First Person POV Kunot-noo akong napatingala sa pangahas na kumuha ng telepono, pero natigilan ako nang bahagya noong natunghayan ko si Kyo, ito ang pangahas na bagong dating. Hawak nito ang telepono ng pinsan ko habang titig na titig ito roon, katulad ko ay nakakunot pa ang noo. Ano ang ginagawa nito rito? Akala ko ba ay busy ito? Katulad na lang nang sinabi nito kanina sa amin noong nag-text ito kaya hindi raw ito makakasama at makakasabay? Ikiniling nito ang ulo at hindi mabangat-bangat ang paningin sa picture na kuha ni Zan. "Parang hindi naman maganda, ah? Ang pangit kaya ni labanos dito,” turan nito, patungkol sa litratong inoobserbahan nito. Napamulagat naman ako dahil sa sinabi nito. Aba’t?! Napakawalanghiya talaga nito kahit kailan! Hindi naman ako GGSS.. pero f**k! Abnorma

