CHAPTER 43 (Part 2) (Xena’s POV) Pagbalik ni Sir Kyle, may hawak siyang bottled water. Simple lang, pero sa paraan ng paglalakad niya, sa ayos ng polo niyang medyo nakatupi sa braso, sa tikas ng bawat hakbang — parang slow motion sa utak ko. At hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may kakaiba sa hangin. “Okay,” sabi niya habang binubuksan ‘yung bote. “Let’s continue.” Napakurap ako. “Ah, oo. Sige.” Pero nang tumabi siya ulit sa’kin, hindi na ako makafocus sa notes. Ang bango niya. Hindi overpowering, pero ‘yung tipong malinis, masculine, nakakapanlaglag ng utak. I was supposed to review the formula, pero imbes, napako ‘yung tingin ko sa kamay niya — ‘yung veins sa wrist niya, ‘yung paraan ng paghawak niya sa pen. Grabe. Bakit parang big deal ‘yung kamay niya? “Xena,” tawag n

