Kyle’s POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig lang sa kisame. Tahimik ang buong condo pero sa loob ko, parang may sigawan. Ang t***k ng puso ko, ang tunog ng relo, at ang replay ng boses ni Xena sa isip ko kagabi — lahat nagsasabayan. “Kyle… baka naman pwede kang magpahinga sa pagiging perpekto kahit sandali lang.” Ang dali niyang sabihin, no? Pero paano mo ititigil ang pagiging “perpekto” kung ‘yun na lang ang natitirang paraan mo para manatiling buo? Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, amoy agad ng kape ang sumalubong sa akin. At doon ko siya nakita — naka-hoodie ko pa rin. Yung kulay navy blue na dapat nasa dibdib ko pero ngayon nasa balikat niya, maluwag, parang niyakap siya ng buong presensya ko kahit wala pa akong sinasabi. Nakatayo siya sa gilid ng counter, nagti

