Ibina ko ang tingin ko nang marinig ang matamis at malambing niyang boses habang nagsasalita sa kausap. Kung girlfriend nga niya yun, ang swerte. Ang swerte ng girlfriend niya dahil meron siyang isang Klein Lorenzo na perfect package ng lalaki.
Caring, kind, and gentleman. Sa mommy pa lang niya yun, paano pa kaya sa babaeng nagpapatibok ng kaniyang puso? Naiimagine ko na ang pagiging romantiko niya sa kaniyang partner. Baka yung hindi ko inaakalang personality niya ay lumalabas sa tuwing kasama ito.
Parang nakaramdam ako ng kirot.
Pero crush ko lang siya, kaya bakit naman ako masasaktan? Tama, Sofina, anong karapatan mong masaktan? Isang hamak na katulong at admirer lang naman ako, hanggang don lang ang role ko sa buhay ng Señorito. Never nang lalagpas.
You know, the usual phrase ‘langit siya, lupa ako’. Kahit ang lapit na ay kay-hirap pa ring abutin. At nababagay siya sa taong kasing level lang din niya.
Malalim akong napabuntong hininga at umiwas na ng tingin upang asikasuhin ang aking trabaho. Narinig ko ang yapak niyang papalayo hanggang sa tuluyan siyang makalabas sa kaniyang silid, malambing na kausap pa rin ang kung sino man.
Nagpatuloy ako kahit parang may kirot pa rin akong nararamdaman sa aking dibdib na hindi ko maintindihan. Isipin ko pa lang na may iba siyang kausap---mabilis na ipinilig ko ang ulo. Hindi, Sofina, tumigil ka!
Crush lang pero sobra naman ako masaktan, oa ko na talaga masyado.
Natapos na lang ako sa pagpapalit ng curtains, pillowcase and bedsheets niya ay hindi pa rin siya nakakabalik. Lumabas ako sa kaniyang kwarto at napalingon sa may dulo kung saan ang veranda, nandon siya. Nakatayo at nakatalikod sa aking gawi. Ang malapad at matipuno niyang balikat ay kapansinsin pa rin sa suot niyang plain white shirt. Bakit kahit pa nakatalikod at malayo siya mula sa akin ay ramdam ko ang saya niya?
In love siya, walang duda.
Siguro kailangan ko na siyang i-uncrush? Kapag may girlfriend matik dapat nilulubayan.
Mahirap na mas lalo lang akong mahulog, malunod sa damdaming ito at wala namang sasalo sa akin, kahit pumuti pa ata ang uwak ay napaka imposibleng mangyari yun. Lalo pa't meron nang nagmamay-ari sa kaniyang puso.
Di ko namalayang kanina ko pa pala siya tinititigan, nagulat na lang ako nang bigla itong humarap sa aking gawi at nagtama ang mga mata naming dalawa. Parang tumigil ang aking hininga sa eksenang yon.
Hindi ko nagawang umiwas ng tingin kay Señorito na kasalukuyan nang naglalakad palapit sa akin. Na-super glue na ata ang aking tsinelas sa flooring dahil hindi ko magawang humakbang sa paninigas.
Kahit nais ko mang pigilan, ang puso ko ay mas lalong nagwala.
Nanatiling magkahugpong ang aming mga mata, sobrang ganda ng mga mata niya. Kulay tsokolate na kung tumingin ay para kang mahahalina at tila makahiyang titiklop na lamang bigla.
"What's your name again, miss?"
Parang nagising ako sa isang magandang panaginip nang huminto siya sa aking harapan at magsalita, ang malalim na timbre ng kaniyang boses ang nagpaagaw sa aking pansin. Sandali, hindi niya naalala yung pangalan ko kahit na ilang beses nang nabanggit ng aming mga kasama sa mansyon.
"Hey, I'm asking you." Parang naiinis na sabi niya nang bigo akong tugunin siya ng ilang minuto.
"Ah, p-pasensya na po. Ako po si Sofina." Ngumiti ako pero marahil sa kaba at pagkapahiya ay hindi ko na alam kung naging ngiwi na ang kinalabasan.
"Sofina, listen to me carefully..." Seryoso niyang saad at mas lumapit pa sa akin.
Sobrang nakatingala ako dahil sa sobrang tangkad niya, siya naman ay nakayuko sa akin. Yung kabog ng puso ko ay halos marinig ko na.
"...Ang ayoko sa lahat, pinakikialaman ang gamit ko especially my phone. You can clean my room as long as you want but don't f*cking touch my gadgets and personal things." Sa uri ng tingin niya ay pakiramdam ko tumatagos ang matalas na mga mata niya sa buto ko.
Medyo natakot ako sa itsura niya sapagkat hindi na ito makikitaan ng kahit kaunting saya, 'di katulad noong may kausap siya sa telepono. Halos manlambot ang tuhod ko, bahagyang nanubig ang sulok ng mga mata.
Napatango na lamang ako sa takot.
"Good. I don't want this to happen ever again." Walang emosyong aniya. Lumayo na siya sa akin ng halos isang metro, doon ako nakahugot ng malalim na paghinga na 'di ko namalayang kanina ko pa pinipigilan.
"O-opo, Señorito. P-pasensya na po."
After that ay walang salitang nilagpasan niya ako at nagtungo sa kaniyang silid. Napakurap ako ng ilang ulit, pilit na kinakalma ang sarili.
Tama naman, naiintindihan ko siya, hindi ko dapat pakialaman ang kaniyang personal na gamit. Paano na lang kung may related sa trabaho pala siya don at bigla kong magalaw o mawala? Edi patay na. O iba pa na pwedeng mapindot.
Pero may parte sa akin na nagsasabing buti na lang ginawa ko iyon, kasi kung hindi ay malamang never ko nang makikita ang mga litrato namin. Napahawak ako sa cellphone ko nang mahigpit. Baka malibing na lamang sa alaala ang mga iyon.
Nasa may kusina ako ng mansyon naglilinis dahil katatapos lang mag lunch. Habang pinupunasan ko ang lababo ay lumapit sa akin si Manang Fe, napalingon naman ako sa kaniya nang tawagin niya ko.
"Naalala mo ba nung gumawa ka ng eggpie nung nakaraan?"
"Opo." Sagot ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa ginagawa.
"Si Señorito kasi nagrequest. Gusto niya raw ulit yun, nasa may garden siya." Aniya, natigilan naman ako. "Ikaw na lang ang magbigay sa kaniya kasi aasikasuhin ko pa yung mga sinampay ko."
And she walk away, kaya di na ako naka-angal pa.
Saktong nasa oven na yung ginagawa kong eggpie, nagcrave din kasi ako don kaya napagdesisyunan kong magbake.
Nung bata ako palaging tinuturo sa akin ni Mama kung paano magbake, nang mamatay siya ay medyo nawala na sa isip ko, pero buti na lang simula nang magtrabaho ako dito sa mansyon ay inaral ko ulit ang baking kasi matagal na akong interesado talaga don, hindi naman tutol si Ma'am Jenna na gamitin ko ang oven nila. Sila pa nga nila Manang Fe ang palaging nagti-taste test hanggang sa maging confident na ako sa baking skills ko.
Hindi ko inakalang maging si Señorito ay makakakain ng binake ko, ang nakaka-gulat ay nagustuhan niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang hinihiwa ang nalutong eggpie.
Inilagay ko sa tray ang platito na may eggpie at ang tinimpla kong orange juice para sa kaniya. Bitbit ang tray ay naglakad ako papunta sa garden, kita ko agad ang matipuno niyang katawan na nakatalikod sa aking gawi.
"Wow!" Manghang sabi ko nang makitang nagpi-painting pala siya. Ang galing niya magpinta, ngayon ko lang nalaman na marunong pala siya non.
Napansin niya naman ako dahil sa lakas ng singhap ko. Nadako ang kaniyang tingin sa dala ko.
"Palagay na lang dito sa table." Walang emosyon na sambit niya tsaka binalik ang atensyon sa canvas. Sinunod ko naman ang binata, dahan dahan kong nilapag ang aking hawak sa lamesang nasa may gilid lamang niya.
Di ko maalis ang mga mata sa gawa ng lalaki, ang galing talaga! Ang pinipinta niya ay nakaka-relax na kalikasan, dumagdag sa ganda nito ang sunset.
"Ang galing niyo pong magpinta, Señorito." Di ko napigilang sabihin, ang kapal ng mukha ko. Matapos ang ginawa ko nung nakaraan na pangingialam sa personal niyang gamit ay umaasta akong walang nangyari. Napabuntong hininga ako, sa totoo lang sinusubukan ko lang na umaktong normal ang lahat para mawaglit ang awkwardness at guilt na kumakain sa aking buong sistema.
'Di naman siya sumagot. Patuloy lang siya sa paglapat ng brush sa canvas na parang walang narinig.
"Ikaw rin po ba ang nagpinta ng mga nakasabit sa loob ng mansyon?" Tanong ko kahit walang kasiguraduhan kung may plano siyang sumagot.
"Oo." Walang ganang sagot naman niya, mas lalong nadagdagan ang pagkamangha ko. Wow! Ang akala ko'y binili nila ang mga iyon sa isang magaling at sikat na pintor---Hindi ko inaasahang gawa niya lahat yun.
Hindi na siya nag-abalang tumingin sa akin, sandali siyang tumigil para kumain ng eggpie. Napapangiti naman ako habang nakikita siyang nasasarapan doon, sunod sunod ang kain niya.
Ayaw ko man ay kusang nagca-cartwheel ang puso ko ngayon sa sobrang saya.
"Klein!"
Naudlot ang paninitig ko kay Señorito matapos marinig ang tinig na yun, sabay kaming napabaling ng tingin sa taong na sa may pintuan ng kusina.
Isang maputi at magandang babae ang nakatayo doon, nakasuot ng maiksing summer dress. Ang aking naliligayahang puso ay natigilan habang pinapanood ko kung paano sila sabik na tumakbo sa isa't isa upang magyakapan ng mahigpit, ramdam ko ang pananabik nila.
"Love, you're here!" Masayang saad ni Señorito.
Hindi ko magawang iiwas ang tingin dahil parang na-semento na ako sa paninigas.
"Surprise, love! I love you so much." Halinghing naman ng magandang babae at halos papakin na ang labi ng binatang hindi na halos makasagot. Tumugon agad si Señorito dito, lapat na lapat ang kanilang mga labi. Agresibo, uhaw na uhaw ngunit may pag-iingat ang galaw.
Wala akong ibang magawa kundi panoorin ang masakit na realidad. Sabi ko na nga ba may kasintahan na siya, ito na nga, nasa harapan ko na ang ebidensya.
Nasampal agad ako ng realidad na dapat ko na talagang itigil ang nararamdaman kay Señorito, dahil pagmamay-ari na siya ng iba at halata namang masaya sila sa isa't isa.