First Person POV “May hindi ka pa nga pala naikukwento sa akin.” Napakunot ang noo ko at nag-angat ng tingin mula sa binabasa kong libro. May seatwork kasi kami mamaya at kailangan kong isaulo at intindihin ang concept para makasagot ako kahit na papaano. “Ano naman ang ikukwento ko?” “About sa mga nangyayari na parang hindi na ako maka-relate? Hindi na ako updated, e,” patuloy nito. Natawa ako ng bahagya. “Updated? Saan? Showbiz?" Umiling ito. "Hindi. Tungkol sa'yo syempre." Nagtataka na napaturo ako sa sarili ko. “Sa akin? Wala namang bago sa akin,” sagot ko sabay sara ng libro, sakto naman dahil tingin ko ay okay na 'yung nalaman ko at naintindihan ko rin naman ito dahil nakinig naman ako noong itinuro ang topic kahapon. “Wala? Hmm? How about Avery.. hindi mo pa nasasabi sa akin

