Nagulat ako nang biglang may mga daggers na sumalo roon na dapat pupunta sa akin.
Sa pagkakatanda ko, hindi kami gumagamit ni Leticia ng dagger...
“Ayos lang ba kayo? Tara na bago pa sila magising.”
Kahit hindi namin kilala ni Leti ang estrangherong ito ay sumama na lang kami sa kaniya.
“Studyante kayo ng Moonlight Academy, hindi ba?”
Stalker ba ‘to?
“Paano mo nalaman?” tanong ni Leticia sa kaniya.
Hindi niya siguro alam na isa kaming prinsesa dahil ordinaryong damit lang ang suot namin sa ngayon.
“Studyante rin ako roon.” She smiled.
Ang creepy ng smile niya...
“Who are you?” Ngunot-noo na tanong ko rito.
“Dapat ako ang magtatanong sa inyo niyan, ‘di ba? Pero sige, ayaw ko rin naman maging bastos sa mga bisita ko. Ako si Mia. . . tawagin niyo na lang ako bilang Mia.”
I know she’s sarcastic for what she said but I don’t like it.
“Oh, kayo naman? Anong pangalan niyo?”
“Before we answer your question, please answer our question first,” Leticia said.
I knew it. May kutob na rin siya na hindi maganda sa babaeng ito.
“But I already answered it.” She smiled again. I hate that smile.
“What did you do to all the Gardonians? Why did they sleep that fast? We all know that we can’t use power and ability in that forest," I asked.
“Don’t worry, I just used my sleep thorns. Those thorns are not harmful. Those are provided by the academy. Nilagay ko isa-isa sa kanila habang naglalaban kayo kanina.”
“So, you’ve been following us since the start?” I asked again.
Why didn’t I feel her presence? Who is she? Did she really not know who we are?
“Naguguluhan kayo, tama ba? Ako ay pinadala ng Headmaster para sa misyon na ito. Misyon ko na sundan kayo at panatilihing ligtas kayo,” saad niya, “Bakit ba parang mahalaga kayo? Sino ba kayo? Ano ba kayo? Dapat nasa classroom na ako ngayon kasama si Clev.” She crossed her arms.
I really don’t like her attitude, even though she saved me? No. She didn’t pass my vibe. Kasalanan ba namin kung siya ang pinadala ni Headmaster dito.
“Cuz, calm down. Close your mind.” My cousin used telepathy. I didn’t notice that my mind was open. So, I closed it. I hope she didn’t read it. Well if she is, at least she’s aware.
Lahat kaming nakatira sa mundong ito ay may kakayahan na basahin ang isip ng bawat isa ngunit nababase ito sa kung ano ang ranggo mo o kung saan lang ang abot ng abilidad mo.
May limitasyon ang paggamit nito sa mga normal na mag-aaral o magic user. Pero kung isa kang may dugong maharlika, walang limitasyon ito ngunit maaaring makakasama sa isipan ang walang pahingang paggamit nito.
“Nandito na tayo.”
Napanganga ako. Sobrang laki nito kung ikukumpara mo sa palasyo ng limang kaharian.
“Cuz, tulo na laway mo," wika sa akin ni Leticia.
Agad ko namang hinawakan ang bibig ko para tingnan kung mayroon nga.
“Bonak! ‘Yan kase, lulutang-lutang.” Tumakbo siya habang tumatawa dahil alam niyang bubugahan ko na naman siya ng apoy.
Nag-teleport na lang ako sa Headmaster room kasi hindi ko na kakayanin pa makasama ang babaeng iyon. Sigurado akong nasa dorm na si Leticia kasama ang ibang royalties.
“Headmaster.” I knocked first before I went in.
“Princess,” he said before he knelt down.
“Headmaster, I want you to treat me as a student. Not as a princess because we’re here in the academy. So, please stand up," I said.
“Sorry if you didn’t like how I acted, Princess,” he said.
“By the way, makakasama mo sa dorm ang royalties. Do you need someone to guide you there or will you just use the map?” he asked.
“I’ll just use the map. Thank you, Hm."
“Hm? Did you mean how much?” he asked.
I chuckled. Hindi ba uso sa kanila ang paikliin ang mga salita?
“Hm, short for Headmaster po.” We both laughed.
“Pasensya ka na, Hija. Hindi ako nakasasabay sa mga ganiyan-ganiyan dahil masyado na akong matanda para riyan.”
“Headmaster, being a cool person is not about age. It’s about how you will sync and act in this generation but that doesn’t mean you need to force yourself just to fit in. Just act what you want and enjoy it," I explained.
“You know a lot."
“Sige na po, Headmaster. Mauuna na po ako. Sigurado ako na hinahanap na ako ng pinsan ko. Paalam po.”
“Mag-ingat ka, Hija.”
Tinignan ko ang mapa. Magkahiwalay pala ang dorm ng normal magic user student at sa aming mga royalties. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa dorm ng royalties.
Hindi ko magamit ang teleport ability ko dahil maaaring akong ma-overused. Kanina ko pa kasi ito ginagamit simula nang atakihin kami ng mga Gardonians.
“Ang ganda niya.”
“New student siguro siya.”
“Pre, chix!"
“She’s beautiful.”
“Pre, pustahan tayo bago matapos ang buwan na ito, magiging akin siya.”
Ul*l! As if naman na papayag akong magpaligaw sayo. Anong silbi ng bulungan kung naririnig ko naman? Sana gumamit na sila ng mic para mas maganda, ‘di ba?
“Hi miss, bago ka ba rito? Gusto mo sa dorm ka na lang namin matulog?” They smirked.
Aba’y mga bastos pala ang mga estudyante rito. Ang sarap upakan. Napaka-bastos!
Dahil nga pagod na pagod ako dahil sa laban, linagpasan ko na lang sila. Pero ang mga mokong ay hinarangan pa ako.
“Get out of there," mariing wika ko.
“Pre, sosyal! Englishera,” the red-haired guy said.
Mukha siyang manok dahil sa itsura niya. Ngayon lang ba sila nakarinig ng taong nagsasalita ng lengguwahe na Ingles?
“I said. Get out of there," sabi ko at bawat salita ay may riin. Ayaw kong harapin ang gulo pero parang ang gulo mismo ang gustong humarap sa akin.
“Wow, miss. Kalma! Masaya naman doon sa dorm namin, 'wag kang mag-alala,” sabi niya.
“Hey! The red-haired guy,” tawag ko sa kaniya.
Humakbang siya ng isang beses at ngumisi.
“Bakit? Masyado ka bang naaadik sa mukha ko?” tanong niya.
Ako naman ang ngumisi ngayon. “Gusto ko lang sabihin na nagmumukha kang manok sa itsura mo.”
Agad namang nagtawanan ang mga kasama niya. Ganoon na rin iyong mga estudyante na nakaririnig sa amin.
“Ayos lang iyon, miss. Ang mahalaga, nakabingwit kami ng isang tulad mo. Tara na sa dorm,” sabi niya.
Put*nginang g*gong ‘to? Ilang beses ba ito ipinanganak, ha? Naka-unli text ba siya at paulit-ulit?
“Get lost.”
Nagulat ako nang biglang nagtakbuhan ang tatlong mokong na iyon. Pagharap ko sa likod, nakita ko sila Leticia at ang royalties?
“Cuz, omg ka! Hays, kung hindi ko pa narinig ang nasa isip mo ay baka hindi ka na namin mahanap at mahuli na kami ng dating.”
“Grabe 'yong curse! Ang lutong,” the brown haired guy said and then he laughed.
“Nakalimutan mo na namang isara ang isip mo, Cuz," saad sa akin ni Leticia.
“I’m tired. I-I-I need some rest, please," I said.