CHAPTER 8

1876 Words
I was just looking at them, walang magawa kundi manood sapagkat parang ipinako ang mga paa ko sa flooring dahilan para 'di ako makalakad palayo. Palakas ng palakas ang ungol ni Caitlyn kaya naman tinakpan ni Señorito Kane ang bibig nito gamit ang labi, naghalikan sila ng mapusok nang hindi humihinto sa paggalaw ang kanilang mga katawan, lalo na ang Señorito na swabeng bumabayo. Hanggang sa pareho silang manginig, napahiyaw at halos mamuti pa ang mga mata ni Caitlyn. "Ohhhh! Love, uhhm!" Halos maiyak si Caitlyn sa sarap, habang ako dito ay halos maiyak na sa sobrang sakit. After their intense o****m, bumangon si Caitlyn sa kama. Akma itong tatayo pero mabilis na ipinulupot ni Señorito ang maskuladong braso sa katawan ng nobya dahilan para mapasalampak ito sa katawan niya. They chuckled and kissed each other's lips. Nagtitigan muna sila na may kasamang pagmamahal bago muling tumayo si Caitlyn para tumungo sa banyo. Gusto kong tumakbo palayo. Hindi ko na kayang panoorin pa sila. This is torture. Pinilit ko ang sarili na lumakad kahit medyo nanghihina ang mga binti ko sa nasaksihan at narinig. Mabuti na lang nga at wala akong nahulog ni isa sa mga gamit ni Caitlyn na hawak ko, kundi ay maaaring maging dahilan pa 'yon upang malaman nila na may ibang taong pinapanood silang paligayahin ang isa't isa. Hindi ko alam paano ipapaliwanag ng maayos, but it's really heart wrenching. Nanlalabo ang mga matang nagpunta ako sa silid ni Caitlyn. Nang makapasok ay basta ko na lang isinalya ang mga bagong gamit niya sa queen size bed. Mabigat ang mga yon, pero kahit na ibinaba ko na ay parang hindi man lang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Parang may nakadagan pa rin. Hindi ko napigilang ilabas muli ang aking hikbi at hayaang dumaloy ang masaganang luha. Tinakpan ko ang bibig para kahit papaano ay hindi maingay, hinayaan ko ang sariling ilabas ang sakit. Hindi ko na kasi mapigilan. I just watched the man I like having sex... At hindi lang yon, nagkasundo pa silang paalisin ako sa mansyon habang ginagawa yon. Nakakalungkot. Pumayag siya sa gusto ng kaniyang nobya, ni hindi man lang siya nagdalawang isip. Ni hindi man lang niya tinanong ang dahilan kung bakit nito gustong umalis ako sa mansyon bago siya magdesisyon. Um-oo siya agad nang hindi man lang iniisip ang magiging kalagayan ko. Saan na ako pupunta kapag napa-alis ako dito? Hindi ko napaghandaan ang bagay na ito, hindi ko naman kasi kailan man naisip na mapapalayas ako sa mansyon. Nais kong tutulan subalit alam ko naman na hindi ako pakikinggan ng binata dahil mas importante at papaburan niya ang nobya. Syempre, ang babae ang susundin niya dahil ito ang mahal niya. Wala akong magagawa kundi lunukin ang masakit na katotohanan. Pinahid ko ang basang pisngi pero dahil tuloy tuloy sa pag-agos ang luha mula sa aking mga mata ay hinayaan ko na lamang. Nakakapagod na rin kasi. "Hmmm, you saw us." Napapitlag ako sa biglang pagsasalita ni Caitlyn, hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya. Nakasuot ito ng roba, basa pa ang buhok at walang kolorete ang mukha. I admit, she's physically beautiful. Ang mukha niya ay makinis, ni walang mababakas ng kahit anong pores or pimples. Dahil don ay bigla akong nanliit. Hindi ko maiwasang ma-insecure sa ganda niya. Kahit saang angle ay walang wala ako sa kaniya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula paa hanggang ulo na tila naaawa. Pero alam ko naman na hindi, kita ko ang pinipigilan niyang ngiti na parang masaya siyang makita akong umuulap ang mga mata at nasasaktan. She crossed her arms over her chest. "Awww, why are you crying? Dahil ba sa nakita mo?" Tiningnan ko lang siya. "Nakita mo ba kung paano niya ako mahalin at paligayahin? Well, yun ang bagay na kailan man hindi mo mararanasan kay Kane dahil never siyang papatol sa isang dukhang gaya mo. Never." Mapang-asar siyang ngumisi. "Kaya kung ako sayo, I will wake up from my dreams and stay away from someone else's man!" Naluluhang nakatingin lang ako, hindi ako makasagot dahil para akong naputulan ng dila. Ngunit ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay sa mga sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ni Caitlyn ito sa akin ngayon, as if aagawin ko ang lalaki sa kaniya. Threatened ba siya sa akin? Wala naman akong ginagawang masama. Hanggang tingin na nga lang ako pero pinagkakait pa niya iyon. Gusto ba niyang ipikit ko ang mga mata sa tuwing nandyan si Señorito? Jeez! Akma siyang lalabas sa silid nang muli siyang humarap sa akin, lumakad siya palapit. "And by the way, before I forgot, alam kong narinig mo na ang pinag-usapan namin kanina. But I will still repeat it para naman hindi mo makalimutan..." She smiled sweetly. "Pack your things, dahil lalayas ka na sa lugar na ito, whether you like it or not." "Miss—" "I am so excited to see you living in the streets. You belong there, bitch." She chuckled and walked away. .. Maaga pa lang, gising na kaming tatlo nila Manang at Belinda. Nag-almusal lang kami ng mabilisan para makapunta agad sa palengke, kailangan kasi namin agahan upang fresh pa ang mga pagkain na bibilihin. Kanina, tinanong ako ni Manang kung bakit namamaga ang mga mata ko pero sabi ko lang ay dahil nanood ako ng movie. Gusto kong sabihin kay Manang ang totoo pero hindi ko pa kaya. "Huy, Sofina! Ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Belinda dahil sa lakas ng boses niya, niyugyog pa ako nito. "Kanina ka pa tulala diyan tapos namamaga yang mga mata mo. Nagiging kahawig ng mata ni Caitlyn. Huy! Tigilan mo yan, ang pangit." Napailing ako. Talagang nag name drop pa siya at ang lakas ng boses. Parang walang takot na may makarinig na ibang tao dito sa mansyon, hindi talaga ako magtataka kung bigla ko na lang malaman na dalawa na kaming mapapalayas dito. "Wala ito." Tipid kong sagot. "May sakit ka ata. Dito ka na lang sa mansyon, kami na lang ni Mama ang pupunta sa palengke." "Pero---" "Wag ka na umangal. Mamaya mahimatay ka pa sa palengke, ayokong magbuhat. At least pag dito ka hinimatay ay baka saluhin ka pa ni Señorito." Napangiwi na lang ako sa huling winika niya. Hindi na ako umalma dahil alam kong hindi ako mananalo, tumango na lang ako. "At wag kang mag-alala kay popeye disease, umalis siya kaninang madaling araw kaya wala siya ngayon dito." Napatingin ako sa kaniya agad, parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib. Kung wala si Caitlyn, ibig sabihin walang aaway sa akin. Pero nababahala pa rin akong paalisin mismo ni Señorito Kane kahit wala ang fiancee niya. Hanggang ngayon, nandito pa rin ang takot kong mangyari ang pagpapaalis sa akin. Na-stress ako mula pa kagabi kaya iyak ako ng iyak at walang matinong tulog sa kakaisip. "Talaga? B-bakit daw?" "May shooting ang bruha sa far far away. Kaya sinasabi ko sayo, ito ang tamang oras para agawin ang Señorito." Nanlaki ang mga mata ko sa kabaliwan niya, humalakhak naman siya. "Landiin mo, akitin mo! Panigurado bibigay yun." Dagdag pa niya. "Nababaliw ka na ba? Hindi ako sulotera!" Hindi ko na maiwasang mapakunot noo kahit mukhang nagbibiro lang naman siya. At sa tingin ba niya papatol sa akin ang amo namin? Kuko pa nga lang ata ako ng nobya nito. Tsaka kapag ginawa ko yun (na hindi naman mangyayari) ay paniguradong hati-hatiin ako ni Caitlyn ng thousand pieces. "Sayang naman, kayo pa naman ang bagay. Hindi ako nagsisinungaling, perfect talaga kayong dalawa." Kunwari na lang wala akong narinig para iwasan ang puso ko sa kalokohan. Hindi siya aware na isa siya sa dahilan kaya di ako maka-move on kay Señorito Kane, puro kasi siya sabi na bagay kami nito. "Anyways, magluto ka na ng breakfast ng Señorito. Baka mamaya sa sobrang gutom niya ay ikaw ang kainin." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Bago ko pa siya mahampas sa braso ay mabilis na siyang kumaripas ng takbo palayo. She's laughing so loud na kahit nasa malayo ay rinig ko pa rin siya. "Belinda!" Nang mawala siya sa paningin ko ay napatingin ako sa wall clock, 5:50am na. Pagkatayo sa upuang kahoy ay saktong lumabas si Manang sa maid's quarter, napatingin ito sakin. Ngumiti ako sa kaniya ng bahagya. "Hija, maiwan ka na lang muna dito at asikasuhin mo na lang ang almusal ni Señorito. Aalis na kami ni Belinda." Aniya. "Sige po, Manang. Mag-ingat po kayo." Pinanood ko siyang maglakad palayo hanggang sa pagpasyahan ko nang tumungo sa loob ng mansyon. Tahimik ang paligid, si Ma'am Jenna ay ilang araw nang wala dahil may out of town na meeting ito, hindi ko alam kailan ang balik niya. Habang si Señorito ay marahil natutulog pa hanggang ngayon. Mukhang pagod na pagod sa matinding aksyon kagabi. Halos mamula ako ng maalala ang matipuno niyang katawan pati ang p*********i niyang kumikislot pa na tila naghe-hello. Mabilis kong iniwaksi ang bagay na yun sa aking isip, hangga't maaari ay ayaw ko nang bumalik na naman ang alaalang nagpapakirot sa aking munting puso. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagluluto ng chicken breast para sa sandwich na gagawin ko. Habang naghihiwa ng kamatis ay biglang may pumasok sa kusina. Pag-angat ko ng tingin ay halos mapasinghap ako nang magtama ang mga mata namin ni Señorito Kane. Naka-pajama siya at nakasandong puti, kitang kita ko ang maskuladong katawan niya pati na rin ang mga ugat sa kaniyang braso. Ang buhok niya ay wala sa ayos at ang mga mata ay namumungay. Ang sobrang gwapo, kaya hindi ko rin masisi si Caitlyn. Kabado at nahihiya akong ngumiti dito. "Good morning po, Señorito. Maupo ka na muna sa dining chair, patapos na rin po itong breakfast mo." Gusto kong palakpakan ang sarili sapagkat hindi ako nautal. Tahimik lang siya, hindi niya pinansin ang sinabi ko. Ang awkward tuloy, parang bigla akong nahiya. Yuyuko na sana ako nang mapansing nakangiwi siyang naglalakad habang ang kamay ay nasa tiyan. "Oh d*mn!" Nag-aalalang nilapitan ko ito kaya ngayon ay nakatingala na ako sa kaniya. Nagmukha akong bansot sa kaniyang tangkad. "Señorito, ayos lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?" "My stomach hurts and I don't know what to do." Sagot niya. Inalalayan ko siyang maupo sa dining chair pero medyo hindi ako dumidikit sa kaniya, mamaya may CCTV palang nilagay si Caitlyn sa paligid, mahirap na. Tingnan ko pa lang nga ang amo namin ay halos magbuga na ito ng apoy. "H-hindi po kaya tinatawag lang kayo ng kalikasan? Natatae ka lang?" Umiling naman siya sa sinaad ko. Napaisip ako tsaka mabilis na kumuha ng baso at nilagyan ng mainit na tubig, inabot ko ito sa kaniya. "Ah, inom ka po muna nito b-baka sakaling mawala." And he did. Dahan-dahan niyang ininom iyon, pinagmamasdan ko ang ekspresyon niya para malaman kung umaayos na ang kaniyang lagay. Pero 'di ko namalayang naaaliw na ako sa panonood sa kaniyang mukha na ngayon ay wala ng mababanaag na emosyon. He looked at me, doon ko na-realize na kanina pa ako nakatitig sa kaniya kaya maagap akong nag-iwas ng tingin at tumalikod, itinuloy na lamang ang paggawa sa sandwich imbes na hayaan ang sariling muling mahalina sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD