Isang malakas na tili ni Ma’am Jenna ang nagpabalik sa akin sa wisyo.
“Hala, s-sorry po! Sorry po, Señorito Kane!” Taranta kong sabi at mabilis na in-off ang tubig. Hindi ko alam ang sunod na gagawin dahil sa pagkabigla, hiya at nerbyos.
Bakit ba kasi hindi ko man lang sila napansin agad? Naiinis ako sa aking sarili.
Sinuklay ni Señorito Kane ang kaniyang basang buhok gamit ang mahahaba niyang daliri. Napalunok ako ng sunod-sunod sa nasaksihan pero kabado pa rin. Mukha siyang na-badtrip, kasalanan ko ito.
Napayuko na lamang ako dahil hindi ko makayanang salubungin ang mabangis niyang tingin sa akin ngayon.
Pinangarap kong matingnan niya ngunit hindi naman sa ganitong paraan.
I sighed.
“I will just change.” Malalim at baritono ang boses ng binata.
Napa-angat ako ng tingin sa kaniya. Likod na lamang ni Señorito Kane ang natanaw ko, papasok na itong muli sa loob ng mansyon. Sa may dining area siya pumasok kung saan kita ko ang gulat na reaksyon nila Manang Fe at Belinda na nakasunod ng tingin kay Señorito, tila nagtataka kung bakit ito basang basa.
Napakagat ako sa aking ibabang labi at napabaling kay Ma'am Jenna. Nakatingin din ito sa akin, bahagya akong yumuko. “Sorry po ulit, Ma’am Jenna.”
“No, it’s okay, Sofina. Alam ko naman na hindi mo iyon sinasadya.” Napakurap ako sa narinig, hindi kasi iyon ang inaasahan ko. “I-mop mo na lang yung floor na nabasa ni Kane.” Aniya, nakangiti pa.
Ang bait ni Ma’am Jenna, ang akala ko masisisante na ako sa nangyari.
Tumango naman ako at maagap na sinunod ang utos ng aking amo. Kumuha ako ng mop sa may bodega at sinimulang punasan ang basang granite floor tiles ng mansyon, lumapit sa akin si Belinda nang makita ako.
Kinalabit ako ng aking kaibigan. “Anong nangyari, Sofina? Bakit basang basa si Señorito Kane?”
Sinulyapan ko siya sandali bago ibaling ang atensyon sa pagmo-mop. “Hays, kasalanan ko kasi.” Saka ko sa kaniya kinuwento ang buong pangyayari. Napabuntong hininga na naman ako.
“Naku, magsorry ka na lang ulit sa kaniya, mabait naman yun si Señorito Kane. Wag ka na mag-alala, Sofina.”
Hinimas niya ang likod ko na tila kino-comfort gaya ng palagi niyang ginagawa. Masaya ako na naging parte ng aking buhay si Belinda, isa siya sa nagpapagaan palagi ng loob ko. Palagi lang siyang positive kahit na anong mangyari na kinahanga ko sa kaniya.
Iniwan na niya ako para matapos ko agad ang ginagawa. Nang matapos ako sa ground floor ay sa stairs naman ako nagfocus mag-mop, paakyat sa kwarto ni Señorito Kane. Napa-angat ako ng tingin nang mapagtantong nasa harapan na pala ako ng kaniyang pintuan, nakabukas ito.
Pinasok ko ang ulo para sumilip, basang basa rin ang floor sa kwarto niya kaya napagdesisyunan ko nang punasan. Mukhang nasa banyo na siya, bibilisan ko na lang ang kilos.
Pumasok ako at sinimulan na ang trabaho. Sinigurado ko talagang matutuyo agad, halos mapudpod na ang sahig sa kaka-mop ko.
Napahinto ako nang mapansin ang isang picture frame na nakapatong sa bedside table, litrato ito ni Señorito Kane nung teenager pa lang siya.
Naka-side view habang ngiting-ngiti siya ng malaki at ang cute tingnan ng singkit niyang mga mata, kitang kita rin maging ang pointed nose. Ito yung picture niya na palagi kong tinitingnan noon sa tuwing lilinisan ko ang kwarto niya. Hindi ako nagsasawa kahit ilang ulit ko itong titigan.
Sobrang gwapo talaga. Mas lalo ngayong nasa mid-twenties na siya.
Patapos na ako sa pagpupunas ng floor nang biglang bumukas ang pintuan sa aking harap. Napatingin ako don. Matunog na napasinghap habang nanlaki ang mga mata na kasing laki na ata ng tarsier dahil sa gulat.
Paano ba naman kasi… si Señorito Kane, t-topless! Natatakpan lamang ng twalya ang ibabang bahagi ng kaniyang katawan.
Wala sa sariling napayakap ako sa hawakan ng mop habang nakatanaw sa maganda niyang katawan. Perfect talaga.
Yung biceps na parang ang sarap magpa-headlock o lambitinan, yung tiyan ay flat na merong mga pandesal na parang ang—sheyt, self? Pinagnanasaan mo na si Señorito!
Pero ‘di ko mapigilan, bakit ba kasi ganyan kaganda yung katawan niya? Ito ang unang beses kong makakita ng ganyang katawan ng lalaki sa personal, sa magazine lang ako nakakakita ng ganyan eh.
Hindi ako makagalaw saking kinatatayuan, para na akong napako. Ang lakas lakas naman ng aircon sa loob pero bakit ang init sa pakiramdam ng surroundings? Shet!
Ngunit nagising din ako mula sa magandang panaginip nang dumaan siya sa aking tabi. Halos magtayuan ang balahibo ko sa katawan, pakiramdam ko kasing pula ng kamatis ang aking mga pisngi.
“A-ano, pasensya na po talaga, Señorito. Sana mapatawad niyo ako.” Nahihiyang sumulyap ako sa kaniya, papunta pala siya sa walk-in-closet.
Ang lakas at bilis ng t***k ng aking puso. Paano kung sigawan niya ako’t palayasin?
“It’s fine. Get lost.” Walang emosyon niyang saad nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Napalunok naman ako, ang lamig naman parang Mt. Everest kahit nasa Pinas ako.
Subalit hindi ko maikakailang masarap sa pandinig ang kaniyang malalim at baritonong boses.
“S-sige po.”
Mabuti na lang hindi ako sinesante. Thank you, Lord.
Lumipas ang dalawang araw na wala akong ibang ginawa kundi tanawin siya sa malayo, i-appreciate siya ng tahimik at hangaan siya ng patago.
Oo na, crush na crush ko siya. Dati pa, nuong panahong sa mga litrato ko pa lang siya nakikita at mas lumala na at ang nararamdam ko ngayon.
Nakita ko kasi kung pano niya tratuhin ang kaniyang ina. Ang gentleman, sweet at maalaga niya. Mas lalo ko tuloy siyang nagiging crush. Sobrang pogi points sa akin ang mga lalaking may paggalang at pagmamahal lalo sa magulang.
Naiintindihan ko naman kung bakit iba ang pakikitungo niya sa akin nung nakaraan, nainis lang siya. Syempre kahit sino naman iinit talaga ang ulo kapag bigla kang mabasa.
Naniniwala akong mabait siya katulad ng sabi ni Belinda.
Ngayon, nasa mall kami. Nauunang maglakad ang aming dalawang amo, kaya tanaw na tanaw ko kung paano alalayan ni Señorito ang kaniyang ina. Mula ng umalis kami sa mansyon hanggang sa makarating kami dito ay sinisigurado niyang maayos ito.
Oh, to be love by Kane Lorenzo.
“Let’s eat lunch first.” Lumingon ang binata sa aming tatlo, subalit kay Manang Fe at Belinda lamang ang tingin. Galit pa rin kaya siya? Nakakalungkot naman kung ganon.
Sa isang magarang restaurant nila napiling kumain, nahihiyang nakasunod lamang ako sa likod at kanina pa lingon ng lingon sa akin si Belinda. Humihinto siya ng bahagya para magkasabay kami sa paglalakad kahit na sinasadya kong mahuli talaga.
Nahihiya kasi ako.
Puro filipino foods ang sine-serve sa resto, which is good for me dahil hindi ako sanay kapag pagkain ng ibang lahi. Sa table ay magkatabing nakaupo si Ma’am Jenna at Señorito Kane. Habang kami naman ni Manang Fe at Belinda ay nasa harapan nila naka-pwesto.
Yung mga mata ko tuloy ay kusang namama-magnet kay Señorito Kane, mabuti na lang hindi naman niya ako napapansin. Ang saya-saya ng puso ko ngayon, halos tumalon na sa tuwa habang nakatingin sa binata.
“By the way, Kane. Kilala mo na ba itong maganda nating katulong?” Napatingin ako kay Ma’am Jenna nang magsalita siya. Tumingin siya't ngumiti sa akin, nadako rin tuloy ang mga mata ni Señorito sa akin. Mas lalong nagwala ang puso ko dahil doon.
Umiling ang lalaki bilang sagot sa kaniyang ina.
“She’s Sofina Alcantara,” ani Ma’am Jenna. “Anak siya ni Nana Sacha mo.” Tukoy pa nito sa aking namayapang ina na dati ring nanilbihan sa kanilang pamilya. Baby pa si Señorito Kane nang magtrabaho at alagaan siya nito.
“Really?” Parang wala lang na reaksyon ni Señorito.
“Yeah, dumating siya sa atin after mong umalis almost four years ago. You’re wondering why your bedroom is still clean even though you’re gone for quite long time, well, araw-araw niya kasi yung nililinisan.”
Tumango naman ang kaniyang anak.
“Kaya sana, maging mabait ka rin sa kaniya. Never yan nagpasaway sa amin, ‘di ba Manang Fe at Belinda?” Walang pagdadalawang isip na sumang-ayon ang mga katabi ko. Namumula na ata hindi lang mukha ko pati na rin ang buong katawan. “Masipag at responsableng babae yan si Sofina.”
Ewan ko lang pero parang kinakampanya ako ni Ma’am Jenna sa kaniyang unico hijo. Sabagay malapit na pala ang eleksyon baka nagpa-practice lang siya ngayon. Char!
Muntik na akong mapabuga ng malalim na hininga.
“I will, mom.” He nodded as he looked at the three of us. “You deserve a treat for being with my mom and taking care of her while I’m still away. Maraming salamat. After this, we’ll go shopping. Kunin niyo lahat ng gusto niyo. My treat.”
Paano kung ikaw lang ang gusto kong makuha? Papayag ka ba, Kane Lorenzo?