Hindi umuwi si Gio sa bahay nang araw na iyon. Medyo nadismaya ako dahil iniisip ko na may koneksyon sa sinabi ko kanina ang dahilan bakit hindi siya umuwi. Siguro ay iniiwasan niya ako? Malaking posibilidad. Maaga akong nagising kinaumagahan dahil maaga naman ako natulog. Maaga akong natulog dahil umiyak na naman ako kagabi sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Healthy pa ba iyon? Ang umiyak nang umiyak? Sa palagay ko’y hindi. “Brie, maaari bang ikaw na muna ang pumunta sa palengke? May ipapabili lang ako sa iyo. Kakaunti lamang naman iyon,” sabi ni Manang sa akin habang nagpupunas ng basa niyang kamay. Kakarating ko lamang sa kusina at wala pa roon sina Ella o kahit na sino sa mga katulong kaya siguro walang choice si Manang kung hindi ako ang utusan. Gayunpaman ay okay lamang naman s

