"Babalik po uli ako rito sa Miyerkules, Ate Cony. Baka umpisahan na po namin ang trabaho sa lupa nila Dylan," sabi ko sa ginang dahil pauwi na kaming lahat, sila Ylla at ang mga bata ay nasa kotse na kasama si Jacen na natutulog sa loob. "Nako! Mabuti at pinaalala mo sa akin ang bagay na 'yan, aayusin ko pala ang mga k'warto na tutulugan niyo ni Architect," nakangiting usal nito. Napangiti rin ako bago pasanin ang bag na dala ko. "Sige po, babalik na lang ako, baka ako na lang po ang bumalik dahil may mga trabaho rin ang mga kapatid ko at papasok na rin sa eskwela ang mga bata," paliwanag ko rito. Hinawakan naman niya ako sa balikat bago muling magsalita. "Ayos lang, masaya talaga ako na makakasama ka namin nang matagal-tagal, paano? Mauna na kayo dahil baka gabihin pa kayo sa daanan.

