Jevey POV
Hindi ko alam kung paano ko ba ilalarawan ang naganap ngayong araw. Parang kanina lang ang ganda ng gising ko, blooming at may mood pero nag-iba nalang bigla.
Kanina pa nakuha ang bangkay ni Jovan. Ang sabi ng ilan nakita daw nila itong tulala habang paakyat ng hagdan, kaya daw siguro tumalon ay dahil sa depression. Hindi agad naniwala ang mga teammates ko dahil matagal na itong kasama kaya kilalang-kilala ang tao.
Ang sabi pa nga nila "Hindi ako naniniwalang kaya niyang kitilin ang sariling buhay para lang sa maliit na problema kilala ko yan si Jovan hindi agad agad iyan sumusuko. Kaya aalamin ko ang totoong nangyari." isa sa mga matalik niyang kaibigan ang nagsabi niyan, Si Dave.
Kasama ko siya ngayon sa gym, kami kasi ang inatasan ni couch na ayusin ang mga bola at linisin ang gym bago umuwe.
Punong-puno na ng luha ang kaniyang mukha pati nga sipon nito hindi na niya namamalayan na tumutulo na pala. Ano ba naman kasi itong si Couch alam naman niyang kamamatay lang ng kaibigan ni Dave papalinisin pa niya ng gym, nauumay tuloy ako sa mukha niyang basang-basa na dahil sa pinaghalong luha at sipon, ni hindi man lang niya ito mapunasan.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa at inabot ito sa kaniya. Kinuha naman niya ito tsaka pinunasan ang mukha. "Salamat ha. Nakakahiya nakita mo akong umiiyak" at ngayon patawa-tawa na siya. "Sobrang sakit lang kasi eh, siya yung kaibigan kong maasahan at mapagkakatiwalaan tapos sa isang iglap bigla nalang siyang mawawala kaya hindi ako naniniwalang tumalon siya." kumpyansa talaga siyang kilala niya ang kaibigan niya. "Kasi alam mo kung bakit, lahat ng problema niya saakin niya sinasabi. Saakin siya humihingi ng advice sa tuwing malungkot, mas lalo pa ngayon at wala na sila ni Faya."
Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan na iyon. Familiar.."Siya yung ex girlfriend ni Jovan, wala din akong alam kung bakit nakipag-hiwalay si Faya sa kaniya. Mahal na mahal siya ng lalaki, kahit ganon ang itsura ni Faya tinanggap siya si Jovan kasi mahal niya yung tao e. Tignan mo nga naman nakuha pa niyang magloko kahit trinatrato na siya ng tama. Mukhang pera kasi. Dapat pala hindi ko nalang pinagkatiwala ang bestfriend ko sa babaeng yun." ang kaninang nalulungkot niyang ekspresyon ay agad na napalitan ng galit at tila gustong manakit.
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Habang pinagmamasdan siya ay may napansin ako sa kaniya. "Anong nangyari sa balikat mo?" kunot-noo akong lumapit sa kaniya, hindi ako maaaring magkamali dahil kaparehong-kapareho ito ng kay Faya! nakajersey kasi siya tapos medyo nagkiwi ang kaniyang suot. Lumapit ako upang matitigan pa ngunit agad siyang umiwas. Kagaya ng reaksiyon ni Faya nong nabangga ko siya at aksidente ko itong nakita sa balikat niya. Ganon din ang naging reaksiyon nito. "A-ano kaba, Jev kung ano-anong nakikita mo haha." tila bigla itong natauhan.
"Dalian mo kailangan ko pang asikasuhin ang bangkay ng best friend ko." ngayon ay nakangiti na siya at kahit hindi niya ipahalata ay pilit niyang winawaksi sa paningin ko ang scratch na kakaiba sa kanilang balikat.
Kung nung una hindi ko masiyadong na-familiarize ang scratch sa kaniyang balikat, hindi pala ito isang scratch— kundi parang paso.. hindi ko alam kung anong klaseng paso yan basta alam ko ang itsura ng paso.
"Tara na, Jev!"
Sandali pala akong natulala. Tumango ako at sumunod na sa kaniya.
Kung ano man ang dahilan ng pasong o ano pa man yon ay malalaman ko din yan. Ano bang tinatago niyo? pakiramdam ko tuloy nagiging detective ako sa ginagawa ko. Curious ako ei. Hindi pa naman ako makatulog, hindi ako patutulugin ng isip ko kakaisip kong ano ba talagang meron doon.
--
Nandito ako sa parking lot. Naghihintay ng sundo. Kanina pa nakauwe si Dave, may sarili siyang kotse. Inalok naman niya ako na ihahatid nalang niya pero sinabi kong may susundo sakin.
Andito nga ako sa parking lot dito sa gilid banda. Actually kanina pa akong nangangalay dito kakatayo, text ako ng text kay Ate Chloe di naman sinasagot. Baka nada byahe lang
Habang naghihintay ay nakita ko siya. Ilang araw din hindi nagtagpo ang landas namin, then there she is. Naglalakad siya na parang model at walang pakealam sa paligid. Napangisi ako habang pinagmamasdan siya, tsk. Mukha siyang tanga.
Hindi ko siya tinawag ko pinansin man lang. Hindi kasi ako papansin. Hinintay kong pansinin o tignan man lang ako kasi sure naman akong makikita niya ako dahil papalapit siya sa pwesto ko. Ayan papalapit siya.
Akala ko sa pwesto ko siya didiretso hindi pala. Sa kotse niya na nasa tabi ko lang, wow ha. Level up ang assuming mo boy.
"Ahem, nakita mo ba si Ate Chloe?" tanong ko. Nagbabakasaling nakita niya total kaibigan naman niya yon. Inaasahan ko ng sasagutin niya ako ng masungit way o di kaya'y babarahin niya ako, pero hindi. Hindi iyon nangyari. Tumingin siya sakin ng nakangiti, maaliwalas ang kaniyang mukha na nakatingin sakin tila ba hindi siya nainis sakin noong nakaraang araw.
"Hmm, hindi ko siya nakita ei. Kanina pang umaga, ang alam ko absent siya. Hindi mo alam?" inosente niyang sabi. Nagtataka naman ako sa kinikilos niya, teka bat ba nagtataka ako maganda nga yan para hindi na siya laging nakasimangot kapag nakikita niya ako eh. "Wala siyang sinabi sakin." kunot-noong sabi ko pero nakangiti, ewan ko siguro mukha na akong ewan sa itsura ko ngayon.
"Ah ganon ba. Pano ba yan wala akong sundo." parinig ko kasi nagbabakasakali akong ihahatid din niya ako sa bahay total alam naman nila bahay namin. Kumunot noo niya pero nginitian niya. "Ano naman?" patanong niyang sagot pero hindi nawawala ang kaniyang ngiti. Lalo siyanv gumaganda kapag ngumingiti siya.
"I mean, wala kabang puso para man lang ihatid ako? pasensiya na ha. Ano kasi ibig sabihin lang non wala akong sasakyan pauwe"
" Sorry kiddo, but i have to go. May importante pa akong tatapusin" ngumisi siya sakin atsaka pumasok na sa loob ng kotse niya.
"Ang damot mo naman, ngayon lang ei" pahabol kong sabi sa kaniya. Umalis na yung kotse niya ang bilis nga ng patakbo ei. "Tignan mo'to akala mo naman sa kaniya yung daanan kung makapatakbo ng sasakyan ei."
Arte. Kaya siguro ayaw niya akong isakay sa kotse niya kasi iniisip niyang magdudumihan lang yon, oo nga noh. Bakit koba nakalimutan na maarte pala yon.
Nainis tuloy ako bigla kay Ate Chloe, so ano to? pinaasa lang ako sa wala ganon? sana man lang nagchat siya, tumawag o nagtext man lang para naman hindi ako mukhangvtanga dito na naghihintay sa wala! urgh
Paalis na ako sa pwesto ko nang bigla nalang may mabilis na kotse ang huminto sa harapan ko. Sa sobrang gulat ko nakasigaw ako ng hindi kaaya-aya. "Huy gago kaba! kung balak mo akong sagasaan sana man yung nakatalikod ako noh? pakyo!" asar na asar na talaga ako sa nangyayari sakin ngayon, pinaasa na nga tapos muntik pang sagasaan.
Handa kona sanang sapulin sa ulo ang palabas sa kotse ngunit hindi natuloy dahil isang magandang binibini pala ang lumabas mula doon. "Jevey sorry ha, nagmamadali kasi ako ei. Buti naabutan kita dito akala ko pati ikaw nawawala din."
"Yesha?"
"Oh bakit? ano pang tinutunganga mo diyan, pumasok kana sa loob at kailangan na nating puntahan ang dalawa bago pa man natin sila maabutang bangkay nalang!" sigaw nito.
Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Teka ano to joke? "Ano bang pinasasabi mo? pinaprank mo ba ako? haynaku hindi na uubra sakin yan—"
"Potangina papasok ka o sasagasaan kita!!" hala ang binibini bigla nalang nagsalit ng word of wisdom
"S-sabi ko nga" nataranta ako sa bigla niyang pagsigaw. "bat kaba galit"
Pagpasok ko sa kotse ay tinignan ko siya. Seryuso siya at may mumunting pawis sa kaniyang noo, kahit may aircon naman dito sa kotse niya.
"Mamaya kana magtanong kapag naabutan na natin siya." pa mysterious effect niyang sabi. "Ang kailangan mo lang malaman ay hindi si Charlotte ang kausap mo kanina"
"Ay oo talaga hindi siya kasi hindi naman ganon aura ng arte niyong kaibigan ei. Maarte yun tsaka masungit at mabilis magalit pagdating sakin, pero kanina nakangiti pero ang damot naman niya hindi niya ako pinasakay sa kotse niya." nakasimangot kong sabi para tuloy akong nagsusumbong sakanya.
"Ayos yan, napansin mo din pala yon." sabi niya habang nagmamaneho. Ayos sana, chill ride with dyosa kaso ang bilis ng patakbo eh. " Parang sampo buhay mo ah, ang bilis ng patakbo mo! " sigaw ko dahil medyo bumibilis na talaga ang patakbo niya.
"Yes baby, kumapit ka kasi may gigibain tayo!"
Hindi kona kailangan magtanong dahil obvious naman sa nakikita ko, parang biglang tumigil yung takbo at naging malabo ang tunog ng sasakyan para akong nalula dahil dapak!
Napatili nalang ako nang bumangga kami sa isang pader!