Chapter 8

1811 Words
Chapter 8 ~Freya Martin ~ “Ma'am Via! Ma'am Via!” Sigaw ni Vince nang dumating kami sa bahay ng boss niya. Natulala na lang ako dahil ang kinukwento niyang boss ay buntis at ngayon ay nakahandusay sa sahig, puro dugo ang paligid. Oh my gosh, is she dead? Huwag naman sana. No wonder binansagan si Vince na “Boy Takbo”. He’s swift like a whirlwind. Paulit-ulit niyang tinapik tapik ang boss niya. Tiningnan ang pulso, ang dibdib kung may heartbeat pa. Kitang-kitang ko ang pag-aalala sa mukha niya, at nang nacheck niya na ang pag hinga nito, he took a deep breath as if he felt relieved. Dali-dali niyang binuhat ang buntis na tinawag niyang Ma’am Via. Mukhang makukunan yata ito dahil sa dami ng dugong nakakalat sa sahig. Oh please, huwag naman sana. Kawawa ang baby at ang mommy. Sa tingin ko sa edad niya ay matagal niyang hinintay ang baby na iyon. Hindi ko alam kung paano nabuhat ni Vince ang buntis niyang boss, though malaki ang built ng katawan ni Vince at siya rin ay matangkad pero sa tingin ko ay masyadong mabigat ang boss niya dahil mukhang nasa third sem na ang pinagbubuntis nito. Pero nakatutulala talaga ang lakas niya. Agad niya itong binuhat at sobrang alerto niya. “Freya! Paki kuha yung susi ng kotse nakasabit dun sa malapit sa pinto!” sigaw ni Vince sa akin at … OMG, natataranta ako. Buti na lang at nakita ko agad ang susi na tinutukoy niya. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse at walang sandali na sinayang si Vince. "Freya! Mauna Kang pumasok,” utos niya at agad ko itong sinunod matapos ibigay sa kanya ang susi. Sa backseat kami ni Ma'am Via. Nakahiga siya, wala pa ring malay habang ang ulo niya ay nakapatong sa aking lap. Agad din naman siyang pumasok sa Kotse at Umupo sa driver's seat. Kahit na nakakakaba ang sitwasyon at sobrang nakaka tense ang nangyayari, nananatiling kalmado pa rin si Vince kahit na alam kong nag aalala siya. Habang tinitignan ko siyang nagda drive, I don't know why… pero humahanga talaga ako sa kanya, hindi lang dahil sa sobrang cutie niya pero the way he handles the situation in a calm and gentle manner, parang nakaka… in love. I know it's not the right time para mag-isip ng mga ganitong bagay pero hindi ko talaga maiwasan. Vince is such a good person, and I can't help but to be drawn to him. Pakiramdam ko, safe na safe ako kung siya ang kasama ko. Very manly, very masculine. Napatingin naman ako kay Ma'am Via. Wala pa rin siyang malay. I hope she's ok. Habang tinititigan ko siya, ang ganda ganda niya. Hindi ko akalain na forty plus years old na siya. She looks so young. Who would have thought na halos doble ang tanda niya sa akin? Kung hindi lang siya buntis, iisipin kong may feelings si Vince sa kanya. Hindi malayong magkagusto si Vince sa ganito kagandang gurang, as they call her. Hays, bakit ba iyon ang naiisip ko. Napakahawak na lang ako tiyan niya. I hope she's fine and her baby. “Matagal pa ba, Vince? Kinakabahan ako…” “Malapit na, Mam. Ayan na,” sagot niya at pagkaliwa niya sa kanto ay naroon na nga ang signage ng Emergency. Agad na naka stand by ang stretcher nang huminto kami sa entrance. Mabilis na tumugon ang mga hospital staffs. Off limits na kami sa pinakaloob at sila na ang bahala kay mam Via. Si Vince ang nag fill out ng mga information na hinihingi sa admission desk. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nakaupo sa labas ng emergency room, pero pakiramdam ko parang huminto ang oras. Hospitals have that effect, I guess. I really hate this place. Parang kani-kanina lang ay tinakasan ko ang security ni mom at na snatch ang diamond necklace ko. Then nakilala si Vince at ngayon ay nandito kami sa hospital dahil tinulungan namin ang isang buntis. Ang daming nangyaring hindi ko inaasahan. Tahimik ang hallway, nagkaka ingay lang kapag dumadaan ang mga nurse na nag-uusap o mga bantay ng pasyente. Napabuntong-hininga ako at napatingin kay Vince. Masyado siyang nag-alala. Goodness, I'm freaking nervous, and so is he. “Pasensya na, Freya at naabala kita—” “Ah no. Don't mind me,” agad kong sabi. “Ako naman ang nagpupumilit na sumama sa'yo.” Ipinatong ko ang aking palad sa malaki niyang kamay. Oh my gosh, ngayon ako tinamaan ng kahihiyan. Naalala kong siya ang first kiss ko at sa kanya ko ginawa ang most intimate moment na ginawa ko ever. Nahimasmasan na ako kaya ngayon ko nare-realize na nakakahiya sa kanya. Masyado akong naging panatag sa lalaking ito na ngayon ko lang nakilala. He's so interesting, ang dami kong gustong itanong. Pero hindi yata appropriate for this kind of place and situation kaya tahimik lang ako. Biglang bumukas ang pintuan ng emergency room. Pareho kaming napalingon. Lumabas ang doktor at mga nurse. “Doc…” agad na sabi ni Vince at tumayo. The doctor looked at us briefly before speaking. “The patient is stable now,”sabi niya sa mahinahong boses. “We were able to prevent the miscarriage.” Oh thank goodness. Napakapit ako sa braso ni Vince. “However,” dugtong pa ng doktor. “She needs complete bed rest and must avoid stress. Lalo na sa edad niya na high risk na ang pregnancy. I’ve prescribed medication, and she will need to stay here in the hospital for a few days so we can monitor her condition." Napansin kong napahinga si Vince nang malalim. “Thank you po, Doc,” sabi niya agad. “Thank you po, talaga.” Napangiti ako nang bahagya. “Well… that’s a relief,” sabi ko, medyo mahina pero halatang gumaan ang loob ko. “Buti naman she’s okay and the baby.” Tumango ang doktor. “You may visit her now, but please keep it short. She needs to rest.” Pagkaalis ng doktor, sandali kaming nagkatinginan ni Vince. Hindi man siya magsalita, pero kita ko sa mga mata niya kung gaano siya nag-alala. “Let’s go,” sabi ko. “Bisitahin natin siya.” Pagpasok namin sa kwarto, agad kong nakita si Via. Nakahiga siya sa hospital bed. Maputla pa rin ang mukha niya, at halatang pagod, pero gising na siya. “Hi Vince,” malumanay na sabi nito. Ngayon na nakamulat na ang kanyang mga mata, lalo siyang gumanda. Sana kapag nagka edad na ako ay ganito pa rin ako kaganda. “Ma’am Via…” mahina niyang tawag. Lumipat ang tingin ni Via sa akin, at kahit halatang mahina pa siya, ngumiti siya. “Oh, may kasama ka pala. Girlfriend mo? Ang pretty naman,” sabi niya at napangiti ako ng bahagya kasi nahiya naman ako. Paano ba i-explain na ngayon nga lang kami nagkakilala ni Vince. “Ah hindi po, Bossing,” agad na sagot ni Vince. Grabe ang pagtanggi niya. Hindi naman ako na-hurt dahil totoo naman na hindi niya ako girlfriend. Pero the way he said it, parang never, not in his wildest dreams na magiging kami kasi ayaw niya sa akin. Parang ganun ang dating sa akin. “Sorry,” mahinang sabi ni ma'am Via. “Naabala ko kayo…” “Oh no worries ma'am,” sabi ko agad. Pero sa tingin ni Ma'am Via sa amin alam kong naghihintay siya ng further details about me, kung sino ako at ano ang ginagawa ko kasama si Vince. Mukhang ito rin ang napansin ni Vince kaya siya na ang sumagot. “Ahm Bossing… si Freya po… siya na po ang magiging amo ko Ma'am. Di ba nakwento ko naman sa inyo na kailangan ko na maghanap ng ibang trabaho,” nahihiyang sabi ni Vince at biglang lumungkot ang mukha ni ma'am. Halata naman na ayaw niyang pakawalan si Vince pero wala siyang magagawa kung ito ang desisyon ng empleyado niya. “Sabi ko naman sa'yo di ba, mag college ka. Hindi pa naman huli ang lahat. You're just twenty one. Kung pera ang kailangan, I can support you financially —” “Hindi na po bossing,” sabat ni Vince at hinawakan niya ang kamay ni ma'am Via. “Ma'am V, marami ka ng naitulong sa akin. Marami pa akong utang na hindi nababayaran–” “Forget that Vince. Marami ka rin naman naitulong sa akin. You just returned the favor… utang na loob ko sa'yo ang buhay namin ng baby ko. Huwag mo ng isipin ang lahat ng utang mo. Nakalista yun sa hangin.” Nag ngitian silang dalawa habang magkahawak kamay. Both are happy. It was such a great sight to behold. Nakaka proud si Vince kahit na ngayon ko lang siya nakita. At ako na ang pumutol ng kanilang moment. “Ahm.. ma'am Via, huwag na po kayong mag-alala dahil magko-college din si Vince,” sabi ko at napatingin sila sa akin. “Too late na po for this semester. Pero mabilis naman na ang araw kaya hintayin na lang niya ang susunod na pasukan. Huwag na po kayong mag alala sa kanya at maga-guide ko po siya. Dun kami sa university kung saan ako nagmamasteral,” mahaba kong sabi. “Oh, masteral. Anong course? Mukhang bata ka pa, nagmamasteral ka na pala,” gulat na tanong ni ma'am Via at napangiti na lang ako. Maliit lang kasi ako, I'm just 5’3 at baby face daw kaya madalas napagkakamalan na teenager. But I'm already 24. “Secondary Education po,” sagot ko at biglang nawala ang ningning sa kanyang mga mata. Hala bakit? May masama ba akong nasabi? “I see… teacher na naman,” sabi niya na halos pabulong at hindi na siya makatingin ng diretso sa akin. Bakit kaya dismayado siya sa isang teacher? Student pa lang naman ako anyway. “Ah Bossing,” sabat ni Vince dahil parang bumigat na ang ihip ng hangin. “Sabi ng doktor kailangan mo na raw magpahinga. Parating na rin si Ma'am Mildred para siya na po ang magbantay sa inyo.” Magpapaalam na sana si Vince pero agad na hinablot ni Ma'am Via ang kamay niya. “Vince… alam kong gustong gusto mo nang maghanap ng ibang trabaho pero, nakita mo naman ang sitwasyon ko. Wala akong ibang mapagkakatiwalaan at maasahan kundi ikaw lang at ang bestfriend ko. Pero hindi naman niya kayang tulungan ako na mag isa lang siya. Pwede bang mag extend ng service mo hanggat hindi ka pa pumapasok sa school?” pakiusap niya. Hays… ewan ko ba. Naaawa ako sa kanya at nababaitan pero bakit parang gusto ko siyang pigilan… bakit gusto ko ay akin lang si Vince. Nagkatinginan kami ni Vince at parang may gusto siyang sabihin sa akin… Ano na Vince? Ano nang pasya mo? ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . ,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD