First Person POV Pupungas-pungas akong bumangon habang sapo ang ulo ko. Tae. Pakiramdam ko ay pumipintig at may kumikibot sa sentido ko. Ayaw tumigil, marahil ay sa pagod at puyat ko nitong mga nakaraang araw dahil katatapos lang ng exam. Pumikit ako nang mariin at ipinilig ko ang ulo ko, pero walang epekto dahil lalo lamang sumakit ang ulo ko. Great. Napabuga ako ng hangin bago tumuloy sa CR at iniligo na lang ang nararamdaman ko. Nagbihis na muna ako ng uniform at inayos ang sarili ko bago sinamsam at inilagay sa bag ang mga gamit na dadalhin at kakailanganin ko sa klase mamaya, pagkatapos ay lumabas na ako ng dorm. Dahil hindi naman kalayuan sa dorm ang campus, may mga pagkakataon na naglalakad lang ako kapag pumapasok. Sumasakay lang ako sa tricycle kapag tinatamad akong magl

