Tiningnan niya sandali ang screen ng cellphone ko bago marahas na bumaling sa akin, unti-unting namula ang mukha ni Caitlyn sa galit. She glared at me.
"Bilib din talaga ako sa kalandian mo, ano? Nalingat lang ako tapos inaahas mo na agad ang fiancé ko!" Asik niya.
Nilapitan niya ako, sa bilis ng pangyayari ay hindi ko inaasahan ang malakas na paglapat ng kaniyang palad sa aking kaliwang pisngi. Pumaling ang aking ulo sa kabila, awtomatikong hinawakan ko ang pisnging namamanhid.
Tumingin ako sa kaniya nang biglang masundan pa yun sa kabilang pisngi. Kundi ko lang nabalanse agad ang aking katawan ay napatumba na ako sa bermuda grass sa lakas ng sampal ni Caitlyn. Ramdam ko sa mga sampal na yun ang galit na nararamdaman niya na halos mabingi ako.
"Miss---"
Dinuro niya ako. "Shut up, you creepy sl*t! I will not let you steal my man, sisiguraduhin kong dadaan ka sa impyerno bago mangyari yun!"
Napaigik ako nang maagap niyang nahablot ang aking buhok at malakas na sinabunutan, napahiyaw ako matapos maramdaman ang sakit ng aking anit. Feel ko hihiwalay na ang lahat ng buhok ko sa mariing sabunot niya.
Sinubukan ko siyang pigilan, sinubukan kong lumayo pero malakas siya. Sinigurado niyang hindi ako makakawala. Wala siyang balak na tigilan ako, kahit anong tangkang pagtakas ay nagagawa pa rin niya akong mahawakan agad.
Hindi lang sabunot ang inabot ko kay Caitlyn. Pinagsasampal, tadyak at kalmot din niya ako.
"Tama n-na po..." Pagmamakaawa ko, naiiyak na. Ngunit 'di siya tumigil, kahit anong pakiusap ang aking sabihin ay wala siyang pakialam.
Kinalmot niya ng sunod sunod ang aking mukha gamit ang kuko niyang mahaba, napangiwi ako sa hapding dala non. Kamuntikan pang matamaan ang mga mata ko kundi ko bahagyang naiwas.
"I told you to stay away from my fiancé! Pero masyado kang makati so I will kill you, b*tch, I will kill you!"
Muntik na akong mapaupo sa sahig nang tadyakan niya ulit ako gamit ang sapatos niyang may mataas at matulis na takong. Hinawakan ko siya sa braso at buong lakas na nilayo, nagawa ko naman subalit maagap pa rin niya akong sinabunutan.
Kinaladkad niya ako tsaka itinulak, dahil napahawak ako sa kaniyang damit ay pareho kaming tumumba... sa mismong pool.
Sa sobrang pagkabigla ay nakalunok ako ng konting tubig, nahuli ko ang tela ng blouse ni Caitlyn. Hindi ko yon binibitawan kahit anong pilit na pagtanggal ang gawin niya.
Nasa may gitnang bahagi kami bumagsak, takot akong tuluyang malubog sa ilalim sapagkat hindi ako marunong lumangoy.
Ang dami ko na ring nainom na tubig sa tuwing sinasadya niya akong lunurin. Desperada siyang makalayo sa akin lalo nang makitang hindi ako marunong lumangoy.
"Let go of me, b*tch!" She screamed, sinipa niya ako pero di ako nagpapatinag.
"Caitlyn? Sofina?"
"Oh my gosh, girls!"
Mga natatarantang boses ang naririnig kong palapit sa aming gawi. Hindi ko na sila halos ma-recognize dahil lumulubog ako sa tubig, sinisikap ko na lamang na umangat kahit papaano sa pamamagigan ng pagkakahawak kay Caitlyn.
"H-help, love!" Caitlyn started to cry like a scared baby.
Mabilis naman na nagsplash ang tubig malapit sa amin, kahit na medyo malabo ay alam kong si Señorito ang tila bayaning tumalon at walang pagdadalawang isip na niyakap ang babae para tuluyang iangat ito sa pool.
Dahil doon ay napabitaw ako kay Caitlyn at hindi na halos alam kung saan hahawak, pinagaspas ko ang kamay sa taranta habang unti unti akong lumulubog.
"T-tulong!"
"P*tangina, Sofina!"
"Kane, oh my gosh! Sofina is drowning! Save her, anak! Save, Sofina!"
Nilamon ako ng tubig, nakatingala ako habang walang tigil sa paggalaw ang aking mga kamay baka sakaling matulungan niyon na maangat ko ang aking katawan pero walang silbi, mas lalo lamang akong pumapailalim.
Ramdam kong malapit na akong mawalan ng malay nang may mga matipunong braso ang pumulupot sa aking katawan tsaka ako inangat sa tubig. Habol ang hininga at ubo ako ng ubo ng tuluyang maangat. Nangingilid ang luhang napayakap ako ng mahigpit sa katawan ng taong tumulong sa akin, takot na muling malunod.
Tahimik itong lumangoy patungo sa may gilid ng pool, walang salitang binuhat ako paahon. Nanghihinang napaupo ako doon at napatuon ang mga mata kay Señorito Kane na nasa aking harapan.
"T-thank you po." Kalaunan ay sambit ko, halos di maisatinig iyon.
Tinalikuran lang ako nito tsaka umahon na rin, mabilis niyang pinuntahan si Caitlyn at dinamayan ito. Hinagod niya ang likuran ng babaeng kunwari ay umiiyak ngayon na hindi ko maintindihan kung para saan.
"Love, you're safe now, stop crying." Pag-alo ng binata, but she didn't stop. Kung umiyak ito ay parang siya ang binugbog at halos mamatay na sa lunod. Ang sarap niyang palakpakan sa galing niyang umarte pero wala na akong lakas pa para don, mas pipiliin ko pa sigurong magpahinga.
Tumayo ako. Dinaluhan naman ako ni Belinda, kahit basang basa ako ay di niya yun alintana, tinulungan niya akong tumayo kaya ngayon ay nakaharap na ako sa nag-aalalang si Manang Fe at... Ma'am Jenna, nakauwi na pala ito.
Gusto kong mapayuko para itago ang mukha sa hiya, nasaksihan pa ng aming amo ang nangyari. Baka isipin nitong napaka eskandalosa ko na pati ang kasintahan ng kaniyang anak ay nagawa kong awayin.
"Sofina, are you okay?" She asked, worriedly. Bahagya itong lumapit sa akin, akmang magsasalita ako nang sumabat si Caitlyn.
"Tita, nagpapanggap lang ang babaeng yan." Umiiyak pa rin kunong saad ni Caitlyn, sa galing nitong umarte ay hindi na ako magtataka kung lahat sila ay mapaniwala niya. I bit my lower lip, di ko magawang umangil at ipagtanggol ang sarili.
"Pano mo naman nasabi yan, Caitlyn?" Kunot noong baling ni Ma'am Jenna sa nobya ng kaniyang anak.
"Because she wanted to steal Kane away from me, Tita! Hindi po ba obvious na malandi yang babae na yan?" She wiped her fake tears and breathed heavily. "She will do everything to have Kane, kaya nga pinagtangkaan pa niya akong lunurin sa pool!"
Napailing ako.
"Hindi magagawa ng kaibigan ko yan, Miss." Mariing tanggi ni Belinda sa aking tabi, tumaas ang kilay nito. "Wag kang gumawa ng kwento, wala ngang interes ang kaibigan ko kay Señorito kaya bakit niya aagawin sayo?"
Napahigpit ang hawak ko sa kaniyang braso lalo nang masilayan ang unti-unting pagkunot noo ni Señorito habang nakatingin sa amin, siguro hindi nito nagustuhan ang inasal ni Belinda sa kaniyang fiancee.
Mapang-uyam na ngisi ang ibinigay ni Caitlyn kay Belinda, kinabahan ako nang bumitaw siya kay Señorito at may pinulot sa bermuda grass. Halos mahigit ko ang hininga ng iharap niya ang screen ng aking cellphone, naka-zoom iyon kaya sakop ang screen at kitang kita.
"Jusmio! Mahabaging langit!"
"Oh my gosh!"
Sabay sabay na nanlaki ang mga mata nila Manang Fe, Belinda at Ma'am Jenna sa nakita. Halos lumuwa ang mga mata nila sa pagkabigla.
Nakatitig sila sa kaparehong larawan na nakita ni Caitlyn kanina, kung saan mukha kaming magkayakap at magkatitigan ng Señorito na ngayon ay walang tigil na pinapakalma ang nobya.
Nabitawan ako ni Belinda dahil napatakip siya sa kaniyang nakangangang bibig, napatingin siya sa akin. "Paano kayo nagkaroon ng ganyang larawan ni Señorito, Sofina? Shet!"
Napaiwas ako ng tingin.
"Now, who's making a story? Hah! Ngayon mo sabihin sa akin na walang gusto ang babaeng yan sa fiancé ko!" Hinagis niya ang cellphone sa akin, tumama yun sa aking binti na halos ikangiwi ko sa sakit. "Maayos ko siyang kinausap nung nakaraan na layuan si Kane pero dikit pa rin siya ng dikit, ganon siya kakati!"
"Love, calm down." Mahinahong hinagod ng malaking kamay ni Señorito ang likuran ni Caitlyn, tiningnan siya ng babae.
"Love, I want that sl*t out of this place. Diba sabi mo papaalisin mo siya dito? Do it now." Parang tuta niyang sabi.
Napakurap ako ng tatlong beses matapos tumango ni Señorito dito tanda ng pagsang-ayon.
"Okay."
Parang gustong bumigay ng mga tuhod ko.
Tumikhim si Ma'am Jenna. "I just want to remind you, Caitlyn." Seryoso ang mukha na tumingin ito sa kaniyang future daughter-in-law. "This is my house. Desisyon ko lang ang masusunod, hindi ang desisyon mo."
"But she's stealing Kane away from me!"
"If you knew my son very well, then you know no one can take him away from you." Mahinahong sagot ni Ma'am Jenna kay Caitlyn.
"Mom, please. Para sa ikapapanatag ng loob ng babaeng mahal ko, susundin ko ang gusto niyang paalisin dito ang katulong niyo." Sabat naman agad ni Señorito Kane, na parang wala ng ibang makakapag pabago pa ng gusto niyang mangyari.
Napahawak sa akin si Belinda nang kamuntikan na akong mapaupo sa lapag.
"Let's talk about that later, anak." Ma'am Jenna said. "Manang, pakihanda na ang dinner. Belinda, kumuha ka ng bath towel para kay Kane at Sofina."
"Sige po."
Bago umalis si Manang at Belinda ay pinisil pa ng huli ang aking braso at bahagyang ngumiti na tila pinaparating sa aking magiging maayos din ang lahat. Sana nga.
"And you Caitlyn, bilisan mong magbihis dahil may pag-uusapan tayong importante sa office ko. Let's go. Stay here, Kane."
Walang lingon likod na lumakad papasok ng mansyon si Ma'am Jenna. Bago sumunod dito si Caitlyn ay tumingin muna ito sa akin ng masama tsaka umirap.
Naiwan kaming dalawa ni Señorito Kane, the moment na tuluyang nakapasok ang lahat sa mansyon ay nagtungo ako agad sa harapan ng binata. Hindi ko na napigilan ang kanina pang nagbabadyang mga luha, sunod sunod yong pumatak. I didn't even hesitate, lumuhod ako sa mismong harap niya tsaka siya tiningala habang umiiyak.
"P-please, nagmamakaawa po ako, Señorito. W-wag niyo po akong paalisin! H-hindi ko po alam kung saan ako p-pupunta..." I uttered weakly.
Yumuko siya at pinasadahan ako ng tingin, alam kong dahil sa basang damit na kulay puti ay medyo kita ang bra at katawan ko ngunit di ko na yon pinansin pa.
Mas importante para sa akin ang makumbinsi siya, baka sakaling magbago ang kaniyang isip sa pagmamakaaawa ko. Kahit na alam kong malabo, wala naman sigurong masama kung susubukan. Gagawin ko ang lahat 'wag lang mapaalis.
Lumapit siya ng bahagya sa akin kaya ngayon ay nakatapat na ang mukha ko sa mismong crotch area niya. Kahit na nanlalabo ang aking mga mata ay hindi naging hadlang yun para makita ko ng malinaw ang laki. Basang basa ang damit niya kaya mas visible ngayon ang kaniyang matipunong katawan. Pigil ang hininga na itinuon ko ang tingin sa kaniyang mukha, pero sobrang nakaka-distract ang umbok na pilit inaagaw ang aking atensyon.
Bumuntong hininga ang binata at sinuklay ang kaniyang basang buhok gamit ang kaniyang mahahabang daliri, nananatiling magkahinang ang aming mga mata.
"I'm sorry but I won't change my mind. She wants to get rid of you kaya yon ang gagawin ko. My girlfriend is more important than anything else." Walang emosyon niyang saad, bumuhos ang panibagong luha sa aking pisngi.
"I don't want her to be jealous of anyone. I wanna assure her na siya lang ang gusto kong makasama at wala ng iba. I'll prove that by marrying her as soon as possible."
"S-Señorito..." Halos walang boses na sambit ko.
"I will marry Caitlyn next week."