Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa panaginip ko, pakiramdam ko ay totoo ang mga 'yon, pakiramdam ko totoong nangyari 'yon pero base sa mga sinabi ng kasama ko, nakatulog ako sa buong byahe. He tried to wake me up para pakainin pero hindi raw ako nagising. "Dapat kila Ate Cony na muna tayo dumiretso," sabi ko sa lalaki na nasa harap ko habang nakatalikod at nakatingin sa malayo. "It's late, gabi na tayo nakarating sa La Union kaya malabo ang gusto mong mangyari. Makakaabal tayo," sabi nito at tanging tango na lang ang aking nagawa dahil sa sinabi niya na 'yon. Tama naman ang sinabi niya. "Okay," maikling sagot ko bago sipatin ang malawak na kalupaan na nasa harap namin, naniningkit ang mga mata ko dahil sa liwanag na nanggagaling sa araw na ngayon ay papasikat na. Napahawa

