Model

2526 Words
Napahipo ako sa likuran ko dahil sa biglaang pagkirot nito, nabitiwan ko tuloy ang hawak ko na mop. Kanina pa ako naglilinis rito sa loob ng studio, simula nang umalis ang direktor kasama ang mga modelo nito'y wala na akong nagawa kung hindi maglinis ng silid. Para naman mabilis rin akong matapos kung sakali, ano pa bang laban ko? Unang araw ko sa trabaho, wala pa akong kakayahang humindi sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil ayoko namang lalo nila akong pag-initan, ayokong mawalan agad ng trabaho kaya titiisin ko muna hangga't kaya ko. Maliit na bagay lang naman itong paglilinis kung tutuusin. Napatawa na lang ako sa naisip ko saka tuluyang pinulot ang mop mula sa paahan ko. Kinuskos kong maigi ang bawat kanto, sulok, at ilalim ng mga gamit, daig ko pa ang motor dahil sa bilis kong magpaikot-ikot sa silid. "..a-aray.." inda ko na naman sa likod ko. Badtrip naman, ang bata ko pa ngunit parang nirarayuma na kaagad ako. Lumipas pa ang ilang oras ay nanghihina akong napasandal sa pader ng silid hindi kalayuan sa may runway. Napatingin pa ako sa wrist watch na suot ko at nakitang alas dos na kaagad ng hapon. Ilang oras na ba akong naglilinis? Parang kanina lang ay paikot-ikot ako. Lumipas na pala ang oras ng tanghalian kaya pala ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Gustohin ko mang lumabas ay hindi ko pa natatapos ang kalahati ng studio. Pakiramdam ko ay kulang ang buong araw para linisin ito, sa dami ba naman ng parte nito ay sahig pa lang ay lugi na. Wala bang tagalinis ang CLEO? Imposible naman diba? I mean, sobrang yaman ng kompanyang 'to, paanong wala silang tagalinis? Hays. Napatingala na lang ako saka tuluyang tumayo mula sa pagkakahilig sa pader. Tama na siugro ang ilang minuto kong pag-upo sa sahig, baka mamaya'y maabutan nila akong walang ginagawa. Nagsimula na ulit akong magligpit, natapos na akong magmop ngunit mukha pa ring madumi dahil sa mga gamit na nakakalat sa paligid. May mga malalaking box na nakaharang sa daanan, buhol-buhol na cable wires, naglalakihang lamps, pati ang ibang mga damit ay nakatiwang-wang sa sahig. Napailing na lang ako sa pagkadismaya. Tikom bibig pa rin akong nag-ayos, maya't-maya pa akong napapalingon sa orasan ko dahil parang ang bagal ng oras, hanggang ngayon kasi ay wala pa kahit isa ang bumabalik dito sa studio. Ilang oras na ang nakalipas at sa tingin ko ay nauubos ko na ang mga kalat pero wala pa rin akong matanaw na modelo rito. "...madilim na ba?" bulaslas ko sa sarili nang mapansing alas-sais na ng hapon. Hindi ko alam kung may liwanag pa sa labas dahil closed room ito. Kahit sobrang laki nitong lugar ay wala manlang ni-isang bintana ang meron dito. Nalinis ko na ang buong silid ngunit wala paring bumabalik. Naisip ko pang maghintay ng ilang minuto dahil baka may nangyari lang, hindi naman ako pwedeng umalis na lang basta dahil wala pang sinasabi yung direktor na umalis ako. Nang muli pang umikot ang orasa'y hindi ko na natiis ang pagkabagot. Tumayo na ako saka kinuha ang bag kong nakapatong sa itim na upuan. Humakbang na ako papunta sa malaking pintuang pinasok ko kaninang umaga, lumingon pa ako sa buong silid, kitang-kita ko ang pagkinang ng bawat sektor nito. "...mukhang magaling ako sa paglilinis", biro ko pa sa sarili ko ngunit napatawa lang ako ng mapakla. Nang pipihitin ko na ang pinto'y bigla itong bumukas. Tumambad sa akin ang isang matangkad na babae, maitiim ang kutis nitong nagliliwanag nang tamaan ito ng ilaw mula sa loob ng silid. Naka box braid ang mahaba nitong buhok, makapal ang labi nito, mapupungay ang mata, matangos ang ilong at maganda ang hugis ng mukha. Nakasuot ito ng puting tube, habang naka-mom jeans ito na may malaking punit sa kanang binti. Nagulat pa ito nang makita akong nakatindig sa harap ng pinto. "You're still here?..." maang pa nitong tanong. Hindi ba ako dapat na nandito? Teka, nagtatagalog siya...mukha kasi itong foreigner kaya akala ko'y iba ang lenggwahe niya, "..ahh...oo?" sambit ko na lang sa sinabi nito. Napakamot pa ito sa batok saka luminga-linga sa likod nito. "Naglinis ka talaga?" usisa pa nito saka tinanaw rin ang loob ng studio. "...oo.." sagot ko muli pero parang nangunot lalo ang noo nito. "..just because the Director said to clean up, ginawa mo talaga? Newbie?" hindi makapaniwalang saad nito kaya natahimik ako. Hindi naman mayabang ang dating nito, mababakas mo kasi ang pag-aalala sa boses nito kahit na gano'n ang mga binitawan nitong salita. "Sinunod ko lang ang utos ng nakakataas.." mahina ko pang sambit, nakita ko ang paglalaro ng daliri nito saka ako tinitigan ng malamlam, "pero modelo ka diba?" inosente pa nitong tanong sakin. Hindi ko na maintindihan ang gusto nitong iparating kaya napabuntong hininga ako. "ano bang gusto mong gawin ko?" malumanay kong tanong dito ngunit tumikhim lang ito. Kinagat pa nito ang pang-ibabang labi saka ako tinitigan. Kahit mukhang matapang ang hitsura nito ay kabaliktaran ang pinapakita nitong kilos. Para itong masayahing bata na takot mapagalitan. "I'm Terry Belwood, nice to meet you!" bawing ngiti nito saka naglahad ng kamay, medyo naguluhan pa ako dahil sa biglang pagbabago ng mood nito. Kinuha ko rin naman ang kamay nitong nakalahad saka kinamayan. "Red Esteban..." tipid na ngiti ko. Kung iisipin, siya pa lang ang unang lumapit sakin at nagpakilala ng maayos sa buong araw. Sa palagay ko'y hindi naman pala lahat ng tao dito sa CLEO ay pare-pareho. May mabubuti rin naman...katulad ni Sir Sean at Ma'am Zein, napakabait nila kahit sobrang layo ng agwat ng posisyon nila sakin. "Nasaan na pala ang direktor at yung iba pang mga modelo?" biglang usisa ko nang maalalang papalabas na nga pala ako ng studio. Ang kaninang ngiti ni Terry ay napalitan ng bahagyang panlulumo. Ano na naman at nagbago na naman ang ekspresyon niya? "...ah...the others?" utal pa nitong sambit habang nililihis ang paningin mula sakin. "hindi na kasi sila bumalik, natapos ko naman ng linisin 'tong buong studio kanina pa" dagdag ko pa ngunit napalunok lang ito ng tuloy-tuloy. "...a-ah.." "....." Para itong naghahanap ng tiyempo. Ano bang dahilan at parang nauutal siya? "may gusto ka bang sabihin sakin?" tanong ko, umismid pa ito saka lumabi, "...I'm just here to check kung umalis na ba yung kaninang napagdiskitahan ni director, I know his behavior at lagi niyang pinapahirapan yung mga newbie kaya walang tumatagal sa CLEO na mga bagong recruit since ganyan nga..." paliwanag pa nito kaya natahimik ako, hinayaan ko lang itong magsalita, "...he's making new models to clean this f*****g massive hall and ditch them for hours, and the most annoying part is ibang hall ang pupuntahan nila for their shoot and runways, hindi yung nilinis ng new recruits but yung kabilang hall sa ibang floor ng CLEO" asar pa nitong dagdag, kitang-kita ko ang sinseridad sa bawat pagkwento nito. Kaya pala. Kahit anong hintay ko pala'y wala talagang babalik dahil ibang lugar na ang ginamit nila. Hah. Sa tingin ko'y hindi na napigilan ng mukha ko ang paglitaw ng inis rito, alam kong napansin iyon ni Terry. "I'm sorry...it's your first day yet..." paliwanag pa nito pero umiling lang ako. Wala naman siyang kasalanan sa mga nangyari ngunit hindi ko lang talaga mapigilang mainis. Parang ang lagay tulo'y ay naging ritual na 'yon para sa mga bagong recruit. Hindi lang pala ako ang nakaranas ng ganito. Okay lang naman sigurong i-gaslight ang sarili 'no? "Huwag kang mag-sorry, wala ka namang kasalanan" anas ko na lang, nakita ko namana ang pagliwanag ng mata nito. "I thought you leave already...kaya hindi ko na naisip na balikan ka agad...y-you're really pretty and look very rich kaya nag expect ako na hindi mo kakayanin maglinis" nahihiya pa nitong saad kaya natawa ako. Ano raw? Pretty? Rich? Maniniwala pa ako kung pretty, pero yung very rich...I don't know "Hah, ayos na ako...fyi, hindi ako mayaman...may hitsura lang" tawa ko pa, hindi naman sa nagyayabang ako pero totoo naman hindi ba? Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko mapigilan ang pagbungisngis ko, kanina lang ay inis na inis ako. Nakita ko pa ang paglaki ng mata ni Terry sa sinabi ko. "Wh..What? You mean, hindi ka anak ng isang conglomerate?" kunot na naman ang noo nito. Gulat ang mukha nitong nakatitig sakin. Nakakatawa talaga ang hitsura nito. "yup" pagsang-ayon ko na lang dahil pakiramdam ko'y bubulwak ang tawa ko ng wala sa oras. Hindi pa rin ito makapanaiwala. Pero may punto naman kasi siya, pure elite lang naman ang nakakapasok dito sa CLEO kaya naman nakakapagtaka talagang may low status ang nandito. Halos lahat ata sila'y malaking kompanya ang kapit kaya sila natanggap dito. "..I'm sorry! Hindi ko alam" sigaw nito kaya napahawak ako sa tenga ko. Medyo nagulat ako dahil sa tinis ng boses nito, "Hindi...ayos lang...hindi ko naman tinatago 'yon.." saad ko pa, nanghindi na ito magsalita ay naisip ko nang tumuloy sa pag-alis. Ngayong alam ko nang hindi na babalik pa ang direktor ay paniguradong tapos na ang shift ko, "Mauuna na ako...nice to meet you, Terry" Paalam ko pa rito, nakita ko ang pagkurba ng labi nito. "...are you going back tomorrow?" mahina pa nitong tanong kaya natigilan ako, naglalakad na ako palayo rito ngunit nahinto ako sa sinabi nito. Tumikhim pa ako ng hangin sandali saka ito sinagot. "...I am", "Modelo ako ng CLEO kaya naman babalik ako" ngiti ko rito, kitang-kita ko ang pag linawag ng mukha nito. "I'll be waiting for you then!" masaya pa nitong kaway sa akin, hindi pa naman ako nakakalayo sa pwesto nito ngunit grabe na ang pamamaalam nito kaya natawa ako. Tumango na lang ako rito saka tuluyang naglakad paalis. Nang makarating ako sa bandang elevator ay nakita kong muli yung kaninang chief sa may counter, ni-hindi manlang ako nito pinansin o kahit tinapunan ng tingin. Marami na rin namang nagdadaanang empleyado ngunit kahit isang modelo ay wala akong nakita. Luminga-linga pa ako bago sumakay ng elevator para i-check kung wala na nga ba talagang modelo ang natira dahil anong oras na pero mukhang sa iba nga sila nagshoot, nilingon ko na lang ang loob ng elevator, napansin kong tatlo lang kaming sakay nito, isang middle aged man at isang dalagang naka-pencil skirt, at shempre ako. Nang pindutin na nung middle aged man yung buton ng elevator ay dahan-dahan na itong sumara, bago pa ito tuluyang magdikit ang pinto nito'y may pamilyar na pigura akong nasilayan, Hindi ko alam kung bakit sumikip ang dibdib ko nang matanaw ang matangkad na posturang iyon ni David...alam ko, Sigurado akong si David ang isang 'yon! "Sandali! Bababa ako!..." pigil ko sa pagsara ng elevator, "Ano ka ba! Istorbo!" sigaw pa nung lalaki nang tuluyan na akong tumakbo palabas, Hindi ko alam kung bakit ako nagmamadaling tumatakbo, bigla na lang gumalaw ang mga paa ko. Wala pang buwan ang hindi namin pagkikita ni David ngunit ganito na ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung normal ba ito, totoo bang nahulog na ako sa kaniya? Nang marating ko ang palikong corridor kung saan ko nakita ang pigura ni David ay kaagad ko itong niliko, halos manlumo ang buong pagkatao ko nang makitang wala ito rito. Wala ni-isang tao ang naglalakad at nakahinto rito. Namalikmata lang ba ako? Ano namang gagawin rito ni David? Malababo namang dito siya nagtatrabaho dahil alam ko kung saan ang pinapasukan niyang opisina at hindi 'yon CLEO. Nasisiraan ka na ng bait Red... Nanlulumo akong tumalikod, habang kagat-kagat ang pang ibabang labi ay isang beses ko pang sinipat ang paligid, nagbabakasakaling nandito nga siya... Hindi naman ito ang unang beses na tumapos ako ng relasyon sa mga sugar daddy ko ngunit bakit ganito na lang ang epekto sakin ni David? Nahihibang na nga ako, Wala pang buwan nang magsabi akong magbabagong-buhay na ako, na kakalimutan ko na siya, anong nangyari? Nakakatawa. Tumalikod na lang akong muli saka naglakad tungo sa elevator. Mukhang kailangan ko na ngang umuwi, pagod lang siguro ako. Nang makalabas ako ng kompanya ay do'n ko na naramdaman ang sobrang pagod ng katawan ko. Bumagsak ang balikat ko, pati na rin ang mga binti ko. Tumawag akong kaagad ng taxi dahil hindi ko na kayang magbaybay pa. Gabi na rin naman kaya ayos lang na magtaxi ako, baka kung ano pang mangyari sakin kung magbus ako. Huminto ako sa tapat ng bahay makalipas ang isang oras na byahe. Napansin ko kaagad ang sasakyan ni Luke na nakaparada sa harap bago pa ako makababa ng taxi. Mukhang nandito na naman ang loko. "Annie, nandito na ako" anas ko saka binuksan ang pinto. Nakita ko pa ang patakbong paglapit nito tungo sa pwesto ko kasunod si Luke. Nang sipatin ko ang kabuuan nila'y mga nakauniporme pa ang mga ito. "Bakit hindi pa kayo nagbibihis?" taas kilay ko pang tanong, nagtinginan pa ang mga ito saka sabay na nagsalita. "Kakauwi lang namin galing school" napangisi pa sila dahil sa pagkasabay nila. "Gabi naman na ata masyado ang klase niyo?" usisa ko pa, kinuha na muna ni Annie ang bitbit kong bag bago ito sumagot, "May groupings lang kami ate" masigla pa nitong saad, tumango na lang ako saka nagtanggal ng sapatos. Nang makapasok na kami sa salas ay sumali na rin sa tanungan si Luke. "Ate Red, kumusta ang first day mo sa CLEO?" excited pa nitong tanong kaya napangiwi ako, dumagdag pa si Annie nang tanungin rin ako nito, "oo nga ate! mag kwento ka naman!" ngising pusa ni Annie sakin. Nagdirestso na lang ako sa couch saka isinandal ang likod ko. Sumunod rin naman silang pareho saka naupo sa harap ko. "nakakapagod ba?" dagdag pa ni Annie. "water?" alo pa ni Luke. Hindi talaga nila ako titigilan ano? "...marami kaming ginawa, nakakapagod pala" tipid na ngiti ko sa mga ito, para naman silang nabuhayan nang sagutin ko sila. "buti naman at kinaya mo! inaabangan talaga namin ni Luke ang pag-uwi mo eh" nangingiti pa nitong sabi kaya naman napatawa ako. Para silang mga batang nagpapalitan ng tingin, "...at bakit nyo naman ako hinihintay?" mapang-asar ko pang tanong sa mga ito. Nagsisik-sikan kasi sila sa katapat kong couch at panay ang singhal ni Annie kay Luke. "ano ba 'yang ginagawa--", hindi ko na natapos pa ang pananalita ko nang makitang may hawak ng maliit na cake si Luke. Hugis bilog ito na medyo may kataasan, kulay baby pink ito na may nakasulat na 'congratulations ate red!' "ate..congrats sa first day mo!" bati ni Annie sakin habang nakaalalay sa kamay ni Luke na nakahawak sa ilalim ng cake. "congrats, ate...I knew it...bagay na bagay ka talaga para maging model ng CLEO" ngisi pa ni Luke, sa sobrang ngiti nito'y halos hindi mo na matanaw ang mata nitong singkit. Hindi agad nagproseso ang mga sinabi nila sa utak ko. Tulala akong nakatitig sa mga ito. Kailan pa nila nahanda 'to? Parang hindi nag-sisink-in sa utak ko yung mga nangyayari. Naiisip ko pa rin yung mga ganap sa kompanya. I shrugged. "...Tope's bakery ba 'to?" kahit naguguluhan ay sabay silang tumango habang tinatanaw ang reaksyon ko. "...salamat" Pakiramdam ko ay wala ako sa mood magcelebrate. Sorry, Annie, Luke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD