CHAPTER 7

1748 Words
Simula ng araw na yun palagi akong matamlay. Sa tuwing gigising ako sa umaga ay ang bigat sa dibdib at almusal ko na agad ang kalungkutan. Akala ko madali lang mag move on, akala ko hindi ako mahihirapan kasi crush lang naman diba? Pero napagtanto ko sa mga nakalipas na araw na mas malalim pa don ang nararamdaman ko kay Señorito subalit wala akong magawa kundi tingnan lamang sila ng kaniyang kasintahan at tanggapin ang katotohanan. They're happy and very much in love with each other. "Sofina, buksan mo ang gate. Nandyan na sila Señorito at Miss Caitlyn." Untag sa akin ni Belinda na abalang naghuhugas, kinalabit pa ako kaya mabilis pa sa alas kwatro ang aking pagtayo. Mabigat ang hakbang na nagtungo ako sa gate ng mansyon upang buksan ito, natanaw ko agad ang puting sasakyan ng aming amo sa labas. Nang mabuksan ay swabe namang ipinarada agad ng Señorito ang kaniyang kotse sa carport. Nakatulalang nakatayo ako sa gilid habang pinapanood ko ang paglabas ng isang matangkad at gwapong lalaki na gumugulo sa aking isipan at damdamin. Nakasuot ito ng itim na t-shirt na hapit sa kaniyang maskuladong katawan at itim din na pants, ang sapatos ay kulay puti. Simple lang naman pero ang lakas pa rin ng dating niya. He's so manly, so breath taking. Tumungo siya sa likod ng kotse at walang hirap na nilabas ang sangkaterbang paper bags, mukhang galing sa pagsho-shopping. Pumunta siya sa side ng passenger seat kung saan lumabas naman agad si Caitlyn. Nakasuot ito ng tube na black at denim skirt na halos kita na ang pang-upo niya. I saw how she glanced at me and rolled her eyes, na ipinagtaka ko. Ewan, namalikmata lang ata ako. Hinalikan niya sa labi ang Señorito na walang pag-aalinlangan na ginantihan nito bago sila magkahawak kamay na pumasok sa mansyon. Napayuko ako sa nasaksihan. "She's the only girl I wanna marry, wala ng iba." Caitlyn is the luckiest girl. Nasa kaniya na lahat, pati ang lalaking matagal kong pinangarap na makita, mahawakan... at makasama. Pagpasok sa mansyon maagap na napaiwas ako ng tingin matapos silang mabungaran naman sa may living room. Naka-upo sa kandungan ni Señorito ang babae habang nilalabas nito ang mga binili sa paper bags. Unang kita pa lang halatang hindi biro ang presyo ng mga yun. "Thank you so much, love!" Malambing na saad ni Caitlyn sa kaniya. Matunog niyang hinalikan ang nobyo sa labi. Kulang na lang ay langgamin sa buong mansyon araw-araw dahil sa ka-sweetan ng mga ito, dito na rin kasi tumitira ang fiancé ni Señorito Kane. Narinig ko pa na dapat magkasama sila sa iisang kwarto subalit tinutulan ito ni Ma'am Jenna. Ayaw daw nito hangga't hindi pa ikinakasal ang dalawa. "Huy!" Sumulpot si Belinda sa tabi ko na halos ikatalon ko sa pagkabigla. "Kanina mo pa pinapanood sila Señorito, inggit ka?" Sinimangutan ko siya. "Hindi ano. Bakit naman ako maiinggit?" Mahina ang boses na singhal ko pa, pero ang totoo ay kabado. Halata ba talaga ako? "Ay bakit parang ang bitter ng dating?" Paano mo nalaman? Muntik ko nang masabi, mabuti na lang at napigilan ko ang sariling bunganga. "Ewan ko sayo." Yun na lang ang binulalas ko tsaka siya nilagpasan para magtungo sa kusina. Mabilis siyang sumunod sa akin. "Wag kang mag-alala, Sofina. Kahit naman ako naiinggit kay Miss Caitlyn, sobrang pogi, tangkad, yaman at bango kaya ni Señorito Kane. Swerte niya talaga. Ako kaya, kailan magkakaroon ng isang Señorito Kane?" Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Ibig sabihin hindi niya napapansin ang mga kinikilos ko, ang galing ko pala talaga magtago kung ganon. "Pero ang ganda rin kasi ni Miss Caitlyn kaya di na ako nagtatakang nagustuhan siya ng amo natin. Sobrang bagay sila sa isa't isa." Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya dahil wala akong maisip, ayokong pahabain ang ganitong usapan pakiramdam ko pinapana ng sunod sunod ang puso kong walang kalaban laban. "Kamusta naman ang pag-aaral mo?" Paglilihis ko. Magkatulong kami sa pagsasalansan ng mga plato sa tamang lagayan habang nagkukwento naman si Belinda sa akin patungkol sa pag-aaral niya, second year college na ito sa kursong finance. "Ayon kinakaya pa naman kahit wala na akong katulong sa mga schoolworks. Hindi na kasi kami okay ng kaibigan kong si Alma." Natahimik siya nang mabanggit ang pangalan na yun, na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga dahilan kung bakit siya naglasing nung nakaraang gabi. Hindi na ako nagtanong kung bakit dahil baka hindi pa rin siya komportableng pag-usapan lalo pa at wala na siyang tama ng alak. Alam ko na rin naman ang patungkol don at ngayon mas naiintindihan ko na ang nararamdaman niyang hapdi sa puso. Magkaibigan nga talaga kami ni Belinda. Pareho kaming nagkagusto sa mga taong may mahal ng iba. "Hey, maids!" Napaharap kami sa kakapasok lamang na si Caitlyn, nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa amin. "Good afternoon, Miss Caitlyn. May kailangan po ba kayo?" Magalang na tanong ng aking katabi pero mahihimigan ng pagtataka ang tono ng boses, mukhang gaya ko ay hindi rin niya maintindihan kung bakit nagtataray ngayon si Caitlyn. Samantalang palagi itong nakangiti at mabait sa amin lalo na kapag nasa harapan nila Señorito Kane at Ma'am Jenna. "Binayaran lang ba kayo dito para magkwentuhan? Mga walang kwenta! F*cking clean the living room!" Hindi makapaniwalang napasinghap si Belinda, gulat na gulat ito habang ako naman ay nananatiling tahimik kahit nabigla rin sa mga sinambit ng babae. The angel looking girl is gone. She crossed her arms over her chest, nananatiling nakataas ang kilay. Hindi mababanaag ng kahit anong ngiti ang mukha nito lalo ng mapatingin sa akin. Bahagya siyang lumapit habang naniningkit ang kaniyang mga mata. Sa sobrang tahimik ng paligid ay rinig na rinig ko ang tunog ng mataas na takong nito sa tuwing aapak siya sa floor tiles. I can clearly see how taller she is than me. "And you, ugly b*tch!" I lowered my gaze when she pointed at me, halos matusok ako ng mahahaba at matulis niyang kuko. "Stop staring at my fiancé! Akala mo hindi kita napapansin? I would literally crash your hideous face if you look at him again. Understand?" 'Di ko magawang sumagot sa sobrang takot. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso na halos ikawalan ko ng balanse. Malakas na napasinghap si Belinda. "Answer me, b*tch!" "Y-yes po." Nanghihinang tango ko pa sa nauutal na boses. Pagkakurap ko ay wala na ito sa aming harapan, naglalakad na ito papalayo. Kundi ko pa narinig ang pagmumura ni Belinda ng malutong ay baka hanggang ngayon ay lutang pa rin ako sa nangyari dahil sa kaba at takot. Napapansin niya ang mga tingin ko kay Señorito.. "Oh my gulay! Ang pangit pala ng ugali ng babaeng yon?" Malinaw kong nasilayan ang pamumula ni Belinda sa galit kahit morena siya. "Hoy pakyu! Sayo na yang fiancé mo, akala mo naman aagawin yan ng kaibigan ko, saksak mo sa baga at bibig mo yang bur*t niya!" "Belinda!" Saway ko dahil baka marinig pa siya, medyo nanginginig pa rin ako sa nangyari at ayokong pati siya ay mapagbuntunan pa ng babae. Baka bigla kaming mapalayas dito sa mansyon ng wala sa oras. Kahit umangal kami at ipagtanggol ang sarili ay ito ang paniguradong papaboran dito dahil kami ay hamak na kasambahay lamang. "Kumalma ka." "Ang kapal kasi, mukha naman siyang isdang may popeye disease! Mas bagay pa nga kayo ni Señorito, real talk." Natigilan ako sa sinabi niya pero mabilis ring inalis sa aking dibdib ang tuldok na pag-asa. "Di ko inaasahan talagang girl version siya ni Lucifer. Nanggigigil ako!" "Hayaan na natin, sumunod na lang tayo sa mga utos niya. Wala naman tayong magagawa dahil para na rin natin siyang amo." Inilagay ko ang mga baso sa tamang lagayan. "Anong hayaan? Isasampal ko sa mukha niya itong plato para magising siya sa katotohanang siya ang ugly b*tch!" Tinaas pa niya ang hawak na babasagin at makapal na platong kulay puti. "Never ko siyang susundin, linisin niya ang kalat niya!" "Akala ko ba maganda siya at bagay sila ni Señorito?" Mahinang untag ko sa kaniya, napabuntong hininga. "Hindi ah, wala akong sinasabing ganyan." Deny pa niya na ikinailing ko na lamang. "Yung araw kong masaya naging p*tang*na!" Nang matapos kaming dalawa sa ginagawa ay mag-isang nagtungo na ako sa sala. Dahil sa pagmamatigas ni Belinda na wag linisan ang mga kalat ni Caitlyn ay ako na lang ang gumawa para rin wag mas lalong uminit ang ulo ng huli. Nakakalat sa sahig ng living room ang mga paper bags mula sa iba't ibang stores, mas madami pa ito kesa nung magpunta kami sa mall at bilihan ng Señorito. Nakita ko pa ang ilang nakakalat na mamahaling damit at bags, pagkatapos itapon ang mga paper bags ay buhat ko ang mga gamit na nagtungo sa taas para ilagay lahat ng iyon sa kwarto ni Caitlyn. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kaniya, baka this time ay hindi na siya makapag pigil at saktan na talaga niya ako. Malapit na ako sa silid ng babae ng makita kong bahagyang bukas ang pintuan ng kwarto ni Señorito Kane, may naririnig akong mga tinig na nag-uusap kaya napahinto ako sa paghakbang. "Love... p-pwede bang paalisin mo dito yung katulong niyong dalaga?" Rinig ko ang boses na walang duda na si Caitlyn, nahugot ko ang hininga sa narinig. "Who?" Tanong naman ng isang pamilyar na tinig, galing kay Señorito Kane. "Ahm, yung isang girl na ano... may curly hair at maputi." Sagot naman agad ni Caitlyn pero tila nahihirapan. Nanlaki naman ang mga mata ko hindi lang dahil sa nakita ko silang hubot hubad na magkapatong sa isa't isa, kundi dahil sa binanggit ng babae na curly at maputi. Ako yun, ako ang tinutukoy niya na papaalisin dito sa mansyon. Triple ang sakit na nararamdaman ko at naghalo-halo na lahat ng aking emosyon. Gusto niya akong paalisin tapos nakikita ko pa kung paano swabeng gumalaw si Señorito sa taas ni Caitlyn, they're having s*x! Halos hindi ako makahinga pero hindi ko magawang tumakbo palayo. "Oh, yeah." Tugon ng binata na nagtunog ungol. "Your wish is my command, my love." Walang pag-aalinlangan na sabi ni Señorito Kane, na tila ayos lang sa kaniya na umalis ako sa mansyon kasi sino ba naman ako sa kaniya? My tears dropped as I covered my mouth using my hand. "Uhm, yes! Ahhh thank you, love! S-sige pa, fasterrr! Yess! Oohhhh!" Sarap na sarap na ungol ni Caitlyn at mas lalo pang binuka ang hita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD