Bumuhos ang ulan sa labas nang parang sinasabayan ng mga t***k ng puso ni Xena. Pagpasok pa lang niya sa gate ng bahay nila, bitbit ang mga libro, basang-basa na siya ng ambon. Pero kahit gano’n, hindi niya pwedeng i-cancel ang session nila ni Kyle—lalo na’t malapit na ang finals. Pagbukas niya ng pinto, nando’n na ito. Nakasando lang, may suot na gray hoodie na bahagyang nabasa ng ulan. “Akala ko hindi ka na darating,” sabi ni Kyle, habang binababa ang laptop sa mesa. “Hindi pwedeng hindi,” sagot niya, nangingiti ng kaunti. “Ayokong ma-miss mo ‘yung chance mo mag-lecture nang may audience na nakikinig.” “Wow. Such dedication,” tugon ni Kyle, pero may bahid ng tawa sa tono niya. Umupo si Xena sa kabilang side ng mesa, binuksan ang notebook, at nagsimulang mag-scribble. Pero sa totoo

