Chapter 9
~Freya Martin ~
“Vince… alam kong gustong gusto mo nang maghanap ng ibang trabaho pero, nakita mo naman ang sitwasyon ko. Wala akong ibang mapagkakatiwalaan at maasahan kundi ikaw lang at ang bestfriend ko. Pwede bang mag extend ng service mo hanggat hindi ka pa pumapasok sa school.”
Paki-usap iyon ni Ma’am Via kay Vince at napabuntong-hininga na lang siya.
“Sige po, Bossing. Alam niyo naman na hindi ko kayo matatanggihan. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo. Kung wala kayo ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin,” sabi ni Vince at hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ni Ma’am Via.
Hindi na ako magtataka pa kung iyon ang desisyon niya, mukhang mabait naman talaga ang boss niya at isa pa, mukhang mabuting tao talaga si Vince para pagkatiwalaan. Sa dami ng tauhan ni Ms. Via ay siya pa ang napiling pagkatiwalaan.
Mas kailangan nga siya ni ma'am Via kaya siguro ay maghihintay na lang ako kung kailan siya pwedeng maging available ng full-time sa akin.
Maya-maya ay dumating na rin ang kaibigan ni Ms. Via na magbabantay sa kanya. kaya nagpaalam na kami ni Vince.
Gabi na nang makalabas kami ng hospital. Niyaya ko siyang kumain sa isang resto para mag dinner. Parang nagdadalawang-isip pa siya pero I insisted.
‘It’s on me. Don’t worry,” iyan ang sinabi ko kaya napapayag na rin siya.
“Hindi ako sanay na babae ang nanlilibre sa akin. Pero salamat,” sigaw niya habang nasa byahe kami ng motor.
Just as I thought, siguro ay wala siyang pera.
“Ok lang naman. Bakit ba ayaw mong ilibre, eh hindi naman tayo nagde-date,” sigaw ko rin dahil malakas ang hangin kahit na smooth lang ang andar namin.
“Naisip ko nga ‘yan kaya nga pumayag na ako. Hindi naman kasi date ‘to,” sagot niya. Ah ok, ayaw niya talaga akong i-date. Siguro hindi niya talaga ako type. Ang mga gusto niya siguro ay mga gurang na gaya ni Ma'am Via.
Edi sige, kung hindi niya ako type, hindi ko rin siya gusto. I’m not to chase anyone. Anak kaya ako ng mayor at kung mataas ang standards niya eh mas mataas naman ang akin. Hindi ko siya hahabulin kahit na gaano pa siya ka-gwapo at ka-ideal man.
Biglang nawala yung awkward feeling ko towards him. Siguro nga mas mabuti na yung simpleng errand boy ko lang siya at hindi na hihigit pa don para hindi na kami magka-ilangan.
Kaya nang bumaba na kami sa basement parking lot ay inalalayan niya ako but I refused. Ayaw kong ma-fall sa lalaking hindi naman ako ang gusto.
Pero paano ko ba siya ma-iignore kung sadyang agaw-pansin siya talaga? Habang papasok kami sa loob ng mall ay may nadaanan kaming matandang babae, may bitbit siyang box na ipapasok sa compartment ng kotse. Agad na tinulungan ito ni Vince at natulala ito nang makita ang mukha ni Vince. Yeah, lola, I get you. Sino bang hindi matutulala sa kagwapuhan ni Vince. Sa sobrang tuwa ng elderly woman ay napatingkayad ito para halikan sa pisngi si Vince. Oh my gosh, Vince is such a ‘lalaking para sa lahat’.
Medyo dumistansya na rin ako habang naglalakad kami sa loob ng mall at napansin niya rin yata ang masyadong pag layo ko kaya nasa likod ko lang siya, nakasunod sa akin.
Hinatak ko lang siya nang matunton namin ang restaurant na kakainan namin. Wala naman siyang angal. We act na normal lang, casual friends, ganun. Nakaka-inis. Kasi kahit anong pilit ko na pag ignore sa kanya, but I still find myself stealing glances at him. Napansin kong konti lang ang kinakain niya.
