CHAPTER 08

721 Words
Jevey POV Nakauwe na kami sa bahay. Walang humpay sa pagkwekwento si Ate Chloe kila Tita at Tito sa paglalaro ko kanina. Lahat na ata ng papuri ay nasabi na nila. Habang pinagmamasdan silang nagtatawanan ay bigla kong namiss si Mama. Ilang buwan na din simula nong nanirahan ako dito ngunit sariwa parin sa isipan ko ang kaniyang ala-ala. Natapos ang kainan naming puro tawanan. Nung gabing yun naisip kong kahit ulila na ako ay meron paring mga taong mabubusilak ang puso para sa gaya kong nangungulila sa pagmamahal ng isang magulang, sila lang ang pamilyang tumulong sakin at nagpahalaga. Nandito ako sa kwarto. Habang nakahiga sa kisame. Ewan ko ba lumilitaw sa isip ko ang mukha ni Arte. Hindi maalis sa isip ko ang mukha niya kanina, para talagang may sabihin siya pero di masabi. "Hay naku ang maarteng yon" "Sabi na ei" Napapitlag ako sa gulat nang may narinig akong nagsalita. "Huy ate! bakit di ka man lang kumatok" "Kanina pa ako nandito pero di mo man lang ako pinapansin." " Bakit ka nga pala nandito?" siguro talagang busy lang ako sa pag-iisip kanina sa kaniya— ha ano daw bat sa kaniya sus. "Sinong iniisip mo?" "Si Charlotte ate ang arte" wala sa sarili kong sabi "Ayueeettttssss" sundot niya sa bewang ko, nagulat naman ako sa lumabas sa isip ko. "Ha ano bang sinabi ko! hindi siya ang iniisip ko bakit ko naman iisipin ang maarteng yun! akala mo ilang cologne ang ininom at halos iligo na ang alcohol sa sa buong katawan. Sobrang arte!" mabilis ang pagsasalita ko at hindi kona nga alam kong anong pinagsasabi ko. "Uhmm hindi nga talaga siya ang iniisip mo" parang di pa ata naniniwala. "Hindi naman talaga" sabi ko atsaka ko kinuha ang kumot. " Matutulog na ako ate. Pakilock nalang ang pintuan paglalabas ka." pumikit na ako. "Okay, pareho nga kayo" __ Lumipas ang mga araw at linggo na sumasama na ako sa practice ng basketball. Malapit na daw kasi ang tournament. Kilala kona ang mga teammates ko. Si Hans, Daniel , Raye at ako. Kami lang na apat ang pumasa sa try-out. Sila lang ang nakakausap ko kapag may practice, minsan sumasama din sila sa amin. Ngayon dalawang linggo na kaming pumapractice minsanan kona lang din nakikita si Denver na sumasama sakin, ewan ko sa isang yon sa tuwing niya-yaya ko siyang sumama sa akin para manood ng practice namin, agad siyang gumagawa ng palusot. "Pre san ka naman galing?" isa pa itong kasama namin. "Jovan, hindi mo parin siya makalimutan noh?" Naging close kona din yan. Si Jovan na hanggang ngayon ay hindi parin makalimutan ang ex niya. Hindi ko naman kilala kung sinong ex ang kinababaliwan niya, swerte naman niya. "Hanggang ngayon mahal ko parin siya. Hindi ko siya maalis sa isip ko kahit anong gawin ko, kahit magpakabusy ako. Pero hindi ko siya kayang kalimutan." minsan naaawa na ako sa kaniya dahil halata sa mukha niya ang walang tulog. "Kagabi lang nakita ko siyang may kasamang lalaki, hindi ko nga lang nakita kung sino yon. Sumakay siya sa kotseng mamahalin..nakakapanghina." ngayon lang ako nakakita ng taong ganito magmahal. Kapag ako nagmahal, sana hindi ako ganito. Tulala lang siya at wala sa sarili. Kaya hinayaan nalang namin siya kung anong gusto niyang gawin, baka nga inaantok pa ei. _____ Byernes ngayon, kaya syempre blooming ako. Nakagel pa ako. Ewan ko ba mukha akong goodmood ngayon dahil siguro wala kaming practice? hindi lang yun haha. Umupo na ako. Maya-maya pa ay dumating naman ang seatmate ko. "Oh para kang zombie." pambungad ko kay Denver, nakakapagtaka kasi hindi siya nakaayos ngayon at halata sa mukha niya ang kulang sa tulog. "Bat ganyan itsura mo?" nagtataka kong tanong. "May baliw kasi kagabi sa kalsada. Nanggugulo, kakakatok sa pintuan tapos aalis din naman. Baliw talaga, hindi ako nakatulog natatakot ako kagabi ei baka pumasok sa loob, buong gabi kong binantayan ang bahay. Wala pa naman akong kasama kagabi. " "Ah ganon pala yon. Nakita muna yung mukha mo sa salamin? mukha kang ginahasa, hindi ka man ata naligo " walang preno kong sabi. "No offend bro, ganon talaga yung mukha mo ngayon, bawas point yan bro." para siyang nataranta tsaka inayos yung buhok niya pumunta siya sa grupo ng mga babae, manghihiram daw suklay atsaka pabango. "Guys! si Jovan patay na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD