Capìtulo Dós

1775 Words
LATE na ako nakapasok sa trabaho dahil napa-sarap ang tulog ko kagabi, dahil na rin siguro sa pagod. Naka-upo ako sa swivel chair nang maalala ang nangyare kanina papasok sa opisina. Nag-mamadali na akong ni-lock ang pintuan ng unit at patakbong sumakay sa elevator. Pasara na sana ang elevator nang may kamay na humawak sa pintuan nito para di tuluyang sumara. Napatingin ako dito at hinintay ang pagbukas muli ng elevator. Isang matangkad na lalaki at naka all black suit ito mula shirt, pants at sapatos nito. Naka-suot pa ang lalaki ng cap at face mask. Pinaka-titigan ko pa ito ngunit di man lang maaninag ang mukha nito dahil naka-yuko pa ito, kaya't natatakpan ng cap. Tahimik lamang ito tumabi sa akin tsaka pinindot na ang floor na pupuntahan. Parehas lang naman kami na sa ground floor ang punta. Nanahimik na lang rin ako sa isang sulok dahil iba ang dating ng presensya ng katabi ko. 'Baka artista' ani ko sa sarili. Pero di ko nababalitaang may artista na dumating sa Condominium. Napaka-ingay pa naman ng mga tao pag may artistang bumibili ng unit dito sa Condong tinitirhan ko. 'Ting' Umayos na ako nang tayo nang marinig ang elevator. Pero nagulat ako nang pinindot ulit ng lalaking naka-mask ang RT button at biglang humarap sa akin. Nakikipag-titigan ako ngayon sa mga matang napaka-itim, 'Ang ganda, natanga na lang ako sa kagandahan ng mga mata nito, tila parang nahipnotismo ako nito. 'Ting' Bumalik ako sa ulirat ng marinig ang tunog ng elevator sanhi nang nasa rooftop na kami. Pero agad ding napindot ng lalaking ang button pababa. Bago pa mag-sara ang pinto ay mabilis siyang lumabas. At sa huling pagkakataon, nasilayan ko ulit ang magaganda nitong mata nang humarap ulit ang lalaki sakanya habang nagsasara na ang pintuan. Hanggang sa tumunog at bumukas ang elevator ay tulala akong naglakad papunta sa kotse. Ngayon ay hindi na matanggal sa isip ko ang lalaking yun. 'Sino ba siya? Bakit niya ginawa yun?' Pa-ulit-ulit na tanong ko sa sarili simula nang makarating sa opisina. Tumayo at nag-lakad na lamang ako papunta sa sofa kung saan may kaharap na flat-screen, dinampot ko ang remote tsaka umupo, in-on ko ang t.v pagkuwa'y sumandal sa sofa at inalis ang lalaki sa isipan. Makalipas ang isang oras ay inis na kong pinatay ang T.V dahil wala din naman ang atensyon ko roon. Naiinis ako sa sarili dahil hindi talaga mawala sa isipan ko ang imahe ng mga matang yon. Pag-katapos ng dalawang kliyente ko nang araw na yon, napag-pasyahan ko nang umuwi na. Pati si Dea ay maaga ko na ring pina-uwi. Wala ako sa tamang wisyo nang araw na yon, nagpunta na lang ako sa SM para magliwaliw. Pero natapos na akong mag-ikot ay nasa isip ko pa rin ang lalaki. 'Tanggaling ko kaya muna utak ko' napa-iling ako sa katangahang naisip. Namili ako ng mga kung anu-anong pagkain at ingredients na pwede kong lutuin pag ma-boring ako sa unit. Pagka-dating sa Condo ay sa elevator agad bumagsak ang tingin ko. Ipinilig ko ang ulo at dire-diretsong tinungo ang elevator. Pag-apak sa loob ay bigla akong kinabahan. 