“Ayaw mo ba niyan? Hindi mo ba gusto? Mag-order ka pa ng iba,” sabi ko nang mapansin na hindi siya masyadong kumakain.
‘Ah hindi. Ok lang ako, Freya. Masarap nga eh. kaya lang…” Biglang napa-urong yata ang dila niya. Nahihiya siyang magsabi. “Ah kasi, ipapasalubong ko sa Auntie ko. Gusto niya kasing tikman itong steak…”
Ah I see. Oh my gosh. This man is so poor, can’t even afford to buy a steak. Pero hindi iyon ang nakikita ko sa kanya. Napaka thoughtful niya.
“Ah hayaan mo na, I’ll get her another one. Kainin mo na yan,” sabi ko at tinawag ang waiter para magpa take out ng steak, pinadagdagan ko pa ng ibang side dish.
Pagkatapos namin kumain, nagulat ako dahil bigla na lang niya akong hinila sa loob ng watsons, yung bilihan ng mga skincare at kung ano ano pang pang babaeng stuffs.
“Wait lang Freya, pwedeng pahintay muna? may bibilhin lang ako,” sabi niya.
“Alright, ano bang bibilhin mo? Para ba kay Maam Via?” tanong ko.
Hays bakit ba masyado siyang nagke-care sa boss niya? I get it naman na malaki ang utang na loob niya pero yung palagi na lang ang boss niya ang iniisip niya ay disturbing .
“Bibili ako ng sunscreen. Alam mo na, ayaw kong umitim,” sagot niya.
And I was like.. ah ok.
Ang dami kong inner thoughts, nadamay pa ang nananahimik na gurang, para sa kanya lang pala ang bibilhin niya. Well, it makes sense naman na nandito siya at bibili ng sunscreen protection dahil palagi siyang nasa initan. kaya pala ang puti pa rin niya kahit na babad siya sa araw.
Well, I don’t know but instead na ma-turn off sa kanya ay natuwa pa ako. Mukhang magkakasundo kami. At least hindi siya maiinip kapag nagyaya ako sa mga ganitong lugar para mag shopping.
“Ah ito ang ginagamit kong sunscreen,” sabi ko sa kanya.
“Ah hindi yan hiyang sa skin ko,” simpleng sagot niya ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Oh wow naman. Kakaiba talaga siya. Hindi naman siya bading kasi, kiniss naman niya ako.
Ilang saglit lang ay nakita niya na ang brand na gusto niya. Pero nahagip ng paningin ko ang shelf ng mga lipstick.
“Ah wait, Vince. Tignan ko lang itong mga lipstick.”
Nang aabutin ko na sana ang dark red shade ay inunahan niya akong abutin ito, dahil higit na matangkad siya sa akin kaya naunahan niya ako at hinarangan niya pa ang shelf.
“Ayaw kong mangialam sa trip mo, Mam. Pero mas gusto ko yung natural pink lips mo,” sabi niya at na-speechless ako. “Saka… mas masarap kang i-kiss kapag walang lipstick,” dagdag pa niya kaya lalo akong natigilan. Did I hear him right?
I just stood, rooted to the ground, kahit iniwan na niya ako at dumiretso na siya sa cashier para bilhin ang sunscreen niya.
Nakaka-inis talaga ang preskong lalaki na ito, masyadong pa-fall.
Madilim na nang pagpunta namin sa basement. Bago pa kami sumakay sa motor ay sinabi kong sa bahay na siya matulog dahil wala naman akong kasama doon.
“Kailangan ko pang magpa-alam sa auntie ko. Sa susunod na lang siguro, Ma'am Freya,” sagot niya sa akin.
Grabe talagang good boy naman ni Boy Takbo. Parang nahiya naman ako bigla kasi tumatakas pa ako para lang mag night life o sleepover pero itong lalaki na ito na bumubuhay sa sarili niya ay nagpapaalam pa sa auntie.
“Ah samahan na kita sa inyo. At ako na rin ang magpa alam sa aunt mo na simula sa araw na ito ay sa bahay na kita matutulog.”
“Sorry Freya pero huwag ka nang sumama sa akin.”
Agad siyang tumanggi at syempre hindi ako papayag.
“Freya, hindi na ako magpapaligoy pa. Sa squatters area lang ako nakatira. Barong barong lang ang tinutuluyan ko, nakikitira lang sa tiyahin ko—”
“Ano naman… it's alright.”
Napabuntong hininga na lang siya dahil give up na siya sa kakulitan ko. Sinama nga niya ako sa place niya at nasa corner pa lang kami ay ang dami ng bata na nagkalat. Parang may factory ng mga bata. Tapos may dinaanan pa kaming makitid na eskinita. Medyo dark ang alley pero hinawakan ni Vince ang kamay ko at inalalayan… kahit papaano ay I feel safe. Pero hindi ako nakaligtas sa mga matatandang gossipers na pinagtitinginan kami. Lalo na ang mga girls na nadadaanan namin na obviously ay head over heels kay Vince.
Hindi ko na napansin na napahinto na pala siya at ako ay tuloy tuloy lang sa paglalakad at nakatingin sa mga babaeng nagbubulungan at masama ang tingin sa akin.
Parang naririnig ko pa ang mga bulung-bulungan nila…
“Aw first time magdala ni Boy ng babae.”
“Girlfriend niya ba yan? Ang ganda, gurl.”
“Wala na tinapos na ni atecco ang pila “
Well, medyo naflatter naman ako sa narinig ko. Kaya nawala ako sa focus at nauntog ako sa malapad na likod ni Vince. Pagtingin ko ay nag bless siya sa isang babae na nakatayo sa pinto. Pagkatapos ay inabot niya na ang take out na steak. Tuwang-tuwa ang babae na siguradong tita niya.
Totoo pala talaga ang lahat ng sinabi niya, informal settlers sila at barong-barong lang ang bahay nila. Kaya pala ayaw niya akong isama. Mas decent pa ang storage room ko sa bahay nila.
Napatingin sa akin ang babae na pinakilala niyang auntie Clara. Mukhang mabait ang auntie niya pero hindi niya kamukha. Malayong-malayo.
Agad din akong pinakilala ni Vince bilang amo niya. Pinapasok niya kami sa loob. “Pagpasensyahan mo na ang munting barong-barong namin, hija…”
“Ay wala po yun, Auntie. Pero pasensya na po kasi dumaan lang talaga kami ni Vince para ipagpaalam ko siya sa inyo na, sa bahay na po siya mag stay in bilang errand boy ko po.”
Nanatili lang siyang nakatitig sa akin pagkatapos ay kay Vince, hindi niya alam kung anong isasagot.
Hanggang sa may dumating na lalaki… pasuray-suray ang lakad dahil sa kalasingan. Hindi niya ako napansin dahil nasa likod ako ni Vince. Nagulat ako dahil bigla na lang niyang hinawi si auntie Clara.
“Umalis ka ngang babae ka sa dadaanan ko. Malas ka sa buhay! Anong ulam!” sigaw nito at bigla na lang nawalan ng malay.
Nagulat ako pero sina Vince at Auntie Clara ay hindi. Parang sanay na sila sa ganitong tagpo. Inalalayan ni Vince ang lalaki papunta sa loob ng bahay at hiniga sa wooden sofa.
“Ah sige na… alis na kayo,” sabi ni Auntie Clara sa amin ni Vince. “Ako na ang bahala dito.”
Wala na rin magawa si Vince kundi ang magpaalam. “Hayaan mo auntie, maganda na trabaho ko, maaahon din kita sa lugar na ito.”
Pilit na pinipigilan ni auntie Clara ang mga luha niya.
“Ah sige na, sige na. Alis na. Huwag mo na akong intindihin,” sabi niya.
Pumasok si Vince sa loob at nakita kong nag impake siya ng gamit. Konting mga damit at gamit na parang mag sleepover lang.
Tapos ay umuwi na nga kami sa bahay. Pagdating namin sa bahay… doon ko lang na-realize na dalawa nga lang pala kami sa bahay…
Walang istorbo. Walang mangingialam sa kung anong gagawin namin.
Pagkatapos naming pumasok sa bahay ko ay nagkatinginan kami na para bang nagkakaunawaan na kami.
“So… itutuloy na ba natin?” walang kiyeme kong tanong.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .