CHAPTER 1

1490 Words
Sofina's POV “Belinda, anong meron?” Nagtataka kong tanong pagkalapit ko sa kaniya, kagagaling ko lang sa paghuhugas ng mga plato nang madaanan ko siyang nakasilip sa may pintuan. Tumingin naman siya sa akin sandali bago muling sumilip sa labas. “Halika, tingnan mo dali!” Hinila niya ako palapit, napasilip din tuloy ako ng wala sa oras dahil na rin sa curiosity. Napakunot noo ako nang makita sa may carport ang isang kararating lang na sasakyan, kulay puti ito at sobrang ganda. Kahit madilim ay litaw na litaw ito. “Sino yung dumating?” Nagtatakang tanong ko sa kaniya sa mahinang tono. Titig na titig ako sa kotseng pumaparada, ngayon ko lang nakita ang kotse nay un dito sa mansyon. “Si Señorito Klein, ang anak ni Ma’am Jenna!” Kinikilig niyang sagot. Pagkasabi non ni Belinda ay saka naman lumabas mula sa sasakyan ang isang lalaki, matangkad ito at sa tulong na rin ng ilaw na nakapalibot sa paligid ng mansyon ay nasilayan ko ang gwapo niyang mukha. Halos mapasinghap ako sa nakita. Klein Lorenzo. Hindi ako makapaniwala sa nakikita, nandito na talaga siya? Hindi na siya isang litrato lang na madalas kong pagmasdan sa tuwing naglilinis ako sa loob ng mansyon. Nakatulala lang akong pinagmamasdan siya habang may kinukuha sa backseat ng kaniyang magarang sasakyan, pati ang mga galaw niya ay ang gwapo tingnan. Hindi ko maintindihan pero ang lakas ng dating. Sinukbit niya ang dalang bag sa kaniyang balikat, ang dami niyang dala pero walang hirap niya yung binuhat tsaka naglakad papasok sa loob ng mansyon. Nang mawala siya sa paningin namin ay hindi makapaniwalang naisarado ko ang pinto, hindi napansing nandon pa pala si Belinda at nananatiling nakasilip. Napadaing siya ng maipit ko sa pinto. “Ay sorry, sorry!” Mabilis kong saad nang matauhan sa pagdaing niya. Hinimas niya ang pisngi tsaka tuluyang sinarado ang pintuan ng maid’s quarter kung saan kami tumutuloy. “Ayos lang, at least alam ko nang hindi ako nanaginip. Oh my gulay talaga, Sofina! Nandito na si Señorito! Pagkatapos ng ilang taon ay bumalik din siya sa wakas!” Masaya niyang wika, habang himas pa rin ang pisnging natamaan. Pero parang wala lang sa kaniya yung sakit dahil ang laki ng ngiti niya. Napangiti din tuloy ako. “Ilang taon ba siyang hindi bumalik sa mansyon?” Ngayon ko lang naisip na itanong iyon, palagi ko kasi nalilimutan sa dami ng gawain dito. “Matagal din, halos apat na taon.” Sagot niya. Napatango naman ako. Kasing tagal na rin pala nung magstay ako dito sa mansyon, ibig sabihin nang umalis siya sa mansyon ay saka ako dumating. Sayang pala hindi ko siya naabutan ng time na yun. “Ang dami nang nagbago kay Señorito, in fairness.” Akmang magsasalita ako nang biglang may tumawag sa aming dalawa, pareho naman kaming napalingon kay Manang Fe na tila naalimpungatan mula sa malalim na pagkakatulog. Nakakunot ang noo ng matanda habang palapit sa aming gawi. “Anong oras na, mga hija. Bakit gising pa kayo?” “Manang, four fifty am na po.” Sagot ko naman, gulat naman siyang tumingin sa akin tsaka bumaling sa may wall clock na nakasabit dito sa may sala. “Oo nga ano, kaya siguro nagising na rin ako. Pero ano bang ginagawa niyo diyang dalawa sa pinto, para kayong mga spy na sumisilip at bulong ng bulong diyan?” Taka niyang tanong habang naglalakad patungo sa may kusina namin. Nakahain na sa lamesa ang hinanda kong breakfast naming tatlo. “Ma!” Tawag ni Belinda kay Manang Fe, nanay niya kasi ito at gaya ko ay pareho silang naninilbihan dito sa mansyon subalit mas nauna sila sa akin. “Si Señorito Klein dumating na.” Pahayag ni Belinda, kita ko kung paano matigilan si Manang sa tangkang pagkuha ng tasa. “Ano? Totoo ba yan, anak?! Hindi ako nakikipag biruan ha, kagigising ko lang.” “Ma, nagsasabi ako ng totoo no. ‘Di ba, Sofina?” Nilingon niya ako kaya napatingin din sa akin si Manang Fe, tumango naman ako bilang sagot. Napasapo si Manang Fe sa kaniyang bibig. “Miss ko na ang alaga kong yun.” “Kararating lang po niya kaya kami nakasilip sa may pintuan.” Dagdag pa ni Belinda, hindi pa rin maka-move on si Manang sa pagkabigla kaya ako na ang kumilos para pagtimplahan siya ng kape. Pinaupo namin siya sa dining chair. Nang maayos na ang lahat sa lamesa ay nagsimula na kaming kumain ng pang-umagahan. Nakangiti na ng malaki si Manang, magana siyang kumakain na parang excited, ganoon na rin si Belinda. Hindi nila alam, tatlo kaming masaya sa pagdating ni Señorito Klein sa mansyon. Maaga kaming nagtungo sa mansyon para simulan na ang mga gawain, malaki kasi talaga ang bahay na ito. Mabuti nga kinakaya pa naming tatlo. Si Manang Fe ay nasa kusina upang magluto ng breakfast ng mga amo namin, samantalang si Belinda ay nasa labas upang magwalis ng mga dahong bumagsak mula sa malaking puno na malapit sa mansyon. Ako naman ay nagstart nang punasan ang floor to ceiling window sa may living room. Sobrang tahimik ng paligid kaya nang makarinig ako ng yapak na pababa ng hagdan ay napatingala ako agad. Bumungad sa akin si Ma’am Jenna na halatang kagigising lang, nakasuot pa ito ng night gown. Pagkababa niya ay nakangiti ko siyang binati. “Good morning po, Ma’am Jenna.” “Good morning too, Sofina. Nagluluto na ba si Manang?” “Opo.” Sagot ko naman agad, nang makita siyang patungo na sa may kusina ay pinagpatuloy ko muli ang ginagawa. Pero hindi nagtagal ay tinawag niya ako ulit kaya maagap ko siyang binalingan. “Tanong ko lang kung may nakita ka bang color white na honda civic sa may carport?” Tanong niya, tumango naman ako nang maalala ang kulay puting sasakyan ni Señorito, honda civic pala ang tawag don. Ang ganda! Hindi maalis ang mga mata ko don kanina, parang natutukso nga akong titigan ulit. She smiled. “So, my son is finally here. Pwede mo ba siyang tawagin sa kwarto niya, hija?” Oh sheyt! Natigilan ako nang magsink-in sa akin ang sinabi niya. Tatawagin ko si Señorito Klein? Makikita ko na talaga siya ng malapitan, as in face to face! Gusto kong tumalon sa tuwa subalit pinigilan ko ang sarili. Kailangan kong umakto ng normal, kaharap ko ang Mommy niya! Hindi pa ako nakakapagsalita nang biglang dumating si Belinda. Pareho kaming napatingin sa kaniya ni Ma’am Jenna. “Ay ikaw na lang pala Belinda wala ka naman atang ginagawa. Pakitawag si Señorito Klein mo sa kwarto niya, okay? Sabihin mo dumiretso siya sa dining area.” Umalis na si Ma’am Jenna sa harapan namin. Sumunod naman agad si Belinda sa utos nito, masayang umakyat ang kaibigan ko para tawagin si Señorito Klein. Bagsak ang balikat na pinunasan ko ang bintana. Chance ko na sana. Hays! ‘Di bale, may next time pa naman siguro. Mula sa malayo ay nakatanaw ako sa kaniya, kumakain siya ngayon sa may dining kasama si Ma’am Jenna. Magiliw silang nag-uusap, halatang close na close ang mag-ina sa isa’t isa. Nandoon din si Manang Fe at Belinda na magiliw na kinakausap si Señorito Klein. Napapangiti din tuloy ako lalo pa’t malinaw ko nang nakikita ang kabuuan ng binata. Gwapo siya sa mga pictures niya pero makapigil hininga ang kagwapuhan niya sa personal. Matangkad, matipuno ang katawan na kahit naka-shirt ay hindi naging hadlang yun, ang maputi niyang balat ay namana niya sa kaniyang ina, may pagka-chinito rin siya. Ang buhok niya ay kulay brown na medyo curly pero hindi sabog, malinis tingnan dahil sa undercut na gupit. Mabilis kong iniwas ang mga mata nang makitang palingon siya sa aking gawi. Parang tuma-tumbling ang puso ko sa kaba. Sheyt! Ano bang nangyayari sa akin? Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Itinuloy ko na lang ang pagdidilig dito sa may garden, tiningnan ko ang mga naggagandahang mga bulaklak at halaman. Lahat ito ay si Ma’am Jenna ang nagtanim, yun kasi ang hobby niya. Saka rinig kong mahal ang presyo ng bawa’t isa nito kaya sinsigurado rin namin na walang malalanta o mamamatay. Lutang ang isip ko habang hawak ang hose. Pansin ko, kahit anong gawin ko ay okupado ni Señorito Klein ang isip ko simula nang umuwi siya dito. 'Di pa rin ako makapaniwala, yung taong pinagmamasdan at hinahangaan ko lang sa litrato ng halos apat na taon ay nakikita ko na in flesh. Para akong fan girl at hindi man lang siya aware na nag-eexist ang isang gaya ko. “Sofina.” Nagulat ako at napaharap sa likuran ko, huli na ng ma-realize na hawak ko pa pala yung garden hose na malakas ang buga ng tubig. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang nabasa ang tao sa harapan ko. “Oh f*ck!” Malutong na mura ni Señorito Klein... na ngayon ay basang basa ang damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD