bc

The Heartless Husband

book_age16+
283
FOLLOW
1.9K
READ
dark
escape while being pregnant
bxg
wife
husband
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Sa dami ng araw na pwedeng paglaruan ng tadhana si Kane Lorenzo, hindi niya inasahang sa mismong kasal pa talaga niya. Ang masaya sanang araw ay nauwi sa miserable at hindi niya matatanggap yon kahit kailan. Hindi niya palalagpasin ang babaeng bigla na lang umeksena sa kasal at buhay niya, he will make sure that Sofina will suffer really bad in his hands.

.

WARNING! SPG/R-18!

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Nanginginig ang mga tuhod na lumabas ako sa kotseng naghatid sa akin sa harapan ng simbahan. Mabuti at maagap akong inalalayan ng mga taong nakaabang dahil tila babagsak ako sa sahig sa nerbyos na nararamdaman. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. May isang bahagi ng utak ko ang nagsasabing wag nang tumuloy subalit hindi pwede. Nandito na ako, hindi na pwedeng umatras pa sa kasal. Oo, ikakasal na ako, pero imbes na magalak ay pangamba at takot ang nangingibabaw sa akin ngayon. Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayang pinapa-position na pala nila ako sa harapan ng malaking pintuan. Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita ang hinihinala kong isang wedding planner na nasa aking tabi. "Miss, ngiti ka ng malaki. The door is about to open in a minute." Aniya. Kaya wala na akong choice kung hindi ngumiti sa kabila ng nerbyos. Bahala na kung magmukhang pilit na ngiti, ang mahalaga ginawa ko ang best ko dito. Inisip ko na lang na ito ang dream wedding na pinapangarap ko noong bata pa lamang. Maya-maya pa ay kita ko ang dahan dahang pagbukas ng pinto at dahan dahan ko ring nasisilayan ang lahat ng tao sa loob na nakatingin sa akin. Nang tuluyang magbukas ang pintuan ay siyang pagbilis ng t***k ng puso ko kasabay ng malakas na pagsinghap ng mga tao dahil sa gulat. Nababahalang tiningnan ko sila subalit hindi ako nagpahalata. Kaniya kaniya silang bulungan pero kahit bulong ay malinaw na umabot pa rin saking pandinig. "Hindi si Caitlyn yan, sino ang babaeng yan?" "Nasaan si Caitlyn? Nasaan ang bride?" Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi sa kabila ng pagtataka at panghihinayang na naririnig ko sa mga tao. Pagtingin ko sa dulo ng aisle ay saktong pagtama ng mga mata naming dalawa ng isang lalaki. Nakasuot siya ng itim na tuxedo na talaga namang bagay na bagay sa kaniya, mas lalo itong nakadagdag sa kaniyang kagwapuhan. Gaya ng mga tao ay gulat din ang ekspresyong makikita sa kaniya, subalit maya-maya lang ay napalitan iyon ng matinding galit, bagay na inasahan at pinaghandaan ko na, pero hindi ko pa rin maiwasan makaramdam ng takot matapos makita ang reaksyong iyon ni Klein. Parang handa niya akong patayin anytime. At sa mga tingin pa lang niya sa akin ay walang dudang kaya niyang gawin iyon. Nakita kong akma siyang susugod sa akin ngunit mabilis siyang napigilan ng mga malalapit sa kaniyang pwesto. Tila pinapakalma siya ng mga ito. Binubulungan nila si Klein na kasalukuyan namang nakatitig lamang sa akin ng masama. "Miss, maglakad ka na." Rinig kong saad ng wedding planner na nasa may gilid, sinenyasan pa niya akong lumakad. Nakakapagtakang hindi man lang siya nag-alinlangan kahit pa malinaw na sinasabi ng mga tao sa paligid na hindi naman talaga dapat ako ang bride. Ganon pa man, sinunod ko na lamang ang utos nito. Naglakad ako ng dahan dahan palapit sa groom at bawat hakbang ko ay kita ko ng malinaw kung paano kumuyom ang kaniyang kamao. Napakurap ako ng tatlong beses dahil doon pero naiintindihan ko naman siya eh. Sino ba namang sasaya sa kaalamang hindi naman talaga dapat ako ang bride? Paano kung hindi pa man ako nakakalapit ay salubungin na niya ako ng sampal at sakal? Imbes na kasalan ay maging sakalan ang mangyari. Baka mapatay pa niya ako mismo sa loob ng simbahan. Wala pa ring tigil sa bulungan ang mga tao na tila sila ang nagsilbing musika ko habang naglalakad. Hindi gaya sa ibang kasal na kapag naglalakad na ang bride ay may tumutugtog na piano o mabining musika. Huminga ako ng malalim. Nang tuluyang kaming magkaharap ng lalaki ay malamig niya akong tiningnan. Wala siyang balak na hawakan ako kaya naman ako na ang nagkusa. Ipinulupot ko ang aking nanginginig na braso sa kaniya, akma pa niya akong tatabigin nang magsalita sa kaniyang tabi ang isang ginang. "Act properly, Klein. Gusto mo bang mapahiya ang pamilya natin sa mga bisita?" Sa sinabing yon ng ginang ay wala nang nagawa pa si Klein kung hindi magpanggap at hayaan kaming magkadikit. Amoy na amoy ko ang pabango niya, panlalaking hindi masakit sa ilong at parang maaaddict ata ako sa bango. Pero hindi nabawasan non ang kaba at takot ko sa kaniya, lalo pa't nananahimik siya subalit ramdam ang mapanganib niyang aura. Sa buong durasyon ng kasal ay tahimik lang si Klein, kapag kinakausap siya ng pastor ay saka lang siya magsasalita na halata pang labag sa loob niya. Nang hahalikan na niya ako ay humalik siya sa gilid ng aking labi, ni-make sure pa niyang di lalapat ang labi niya sa labi ko. Honestly, that's not what I expected. Ang inaasahan ko kase ay hindi siya mag-aabalang humalik sa akin kahit sa pisngi pa. Sa tindi ng galit na nakikita ko sa kaniya ay hindi na ako umasa. I sigh as I look around the church. Sobrang ganda ng pagkakaayos sa paligid ng simbahan, everything looks expensive at halatang pinaghandaan talaga ng husto. Ngunit sa kabila ng ganda, ramdam ko ang lungkot ng paligid. Ito na ata ang pinaka malungkot na kasal na napuntahan ko, at sa mismong kasal ko pa talaga. Tahimik na ang mga bisita subalit ang mga ekspresyon nila ay hindi pa rin nagbabago. I looked at the man beside me, he's spacing out. Maybe he's thinking about Caitlyn. Mahal na mahal niya ito at ito lang ang babaeng pinapangarap niyang pakasalan, kaso hindi sumipot si Caitlyn at ang malala pa bigla siyang nakasal sa akin. He’s hurting right now pero nadagdagan ko pa yung sakit na yun. "I'm sorry, Klein." Ang una kong sinabi sa kaniya matapos ang kasal. Halos hindi ko siya matingnan ng deretso sa mga mata niya, ilang segundo ko lang siya susulyapan at agad na ring yuyuko. Tiningnan lang niya ako ng walang emosyon kaya napayuko ako ulit. Hindi ko naman siya masisisi. Sino ba naman kasing matinong tao ang papayag na makasal sa hindi mo lubusang kakilala at hindi mo naman mahal? Kung ako siguro ang nasa posisyon niya ay baka magwala na ako sa galit at mag walk out. Akala ko hindi na siya magsasalita pero nagkamali ako. "Where's Caitlyn?" Napaigik ako nang mahigpit niyang hawakan ang aking braso, sa sobrang higpit ay tila dudurugin niya ang buto ko. "H-hindi ko alam—" "Liar! Alam kong alam mo kung nasaan siya!" Madiin niyang saad. Napailing naman ako sa kaniyang sinabi. "Don't show your f*****g face at me again, woman." "P-pero—" "Or else, I'm gonna make your life a living hell. Got that?" Putol niya sa sinasabi ko. Napalunok ako't hindi nakasagot. Pabalang niya akong binitawan kaya muntik na akong matumba sa sahig, mabuti na lang napahawak ako sa isang upuan. Wala akong nagawa kung hindi panoorin si Klein na lumakad papalayo. Nang mawala siya ay nanghihinang naupo ako sa upuan. Parang ngayon ko naramdaman ang pagod sa buong araw na ito. Mariin kong pinikit ang aking mga mata habang hinahagod ng daliri ang aking sintido. Susundin ko ba siya? Napabuga ako ng hangin tsaka napatingala. Gusto kong sundin ang sinabi niya, pero hindi pwede. Ngayon pa ba kung kailan kasal na kaming dalawa? "Sofina?" Agad akong napatingin sa babaeng tumawag sa aking pangalan, papalapit siya sa aking pwesto kaya tumayo na ako kahit medyo nanghihina pa rin. I smiled at her, genuinely. "Ma'am Jenna, k-kamusta po?" Saad ko nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Nahihiya akong tumingin sa kaniya. Ngumiti siya ng bahagya. "I'm fine, hija. Ikaw ang dapat kong tanungin, ayos ka lang ba?" "Oo n-naman po." Sagot ko, kahit obvious naman na hindi. "Good." She sighed, heavily. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko ha? Ewan ko ba, he's crazy in love with that Caitlyn girl." She shook her head, tila disappointed sa anak. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya, wala akong masabi. Alam ko naman kasing wala akong karapatang magsalita dahil saling pusa lang naman ako sa eksena. Wala akong karapatang manghimasok o magbigay ng komento dahil sino lang ba ako? I am just his substitute bride. "Anyways, alam mo ba kung saan na nakatira si Klein?" Umiling naman ako sa ginang bilang sagot. "No problem, ihahatid kita doon." Ayon nga ang nangyari. Hinatid ako ni Ma’am Jenna sa bahay ni Klein dahil mag-asawa naman na daw kaming dalawa. Palihim naman akong napangiti nang marinig ang salitang asawa. Masama bang sabihin na sa kabila ng lungkot ko sa nangyari ngayon ay may parte pa rin sakin na masaya? Nakaka-guilty mang sabihin pero.. masaya ako na ikinasal ako kay Klein Lorenzo. Ikinasal ako sa lalaking mahal ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook