Chapter 7
~Vince Castro alyas Boy Takbo~
“Vince… gusto mo ituloy natin yung ginawa natin kanina?”
Ang mga mata ni Freya ay matalim pero nakaka-akit. O sadyang attracted lang talaga ako sa kanya sa unang sandali ko siyang nakita.
Napalunok ako, hindi ako makasagot, parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Gusto ko talaga sa totoo lang pero…
“Ms. Freya… huwag po,” sambit ko at napa-usog ng kaunti, palayo sa kanya. “Hindi pa ako handa.”
Napa-uwang ang kanyang bibig, pagkatapos namin mag katinginan ng ilang segundo ay tumawa siya nang tumawa. Ang cute niya.
“I’m just kidding Vince. So, let’s talk about your job as my errand boy,” sabi niya at ako naman ang ngumiti.
Ito lang naman talaga ang hinihintay ko eh, yung tungkol sa trabaho. Gusto ko na kasi umalis sa pinagta-trabahuan kong bakeshop dahil pinag-iinitan ako ng manager doon. Kung hindi lang dahil kay Bossing Via na may-ari ng bakeshop, matagal na akong umalis. Pero dahil buntis siya at kailangan na kailangan niya ng errand boy ay hindi ako makatanggi sa kanya. Malaki ang utang na loob ko kay Mam Via. Pero busy na siya, hindi na siya makapag manage sa bakeshop niya. Lalo pa ngayon at malapit na siyang manganak.
“Errand boy, errand boy.. utusan lang ang ibig sabihin niyan eh,” sabi ko at nagtawanan kami.
“Eh alangan naman tawagin kitang utusan. Sa hottie mong ‘yan,” sabi niya na halos pabulong at namumula ang kanyang pisngi.
Sa puti at kinis ng kanyang balat ay mapapansin mo ito agad. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko siyang titigan. Lalo na kapag ngumingiti pati ang kanyang mga mata at namumula ang kanyang pisngi. Ang mga labi niya na manipis at kulay pink, ang sarap i-kiss. Kaya kahit na ngayon lang kami nagkakilala ay hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya, maging senswal at agresibo.
Ako naman ang lumapit sa kanya at hinapit ko ang bisig ko sa kanyang bewang. Namimiss ko ang mga labi niya. Nasasabik agad ako sa sensasyon ng aming first kiss.
Kaya hinalikan ko siya nang biglaan, walang pasabi at mabilis. galawang hokage. Sa simula ay umaalpas pa siya pero kalaunan ay ginantihan niya ang aking halik ng mas mainit. Hanggang sa dumating na kami sa punto na ramdam na namin ang init. Kusa na siyang humiga sa sofa at nang nilukob na kami matinding pag na nasa ay binaba ko na ang strap ng kanyang bhra.
Sumilay na naman ang kanyang mala-rosas na u tong. Grabe, nag iinit na naman ako at tigas na tigas na. Hindi ko na yata kayang pigilan ang init na nararamdaman ko. Pinwesto ko na siya sa posisyon na pwede ko na siyang pasukin.
Nakatitig siya sa mga mata ko na may halong pana nasa rin. Handa na sana naming ibigay ang sarili namin sa isa't isa nang..,
Biglang nag vibrate ang phone ko. Ugh kainis! Nawala ang init namin, nawala ang mood. Biglang nakakawala ng gana ang storbo. Napa ayos na lang kami ng upo. Wala akong magawa kundi ang sagutin ang tawag ng manager ng bakeshop. Oo nga pala, May trabaho pa pala ako. Pero balak ko naman nag resign na talaga, lalo pa ngayon na in-offeran ako ni Freya ng trabaho.
“Ahm Miss—”
“Freya na lang, Vince,” sabat niya.
“Freya, kailangan ko na umalis. May trabaho nga pala ako.”
Tumayo na ako at hindi ko inaasahan na tatayo rin siya.
“Wait Vince. Can I go with you?” tanong niya at humawak pa sa braso ko. “Please? Wala naman kasi akong gagawin dito sa bahay.”
Napa hugot na lang ako ng malalim na paghinga. “Sige na nga. Huwag ka lang magulo,” sabi ko at para siyang batang napasaya na binigyan ng candy.
Tingin ko ay bored na bored na siya sa buhay. Kaya kung ano ano na lang ang ginagawa niya. Samantalang kaming mahihirap, hindi lang isang kahig kundi dalawang kahig o tatlo para lang maka kain at maka survive sa mundong malupit.
Sumunod siya sa akin at parang sanay na sanay ng umangkas sa motor. Ilang minuto lang at nakarating na kami ng bakeshop na pinagtatrabahuhan ko.
Grabe ang mga tinginan sa akin ng mga katrabaho ko dahil may kasama akong babae. Naka sukbit pa ang kamay sa bisig ko.
Nakaka-ilang na pagtinginan. Ayaw ko pa naman ng agaw-pansin ako. Kaya dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Freya sa aking bisig.
“Freya…, pwedeng layo layo ka muna? Alam mo na. Baka pag chismisan ako,” bulong ko sa kanya at tinanggal naman niya ang kamay niya sa bisig ko pero ang ay kasamang irap pa.
At gaya ng inaasahan ko, parang machine gün ang bibig na bumungad sa akin nang pumasok ako sa kitchen.
“Potangena naman, Boy! Kanina ka pa hinahanap. Ang lapit lapit lang ng pinagdeliveran mo ang tagal tagal mong bumalik! Kung di ka lang malakas kay Ma'am Via, tanggal ka na!” bulyaw sa akin ni Sir Yul, ang manager namin na feeling tagapagmana ng kumpanya.
Ewan ko ba mainit lagi ang ulo niya sa akin. Ngayon pa lang naman ako na-late dahil nga kay Freya. Ok lang naman kung tatanggalin niya ako ngayon at huling araw ko na. Para na rin hindi ko na makita ang pagmumukha ni Sir.
“O bumili ka na ng lunch ni Ma'am Via! Bilisan mo at baka nagugutom na yun,” sigaw niya ulit sa akin. Hindi naman ako nahihiya na sigaw sigawan niya kahit marinig pa ni Freya. Tanggap ko naman. Utusan lang ako. Ganun talaga. Kapag mababa ka sa tingin nila, ganun ganun ka na lang sigaw sigawan at ipahiya. Aa pagkakataong ito, wala akong reklamo, kasalanan ko naman talaga.
Lumabas na ako ng kitchen at hinanap si Freya. Naroon lang siya sa waiting area nakaupo. Panay ang kantyaw sa akin ng mga kaibigan kong staff habang ang mga babaeng staff ay naka irap sa akin. Parang ang laki ng kasalanan ko, hindi ko alam bakit bigla silang galit ang tingin sa akin. Eh palagi nga nila akong binabati, madalas nga ay binibigyan pa ako ng pagkain at nililibre. Hays mga babae ang hirap talaga intindihin. Bigla bigla na lang nagagalit, wala ka namang ginagawa.
Niyaya ko na si Freya na umalis. Kailangan naming mag madali dahil tanghali na. “Bilis Freya. Baka nagugutom na si gurang,” sabi ko habang nakasunod lang siya sa akin sa likuran ko.
Paglabas namin ng bakeshop ay may tatlong cute na batang nakapaligid sa motor ko. May al fresco dining kasi ang bakeshop at maaliwalas at presko doon kahit tanghali, madalas dun naka dine in ang mga may alagang aso kaya baka mga anak ng customer ang dalawang batang nakapalibot sa motor ko. Narinig namin ni Freya ang usapan nila.
“Ang ganda ng motol na ‘to. Papabili ako kay mommy nito,” sabi ng batang lalaki.
“Anong motol? Buyoy ka talaga. Motoy yan!” Saway ng batang babae.
Tawang tawa si Freya sa dalawang bata. Napaback hug pa siya sa akin. Bigla siyang tumigil sa pagtawa at na-realize niya yata na masyado na siyang komportable sa akin. At sa aktong tatanggalin niya na ang pagkakayakap sa aking bewang, agad kong hinuli ang kanyang mga bisig.
“Sige lang, yakap ka lang…” sabi ko.
Ilang segundo rin kami sa ganung ayos. Ganito pala ang pakiramdam ng may yumayakap. Namimiss ko na ang nanay ko.
Maya-maya ay kumalas na rin si Freya sa yakap niya sa akin at umalis na rin ang dalawang bata na nagtatalo sa motor.
Dumaan kami ni Freya sa isang maliit na kainan, hindi ito karinderya, hindi rin restoran, on-line ang order dito pero pwede rin naman mag walk-in. Dito ang gusto ni Ma'am Via dahil authentic lutong bahay. Habang naghihintay kami sa order, ang dami naming napag-usapan ni Freya. Hindi ko akalain na sa maikling panahon ay magkakasundo agad kami kahit na ang arte arte niya.
“Boy Takbo! Ito na order mo!” sigaw ng chef sa akin kaya nahinto na kami ni Freya sa aming kwentuhan.
“Ilang taon na ang boss mo?” tanong ni Freya habang sinusuot ko sa kanya ang helmet.
“Ah mga 42? Hindi ko alam basta 40 na siya,” sagot ko.
“What! Di ba buntis siya? Kaya nga inuutusan ka niya bumili ng lunch niya..”
“Oo kaya nga gurang tawag sa kanya. Bakit bawal ba mabuntis ang 40 na?”
“Hindi naman. Masyado lang akong interesado sa boss mo.”
Pagdating namin sa bahay ni Bossing Via ay nagulantang kami sa aming nakita. Bukas kasi ang gate na hindi naman pangkaraniwan niyang ginagawa. Dumating ang kaba sa dibdib ko dahil siguradong may mali.
Pagbukas namin ng gate ay bumungad sa amin ang nakakakilabot na tagpo—
Nakahandusay si gurang sa sahig sa loob ng kanyang bahay at puro dugo ang nasa paligid. Wala siyang malay…
“Ma'am Via! Ma'am Via!” hiyaw ko habang patakbong lumapit sa kanya.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .