CHAPTER 9

1630 Words
Nakatingin ako sa kaniya mula sa malayo, baka sakaling may kailanganin pa ito at least maaasikaso ko siya agad. Tahimik lang naman siyang kumakain at kuntento akong makita na magana niyang kinakain ang mga hinanda ko. Nakakataba ng puso ang kaalamang lahat ng niluluto kong pagkain ay nagugustuhan niya at hindi kailan man nasasayang. Malapit na niya yong maubos nang biglang binalot ang apat na sulok ng dining area ng isang malakas na tunog, tunog mula sa cellphone niyang nasa bulsa ng kaniyang itim na pajama. Mabilis niyang kinuha yon, matapos makita ang caller id ay walang pagdadalawang isip niyang inaccept ang tawag. "Love." Masaya niyang saad, ang laki ng ngiti niya. Parang wala siyang inindang sakit kanina lamang, biglang sa isang iglap ay naging masigla siya. Napaiwas ako agad ng tingin, itinuon ko ang mga mata sa glass wall ngunit ang tainga ko ay hindi maiwasang marinig ang mga sinasabi niya sa kausap, na walang iba kundi si Caitlyn. Baritono ngunit malambing ang kaniyang boses habang kausap ito sa kabilang linya, medyo malayo sa normal niyang pagsasalita na seryoso. Halos magka-stiff neck ako para kunwari wala lang. Pero kahit anong gawin ko, wala pa ring silbi yun dahil ngayon ay tahasan kong naririnig ang kanilang pag-uusap sapagkat naka-loud speaker pa talaga ang phone. Napakagat ako sa aking ibabang labi. "I miss you so much! I can't wait to kiss and hug you again, love." Sabi ni Caitlyn. Kanina pa ito sabi ng sabi ng I miss you sa nobyo at hindi ko na mabilang kung ilang beses. Kagabi lang magkasama sila pero kung mangulila agad ay para bang ilang taon silang nagkawalay. Palihim kong tiningnan ang lalaki. "Don't worry, love, pag-uwi mo hindi lang kiss and hug gagawin natin." Señorito smirked like he's thinking something naughty right now. Halos kumibot ang sintido ko sa naiisip, bumalik sa aking alaala ang mga nakita kong eksena nilang dalawa. That's traumatizing, hindi ko na ata makakalimutan kung paano bumayo at kumislot ang p*********i ni Señorito Kane na tila naghe-hello hindi lang sa kaniyang fiancee kundi sakin na rin. Sa bilis niyang kumilos ay hindi ko yon nakita ng matagal pero tumatak sa aking isipan ang pinkish nitong kulay especially ang ulo. Parang uminit bigla ang mga pisngi ko. "Basta, love, lumayo-layo ka sa mga linta ha, wala pa naman ako diyan sa tabi mo." Linta? Napakunot noo ako sa sinabi ni Caitlyn mula sa kabilang linya, para kasing ang random at mukhang may pinatatamaan. Nakakapagtaka. Alam kaya niyang nasa malapit lang ako ni Señorito Kane? Jeez! Baka nga totoo ang naiisip kong may CCTV dito. Napatingin tuloy ako sa ceiling upang makasigurado. Ngunit wala naman akong nakita ni isa. Maybe she just used her instinct. "Of course, love. Wala namang linta kasi malayo yung creek dito." Inosenteng sagot ni Señorito, muli itong kumagat sa sandwich. "Yeah. But you have to know na hindi lang sa creek merong linta, meron din diyan sa bahay niyo." Mababa lang ang boses ngunit medyo masungit ang dating. Napangiwi naman ako dahil 100 percent confirmed na ako nga ang pinariringgan, sana binanggit na lang niya name ko. Napanguso ako sa naisip at pilit na pinipigilan ang kaba dahil ngayong topic na nila ako ay sakaling ma-brought up ulit ang patungkol sa nais niyang pagpapalayas sakin. "Okay, I get it." Tumango ang binata tsaka bumuntong hininga, ibinaba nito ang hawak na sandwich. "Love, you're cute when you're jealous but I want to assure you, kahit ilang leech pa ang nasa paligid ay sayo lang ako. Hinding hindi ako magpapaagaw sa iba." I can imagine how big her smile is right now, na tila nanalo sa lotto. "I believe you coz you really love me.." "I do love you with all my heart, ikaw lang. Don't worry na, ayokong ma-stress ka pa habang nasa work." Sagot naman ng Señorito. "Thank you, love. By the way, yung request ko sayo kagabi about sa isang katulong." Nahigit ko ang hininga. "I know you'll do it because you can't resist me." Bago ko pa marinig ang sasabihin ni Señorito ay pinili ko nang umalis at lumabas sa loob ng mansyon. Nagmamadaling lumakad ako, dinala ng aking mga paa sa front garden at napatitig sa mga halaman doon. Ang takot na pilit kong kinukubli ay nanumbalik. Desidido talaga si Caitlyn sa nais niyang mangyari, and I know that what Caitlyn wants, Caitlyn gets. Panigurado hindi yun kayang matitiis ng Señorito. Wala sa sariling kinuha ko ang pruning shears na nakalagay sa may gilid tsaka tinabasan ang mga nalanta ng parte ng halaman. Lutang ang isip ko sa mga posibleng mangyari sa akin. Anytime pwede akong sabihan ng Señorito na mag-alsa balutan at lumayas na rito. Anytime pwedeng matagpuan ko na lang ang sariling walang maayos na matutulugan at wala halos makain. Lumipas ang oras, masakit na ang araw sa aking balat ngunit hindi ako natinag sa pwesto. Nanatili ako sa front garden, nakaupo at takot na kung sakaling makaharap ko muli ang binata ay hindi kaaya-aya ang ibungad nito sa akin. "Sofina?" Napa-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin, si Belinda pala. Nakabalik na ang mga ito mula sa palengke, kaya ngayon ay ang daming nakalapag na eco bag sa may sahig. Mukhang mabibigat ang mga yun. Tumayo ako para tulungan sila, natanaw ko sa labas ng gate si Manang Fe na nagbabayad pa sa tricycle driver na kanilang sinakyan pabalik dito. Walang salitang binuhat ko ang dalawang eco bag, natawa naman si Belinda nang makita niya kung paano ako mapangiwi sa sobrang bigat. Parang makakalas ata ang mga buto ko dito! "Grabe ang bigat, ano bang laman nito? Bato?" "Sama ng loob ko ang nakalagay diyan kaya mabigat." Ningiwian ko lang siya sa sagot niya. "Bakit pala nakatulala ka lang don kanina? Para kang baliw." Binuhat din niya ang isang eco bag. Sandali akong nanahimik. "Wala lang, naisip ko lang... Paano kung mapaalis ako dito sa mansyon?" Mahina ang boses na tanong ko, hindi niya naman narinig kaya ngayon ay nakakunot ang kaniyang noo. "Ano? Lakasan mo beh alam mo namang bingi ako." I bit my lower lip. Akmang magsasalita ako nang lumapit sa amin si Manang. "Mamaya na yan, mga hija. Ipasok na muna natin lahat ito sa loob." Sabi nito. "Opo, ma." "Sige po." Pagtalikod namin ay saka bumungad ang papalabas rin nia si Señorito Kane sa kanilang bahay. Hindi pa rin nagbabago ang suot niyang black sando and black pajama, litaw tuloy ang kaputian at muscles niya. Sinalubong naman nito agad si Manang Fe na ngayon may hawak na malaking eco bag. "Manang, ako na po ang magbubuhat. Magpahinga na muna po kayo." Magalang niyang saad. Hindi na nito hinintay pang magsalita si Manang, mabilis na nitong kinuha ang dala sa kamay ng matanda. Kinuha rin niya ang iba pang nakalagay sa sahig, wala siyang iniwan. Lahat yun ay walang hirap niyang dinala papasok sa mansyon. Nakatulalang sinundan ko siya ng tingin, kitang kita ang pagflex ng muscles niya, at grabe ang lakas ng Señorito, parang papel lang ang binuhat niya. "Pass sa halata." Siko sa akin ni Belinda. Nagtataka ko naman siyang tiningnan nang tuluyang makapasok sa loob ang lalaki. "Anong pinagsasasabi mo?" Deny ko pa. Shete! Kahit anong mangyari ay hinding hindi ako aamin. "Halatang halata ka, beh, pinagnanasaan mo ang Señorito." Napangiwi at napailing na lang ako sa sinabi niya. "Hindi---" "'Wag ka ng tumanggi, huling huli ka na sa akto." Napakamot na lang ako sa ulo nang ngumisi siya tsaka sumunod kila Manang sa loob ng mansyon. .. Lumipas ang ilang araw at linggo, ganon pa rin ang ganap. Hindi naman ako napaalis dahil as much as possible ay hindi ako nagpapakita kay Señorito Kane, takot ako. Tinatanaw ko na lang siya sa malayo lalo na sa tuwing nandito siya sa mansyon. Madalas na kasi siyang umalis kaya kami na lamang ang naiiwan dito. Si Caitlyn ay simula nung umalis hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik, mas okay na yun. Panatag talaga ang loob ko sa tuwing wala siya sa paligid. Sana wag na muna siyang bumalik dito. Si Ma'am Jenna naman ay nakauwi na mula sa kaniyang business trip. Ngunit umalis siya ngayong araw, siguro may aasikasuhin ulit. Hapon, hindi na gaano mainit kaya tumungo ako sa may gilid ng pool pagkatapos ng mga gawain. Umupo ako sa bench na malapit dito at inilabas ang phone ko. Pinindot ko ang gallery at tiningnan ang litrato naming dalawa, medyo blur lang dahil malikot si Belinda habang tine-take ito ngunit ayos lang. Malinaw pa rin naman na kami yun. Walang kangiti-ngiti si Señorito Kane ngunit gwapo pa rin, habang ako naman ay may awkward smile. Hindi ko inakalang makakalapit ako sa kaniya ng ganito, dikit na dikit talaga kaming dalawa kaya kitang kita ang height difference namin. Mahahalata rin ang layo ng social classes namin dahil sa aming suot na damit. Matagal ko itong tinitigan bago i-swipe right, bumungad agad ang litratong palaging nagiging dahilan ng pagblu-blush ako. Nung una ko itong makita ay tili ako ng tili pero mahina lang at baka magtaka ang aking mga kasama. Nakaharap kami sa isa't isa nito habang nakapulupot ang mga matipuno niyang braso sa akin, nakatingala ako sa kaniya habang siya naman ay nakayuko sa akin at mukha kaming magkatitigan dito. Ggrrr! It feels illegal na kiligin sa mga litrato na ito knowing that he's taken. Ngunit gustuhin ko mang i-delete ay tila 'di ko pa kaya, inaaraw araw ko na nga ang tingin at baka dumating yung panahon na manawa ako't wala nang epekto sakin ang mga ito. Dahil sa masyado akong na-focus sa screen ay hindi ko namalayang may tao pala sa aking likuran. Napasinghap ako nang biglang may humablot sa aking cellphone, nang makita ko kung sino yun ay taranta akong napatayo. "Miss C-Caitlyn!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD