Tumalikod siya at walang lingon likod na lumakad palayo. Nanatili naman ako sa aking pwesto at tanaw siyang naglalakad hanggang sa makasalubong niya si Belinda sa may glass door, may hawak na towel at robe ito na inabot sa binata.
Bago pa man mamataan ni Belinda ay tumayo na ako, yumuko at pasimpleng pinalis ang mga luha. Huminga ako ng malalim, kahit na kumikirot ang buong katawan ko sa ngayon ay dapat ipakita ko pa rin na malakas ako. Kailangan kong magpakatatag upang harapin ang kapalarang meron ako.
Masakit ang kaalamang paaalisin ako sa mansyon na gaya ng aking ina ay itinuring ko na ring tahanan, ngunit mas lamang ang sakit sa aking dibdib dahil ikakasal na talaga ang lalaking unang nakaagaw ng aking atensyon at una kong nagustuhan. Ang bilis. They will get married next week. Nice. Edi masaya, tama dapat maging masaya ako... pero bakit ba ang hirap hirap kahit anong subok kong kumbinsihin ang sarili?
Napailing ako. Hindi pa ata ako nadala na halos lumpuhin ni Caitlyn. Mas mainam na ngayon pa lang ay alisin ko na ang lalaki sa aking isipan baka sakaling mapadali ang pagkawala ng feelings ko sa kaniya, na alam kong matagal ko naman ng sinusubukan ngunit hindi madali. Gagawin ko ang aking makakaya.
Pag-angat ko ng tingin ay saktong paglapat ng makapal na towel sa aking braso, napahawak ako don at napasulyap kay Belinda na malungkot na nakatingin sa akin. Tipid kong nginitian ang aking kaibigan.
"Kamuntikan ka pang mamatay, mabuti na lang maagap kang naligtas ni Señorito. Tsk! Tapos sasabihin ni Caitlyn na siya ang nilunod mo gayong malinaw naman na ikaw itong di marunong lumangoy. Munggo ba ang utak non?" Singhal niya. "Laking kaginhawaan na buhay ka pa kasi babawian pa natin yang paranoid fiancee ni Señorito." Mahina niyang saad na ikinailing ko lang.
"Wala akong balak na gumanti, Belinda." Nagsimula na akong lumakad papunta sa maid's quarter, inalalayan naman niya ako agad sa may siko.
She rolled her eyes at me. "Oh please, Sofina, itigil mo na muna yang masyadong pagiging mabait mo. Muntik ka nang mabawian ng buhay dahil diyan."
"Hindi sa ganon, Belinda. Dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit nangyari ito..." Iniwas ko ang tingin at itinuon yon sa daan. "Kung hindi ko kinuha pa ang mga litratong yon sa phone ng Señorito, edi wala sanang nakita si Caitlyn na nagpa-trigger sa kaniya."
Natigilan siya sandali sa paglalakad at napatitig sa akin. "Shet? Ang litrato na nakita namin kanina ay kinuha gamit ang cellphone ni Señorito? Paano ba kasi kayo nagkaroon ng ganong litrato?"
Hindi ako sumagot pero dahil siya ang maligalig kong kaibigan ay hindi siya papayag na wala akong imik sa curiosity niya. Kinulit niya ako hanggang sa makapasok sa loob ng aming tinutuluyan, halos mapahawak ako sa ulo dahil dagdag sa sakit ng ulo ko ang pangungulit ni Belinda.
Naligo ako at ginamot ang aking ilang galos na natamo kay Caitlyn, may iilan pang naging pasa. Tinulungan naman ako ni Belinda sa mga parte na di ko na makita gaya sa ulo at likod. Pareho kaming nakaupo sa sofa rito sa aming munting sala.
"Hindi ako makapaniwalang nagkaroon kayo ng ganong litrato ng Señorito, Sofina. Ang sweet niyong tingnan don kaya siguro halos mawala sa sarili si Caitlyn. Paano ba kasi nangyari yon?" Ungkat na naman niya matapos lagyan ng band aid ang aking likuran.
Napakamot ako sa aking noo. "Dahil sayo, Belinda." Sa wakas ay sagot ko sa paulit ulit niyang tanong.
Napanganga naman siya sabay turo sa kaniyang sarili. Her eyebrows furrowed. "Ako? Susme, bakit naman ako nadamay diyan? Nananahimik ako ha." Palatak niya.
Napabuga ako ng hininga. "Naalala mo ba nung umuwi kang may dalang alak at niyaya mo pa akong maglasing?" She nodded, doon ko na kinuwento ang buong pangyayari. Nang matapos ako sa pagsasalita ay natahimik siya sandali, tila pinoproseso ang mga sinabi ko.
"Shete! Pasensya na, Sofina. Ang lakas talaga ng trip ko kapag nalalasing." Napatampal siya sa noo. Umiling naman ako.
"Wag mong sisihin ang sarili mo, Belinda. Wala kang kasalanan. Ang totoo nga ay nagpapasalamat pa nga ako sa iyo..."
"Ha? Bakit naman?"
"Kasi naramdaman kong makulong sa mga bisig niya ng medyo matagal." Mahina ang boses kong saad, nahihiya.
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Sabi na nga ba tama ang hinala ko na may gusto ka don eh. At in fairness, ang galing kong photographer, sa sobrang galing ko nanggalaiti si Caitlyn." Ang laki ng ngiti niya. "Kunin mo akong photographer kapag kinasal ka na ha!"
Ako ikakasal? Parang malabo pa sa kanal na mangyari yon.
Malungkot akong nagbaba ng tingin sa aking mga daliri. "Gusto ko nga, pero kailangan ko na siyang lubayan dahil mali ang magkagusto sa taong may mahal at karelasyon ng iba."
"Anong mali don? Hindi mo naman sinasadyang magustuhan siya at isa pa wala ka namang balak na mang-agaw. Magiging mali lang yun kung makikipag relasyon ka sa kaniya kahit alam mo namang may kasintahan na siya. Mali ang mang-agaw, gaya ng ginawa ni Alma---oopps!"
'Di ako nagreact, pinagmasdan ko lang siya. Pilit siyang ngumiti.
"Anyways, kaya wag kang papayag na si Caitlyn ang maging dahilan ng pagpapalayas sayo dito sa mansyon, ang mahalaga alam mo sa sarili mong wala kang ginagawang mali. Siya ang mag-adjust, wag siyang magpunta dito sa mansyon at itali niya sa katawan niya si Señorito."
"Ngunit mapilit siya, malinaw mo namang nakita at narinig na gusto niyang mawala ako mismo dito hindi lang sa buhay ni Señorito."
Umiiling si Belinda. "Cheer up, Sofina! Ipagdasal na lang natin na hindi makumbinsi ng bruhang iyon ang amo natin, mukha pa namang dinadala niya sa real life ang galing niya sa pag-arte. Crazy fiancée."
Tama, wala akong ibang magagawa sa ngayon kundi ang manalangin. Naniniwala ako sa kasabihang 'prayer works'.
Nagkulong ako sa aking kwarto upang magpahinga, si Belinda naman ay agarang bumalik sa mansyon para tulungan si Manang Fe sa mga gawain. Tahimik lamang akong nakaupo sa aking maliit na kama at nakatanaw sa labas ng bintana, tahimik na nananalangin.
Ilang minuto ako sa ganong tagpo nang makarinig ako ng mahihinang katok sa pintuan ng aking silid, pagbukas ko ay gulantang ako ng bumungad sa akin si Ma'am Jenna, pambahay na ang suot nito subalit mababakasan pa rin ng pagiging sopistikada.
Napatayo ako ng tuwid. Hindi ko inaasahan na magpupunta siya dito sa quarter, ngayon lang ito nangyari.
"Ayos ka lang ba, Sofina? Pwede ba kitang makausap?"
"O-opo." Pero ang totoo medyo masakit pa ang katawan ko. All out masyado manakit si Caitlyn, ginawang wrestling ring yung pool area eh. Hays. Sana lang wag akong lagnatin.
"Good. Let's talk in my office, follow me." Aniya, nang mapansing hesitant ako ay bahagya siyang ngumiti, ngiting nagpapahiwatig na 'wag akong mag-alala. "Wala na dito sa bahay si Caitlyn, umalis sila ni Kane kanina lang kaya walang aaway sayo."
Medyo gumaan ang loob ko pero hindi pa rin panatag sapagkat alam ko kung saan patungkol ang pag-uusapan namin ni Ma'am Jenna.
Tahimik lang akong nakasunod sa aming amo hanggang sa umakyat kami sa pangalawang palapag ng mansyon. Lumiko kami sa kabilang pasilyo at pumasok sa isang pintuan, tumambad ang malawak at malinis na opisina ni Ma'am Jenna. It was minimalist interior design. Dumagdag sa aking kaba ang lamig ng silid, nanatili akong nakatayo sa isang sulok habang pinapanood siyang maupo sa kaniyang swivel chair na kaharap ang malapad na lamesa.
Lumingon naman ito sa akin. "Wag ka mahiyang maupo, Sofina. Make yourself comfortable here in my office."
Mabilis naman akong tumalima, naupo ako sa malambot na couch sa gilid ng kaniyang office table habang nananatiling nakayuko ng bahagya.
"I will be straight to the point, Sofina..."
Bumalik ang kaba ko nang marinig ang seryoso niyang boses, para siyang Señorito Kane girl version ngayon. Pinagkrus ng ginang ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib, deretso ako nitong tiningnan.
"Do you like my son?"
Napipilan ako sa pagkabigla. Pigil ang hiningang napatitig ako sa kaniya at hindi namalayan ang sariling tumatango na pala. Nasilayan ko ang maliit niyang ngiti ngunit mabilis din yong nawala, bumalik siya sa pagiging seryoso.
Sasabihin niya rin kayang layuan ko ang anak niya? Hindi na ako magtataka. Pinigilan ko muli ang luha na nagbabadya na namang pumatak.
"G-gusto ko po ang anak niyo, pero maniwala kayo wala naman po akong intensyon na mang-agaw o manggulo sa kanila ni Miss Caitlyn. Ma'am, p-please, wag niyo po muna akong paaalisin sa m-mansyon, kapag may sapat na po akong ipon ay ako na lang ang magkukusang u-umalis."
"Paano ka naman makakapag-ipon?" Tanong pa niya.
"Willing po akong magwork kahit saan para kumita ng pera at mabuhay ang sarili ko. Tutal wala naman na po akong ibang pamilya na malalapitan, ito na po siguro ang tamang oras upang tumayo ako sa aking sariling mga paa." Lakas ang loob na saad ko, kahit ang totoo ay hindi rin ako sigurado kung makakakuha ako ng trabaho sa labas gayong wala naman akong tinapos.
Ngumiti siya sa akin. "I'm so proud of you Sofina, your Mama Sacha is so lucky. Nagkaroon siya ng anak na maganda, masipag, at mabait. Don't worry, wala akong balak na paalisin ka dito. You can stay here as long as you want."
"T-talaga po? Maraming salamat, Ma'am!"
Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit sa sobrang saya subalit pinigilan agad ako ng hiya. Maluwag akong nakahinga.
Napabuntong hininga ito at sumandal sa kaniyang itim na swivel chair. "And I'm sorry sa ginawa ni Caitlyn. Hindi ko talaga inasahang sasaktan ka niya. I watched the CCTV, it clearly shows na siya talaga ang nagtulak sa iyo sa pool. Kung alam ko lang ay sana maaga nating naiwasan ang ganitong mga bagay. I suggest, para hindi ka na ulit niya pag-initan ay wag ka na lang munang magpapakita sa tuwing nandito sila ni Kane sa mansyon."
"W-wala pong problema."
"Thank you, Sofina. Malinaw kong nakita kung paano mo alagaan at hangaan ang aking anak. I wish ikaw na lang ang pakasalan ni Kane..." Her eyes are full of hope but then she sighed heavily. Hindi naman ako makapagsalita dahil hindi pa nagsi-sink in sa aking isip ang sinabi niya. "But I respect my son's decision, I cannot interfere."