Gabing-gabi na nang magdesisyon siyang huminto sa ginagawa. Hindi pa siya nangalahati pero may bukas pa naman. She’s a sucker for detail pagdating sa project na ito, ayaw niyang may mali. Para lang kasing mas espesyal ang ginagawa niya. Kasama niya si Wade. That’s what made everything seemed special. Nakangiting napalingon siya sa lalaki. Nakatulog na ito sa upuan kakahintay kung kailan siya matatapos. Kanina, bago yumakap ang gabi, naglipat na sila ng mga gamit niya sa loob. In Wade’s words, “Masyado kang exposed dito.” Ang layo nga ng pinakamalapit na kapitbahay. Mukha itong praneng na tsinek pa ang lock ng pinto. At naghanda pa talaga ng tubig na pwedeng magamit na panghilamos in case na makatulog daw ito. “Masyado siguro kitang napagod.” Mahina niyang isinarado ang laptop. Nilagyan

