Chapter 12 ~Freya Martin~ “O kaya pwede bang tabi na lang tayo diyan sa kwarto mo? Promise, wala akong kamanyakan na gagawin. Tulog lang.” Napa irap na lang ako nang sabihin iyon ni Vince. Para kasing pinapa-init na naman niya ako tapos kapag alam niyang nanlalambot na ako ay saka niya ako bibitinin. “Please?” pakiusap niya. And oh my, marunong naman pala siyang magpa-cute. Parang hindi kasi bagay sa kanya yung nag iinarte, hindi bagay sa katawan niya at tangkad. Natutuwa pa akong nagpapa-cute siya sa akin kaya hinayaan ko siyang makiusap pa. “Hindi kasi ako sanay mag-isa. Nakakapanibago kasi.., nakita mo naman ang bahay namin… kahit ngayon lang.” Naawa naman ako. Mukhang hindi nga siya nakakatulog pa sa ngayon doon. Nakita ko kung gaano kasikip at kainit ang bahay nila. “Sige n

