bc

My Annoying LadyGuard

book_age18+
323
FOLLOW
1.4K
READ
kidnap
friends to lovers
tomboy
brave
CEO
boss
tragedy
bxg
city
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Isang Undergraduate na gym at karate instructor si Alexa Roxas.

Madalas siyang mapagkamalang Tomboy sa maigsing buhok at boyish na pananamit.

Umiikot ang buhay niya sa pagtatrabaho para makatulong sa kanyang mga kapatid .

Pero Nagbago Ang ikot ng kanyang mundo nang iligtas niya mula sa isang kidnapping attempt Si Joshen Reyes.

Ang napakaguwapo, nag-iisang anak at tagapagmana ng isang Shell Company. Ang akala ni Alexa ay hindi uli sila magtatagpo nang landas ne Joshen.

Pero muli silang pinagtagpo at inalok na maging LadyGuard.

Hindi inaasahan ne Alexa na ang pagtanggap bilang LadyGuard nito sa kanyang boss, at pagsama-sama mab ito kahit saan man ito pumanta na para na siyang personal maid nito.

Hindi inaasahan ni Alexa Roxas na sa pagdikit-dikit sa kanyang boss, pagsama-sama saan man ito pumunta, at pag-aasikaso na para siyang yaya, puso pa niya ang mahuhulog. Dapat yata ay ang sariling damdamin ang binantayan niya.Dahil kahit kaylan, hindi lalagpas pa sa isang bodyguard ang tingin ni Joshen sa kanya.

Para iwasan ang Boss niya.

Pero di niya alam na Nahuhulog na rin ang boss niya sa kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
"HEY! MUKHANG Masaya ka ngayon. Ang ganda ng ngiti mo, ah." bati ni Aldren Kay Alexa Roxas. Si Aldren ang machong poging Boss ni Alexa at may-ari ng Fitness Body Kung saan siya nagtatrabaho. Isa siyang full- time karate at tae kwon do instructor doon. Hindi lang iyon basta gym dahil may dojo na rin. Kapag walang estudyante sa karate ay nagiging gym instructor siya para sa mga babae. May part-time job din siya bilang bilang isang kiddie host, wedding singer at gitarista sa banda ng kanyang kapatid na si Arke. Kahit bihira lang iyon ay nakakatulong din kapag may sideline, lalo na kapag palapit na naman ang enrollment. Malaki ang pagpapasalamat ni Alexandra na pinag-aral siya ng martial arts ng kanyang mga magulang mula nang magkainteres siya sa larangang iyon sa edad na walong taong gulang. Batchelor of Computer Science Sana gusto niyang Maging Course bilang Computer Programmer kung natuloy lang ang kanyang pag-aaral. Nakadalawang taon siya sa kolehiyo bago siya nahinto sa pag-aaral. Pero hindi naman siya nagsisisi dahil nasa ganoong larangan din pinagkakakitaan niya sa kasalukuyan. "Paano naman ako hindi sasaya,eh, dalawang daan lang ang ginastos ko sa pagpapagawa ng kotse ko. Naputol na naman kasi ang kable ng clutch kaya dinala ko kay Chuck" paliwanag niya. Nakatawad ako nang bonggang -bongga pagkatapos ng mahabang pangungumbinsi. Ang kapalit lang ay magnininang ako sa kanyang anak." Kinakapatid ni Alexa si Aldren dahil sa inaanak ito sa binyag ng nasira niyang ama, pero hindi niya napigilan ang sarili na tubuan ng paghanga sa lalakin dahil sa pagiging maginoo at mabait. Kay Aldren siya lumapit noong naghahanap siya ng trabaho. Hindi siya nito binigo dahil hanggang ngayon ay pinagkakakitaan pa rin niya ang trabahong iyon. May isa nga lang siyang problema Kay Aldren. Little brother ang tingin nito sa kanya at hindi siya nakikita bilang isang babae. Pero sapat na iyon basta nakakasama niya ito lage kahit nasasaktan siya kapag nababalitaang may nililigawan o nagiging girlfriend ang lalaki. " Palitan mo na kasi 'yang sasakyan mo. Siguro naman akong hindi magagalit si Ninong Dante na ibinenta mo na ang kotse niya kaysa naman lagi kang itinitirik. Ang kuripot mo kasi. Hanggang sa damit, eh, hindi ka man lang makabili ng para sa'yo. Namatay ang ama ni Alexandra sa isang Car accident habang papasok sa trabaho kaya minabuti niyang tulungan ang ina sa paghahanapbuhay. Isang Civil Engineers kanyang namatay na ama at Highschool Teacher naman ang Ina na si Anita sa public school sa kanilang lugar. Ayaw sana ng kanyang ina na mahinto siya sa pag aaral pero talagang kakapusin sila kahit na naglipatan sa public school ang dalawang kapatid na noong panahong iyon ay nasa high school at elementary pa. "Bakit? Kasya naman ang mga damit ni Nanay sa'kin, ah? Hindi ko lang maisuot iyong mga palda kasi hindi ako komportable. At saka hindi ko kailangang pumorma, bahay-trabaho lang naman ako," sagot niya pagkatapos ilagay sa locker ang kanyang gamit at baong lunch. Alam ne Aldren ang sitwasyon ng kanyang pamilya. Pero mula nang makatapos sa pag-aaral si Arke, ang sumunod sa kanya, ay pinupuna na nito ang pagiging kuripot niya. Paano ba naman siya titigil sa pagkukuripot, kahit na tutulungan na siya ng kapatid sa pagpapaaral sa dalawa pa nilang kapatid na sina Alec at Aira ay saka naman biglang namatay ang kanilang ina tatlong taon na ang nakakalipas. Hindi ipinagtapat sa kanila ng ina na maysakiy na pala itong breast cancer. Hindi ito bumili ng gamot dahil mas gusto nitong makakain sila nang maayos. Pero hindi ito naisip na mas gusto pa nilang magkakapatid na magdildil ng asin kaysa mawala ito sa kanila. Ngayon ulila na silang lubos ay mas minabuti niyang higpitan lalo ang kanyang sinturon para makatapos ang dalawa pa niyang kapatid na pareho nang nasa college. Sa Idad niyang beinte-singko ay kinakaya niya ang maging nanay at tatay kanyang mga kapatid. Napailing si Aldren sa kanyang sinabi. "Hindi talaga babagay sa'yo ang palda kasi lagi kang naka-barber's cut. Ni ayaw mong magpahaba ng buhok,"natatawang sabi nito. " Naku, sayang ang shampoo at conditioner, ' no. At saka kapag mahaba ang buhok, kailangan mo pang ipa- rebond sa salon at kung ano-anong kaek-ekan. Gastos lang 'yon at hindi bagay sa trabho ko. Istorbo lang ang mahabang buhok kapag nagtuturo. Kapag ipinupusod naman ay nasisira langang porma ng buhok. Huwag mo nang pakialaman ang buhok ko, nagagawa ko naman nang maayos ang trabho ko," mahabang paliwanag ni Alexa." "Ay, iwan ko sa'yo," naiinis na sabi ne Aldren bago binalingan ang hawak na cell phone nang tumunog ang message alert tone. Nang ngumisi ito ay alam niyang nakatanggap ang lalaki ng text mula sa idine-date nito ngayon na singer sa bar, Dalawang kanto ang layo sa kanila May pinindot ito sa cell phone. "HI, Candy! Ano,tuloy tayo mamayang gabi,ha?"agad na bati nito sa kausap sa kabilang linya. Napasimangot si Alexa. Itsa puwera na agad siya. Pabalibag na isinara niya ang locker at nakasimangot na binitbit ang hawak na uniform at nagpunta sa shower room ng mga babae. Ibinaling niya ang isip na pupunta siya sa mall Pagkatapos ng trabaho at maggo-grocery. Tamang-tama suweldo ngayong araw. Pambuo sa nasirang araw!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
393.5K
bc

My Master and I

read
136.2K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

The Last Battle

read
4.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook