First Person POV “Masyado naman yatang busy si bunso? Hindi na nakasabay sa atin. Last time ako ang wala, ngayon s'ya naman," turan ni Zan. Yeah, right. Mabuti nga 'yon, e. Pabor sa akin dahil kung makikita ko ito ay hindi ko alam kung paano ko ba ito pakikiharapan, kundi ba naman kasi gaga ako at kalahati, e. Bakit kasi naging padalos-dalos ako at naisipan kong takbuhan si Kyo. At dahil nabanggit na nitong pinsan ko ang wala ngayon rito, ayan naalala ko na naman tuloy ang pinaggagawa ko na nakakahiya. Shit kasi, e. Pahamak 'yung pagkakakunot ng noo ko, kung hindi dahil do'n ay hindi sana nito iyon hahaplusin, hindi sana ako napatitig dito at bumilis ang t***k ng puso ko. Kainis. Isa pa yung mga tinginan nung unggoy na 'yon pati na rin 'yung singkit na mata nito, hanggang ngayon ay h

