CHAPTER 6

1325 Words
"Meet Caitlyn Garcia, my girlfriend." Parang sinabugan ako ng bomba, masakit marinig sa mismong bibig ng Señorito yun kahit expected ko na. Pero act normal lang ang peg ko dito sa gilid, kunwari nakangiti pero malungkot naman talaga. Hindi pwedeng may makahalata sa akin, mahirap na. Baka malaman pa ng lahat ang lihim kong pagsinta. Mas magiging payapa ang lahat kung walang ibang makakaalam. "Hello po, Tita Jenna." Nakangiting sabi ng magandang babae tsaka lumapit kay Ma'am Jenna, nagbeso silang dalawa. Maganda, matangkad, at maputi ang balat ng babae. Mahaba ang color brown at straight niyang buhok, maliit ang mukha, singkit ang mga mata, matangos ang ilong at manipis ang mapulang labi. I admit. Bagay silang dalawa ni Señorito Kane dahil pareho sila ng panlabas na katangian. Singkit, matangkad, at maputi. Pareho ring mayaman, bagay na bagay talaga. "Ikaw pala ang palaging kinukwento sa akin ni Kane, hija. Maupo ka na para makakain na tayo. Ang daming pinaluto ni Kane para sayo." Sobrang dami nga, parang pangfiesta na ata ito. Tulong tulong na kami nila Manang Fe at Belinda sa pagluluto niyan kanina at talagang aligaga kami dahil ilang oras lang kailangan matapos lahat ng putaheng pinapaluto ni Señorito. Kung di ako nagkakamali ng dinig kanina, lahat ng nakahain ngayon sa dining table ay paborito ng girlfriend niya. Di lang tuloy likod ang sumasakit sakin ngayon, kasama na ang puso. Sheyt! Tama na, Sofina, uncrush na nga diba? Kita ko kung paano alalayan ni Señorito ang kasintahan niya, talagang nandon yung pag-iingat at pagmamahal. Hindi makakaila. Umupo din si Señorito sa tabi ng babae, pareho pa talaga silang nakaharap sa gawi ko kaya kitang kita ko ng malinaw ang pag-aasikaso ng binata sa kasintahan. Ewan ko ba kung nananadya ang tadhana, gusto talaga ata akong tuluyan nang magising sa katotohanang hindi magiging ako ang babaeng nasa tabi ni Señorito. Never even in my wildest dreams. "Eat more, love." Rinig kong saad ni Señorito habang nilalagyan ng mga pagkain ang plato ng girlfriend niya, halatang tutol ito sa dami pero walang magawa kasi nakatingin si Ma'am Jenna sa kanila. Or feeling ko lang yun? "Ah, o-okay. T-thank you, love." At parang napipilitang isubo ang chicken sweet and sour. Ang dami ng pagkain niya, hindi ko alam kung kaya niyang maubos lahat ng iyon. "Ang sweet ni Señorito sa girlfriend niya, no? Bagay sila." Napatingin ako sa katabi kong si Belinda na bumulong sa akin. Di ako nakasagot dahil tila may bumara na kung ano sa lalamunan ko sa sinabi niya. Yung ang sakit sakit na nga ng puso kong tila sinasaksak dahil sa nakikita ko, dumagdag pa siya. Tuloy parang yung sinaksak sabay inikot ang kutsilyo sa sobrang sakit. "Kinikilig ako!" Mahinang tili pa niya. Oo na, tama ka na. Napanguso ako. Gusto ko na lang tuloy magwalk-out, pero syempre hindi ko gagawin dahil bawal yun. Baka bigla akong masisante kaya dapat ikalma ko na lang ito. Chill, Sofina, katulong ka lang. Walang karapatan magjelly. Parang ang tagal nilang kumain, nakatayo na lang ako sa gilid habang pinapanood ang bawat galaw nila Señorito at nung girlfriend niyang si Caitlyn. Di ko na halos mapansin si Ma'am Jenna na kasalo nila dahil di maalis ang mga mata ko sa dalawa. "So, what's your work, Caitlyn?" Ngumiti naman ang dalaga bago sumagot. "I'm a professional model and actress po, Tita." Oh, kaya pala familiar ang mukha niya sa akin. Parang nakita ko na nga siya sa tv at social media. Nanliit ata ako bigla sa trabahong meron siya, ako kasi katulong tapos di man lang nakapagtapos ng kolehiyo. Pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral dahil pangako ko yun kay Mama bago siya mamatay. Naniniwala akong balang araw mangyayari yon at makakamit ko rin ang inaasam kong maging highschool teacher. Bata pa naman ako eh, twenty years old. Hindi pa huli ang lahat. Makakabalik pa ako sa pag-aaral, hindi ko lang alam kung kailan. Bahala na si Lord sa akin. "Nice, saan naman kayo nagkakilala ni Kane?" Intriga pa ni Ma'am Jenna. Kami namang tatlo nila Manang at Belinda ay nakikinig lamang sa pag-uusap nila. Di naman kami nagugutom habang nakatingin kasi nauna pa kami kumain sa kanila kanina. "Sa bar---" "Sa isang cafè sa Paris, mom." Putol bigla ni Señorito sa girlfriend, hinawakan niya ang kamay ng nobya na nakapatong sa lamesa tsaka yon bahagyang pinisil. "We fell in love the first time we saw each other." Hindi na nagsalita si Ma'am Jenna, tumango na lang ito. Love at first sight pala ang nangyari sa kanila, gaya ng nangyari sa akin nung una kong makita ang litrato ng binata. Kaso yung sakin hindi naman love, like lang, na kahit kailan hindi mari-reciprocate kaya move on na lang. The couple exchanges glances, lovingly. Tumingin muli ang Señorito sa kaniyang ina. "Mom, we've been together for three years. I really love Caitlyn. And the reason we're here is to let you know that we've already gotten engaged." Hindi lang bomba ang tila sumabog ngayon sa akin, para na akong binagsakan mismo ng comet dahil sa narinig. Nayanig ang buong sistema ko at nabingi ata ako. A-ano daw? E-engaged sila?! Teka lang, baka naman nagkakamali lang ako. Subalit inangat ni Señorito ang left hand ni Caitlyn kung saan kitang kita naming lahat ang fourth finger nitong may kumikinang na singsing. Sobrang ganda non at ang laki ng bato. Mas lalong nadagdagan ang dahilan kong wag na nga talaga umasa kasi sa una pa lang wala nang aasahan. Hanggang dito na lang dapat ang kabaliwan. Ang unang lalaki na aking nagustuhan ay nakatakda ng ikasal. Bakit sobrang sakit na sa puso? Like pa ba ito o mahal ko na siya? "She's the only girl I wanna marry, wala ng iba." Nakahiga ako sa kama habang yakap ang unan ko. Nakatingala ako sa kisame, malalim ang isip. Di ko malimutan yung nangyari kanina. Kahit sampal sampalin ko ang sarili ko ngayon ay walang magbabago, hindi ako nananaginip. Ang malas ko naman, minsan na nga lang ako magkagusto tapos sa taken pa. Ang saklap. Halos apat na taon akong nahibang sa kaniya, kung mas maaga ko lang siguro nalaman baka hindi ako gaanong maapektuhan. Palagay ko hindi ganito kasakit. Ang sakit pala, ganito ba talaga magkaroon ng crush? Kung ganon last na ito, ayoko na ulit ma-heartbroken ng dahil lang sa crush. Ewan, medyo naiintindihan ko na tuloy si Belinda kung bakit naglasing at umiyak siya. "Meow!" Yung luha ko ay biglang umurong nang marinig ang boses ni Mao, tumalon siya sa kama ko kaya mabilis ko siyang hinuli upang yakapin. I'm so glad hindi siya nagpumiglas kahit ang higpit ng yakap ko. "Mao, di ko na alam ang gagawin ko." "Meow!" Tugon niya sabay tingin sa akin. "Salamat, nandito ka upang pagaanin ang aking loob. Maaasahan talaga kita kahit puro ka lang chiks." Nang gabing yon ay napaluha na ako habang yakap si Mao na hinayaan lang naman ako mag-emote. Oras na para palayain ang espesyal na aking nararamdaman sa kaniya. Ayokong manulot, walang magandang patutunguhan yon. Bata pa lang ay pinayuhan na ako ng aking ina na wag mang-agaw ng lalaki. Hindi ko maintindihan nung una pero ngayon ay naiintindihan ko na siya. Bunga daw kasi ako ng pamimikot ni Mama kay Papa kahit may mahal at karelasyon na iba ito, sa huli ay iniwan din ng lalaking yon si Mama na parang basura. Nang panahon na yun ay buntis na sa akin ang aking ina, pero never daw niyang pinagsisihan ang nangyari dahil wala daw ako sa mundo kung hindi niya ginawa yun. Masakit yung nangyari sa Mama ko, kaya hindi ko uulitin ang pagkakamaling yon sa buhay ko. Kahit nasa langit na siya, alam kong masaya siya kasi tumatak talaga sa aking puso ang mga payo niya. At sinusunod ko lahat yon. Ang problema ay paano nga ba mag move on kung palagi ko siyang nasisilayan? Nakatulog ako sa aking kama ng may luha sa mga mata habang kayakap si Mao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD