Naglakad na ako pabalik sa bahay nila Ate Cony at hinayaan ko muna si Cally na mag-isa sa lugar na ‘yon dahil mukhang gusto niyang mapag-isa, sa lagay niya rin na ‘yon ay hindi ko siya malalapitan dahil hindi ko siya kayang makita sa gano’ng sitwasyon. Naikuyom ko na lang ang kamao ko. Ang duwag mo, ang duwag-duwag mo, Dylan. Kahit na kailan ka talaga. Alam ko na wala ako sa sarili ko habang naglalakad ako kaya naman nang makarating ako sa bahay ay agad na akong dumiretso sa taas sa k’warto para magpalit ng damit baka malaman pa niya na sinundan ko siya at nakita ko siya sa gano’ng sitwasyon. Pagpasok ko ay naghubad ako ng damit. "Dy, ano ba ang ikinagagalit mo kay Eve? Bakit parang kinasusuklaman mo siya?" Naikuyom ko ang kamao ko nang parang marinig ko sa aking isipan ang boses ni