'Makikita ko kaya siya ulit?' Tanong ng kabilang bahagi ng aking utak. Napapikit ako sa inis. Kinakabahan kong pinindot ang floor kung saan ang unit ko, naka tingin lang ako sa pasaradong pintuan na parang may hinihintay na humarang muling mga kamay, pero hanggang sa nag-sara yon at naka-punta sa unit ay wala ang lalaking nakasabay ko kanina. Pag-dating sa unit ay mga bulaklak at tsokolate ulit ang tumambad sa akin sa may pintuan, kinuha ko ito at binuksan na ang pintuan. Pagka-lagay ng mga pinamili ko sa ref ay pabagsak akong nahiga sa kama. Tinatamad akong pumunta sa banyo para mag-hilamos. Ilang minuto lang ay naka-tulog ako nang di ko namamalayan. *doorbell rings* Bigla akong napa-bangon sa pagkakatulog dahil sa ingay na naririnig sa unit niya, specifically sa may pintuan. Papalapit na ako sa pinto at mas lalong dinig ang patuloy na pag-bebell ng kung sino mang tao sa labas. Tinignan ko muna sa peep hole kung sino ang nag-dodoor bell. Pero wala, pati ang tunog ng doorbella ay bigla ring nawala. Nagtaka ako, tumingin ako sa orasan at nakitang ala-una pa lang ng madaling araw. Sinong matinong tao ang gagawa non. Nanlaki ang mga ko sa naisip at bahagyang napa-atras. 'Baka mumu!' Ani sa sarili. Aminado akong takot ako sa multo kahit hindi pa nakaka-kita ng isa. Sa sobrang takot ay tumakbo ako sa kwarto at nilock ito. Pagka-lock ay mabilis akong pumunta sa higaan at nagtalukbong ng kumot. Pinapa-kiramdaman ang paligid. Pero wala pa atang limang minuto nang tumigil ang doorbell ay nagsimula na naman tong mag-ingay. I'm scared like Hell but at the same time, curious. Maingat akong lumabas ng kwarto at bago dumiretso sa pintuan, kumuha ako ng rocksalt. Advice comin from my Dean Winchester. Nakalimutan ko ng tumingin sa hole at basta na lang binuksan ang pinto. THIRD POV "READY MY PLANE" isang lalaking nagmamay-ari ng baritonong boses ang nag-utos sa tauhan. "Yes Sir. Anything you need Sir?" "Nothing, you can go now" ani nito habang sumisimsim ng alak. He's in Albania, there are some idiots trying to destroy his company located on that country. So he flew up here from Philippines just to see those idiots. 'They don't know the power I have' pagka-usap sa sarili. Tama naman kasi ito. Ang tanging ibinibigay na dahilan lang ng mga taong gustong sirain ang buildind nito doon, ay sa kadahilanang hindi raw sila tinatanggap doon. 'That's absurd' Naparami rin ang inom niya dahil isang oras niya hinintay ang eroplanong maghahatid sakanya pabalik sa Pinas. 'I miss her' Habang naka-tingin sa mga ulap ay inuukopa ng isang babae ang kanyang utak. 'Damn, I want her now. I can't f*****g wait' Pagka-baba niya ng eroplano ay kukunin niya agad ang babaeng nagpapa-baliw sakanya. He can't hide his identity anymore to this woman, di na niya kayang patapusin ang mga bagay na dapat niyang unahin bago niya maka-sama ito. MELLA NAKAPIKIT ANG MGA MATA ko nang buksan ang pinto. Una kong naamoy ay alak, huh? Kelan pa uminom ang mumu? Napamulat agad ako ng mata nang pumasok sa isip ko na baka lalaki ito. At hindi nga ako nagka-mali. Isang matangkad na naka-black suit ito. Nakatingin lamang ito sa akin nang matiim na parang pinag-aaralan ang aking mukha. Walang akong nagawa kundi tignan ito pabalik dahil ako ay natulos sa aking kina-tatayuan. His eyes is in deep black color. Mukha rin siyang hindi Pilipino dahil sa kulay, hugis ng mukha. 'Napaka-gwapo' all she can say about the man in front of her. Napa-igtad siya sa gulat nang maramdaman ang kamay nito na humahaplos sa kanyang pisngi. He's a man but how he caress her cheeks, it's so soft and very gentle. Natauhan rin siya sa wakas at humakbang paatras sa kaharap. Baka demon!! Omg! Dali dali kong sinaboy ang asin sa mukha niya na kinuha ko kitchen kanina. Nanlaki ang mata ko nang napapikit ito, nalagyan ata ang mata niya. Omg, di siya nasunog. "Who are you?!" Tanong ko agad nang makabawi. "Mella" Magkasabay naming banggit. It shocks her. "You know me?" Maang kong tanong "Of course my---" hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin dahil bigla itong tumumba at dumiretso sa akin. Mabuti nalang at nasalo ko ito. Ang bigat mo Mister! Nagdalawang-isip pa ako kung ipapasok ko sa unit o iiwan nalang sa labas. Sa huli ay dinala ko rin sa loob patungo sa sofa at pabagsak ko itong binitawan. 