model at businessman, ngayon ay halos wala akong makita. Sobrang tahimik ng paligid at hindi ko alam ang papasukin kong kwarto rito kaya naman nag-umpisa na akong maglakad saka nagtungo sa information desk malapit don sa kaninang elevator na sinakyan ko. Ang sabi sa akin sa email ay may taong magsasabi ng gagawin ko kaya naman kailangan kong maghintay. Narating ko yung counter saka tinanaw ang tao nito, nakahinga ako ng maluwag nang may makitang papalapit na sakin, galing ito sa ibang direksyon kaya pala hindi ko kaagad ito nakita. "...Excuse me, I'm Red Esteban. Ako pala yung new hire model, gusto ko lang itanong kung saang room ako naka-assign today since ngayon ang unang araw ko sa trabaho." anas ko saka ngumiti rito. Mukhang nakuha ko naman ang atensyon nito dahil kaagad ako nitong nilingon matapos pumwesto sa tapat ng computer. Seryoso ang mukha nitong tiningnan ako, kitang-kita ko ang pag-arko ng kilay nito saka nito pinasadahan ang kabuuan ko sabay bumuntong hininga. What? Naguluhan pa ako sa inasta nito ngunit pinilit ko paring ngumiti rito. "ah...hello?" tawag ko pa ulit rito dahil mukhang wala itong balak sumagot. Narinig ko pa ang pagpiltik nang dila nito nang magsalita ulit ako. Para bang may gusto itong sabihin ngunit nakatitig lang ito sakin, Ano bang problema nya? Nang titigan ko ito ay halata namang mataas ang posisyon niya dito dahil sa damit na suot niya, nakablazer ito ng black at isang pencil skirt, may pin pang nakasabit sa blusa nito, kulay gold ito na hugis baliktad na letter C, parang initials ng Cleo. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali kanina dahil kulang na lang ay tumirik na ang mga mata nito habang magkadugtong ang mga kilay. Medyo naiilang na rin ako dahil kanina pa ako nakatayo dito sa harap ng counter, magtatanong pa sana ulit ako ngunit umangat na ang kamay nito saka ipinatong sa keyboard sa tapat niya. Nagtype-type pa ito ng kung ano habang pasulyap-sulyap sa gawi ko. Masisiraan na ata ako. "Anong department ang nag-hire sayo?" masungit nitong tanong, nagulat pa ako dahil biglaan ito. Umayos pa ako ng postura saka ito sinagot. "Ahh--" "Nasaan ang portfolio mo?", "Na-take mo ba lahat ng screening bago ka magproceed dito?" matigas na putol pa nito sa pananalita ko. What the hell... Ngumiti pa rin ako saka ito muling sinagot kahit na ang totoo'y hindi manlang ako nito pinagsasalita. "Ano kasi--" paunang sabi ko pa ngunit heto na naman siya, "Ano?" asar na naman nitong putol sa pananalita ko. Hindi ko na ito pinansin at hinayaan na lang, ngumiti pa rin ako kahit na ang totoo ay mapapatid na ang labi ko dahil sa sobrang peke ng ekspresyon ko. "Wala po akong dinaanang screening..." bulaslas kong bigla, pagkasabi ko pa lang no'n ay mas lalong sumama ang mukha nito. Lumayo ito ng bahagya sa harap nitong computer at bumaling sakin. Ngayon ay mas lalo ko ng nakita ang pagmumukha nito, pusta ko ay na sa 30's na ito. Para akong tinamaan ng lintik nang magtama ang mga titig namin, ang kaninang pagkibot-kibot lamang ng labi nito ay nauwi na sa isang mahabang sermon, "So anong ginagawa mo rito? Anong akala mo? Basta-basta ka na lang pwedeng dumiretso dito ng hindi manlang dumadaan sa hiring process ng Cleo? This company is one of the most famous fashion company in the whole world yet you're here, claiming that you're a model?" pagkatapos nitong sabihin 'yon ay sinuma pa nito ang hitsura ko mula ulo hanggang paa. Napalunok pa ako dahil medyo tinamaan ako ng hiya, hindi ko alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi nito. "Hindi pwedeng ganda lang ang meron ka! Kailangan mo ng class, magandang background, connections, at pera. While looking at you...I can see that you don't have anything that I've mention. So paano ka nakapasok dito? Sinong nagrefer sayo? Your face is not everything. Hindi lang mukha ang kailangan namin dito." mariin nitong sambit habang nakatitig sakin. Bahagyang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi nito. Imposible nga namang matanggap ako basta-basta sa isang company na tulad nito. Kahit siguro ako'y hindi maniniwala...nanliliit ako pero totoo naman talagang kinuha akong modelo... Kahit nahihiya ay nilakasan ko ang loob ko, inayos ko pa ang postura ko bago nagsalita kahit pakiramdam ko ay pipiyok ako ng wala sa oras. "Ito po yung message sakin ng secretary ni Sir Sean.." nahihiya ko pang saad saka pinakita ang telepono ko. Nang iharap ko rito ang email na galing sa sekretarya nito ay biglang natigilan yung babae. Halos manlaki ang mga mata nito saka inagaw ang telepono sa kamay ko. Kung kanina'y parang puputok na ito sa galit ay ngayon nama'y namumutla na ito. "I-Is this true? Where'd you get this?" galit pa nitong saad. "Totoo po 'yan!" madali ko pang sabi dahil mukhang hindi ito naniniwala sa sinasabi ko. "At bakit ka naman makakatanggap ng messages mula sa sekretarya ng P-President?!" singahal pa nito habang hawak pa rin ang cellphone ko. "There's no f*****g way. I'll call the guards immediately! Meron na namang nag-aambisyong maging modelo ng Cleo porke binayayaan lang ng hitsura." irita pa nitong dagdag, akmang kukuhain na nito ang na sa gilid na telepono ngunit pinigilan ko ito, "Pero totoo po ang sinasabi ko!.." sigaw ko pa. Parang nililiyaban ang loob ko dahil sa sobrang kaba nang mapagtanto kong mapapaalis kaagad ako ng Cleo nang hindi manlang nakakapag-umpisa. Sobrang pinagpapawisan na ako ngayon, pakiramdam ko ay katapusan na kaagad ito ng pangarap ko kung magkataon. "Galing po 'yan sa secretary ni S-Sir Sean...ang totoo nga po'y si Sir Sean ang nag-interview sakin nung mga nakaraan lang.." utal ko pang anas, balak ko sana itong kumbinshin gamit ang pangalan ni Sir Sean ngunit mas sumama ang hitsura nito. Halos magdugtong na ang mga kilay nito habang titig na titig sakin. "There's no.fucking.way. This is literally scam...there are several people and department that you will go first bago ka makarating sa sekretarya pa lamang ng President...and yet you're saying na CEO ng Cleo ang nag-interview sayo? Sinong niloko mo?", "...Ginto ka ba? Oh, delusional? Ako ngang chief, hindi pa nakikita ang mukha ng President, ang may-ari ng mismong company na 'to, tapos ikaw?" diretsa nitong sabi, kitang-kita mo ang galit sa tono nito kaya naman kinabahan na ako. Teka...bakit ba siya nagagalit? Totoo namang galing 'to sa secretary ni Sir Sean ah? Ano bang problema niya? "Hindi po ako nagsisinungaling...totoo po ang sinasabi ko" mahina ko pang sambit ngunit hindi ito natinag. Inangat na nito yung telepono sa gilid ng counter, narinig ko pa ang pagtunog ng dial tone nito. Para akong nanlumo bigla, pati ang mga tuhod ko ay nanghina sa ginawa nito. Hindi talaga siya naniniwala. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi ko saka kinalma ang sarili ko. Hindi ako pwedeng maging emosyonal ngayon, kailangan kong maka-isip ng paraan... Natigilan ako bigla nang mapansing nandoon pa rin sa ibabaw ng counter yung cellphone ko. Kinuha ko 'yon kaagad na ikinagulat nung babae do'n sa counter. Kaagad kong tinawagan yung number sa email nung secretary ni Sir Sean. Kung hindi ito naniniwala sa simpleng mensahe ay baka mapaniwala ko siya kung mayroon siyang boses na maririnig mula rito. Grabe ang kabang tumakbo sa dibdib ko nang marinig ang pag ring ng account ng sekretarya ni Sir Sean mula sa kabilang linya. Titig na titig yung babae sa telepono ko, kitang-kita ko ang pagtulo ng mumunting pawis nito sa noo. Kahit naman ako'y pinagpapawisan na rin. "What are you doing?" tukoy nito sa telepono ko, rinig na rinig mo ang galit sa tono nito. "...Papatunayan ko lang pong totoo ang mga sinasabi ko" sagot ko pa ngunit kumurba lalo ang mga linya sa mukha nito. Pareho kaming nagitla nang mag-turn red ang call button saka nag-umpisang tumakbo ang oras nito. Kaagad ko itong itinapat sa tenga ko saka bumaling