CHAPTER 4

1753 Words
Hindi ko na alam ang itsura ko ng oras na yun, nakapamewang pa rin nakatingala sa amin si Señorito Kane. Hindi ko alam ang sasabihin dito, para akong naputulan ng dila at nawalan ng sasabihin, na-mental block ata ako. Dahil don ay hindi ko namalayang nabitawan ko si Belinda. Mabilis pa sa kidlat na bumaba ang aking kaibigan, kahit matumba tumba na siya sa kalasingan ay nagawa pa rin niyang tumayo. Wala akong nagawa kundi habulin siya, bumaba rin ako sa hagdan. Nakita ko siyang lumapit kay Señorito Kane. Ayoko na sanang pumunta don pero baka kung ano-anong kahihiyan na naman ang sabihin ng lasing kong kaibigan, namumula na ako sa sobrang kahihiyan. Hiya para sa mga sinasabi niya. Argh! “Belinda!” “S-Sofina, bilis hihi! Tagal.” Hinila niya ako at pinaharap kay Señorito Kane na ngayon ay nasisilayan ko na ng maayos ang gwapong mukha, shet! As usual, yung heartbeat ko ay hindi na naman normal, ayaw na naman paawat matapos mapalapit sa nagmamay-ari sa kaniya. Char! Gulantang ako nang bigla akong itulak ni Belinda kay Señorito Kane, walang pakundangan at talagang subsob ang mukha ko sa matipunong dibdib ng aming amo. Kaya nasinghot ko rin ang mabango niyang amoy na nakaka-adik. Napahawak naman sa aking braso ang malaking kamay ng binata. Halos murahin ko si Belinda sa kaniyang ginawa. Ambastos ng babaeng ito, parang wala lang sa kaniya na amo namin itong ginaganito niya. Oh my gosh! Sobrang nakakahiya na talaga, wala na akong maramdaman sa mansyon kundi hiya. This is humiliation. Pero ayos lang, sige pa. Isang tulak, yung malakas naman please. Char! Sinamaan ko si Belinda ng tingin matapos makatayo ng tuwid, pero hindi pa pala siya tapos dahil hinawakan niya ang mga braso ni Señorito Kane at pinilit na ipinulupot sa katawan ko. Kaya naman ngayon ay parang nakayakap na sa akin ang aming amo na hindi ko makita ang reaksyon, paniguradong naiinis na sa amin. Baliw kasi itong si Belinda, next time dapat hindi ko na siya hayaan pang malasing. Nakadikit na talaga ang matipunong katawan nito sakin. Akmang kakalas si Señorito nang umalma na naman ang siraulo. “Señorito, s-sandali lang naman y-yakapin mo muna ang k-kaibigan ko. Hihi! Wait, s-san ba yung c-cellphone ko, hayup. Ay yung s-sayo na nga l-lang Señorito, a-akin na. Hihi!” Sabay hablot ng cellphone ni Señorito Kane mula sa mga kamay nito. Itinutok sa amin ni Belinda ang phone at mabilis kaming pinicturan, patawa-tawa pa ito. Hinarang agad ni Señorito ang palad niya sa camera pero nagreklamo at malakas na pinalis ni Belinda. Umakma siyang iiyak, pareho kaming gulat ni Señorito na pinapanood siya. Maglulupasay pa sana ito sa sahig pero nang mabilis na pumulupot muli sa aking katawan ang mga braso ni Señorito ay natigil yun. Itinago ko ang mukha sa dibdib ni Señorito subalit hindi ko naman dinikit. Sobra-sobra na ang bilis ng t***k ng aking puso, dinaig ko pa ang pagpalpitate dahil naka-sampong baso ng kape! “Ang s-sweet niyo! Hihihi! K-kinikilig ako.” Tili pa ng baliw, napairap ako sa ere. Humiwalay din si Señorito sa akin, as in ang layo niya. Mukhang nailang din. I sighed. “Stop. Bumalik na kayo sa mga silid niyo.” Ma-awtoridad na sabi ni Señorito Kane at kinuha kay Belinda ang kaniyang cellphone. “Sof---" Sakto namang bumagsak na ang kaibigan ko, nakatulog na sa sobrang kalasingan. Nakahiga siya sa sahig kaya naman dinaluhan ko ito agad. Hirap na sinampa ko sa aking balikat ang walang malay na si Belinda at humarap kay Señorito. “Sorry po.” Saad ko pero hindi na ako inimik ng binata, tumungo na ito sa kaniyang magarang kotse at humaharurot na umalis sa mansyon. Napakamot ako sa aking ulo. “Bakit kanina ka pa nakayuko, Sofina?” Curious na tanong ni Ma’am Jenna habang nakatuon ang mga mata sa akin. Bahagya ko namang inangat ang aking ulo pero yumuko din nang mahagip ng aking mga mata si Señorito Kane na walang pakialam lamang na kumakain ng breakfast. Kahit hindi niya ako pinapansin ay pakiramdam ko hinuhusgahan niya ang aking buong pagka-tao. O imahinasyon ko lamang yun? “Oo nga, anong meron?” Untag naman ni Belinda na nasa aking tabi, gusto kong mapasimangot pero pinigilan ko ang sarili. Kanina, nagising siya na masakit ang ulo at walang maalala sa mga kalokohang ginawa at sinabi niya. Kaya hindi niya alam na siya ang dahilan kaya wala akong mukhang maiiharap ngayon kay Señorito Kane, kung pwede lang na magtalukbong. Hindi ko magawang magalit o mainis sa ginawa ni Belinda dahil… well, kase kinilig din talaga ako, aminin ko man o sa hindi. Sino ba namang hindi kikiligin kapag naramdaman ang hot body ni Señorito? Pati siguro bato magkakaroon ng buhay. Char! Ang oa pero kasi iba talaga ang effect ng gwapong si Señorito. Pangalawa, lasing na lasing si Belinda. Ni hindi niya nga naalala ang mga pinag-usapan namin. Ni hindi niya matandaan na crush ko si Señorito at ni-reveal niya yun, alam na tuloy ni Señorito ang lihim kong pagnanasa---este paghanga. Hihi! Ngunit sa tingin ko naman ay walang pakialam si Señorito? Ngayon kasi ay tila hangin lang sa kaniya ang aming presensya. Parang wala siyang pakialam kung sino kami o kung hindi man kami humihinga ngayon. Basta tahimik lang siya't sarili lamang ang iniisip. Hindi ko alam kung bakit pero ang hot para sakin non. “Ah wala po, medyo nakaka-bored lang po kasi.” Ngumiti ako, pero ngiting kambing na ata ang kinalabasan. Ma’am Jenna just laughed at me, mukhang naniwala sa aking palusot na random. “Linisin mo na lang ang bedroom ni Kane, hija, para mawala ang boredom mo.” Awtomatikong nadako ang mga mata ko sa binatang mapapanis na ata ang laway dahil kanina pa talaga walang imik. Kumakain lamang ito ng eggdesal na hindi niya alam ay ako ang naghanda. Sarap na sarap. Napaiwas ako. Sana all eggdesal. Mukha namang hindi tutol si Señorito sa suwestiyon ni Ma’am Jenna kaya mabilis akong tumungo sa taas. Na-miss ko na rin linisan yun, simula kasi nung mabasa ko siya ay hindi na rin ako nakabalik sa kaniyang kwarto. Hindi ko kasi alam paanong makakapasok dito, baka magalit ang Señorito kung bigla na lang akong maglilinis ng walang pahintulot niya. Dala ang mga cleaning materials ay pumasok ako sa bedroom ng binata. Out of nowhere na lumitaw sa isip ko ang magandang katawan ni Señorito na nakita ko nung nakaraan, namula ang aking mga pisngi---tama na pantasya, linis na, Sofina! Subalit natigilan ako matapos libutin ng tingin ang silid. Sobrang linis, ano namang iwa-walis ko dito? Masasamang spirito? Emz. But seriously, ang linis. Maging alikabok ay wala akong maramdaman, bakit pinapalinis pa sa akin ito ni Ma’am Jenna? Parang napapaisip na lang ako kung lalaki ba talaga ang gumagamit dito, hindi kasi makalat. Rare specie naman ni Señorito, mukhang ayaw sa makalat. Napakamot ako sa ulo tsaka itinabi na lang sa gilid ang mga dalang gamit. Siguro papalitan ko na lang ang curtains at bedsheets since napansin kong ilang linggo na ang mga itong nakasabit. Pumasok ako sa walk-in-closet at pumunta sa isang cabinet kung saan nakalagay ang mga bedsheets at curtains, medyo nahirapan ako dahil mabibigat at makakapal ang mga yon. Habang tinatanggal ang bedsheets sa kama ay biglang may nagring na cellphone, hindi naman yun sa cellphone ko dahil iba ang ringtone. Napatingin ako sa bedside table, nakalapag doon ang isang color black na cellphone. Cellphone ni Señorito yun, naalala ko kase yung kagabi. Hays! Namumula na naman ata ako. Lumapit ako sa nag-iingay na telepono pero saktong namatay nang makalapit ako. Kinuha ko ito at biglang naalala ang mga pictures namin, hindi ko pa nakita ang mga yun. Dahil wala namang password ay madali kong nabuksan ang cellphone, hinanap ko ang icon ng 'photos'. Hindi naman ako nahirapan, nang i-click ko yun ay bumungad ang photo library kung saan makikita ang mga latest pictures. Subalit wala, wala yung mga litratong kinuhanan ni Belinda kagabi. Nasaan na? Sigurado naman akong hindi lamang isang panaginip ang lahat. Sinubukan kong hanapin, nag-scroll ako. Puro mga litrato ng kotse at places ang mga nasa gallery niya, may konting selfies din pero hindi ko na masyadong tinitigan dahil baka maglupasay ako sa kilig at biglang mahuli ako dito ni Señorito. Kinakabahan ako habang kinakalikot ang kaniyang cellphone. Wala naman talaga akong intensyon na pakialaman ang gamit niya, gusto ko lang talaga masilayan ang unang litrato naming dalawa. Subalit nasaan na ba kasi? Habang tumatagal, mas natatakot akong mahuli ni Señorito dito. Pasulyap sulyap na ako sa may pintuan ng bedroom. May nakita akong recently deleted na album, yon ang pinindot ko and boom! Nandito lahat ng photos naming dalawa. Dinelete pala niya? Ouch! Memories naming dalawa ito, dapat ma-keep ko bago tuluyang maglaho. Sinubukan kong i-recover muna lahat, kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Mabuti na lang hindi ko iniwan sa maid’s quarter. Ni-bluetooth ko lahat ng pics na nasa bente rin ata ang dami, tinadtad pala ni Belinda. Kung pwede lang ako magthank you sa kaniya, kahit nakakahiya yung ginawa niya ay at least may picture na kami ni Señorito na magkasama. Grrr! Pero ni isa'y wala siyang matandaan kaya wag na lang. Nakahinga ako ng maluwag matapos mapasa lahat ng litrato sa aking phone, dinelete ko rin agad sa phone ni Señorito. Grabe ang taranta ko, baka kasi bigla na lang bumulaga sa akin si Señorito Kane at mapagalitan ako. Mag-eexit na sana ako sa 'photos' app nang 'di sinasadyang mag scroll ang daliri ko sa pinakababa at mapansin ko ang isang album. Ang name non ay red heart emoji lang at may nakikitang akong selfie ni Señorito Kane kasama ang isang babae. Napakurap ako nang may maisip. Hindi ko ito napansin kanina. Akmang pipindutin ko ang album nang muling magring ang cellphone ni Señorito. Nanlaki ang aking mga mata. Muntik ko nang mabitawan. Ilalapag ko na sana sa bedside table nang bumukas ang pintuan ng bedroom, bumungad sa akin ang naka-kunot noong si Señorito habang nakatingin sa phone niyang hawak ko. Napailing ako, guilty. “S-Señorito… ano kasi… m-may tumatawag po sa inyo… ano, s-sino ba ito..” Parang engot na sinilip ko ang screen, nakalagay don ay ‘my love’. Mabilis pa sa alas kwatrong inagaw sa kamay ko ni Señorito ang kaniyang phone. Napa-iwas naman ako ng tingin. ‘My love’? Kasintahan niya kaya yun? Gusto kong kutyain ang sarili sa tanong na yun. Ewan pero parang tinarakan ng kutsilyo ang aking umaasang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD