"Just kidding," biglang sabi nito bago pitikin ang noo ko at dumistansya sa akin. "Inumin mo na ang gamot na 'yan at sumunod ka sa akin sa baba dahil ipapakilala kita sa mga makakasama natin sa trabaho." Napasinghap ako at napahawak sa aking dibdib nang tumalikod na siya sa akin. 'Ang lakas ng tama ng isang 'yon.' Nasabi ko na lang sa aking isipan habang mariin na napapapikit dahil sa pinaggagagawa sa akin ng lalaki na 'to. Parang mas lalo akong magkakasakit kung siya ang kasama ko kapag may sakit ako. Humiga ako sa kama at binalot ang sarili sa kumot dahil nakakaramdam na naman ako ng lamig at isa pa, ano raw? Bumaba? Hindi niya ba naisip na baka masama pa ang pakiramdam ko at hindi ko pa kayang bumangon. D'yan pa lang ay ipinapakita na niya sa akin na wala talaga siyang pakialam s

