bc

Retreat House

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
tragedy
city
high-tech world
like
intro-logo
Blurb

Dahil require sa kanilang eskwelahan, mapipilitan na sumama si Maribelle sa gaganaping retreat para sa mga graduating student na katulad niya. At iisipin na lang niyang palibreng outing na rin ito kaya sumama na siya. Pero pagtungtong palang ng kanyang mga paa sa naturang retreat house ay may kakaiba na siyang naramdaman. Hindi niya alam kung dala pa ito ng mga nakakatakot na kwentong naririnig niya mula sa ibang kaklase o sadyang may kakaiba lang sa mga madreng kasama nila. Sa pananatili ni Maribelle sa naturang retreat house may matutuklasan siyang lihim na labis niyang pinagsisisihan. Dahil sa pinakailalim ng bahay may isang malaking halimaw ang makakubli roon. Paano niya sasabihin sa iba ang kanyang natuklasan? Paano sila makakatakas sa lugar na isa palang farm para sa gutom na samorambang o mas kilala sa tawag na Praying Mantis!

chap-preview
Free preview
Prologue
KASALUKUYANG BINABAYBAY ng bente-otso anyos na babae na si Charlene Pedrez ang kahabaan ng kalsada patungo sa Sitio Huling Daan. Ang sitio Huling Daan ang napili niya para sa kanyang dokumentaryo na pinapalabas tuwing Sabado ng gabi sa isang sikat na Network. Ayon sa kanyang nakuhang impormasyon, may lihim na itinatatag na Religious Community ang mga tao roon. At kahit ilang beses na siya ng sinabihan ng kanyang producer na baka delikado sa lugar ay talagang nagpumilit siya. Katwiran niya, gusto niyang mailathala sa publiko ang nangyayari kahit sa kasuluk-sulukan ng bansa. Nasa gitna ng mapayapang biyahe si Charlene nang unti-unting bumuhos ang ulan. Pinindot niya ang button para sa kanyang windshield wiper. Pero dahil unti-unting lumalakas ang ulan ay nagsi-zero disability na ang buong paligid. Tuloy pa rin sa pagmamaneho si Charlene habang tutok na tutok ang kanyang dalawang mata sa kalsada. Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone na siyang kinagulat niya. Nabasa ni Charlene ang pangalan ng kanyang asawa na si Daryl. At kahit nasa gitna siya ng pagmamaneho ay nagpasya siyang sagutin ito. Pero nang damputin niya ang kanyang phone ay bigla itong dumulas sa kanyang kamay. Nahulog ito. Hindi na naiwasan ni Charlene ang mapamura. Tuloy pa rin sa pagring ng kanyang cellphone. At kahit alam niyang delikado ay pinilit pa rin niya itong damputin. Nakuha naman ni Charlene ang kanyang cellphone pero bigla siyang nagulantang may biglang lumitaw na isang babae sa gilid ng kalsada. Mabilis na tinapakan ni Charlene ang break ng kanyang sasakyan. At dahil madulas ang daan kaya nawalan siya ng kontrol. Naiwasan naman niya ang babae pero tuloy-tuloy ang kanyang sasakyan hanggang sa bangin. Daig pa ni Charlene ang nasa loob ng de latang inaalog dahil sa paikot-ikot na pagbagsak ng kanyang sasakyan. Nagpatangay na lang siya hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa pinakaibaba ng bangin. Saglit na nawalan ng malay-tao si Charlene. At nang muli niyang idinilat ang kanyang mga mata, kaagad niyang naramdaman ang sakit ng kanyang katawan. Ramdam rin niya ang pagkakalamog ng mga kalamnan niya. Pati ang pagkirot ng ilang parte ng kanyang katawan. Sinubukan ni Charlene na hawakan ang kanyang ulo dahil bahagya pang umiikot ang paningin niya. May nahipi siya na malapot kaya napatingin siya sa kanyang kamay. At nakita niya ang pulang likido roon. Naglakas loob nang tinanggal ni Charlene ang setbelt sa kanyang katawan. Pero dahil sa ginawa niya, bumagsak siya sa lupa na puno ng mga tuyong dahon. Halos mapahiyaw siya sa sobrang kirot na nararamdaman niya sa kanyang binti, at doon na pansin niya na lumabas na ang buto niya dahil sa malaking hiwa. Kasalukuyan na siyang umiiyak dahil sa sakit nang may mga paang lumitaw sa kanyang harapan. Nag-angat ng tingin si Charlene, at nakita niya ang isang may-edad na lalaki na may kapayatan ang pangangatawan. Mamumula-mula ang kulay ng balat nito na halatang bilad sa araw. "T-Tulong...T-Tulungan mo ako!" Daing ni Charlene na pilit na inaabot ng kanyang kamay ang naturang lalaki. At dahil sa malalamig na patak ng ulang dumadampi sa kanyang mukha kaya hindi niya magawang maaninagan ng husto ang mukha nito. Walang salitang lumabas sa mismong bibig ng lalaki. Nagawa lang nitong abutin ang kamay ni Charlene, at buong lakas na hinila ito. Halos mahiyaw sa sobrang sakit si Charlene sa bawat hila sa kanya ng lalaki. Palibasa ay may kaliitan ito kaya hindi siya kayang buhatin. "Ayoko na!" Malakas na sigaw ni Charlene sa kalbaryong kanyang nararanasan. Pakiramdam niya, pinapatay siya sa bawat paghila sa kanya ng lalaki at tumatama ang kanyang balakang sa bawat batong nadaraanan nila. "Malapit na po tayo," anang lalaki na sa wakas ay nagsalita na. "H-Hindi ko na kaya!" Umiiyak na niyang daing. Pero kahit anong sabi ni Charlene na hindi na niya kaya ay nananatiling bingi ang lalaki. Isang himala na niyang maituturing na nakarating siya sa isang village. Doon ay may ilang taong tumulong na buhatin siya. Labis na ang paghihinang nararanasan ni Charlene sa mga sandaling iyon. Alam niya sa kanyang sarili na napakarami nang dugo ang nawala sa kanya. Nilapag si Charlene ng ilang kalalakihan sa isang papag na yari sa kawayan. Pagkaraan ay narinig niyang magsalita ang lalaking nakakuha sa kanya. Ibang lengwahe. Walang ideya si Charlene kung anong lengwahe iyon. Pero natitiyak niyang ngayon lang niya ito narinig. Matapos idetalye ng lalaki ang mga nangyari, may ilang kababaihan ang dumating. May kanya-kanyang bitbit na panglinis. "S-Sandali..." Tanggi pa ni Charlene nang tangkain ng isang babaeng tanggalin ang bitones ng kanyang blouse, "...bakit dito ninyo ako bibihisan? Umuulan pa!" Katwiran niya saka siya napatingin sa mga lalaking nakapalibot sa kanila. Pero parang walang nadinig ang mga kababaihan. Dalawa pa sa mga ito ay mahigpit na hinawakan ang dalawang kamay ni Charlene. At dalawa naman sa kanyang paa. Nagsimulang pumalagpalag si Charlene dahil alam niyang hindi na tama ang ginagawa ng mga ito. Pero bigla siyang napasigaw ng malakas nang maramdaman niyang may mga kamay ang biglang humawak sa kanyang sugatang binti. "Makisama ka na lang, Binibini!" Anang matandang babae. Halos magdilim ang paningin ni Charlene nang bitawan ng isa sa mga ito ang binti niya. Labis na rin siyang nanghina dahil roon. At hinayaan na lang niyang tanggalin ng mga babae ang damit niya sa harap ng ibang tao. Naghahalo na ang luha at ulan na dumadaloy sa pisngi ni Charlene. Halos hindi na rin makapalag nang igapos siya ng mga babae na walang anumang saplot sa katawan. Nagsalita ang sa isang matipunong lalaki sa gitna ng mga tao. Ibang lengwahe, pero naging senyales iyong sa mga taong naroroon ang kumilos. Parang may kung anong paghahanda ang gagawin ng mga ito. May kalalakihan ang naglabas ng kanilang tambol, at humilera sa gilid. May ilang mga bata ang nagsimulang pumila at nagsiluhod. May ilang kababaihan at kalalakihan ang nagsimulang sumayaw. Hindi inaalintana ang malakas na ulan. Sa dami ng taong nakikita ni Charlene, iisa lang napansin niya. Lahat ng ito ay nakasuot na puting damit. Halos umalingawngaw sa buong paligid ang malalakas tunog ng tambol at hiyawan ng mga tao. Ramdam na ramdam pa rin ni Charlene ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib dahil alam na niya ang scenario'ng katulad nito. Muling bumuhos ang malakas na ulan. Muling naghiyawan ang mga tao na tila nagkakasiyahan. Muling lumakas ang mga dasal ng mga kabataan na halos halikan na ang putik na daan. Naghahalo na ang lamig at takot ni Charlene. Ilang minuto lang ay nakarinig siya ng mga kaluskos na nanggagaling sa kagubutan. Narinig din iyon ng mga tao kaya nagkanya-kanya na ang takbo ang mga ito. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" Sigaw ni Charlene nang mapansin niyang siya nalang ang natitirang taong naroroon. Pero bigla siyang natigilan nang may matulis na bagay ang biglang tumusok sa kanyang tiyan. Nanlaki ang mga mata ni Charlene sa gulat. Lalo na nang makita ang itsura ng isang malaking insekto. Pagkaraan ay bumulwak ang pulang likido sa bibig niya. At halos hindi na siya makareact nang bumuka ang pinakabibig nito. Halos mangatog sa takot ang mga taong nagtatago sa kani-kanilang bahay. Wala 'ni isa sa mga ito ang nagnanais na tumulong iligtas ang babae. Tahimik lang nilang pinapanuod ang pagkain ng isang higanteng Samorambang o mas kilala sa tawag na Praying Mantis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
820.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
379.5K
bc

Not just, the Beta

read
360.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook