First Person POV Pagkatapos ng klase namin sa professor na mahilig mang-issue na si Mr. Vellarde ay hindi ko agad nakuhang lumabas para makahinga sana kahit papaano, bago kasi ito magpaalam at lumabas ay tinukso na naman ako nito. Katakot-takot na kantyaw tuloy ang ibinato sa akin ng mga kaklase ko, hindi ko akalain na may mga gano'n palang side ang mga ito.. as in, puro kaseryosohan kasi sa buhay ang nakikita ko sa mga ito noon. Kundi libro at calculator ang hawak ng mga ito ay mga reviewer na luma na galing pa sa mga ahead sa amin. Pagkaalis na pagkaalis ni Mr. Vellarde ay nagsilapitan ang mga kaklase kong babae sa akin at kung ano-ano ang tinatanong, nangunguna na si Eunice na parang kilig na kilig na.. ewan ko ba! Hindi ito makaget-over doon sa sinabi ni Kyo na naroon sa room namin

