POV: Kyle Minsan naiisip ko, baka delikado na ‘tong ginagawa namin ni Xena. Hindi dahil may mali — pero dahil sobrang dali nang masanay sa presensya niya. Yung mga simpleng bagay, tulad ng pagtapik niya sa mesa kapag naiintindihan na niya ang lesson, o ‘yung pagngiti niya kapag napupuri ko — nagiging dahilan para hindi ako makafocus sa dapat kong ginagawa. Ngayong gabi, nasa study room kami ulit. Umuulan sa labas, parang soundtrack ng gabi naming puno ng katahimikan at tension. Yung lamig ng hangin, sinasapawan ng init na unti-unting gumagapang mula sa pagitan naming dalawa. “Naguguluhan pa rin ako dito sa solution mo,” sabi niya habang nilalapit sa akin ‘yung notebook niya. Magulo nga — may doodles pa sa gilid, parang di na papel ng estudyante kundi diary ng kalat na emosyon. Pinil