do'n sa babae, naging sunod-sunod ang paglunok nito dahil sa ginawa ko. Kahit ako'y nagulat nang may sumagot ngang talaga mula sa kabilang linya. Parang biglang natuyot yung lalamunan ko, gustong bumati muna ngunit wala talagang lumalabas sa bibig ko. "Hello, thank you for calling Cleo Company. This is Zein, how may I help you?" pareho pa kaming nagitla sa biglaang boses mula sa kabilang linya, nagkatinginan pa kami nung babae rito sa counter. Sumagot si Ms. Zein! "Good morning Ms. Zein...I'm Red Esteban, ako po 'yung kasama ni Sir Sean nung nakaraang linggo" pauna ko pang saad. Pakiramdam ko ay titilapon ang puso ko palabas ng katawan ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung tama ba ang mga pinagsasabi ko o ano. Mas lumala ata anxiety ko nung hindi ko na marinig ang boses nito sa kabilang linya matapos kong magpakilala. Ilang segundo pa yata ang lumipas bago ito tuluyang nagsalita, Phew! "I see, Ms. Esteban. I know it's your first day but you can't just ask for Mr. President anytime you want, his schedule is full--" "H-Hindi po! I mean hindi ko po siya hinahanap...iba po ang sadya ko" kamot ko pa sa batok ko dahil sa sinabi nito. Tinamaan ako ng hiya, hindi ko alam kung saan 'yon nanggaling. "Since you're newly hired I'll understand. Is there any problem? I know that there's someone who's assigned to train you today, hindi mo pa ba siya nakikita?" anas nito na alam kong rinig nung babae sa counter. Nang lingunin ko ito ay parang hindi na ito dinadaluyan ng dugo sa sobrang putla nito, napamaang na lamang ito sa mga naririnig. "...A-Ano po kasi...hindi ko pa po ata nami-meet" medyo naguguluhan ko pang sagot sa secretary ni Sir Sean. "What do you mean ata? You're supposed to be informed by the employee stationed there" ma-awtoridad na saad nito. Napalunok na lang ako nang maramdaman ko ang paglabas nung babae mula sa counter. Humakbang ito papalapit sa pwesto ko saka ako hinapit sa braso. Nang lingunin ko ang hitsura nito'y kitang-kita ko ang pagkataranta nito, nangingiwi ako nitong nginitian saka kinuha ang hawak kong telepono. "....Ma'am?" kabado pa nitong sambit saka tumitig sakin, hindi ko napigilang mapakagat sa labi nang higpitan nito ang hawak sa braso ko, tinitigan lang ako nito na para bang sinasabing 'ako na ang kakausap'. "And who's this? Aren't I speaking to Red?" rinig kong saad ni Ms. Zein mula sa kabilang linya. Kaagad akong binitawan nung babae saka dalawang kamay humawak sa telopono ko, yumuko pa ito na para bang bumabati saka ito nagsalitang muli. "I'm the Chief of staff assigned to the C-M department...I'm with Ms. Esteban right now" todo ang ngiti pa nitong sambit, lumayo pa ito ng bahagya sakin saka tumalikod. Hindi ko na tuloy masyado marinig ang boses ni Ms. Zein mula sa kabilang linya. Nakita ko pa ang pagbabago ng ekspresyon nito kada segundo kaya naman mas naguluhan ako. Hindi ko kasi alam kung ano na ang napag-uusapan nila, panay na rin lang ang tango nitong babae saka sagot ng 'yes, ma'am'. Paulit-ulit. Kitang-kita ko ang pagseryoso ng mukha nito nang lingunin nito ang gawi ko. Ang kaninang todo postura nitong hitsura ay halos mapalitan ng pangamba at pagkatuliro. Ilang minuto pa ang itinagal nung tawag, nagpaikot-ikot pa ito sa kinatatayuan nito saka ito ibinaba. Nag-umpisa na itong maglakad patungo sakin, tanaw ko ang mukha nitong punong-puno ng katanungan. Habang tutop ang pang-ibabang labi ay tumindig ito sa harap ko, iniabot ang telopono saka ihinilamos ang sariling kamay sa pagmumukha. Nakailang buntong hininga pa ito saka luminga-linga sa paligid. "I'll guide you to the training room asap" wala sa sarili nitong sambit. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay nito habang nakayuko. "..thank you?.." nasabi ko na lang nang maglakad na ito pauna, sinundan ko lang ito hanggang sa makarating kami sa pang limang kanto, sa tabi ng malaking painting ni Claude Monet na nakasabit sa marble wall ang hinintuan nitong kwarto. Malaki ang pinto nitong nakaarko kakabit ng pader. Natigilan lang ako nang bigla itong humarap sakin. "Dito ang assigned room para sa mga bagong modelo." matigas nitong anas saka tumalikod. Magpapasalamat pa sana ako ngunit dali-dali itong naglakad palayo nang hindi manlang ako nito nilingon. Tinanaw ko na lamang ang tuluyang paglaho ng pigura nito kasabay nang mga ibang nagdadatingang empleyado. Ngayon ay naiwan akong nakatayo sa malaking pintuan sa harapan ko. Humugot pa ako ng isang malalim na buntong hininga saka pinihit ang hawakan nito pabukas. Saktong pag-awang ng pinto ay tumambad sakin ang napakaraming matang tinatanaw ang kabuuan ko. Napakadaming tao... Nagkikislapang ilaw ang bumungad sa akin, mga babaeng ibang klase ang paghihitsura at hubog ng katawan, mayroon ring isang malawak na runway sa loob mismo ng kwarto. Sobrang laki ng loob, feeling ko ay bawat kanto nito'y may kaniya-kaniyang assigned na trabaho. Sa kabila kasi ng pagkakaroon ng runway ay mayroon ring studio type sa ikalawang pagliko ng kwarto, dito naka latag ang sandamakmak na mga camera at equipment para sa set o kaya'y photoshoot. Napalunok pa ako nang umarko ang isang kilay nung lalaking nakatindig sa gitna ng napakaraming tao. Nasa pinakang unahan ito, nakasuot ng isang pulang beret na tumerno sa pula nitong leather jacket, ang pang-ibaba nito ay isang hanggang paang palda. Medyo chubby pa ito kaya hapit ang dapat na maluwang nitong top. "And you are?" mataray nitong saad, tinitigan pa nito ang kabuuan ko saka nginiwi ang mapulang nguso. "I'm Red Esteban, newly hired model of Cleo.." mahina ko pang anas saka lumakad ng marahan patungo sa kumpol ng mga tao. Hindi ako mapakali, pakiramdam ko kasi ay bawat titig ng mga narito ay tumatagos sa kalamnan ko. "Newly hired? So it's true? That there are still bitches who climbed their way through connections?" sarkastiko nitong tawa, dahil sa sinabi nito'y nakitawa na rin ang mga naririto sa loob ng kwarto. Parang kinapos ako sa hangin nang marinig ang sinabi nito. Hindi ako makapaniwalang napakadaming makikitid ang utak rito... Akala ko'y tapos na ang sakuna ko mula sa unang empleyadong nakaharap ko kanina ngunit mayroon na namang kontrabidang lumitaw mula sa kung saan, "Okay!", "since it's your first day...I'll assign you for cleaning this whole studio! Ayos ba?" masaya pa nitong anas habang pumalakpak. Sa pagkamaang ko ay napabulaslas ako nang wala sa oras, "..A-Ako po? Maglilinis?" anas ko pa habang nakaturo sa sarili, natigilan pa ako nang mawala ang tawa nito't napalitan ng pagkayamot. "Aba! Sino pa lang gusto mo? Itong mga modelo ko? Ang kapal naman ng mukha mo?" sigaw nito na nakapagpagitla sa akin. Mga modelo nya? Ano pala ako dito? Nahinto na lang ako nang magsimula na silang magsitayuan at isa-isang umalis palabas ng silid, napaatras pa ako nang bigla akong tapunan nang isang basang mop, nang lingunin ko kung sino ito'y tumambad sakin ang isang babaeng kulay chesnut ang buhok, maikli lamang ang buhok nito na lumelebel sa balikat, masasabi kong maganda siya kumpara sa mga nandidito ngunit may hindi ako gustong pakiramdam nang magtama ang mga mata namin, Maliit ang ilong nito, mapupungay ang mata, at maumbok ang labi, halos magdugtong ang dalawa kong kilay nang mamutawi ang malaking ngisi sa labi nito. Kitang-kita ko ang paghagikhik nito nang tumama sa suot kong trouser ang basang mop na ibinato nito sakin. "Hey Director Riz! I'm hungry~" maarte pa nitong tawag sa lalaking nakapulang beret. "Gano'n ba sugar pie? Let's eat na! Nauna na ang iba" ganti nito rito saka ako binalingan ng tingin. "Gawin mo lang ng tahimik ang trabaho mo, maliwanag?" seryoso nitong saad kaya napalunok ako. Bago pa sila tuluyang lumabas ay sinipa pa ng mga ito yung mop papalapit sakin, What the hell...ganito ba talaga kapag first day sa trabaho?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD