Hindi ko inaalis ang tingin sa lalaki na nasa harap ko, hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na siya. Ang laki ng pinagbago niya. Kinuha ko ang braso niya at tinaas ko na naging dahilan nang pagtigil niya sa paglalagay ng pagkain sa plato sa harap ko. Ang ganda na ng katawan niya, hindi tulad dati na patpatin. Napailing siya bago bahagyang natawa. "Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ko rito na naging dahilan nang tuluyan niyang pagtawa. "Calm down, kumain lang ako nang kumain. Nag-gym na rin at the same time kaya medyo gumanda na rin ang katawan ko," k'wento nito sa akin. "Ikaw, you've really change. Muntik na kitang hindi makilala kung hindi ka lang naikuk'wento lagi sa akin ni Dean sa tuwing napapasyal ako rito." Napangiti ako. "I'm sorry about that, hindi ko agad napaalam sa iny