'Ang bigat' reklamo ko habang hinihimas ang braso. Tinitigan ko pa ito nang ilang minuto bago pumunta sa kwarto para kumuha ng maliit na towel at plangganita. Nilagyan ko ito ng tubig tsaka dumiretso sa sala kung nasaan ang lalaki. Pagkalapit ay pinatong ko sa mesa ang towel at plangganita. Saka ko sinimulang hubarin ang pang-itaas ng lalaki. 's**t! Why am I doing this?! Whyyy?!' 'Ohh-lala' napatanga na lang ako sa nakitang katawan ng binata nang hubaran ko ito ng pantaas. Napaka-gandang tanawin para sa aking mga mata. Hays, kailangan mo na talaga mag jowa babaita. Tila para bang inukit ng pinaka-magaling na sculptor ang katawan nito. Perfect lining ng abs, perfect chest, perfect V-line, 'perfect' sabi ng kanyang utak. Ilang segundo rin akong natulala sa kaakit-akit na abs ng binata bago maalalang kailangan palang punasan ito. Sinimulan ko na sa mukha nito na may napaka-tangos na ilong. Pag tinignang mabuti, mahahalata ng kahit sino na may halo itong banyaga. Bumaba ang pag-pupunas ko patungo sa dibdib at tyan. Hindi pa ako nakakahawak ng katawan ng lalaki kaya't nanginginig ako habang pinupunasan ito, ipinikit ko na rin ang mga mata dahil baka kung anong magawa ko sa lalaki pag tinitigan ko pa 'Mella ang utak moooo!!' Pag-suway sa sarili. 'Wait? Do I need to take off his slux?!' Nanlalaking mga mata habang tumingin sa pambabang suot ng lalaki. No, hindi ko na kaya yon. Pinapamulahan na ako ng mukha. Okay na yan para sakanya, atlis tinulungan ko ang lalaki kahit di ko naman kilala. He should thank me tomorrow. Ibinalik ko na ang ginamit na towel at planggana sa c.r at kumuha ng kumot at isang unan saka bumalik sa binata. Mahimbing pa rin ang tulog nito kaya maingat ko na lang na inangat ang ulo nito tsaka ipina-ilalim ang unan, pagkatapos ay kinumutan ito hanggang dibdib. Nang okay na ito ay nagdesisyon na akong umakyat sa kwarto at pag-higa palang sa kama ay agad na rin akong nakatulog. 'Clyde' 'Tama na, you should stop. Mas lalo ka lang masasaktan' 'Hindi ko kaya, sa tingin mo hindi ako masasaktan pag tinigil ko tong nararamdaman ko sayo?' NAGISING ako galing sa isang panaginip na hindi niya malimut-limutan. That face, I misses him so much. Napabaling ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Lumitaw ang lalaking gumambala sa akin kagabi. "Good Morning Mi Amor" Natulala ako sa boses ng binata, napaka-lalim at napaka manly. May igagwapo pa ba ito? "H-huh?" "You don't remember me?" Biglang tanong nito at saka dahan-dahang humakbang palapit sakin. Umupo ito sa gilid ng kama at tinitigan ako. Wala akong magawa kundi titigan ito pabalik dahil sa mga mata nitong kay ganda. Ilang sandali lang ay bigla akong napa-atras, namutla ang buong mukha ko. 'Is he?' Para namang nabasa ng binata ang nasa isip ko nang ngumisi ito. "Yes, Mi Amor. Clyde. Clyde Surban" •••••••••••••••••••••••••••••• I'll just leave it here guys. Thanks for reading po. Hope you enjoy this chapter?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD