CHAPTER 3

1937 Words
Inabot na kami ng gabi sa mall dahil halos lahat ng store ay pinasok at binilhan namin, grabe ang mamahal pa ng price pero parang wala lang kay Señorito Kane yun. Ayos na sa akin ang isang damit lang pero hindi pumayag si Ma’am Jenna kaya ngayon, gaya nila Manang Fe at Belinda, ay sobrang dami ng dala kong paper bag habang patungo kami sa parking lot upang umuwi na. Buti na lang, para kasing pagod na ako kakalakad. Hindi talaga ako sanay sa shopping. Ni hindi nga ako bumibili ng mga damit, mga luma na yung sinusuot ko. Wala naman kasi akong budget pambili. Nang makapasok kami sa loob ng kotse ni Ma’am Jenna ay agad kong isinandal ang likod ko sa upuan. Tumingala ako at hindi sinasadyang napatingin sa may rear-view mirror, saktong tumingin din doon si Señorito Kane na nasa driver’s seat kaya nagtama ang mga mata namin. Parang na namang lalabas ang puso ko sa bilis ng t***k. Umiwas din ito para simulan na ang pagda-drive. Tahimik naman akong napabuga ng hininga upang kumalma. Buong byahe ay palihim na pinapanood ko ang swabe niyang pagmamaneho, ang smooth ng pagkakabig niya sa steering wheel. Ang hot tingnan. Pero hindi ko mapigilan ang palaging pagdako ng mga tingin ko sa kaniyang kamay, maugat ang mga ito at ang mga daliri ay mahahaba. Ahm, wow. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganong daliri, yung sa akin kasi maiksi lang. Mabilis din kaming naka-uwi sa mansyon. Bago maiparada ng maayos ni Señorito Kane ang kotse ay nagpasalamat na kaming tatlo sa aming mga amo, puro kami ‘thank you’. Hindi naman nila kailangan na i-treat pa kami, trabaho naman kasi namin ang magsilbi sa kanila pero mabait talaga silang mga amo. Ang swerte namin. “Nag-enjoy ba kayo?” “Sobra po, Ma’am Jenna.” Sagot agad ni Belinda, nakangiti naman ako ng malaki habang nakatingin kay Ma’am Jenna. “Mabuti naman. Suotin niyo lahat yan ha.” Nakangiti niyang baling sa amin. “Sure po.” Sagot ko naman. Bumaba na sa kotse sila Manang Fe at Belinda na parehong katabi ng car’s door. Lumabas na rin si Ma’am Jenna kaya natataranta akong sumunod nang mapagtantong dalawa na lang kami ni Señorito ang naiwan sa loob ng kotse. Nahihiya ako. Bitbit ang mga paper bag ay nagtungo na ako maid’s quarter, nauna na doon sila Belinda. Medyo madilim ang dinadaanan kong stone walkway kaya napatili ako nang biglang may humagod na balahibo sa aking binti, nasubsob na ako… kung hindi lang ako sinalo ng mga matitipunong braso. Napa-angat ako ng tingin at nakita si Señorito Kane. Sobrang nanlaki talaga ang mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Sa sobrang gulat ay hindi ko namalayang itinayo niya na ako ng maayos at lumayo na siya agad sa akin. “Be careful next time.” Aniya, saka pumasok na sa mansyon nang walang lingon likod. Ilang minuto akong nakatulala sa nangyari. Yung scent niya ay parang dumikit pa sa akin. Ang bilis, hanggang ngayon hindi pa nagsi-sink in sa akin. Nabitawan ko nang wala sa oras ang mga paper bag at napahawak sa bandang dibdib ko na nagwawala na sa lakas at bilis ng t***k. Oh my gosh, Sofina! “Meow.” Nabalik ako sa realidad nang marinig ang munting tinig na yun, napayuko ako. Tumambad sa akin ang paikot ikot na si Mao, habang gumagalaw ang buntot. My tilapia cat. Siya pala yung naramdaman ko kanina kaya muntik na akong masubsob sa sahig. Dahil din sa kaniya kaya naramdaman ko ng ganon kalapit si Señorito Kane. Naupo ako at agad siyang hinatak palapit sa akin, niyakap ko ang pusa ng mahigpit. “Thank you, Mao! Sobrang kinikilig ako, kung hindi dahil sa iyo, hindi ko mararanasan yun.” Hinalikan ko ang maliit niyang pisngi, nag-another meow na naman ito. Parang ayaw pa pahalik. “Hmp! Binata ka na talaga ha, ilang araw kang nawala. Nanligaw ka ano? Papatanggal ko na talaga yang itlog mo.” “Meow.” “Hungry and thirsty na ba yang baby ko? Tara, papakainin ka na ni Mommy.” Kinabukasan ay hindi ko nasilayan maging ang anino ni Señorito Kane, hindi ko naman matanong si Ma’am Jenna. Nahihiya ako at baka magtaka pa siya, pinili ko na lang na i-zeep ang aking mouth buong magdamag. Inabala ko na lang ang sarili sa paglalaba ng mga kurtina at bedsheets, katulong ko naman si Belinda kaya hindi ako gaanong nahirapan. Natapos kami agad sa mga gawain sa mansyon, maggagabi na pero hindi ko pa rin nakita si Señorito Kane. Sure naman akong nasa mansyon siya ngayon dahil nasa carport ang kaniyang honda civic. Ano kayang pinagkaka-abalahan niya? Napaka busy niya siguro. Nakakalungkot tuloy, parang demotivated ako buong-araw. Ten na ng gabi, tulog na si Manang Fe sa kaniyang kwarto. Si Belinda naman ay hindi pa umuuwi, nagpaalam kasi itong aalis kanina. Nasaan na kaya ang babaeng yon? Napagdesisyunan kong hintayin na lang siya sa munting sala nang tinutuluyan namin, sisiguraduhin ko munang naka-uwi siya bago ako matulog. Ilang oras din nakatulala lang ako sa ere habang lutang. Wala akong mapag-abalahan kasi yung phone ko ay naka-charge. “Sofina? Bakit gising ka pa?” Napalingon ako sa pintuan, nandon na si Belinda na kakapasok lamang. Parang nakahinga naman ako ng maluwag, mabuti na lang safe siyang nakauwi. Iba na kasi panahon ngayon, nakakatakot nang lumabas lalo kapag gabi. “Hinihintay kasi kita. Saan ka ba galing? Bakit ginabi ka?” Buntong hininga lang ang sagot niya sa mga tanong ko. Hindi ko na lang din pinilit, hihintayin ko na lang siyang magkwento. “Tara, inom.” Aniya, sabay angat sa hawak niyang dalawang bote ng alak. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Marunong ba siyang uminom? Hindi ko alam yun. Lumabas siya sa maid’s quarter kaya maagap akong sumunod. “Huy babae, saan ka pupunta?” Habol ko sa kaniya nang makita siya sa tapat ng hagdan, hinintay niya akong makalapit bago iabot sa akin ang isang bote ng alak na nagtatakang tinanggap ko naman. Walang salitang umakyat si Belinda sa bakal na hagdan, paakyat ito sa bubong ng maid’s quarter. Sinundan ko ulit siya para naman meron siyang kasama, hindi ako iinom. Hindi naman ako umiinom ng alak. Nakaupo lang kami sa bubong habang siya ay umiinom ng alak, kanina pa siya at ayaw talagang paawat. Namumula na ang buong mukha ni Belinda, may malaking problema siguro ang babaeng ito. Nakaka-curious naman, hindi naman kasi siya nagkukwento. “Huy, bakit ka umiiyak?” Untag ko sa kaniya nang mapansing lumuluha siya at humihikbi. Twelve na ata ng madaling araw at lumalamig na ang simoy ng hangin. Idagdag pa na maraming puno ang nakapalibot sa lot ng mansyon kaya doble ang lamig. “Hayop sila!” Gigil niyang wika. Napakunot noo ako. “Sino ba?” “Yung crush ko at kaibigan ko. Mga taksil!” Ah yon pala ang dahilan ng mga iyak niya. “N-nakita ko sila kanina sa plaza na magka-holding hands. Alam naman ni Alma na may g-gusto ako kay Leonardo tapos inahas niya. Chinat ko pa siya at tinanong kung nasaan siya, tapos ang sagot niya nasa bahay daw nila at gumagawa ng assignment. S-sinungaling!” Sabay ngawa ulit ng aking kaibigan, kawawa naman. Hinaplos ko ang kaniyang likuran para i-comfort. “Pero hindi naman siguro si Alma yung nakita mo? Baka naman ibang babae?” “S-siya yun, kilalang kilala ko yung lakad at tawa niya.” I nodded. Lasing na lasing na itong bumubulong pero hindi ko naman maintindihan kaya hinayan ko lamang ito. Lumipas ang ilang minuto at ramdam ko na ang antok. Hindi pa naman ako sanay na nagpupuyat. Napatingin ako sa mansyon, tinanaw ko ang malaking window kung saan ang kwarto ni Señorito Kane. Hindi ko alam kung gising pa ba siya or tulog na dahil makapal ang kurtina sa kaniyang silid. Sana bukas masilayan ko na siya. Napayakap ako sa aking sarili nang umihip ang malakas na hangin. “I-ikaw ba, Sofina? May c-crush ka ba?” Biglang saad ni Belinda sa akin, utal utal na ito sa kalasingan. Sumulyap ako sa kaniya at sandaling nag-isip kung sasabihin ko ba ang totoo. Lumabas ng malinaw sa aking isipan ang gwapong mukha ni Señorito Kane kaya napangiti ako ng malaki sa kilig. “W-wag ka na m-mahiya. Look, lasing na l-lasing ako, g-gurl! Hindi ko na m-maaalala yan b-bukas.” Sabay tawa niya at lumagok na naman sa bote. Ang miserable nitong tingnan, ang gulo-gulo na ng mahaba niyang buhok. Malalim akong napabuntong hininga. “Meron akong crush. Si…” “S-sino? S-sabihin mo na s-sige na, para n-naman tayong h-hindi magkaibigan.” Pangungulit pa niya sabay yugyog pa ang aking kanang braso. “Si Señorito Kane.” Lakas loob kong sabi at napapikit ng mariin. Rinig na rinig ko ang pagsinghap ni Belinda sa aking tabi, maya-maya ay napalitan yun ng malakas na tawa. “Si S-Señorito Kane pala ha, kaya pala p-parang iba mga t-tinginan mo don. I-ikaw ha. Hihihi!” Tukso niya at sinundot ang aking tagiliran, napa-igik naman ako agad. Lumayo ako ng bahagya sa kaniya dahil ayaw niya akong tigilan. “C-crush mo p-pala si Señorito K-Kane! Woooh! Dalaga na si S-Sofina!” Sigaw niya sabay tayo habang tinataas ang bote sa ere. Napatayo rin ako para alalayan siya, baka kasi matumba at mahulog sa bubong. Hindi pa naman ito flat roof. “Yeeeyyyy, h-hindi na bata si S-Sofina! M-may crush naaa!” “Huy wag ka ngang sumigaw.” Pigil ko. “Hmp! Dapat nga m-magcelebrate tayo d-dahil sa w-wakas may crush ka n-na, ang i-ilap mo kaya sa b-boys.” Sasagot na sana ako nang biglang mahagip ng mga mata ko ang pagbukas ng main door ng mansyon, lumabas doon si Señorito Kane na nakapang-alis. Gulat akong napaupo habang hawak si Belinda kaya napaupo din siya. Nagtataka niya akong tiningnan. Pero hindi ko siya pinapansin dahil kabado akong makita kami dito ni Señorito at mapagalitan pa kami ng wala sa oras. Shemay! Nakatutok ang mga mata ko kay Señorito Kane na naglalakad na papunta sa carport. “Uy, si Señorito Kane ba yun?” Naningkit ang mga mata ni Belinda, pilit na inaaninag ang binata. “Siya nga! SEÑORITO KANE!!” Halos lumawa na ang mga mata ko sa ginawa niyang pagsigaw, tumayo siya ulit sa bubong at muntik pang matumba pero imbes na matakot ay tumawa lang siya. Matagumpay na nakuha ni Belinda ang atensyon ng binata. Sino bang hindi? Sa lakas ng sigaw niya malamang umabot na sa kabilang Baranggay. Nakakunot ang noo nitong nakatingala dito. Napatampal ako sa aking noo. “SEÑORITO K-KANE!! HIHIHI, HELLOOOO!” She shouted. Kumaway siya ng dalawang kamay kaya malamang nasilayan din ng binata ang hawak niyang bote ng alak. “Belinda, ano ba baka mahulog ka!” Hindi ko na napigilang tumayo ulit sa sobrang likot niya. Kita kong naglakad palapit sa maid’s quarter si Señorito habang nakatingin sa amin. “Hey, what are you two doing there? Baka mahulog kayo.” Seryosong wika pa nito, napameywang pa. Shet! Bakit ang hot niyang tingnan diyan, idagdag pa ang suot niyang damit. Lalaking lalaki! “P-pasensya na po ang kulit kasi ni Belinda.” Hingi ko ng paumanhin sabay yuko. “Señorito Kane! A-alam mo bang crush ka nitong si S-Sofina? Hihihi!” Sigaw niya, napahigpit ang kapit ko sa kaniyang braso. Tiningnan ko siya, nanlalaki ang mga mata at pinapahiwatig na manahimik siya. Ngunit 'di man lang ako pinansin ng aking magaling na kaibigan. “Crush ka nitong k-kaibigan ko, Señorito Kane. Crush b-back mo naman siya!” Belinda!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD