CHAPTER 12

1743 Words
Ilang araw ang matulin na lumipas, hindi ko alam kung kailan ang kasal ni Señorito Kane. Masyado nang abala sa paghahanda ang aming mga amo sa magaganap na kasalan na iyon. Ngunit di ko na iniisip pa masyado, sa ngayon inaabala ko ang sarili sa mga trabaho. "Bakit kaya punta pa ng punta dito si Señorito Kane sa mansyon? Alam naman niyang nagagalit ang nobya niya. Sa pagkakaalam ko nga ay marami naman siyang condo sa Maynila na pwedeng pag-stay-an." "Hayaan mo na lang, gusto niya dito eh." Kibit balikat ko habang sinusuklay ang itim at wavy na buhok sa harapan ng salamin. "Baka gusto kang makita?" Kunwari ko siyang tiningnan ng matalim na ikinatawa niya naman sabay peace sign. Hays, loka talaga. Alam na ngang kinakalimutan ko na yung tao eh. Tsaka di na ako nagpapakita kay Señorito, takot ko lang na biglang sumulpot si Caitlyn sa kung saan. Isa pa ay sinunod ko rin ang suwestiyon ni Ma'am Jenna. Kaya kapag alam kong nasa mansyon si Señorito ay sa labas lang ako, pinipili ko na lang asikasuhin ang mga manok na alaga rin ni Ma'am Jenna. Nag-eenjoy naman ako sa kanila, pero minsan sumasakit ang ulo ko sa kulit ni Mao dahil hinahabol niya ang mga manok na nananahimik. Ayon tuloy palaging nagpupulasan sa tuwing nasa paligid siya. Kaloka! Para akong may anak na di nagtitino kahit ilang beses nang sawayin. Nang matapos ako sa pag-aayos sa aking sarili ay binalingan ko muli ang nakaupo at nagce-cellphone na si Belinda. "Tapos na ako, tara na baka ma-late pa." "Nag-ayos ka ba talaga? Bakit walang bago kahit man lang itali ang buhok? Pero andaya maganda pa rin! Sana all!" Pabiro siyang sumimangot tsaka padabog na tumayo. Nag make face na lang ako tsaka lumabas na sa quarter, mabilis naman siyang sumunod. "Okay na ito, di naman kailangan magpaganda sa school lang naman ang punta natin." Sasamahan ako ni Belinda na magpunta sa pinaka malapit na state university dito sa amin, siguro ay mga isang oras din ang tagal ng byahe papunta don. Napagdesisyunan ko na kasing mag-aral para naman matupad ko na rin ang mga pangarap ko, maghahanap na lang ako ng part time job para sa pamasahe ko papuntang school. Sa mansyon kasi ay hindi naman ako nagsu-sweldo, ako na rin ang may kagustuhan non sapagkat para sa akin ang libreng paninirahan at pagkain na binibigay nila Ma'am Jenna ay sapat na, actually sobra pa nga. Utang na loob ko talaga sa kanilang pamilya ang pagkupkop sa akin dahil matapos mamamatay ng aking ina ay hindi nagdalawang isip ang mga ito na patuluyin ako sa kanilang tahanan. Naintindihan naman ni Ma'am Jenna ang nais ko at hindi na ito nagpumilit pa. "Mag-ingat kayo, mga anak." Bilin ni Manang Fe habang naglalakad kami palabas ng gate, kinawayan namin ito at nagpaalam. Pagdating sa may kanto ay sakto namang may paparating na jeep na dadaan sa aming pupuntahan, pinara agad yun ni Belinda. Habang nasa byahe, nilabas ko ang cellphone na ipinagpapasalamat kong hindi nasira sa kababato ni Caitlyn, tanging gasgas lamang ang natamo subalit mas okay na yun kesa masira. Regalo pa naman ito sa akin ni Ma'am Jenna nang mag-eighteen years old ako. Nakakahiya talaga, andami na nitong binibigay sa akin kaya todo ang pag-iingat ko sa mga ito. Dahil sa boredom ay nag-scroll lang ako sa aking social media, nang biglang makita ko ang picture ni Caitlyn na nakangiti sa aking news feed, edited ito at may kasamang wedding accessories and aisle pa ang picture. Awtomatikong napatigil ang aking daliri at saka binasa ang caption. 'Caitlyn Garcia is getting married to her non-showbiz boyfriend. Want to know more about the guy? Click the link.' At ako naman si engot ay wala pang isang segundo pinindot ang link. Good thing, hindi naman scam. Binasa ko ang article, kahit medyo di ko makita ang mga letra sa bilis magpatakbo ng driver ng jeep ay kinaya ko pa ring basahin ng buo. Wala. Wala masyadong information, basta ang sabi ay ikakasal ito sa isang magaling na businessman at doctor. Subalit hindi man lang binanggit kung sino ang lalaki at kung kailan ang kasal. Mukhang wala ring masyadong alam ang media patungkol sa relasyon ng dalawa, mukhang low-key relationship meron ang mga ito. Anonymous sa mga tao ang fiancé ng kanilang iniidolong si Caitlyn Garcia. Napabuntong hininga ako at pinatay na lang ang phone. Pinili kong ituon ang pansin sa labas para kapag nakapasa sa entrance exam at mag-isa na lang ako ay mabilis kong makakabisado ang mga daan papunta sa state university. Sana nga ay makapasa ako. Desidido akong makapag-aral at makapag tapos. Pagkarating namin ay maaga pa lang pero marami ng tao sa campus upang magtake din ng exam. Malawak at maganda ang university kaya mas lalo tuloy akong na-excite. Pumasok ako sa loob habang naiwan sa labas si Belinda upang hintayin ako. Hindi agad nagstart ang exam kaya naghintay kami ng ilan pang oras, hanggang sa dumating na ang pinakahihintay ko. Napabuga ako ng hangin habang hawak ang pencil at test paper. This is it! I have to do my best. After one hour and thirty minutes ay natapos din, dere-deretso akong lumabas sa room para puntahan si Belinda. Nanlalalamig pa ang mga kamay ko sa kaba hanggang ngayon, 'di ako sigurado kung tama ang mga sagot ko. Pero bahala na. Malalaman ang result ng exam sa mga susunod pang buwan. Pagliko ay napakunot noo ako matapos mapansin si Belinda sa may sulok ng gusali, mukha itong may tinataguan. Tahimik akong nagpunta sa kaniyang likuran at sinilip din ang sinisilip niya, wala pa rin siyang idea na nasa likod lang niya ako kahit na halos magkadikit ang braso namin. Nang sundan ko ang tingin niya ay nakita ko ang dalawang taong magkasama, hawak kamay ang mga itong nakatayo habang nag-uusap. Sino naman kaya ang mga 'yon? Tumayo ako ng tuwid at bahagyang lumayo sa kaniya, tumikhim ako na mabilis umagaw ng kaniyang atensyon. "Uy tapos ka na? Kanina ka pa ba diyan?" "Hindi ha, kararating ko lang. Bakit?" Wala sa sariling nilaro ang aking mga daliri. Jeez! Sana lang hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako. "Tara uwi na tayo, medyo gutom na ako eh." Nauna siya, humabol ako agad tsaka palihim na inoobserbahan ang aking kaibigan. Hindi siya mukhang gutom, mukha siyang galit. Nakakapagtaka. "Bel!" Napahinto kami pareho sa paghakbang nang may babaeng humahangos papunta sa aming gawi, nakatingin ito sa aking kasama. Siya yung babaeng may ka-holding hands na tinitingnan ni Belinda kanina. Nang makalapit ng tuluyan ay alanganin itong ngumiti. "Best friend, bakit nandito ka?" "Sinamahan ko lang ang kaibigan ko mag-entrance exam." Hindi itinago ni Belinda ang pagkayamot niya sa presensya ng aming kaharap, ang awkward ng atmosphere. "Ikaw? Bakit nandito ka at sinong kasama mo?" "Yung kapatid ko lang." Ramdam ko ang tensyon sa kanilang pagitan. "Wala nang iba?" "W-Wala." Naglumikot ang mga mata ng babae. "Sige, Alma. Aalis na kami ng kaibigan ko, sayang ang oras. Marami pa kaming gagawin." Alma? Yung kaibigan niyang inagaw yung crush niyang si Leonardo? Wala sa mood magsalita si Belinda sa mga nakalipas na oras kaya pinabayaan ko na lang muna siya. Hindi ko na lang din tinatanong kasi halata namang hindi komportable ang aking kaibigan, mas gusto nitong mapag-isa at manahimik. Maging si Manang Fe tuloy ay naguguluhan na sa anak. Wala tuloy akong makausap kundi si Mao na ang ginawa lang ay tulugan ako magdamag. Napakamot ako sa aking ulo. Kundi talaga chiks, kain, at gala ay tulog naman ang hilig niyang gawin. Susme! Kung makahiga pa ay akala mo may sampong trabaho, mas malaki pa ang sakop niya sa kama ko. Gigil kong kinurot ang pisngi nito pero di man lang nagising. "Ikaw talaga ha, mabuti na lang mahal na mahal kita." Ang ending natulog akong nakasiksik sa pinakagilid, katabi ng pader. Ayos na din, ang mahalaga komportable ang anak. Char! "Sofina..." "Sofina..." I was in a deep sleep, hindi ko alam kung anong oras na pero hindi ako nagising sa tilaok ng manok. Nagising ako sa mahihinang katok sa pintuan ng aking silid, napabalikwas ako pero ang utak ay tila nasa alapaap pa. Sobrang antok ko, nais ko pang matulog. Ngunit mukhang hindi ako patutulugin ng taong kumakatok sapagkat patuloy ito sa pagsambit ng aking pangalan. "Sofina." Tawag ulit nito. Humihikab akong bumangon sa aking kama, pati si Mao ay naistorbo ko nang masagi. Inaantok ang mukhang naupo ito saking kama paharap sa pinto na marahan kong binuksan. And I was surprised to see Ma'am Jenna, hindi pa ako nakakapagsalita nang mabilis pa sa kidlat nitong hinawakan ang aking magkabilang kamay. She looked worried. "M-Ma'am..." "I am sorry if I woke you up this early, can we talk outside?" She mumbled, but just with sufficient volume for me to hear. Nagtataka man ay tumango ako sa amo. Sa may di kalayuan sa quarter kami nagpunta, deretso niya akong tiningnan. "Sofina, mamayang 11am na ang kasal ni Kane." Yon ang tuluyang nagpagising sa aking diwa, nawala ang antok ko. Hindi ko itatanggi ang pakiramdam na parang may kamay ang pumiga sa aking puso nang marinig yon. Mamaya na pala, mas mainam atang hindi ko na nalaman pa ang tungkol d'on. Ang sakit. Ang aga-aga pero sakit agad ang inalmusal ko. Si Ma'am naman eh. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha. "Everything is ready. Mamaya na ang kasal pero hanggang ngayon ay nawawala pa rin si Caitlyn. I think she runaway!" Napasinghap ako. Oh my gosh! She runaway? Bakit naman gagawin iyon ni Caitlyn? Ito na ang pagkakataon niyang matali ng tuluyan ang binata pero bakit sinayang pa niya? Ito ang pinaka hihintay niya! Hindi. Napaka imposible. "Naku, baka po may pinuntahan lang." "No. Wala siyang ibang pinagsabihan kung saan siya pupunta, we can't even call or trace her location since last night." Humigpit ang kapit niya sa aking kamay, sa palagay ko ay napasa sa akin ang nerbyos na nararamdaman niya. Mamaya na ang kasal pero wala yung bride. Edi paano matutuloy yun? Paano na si Señorito Kane? Jeez! "Alam na po ba ito ni Señorito Kane? Papatulong po ba kayo sa akin maghanap?" "Kane didn't know about this. But we can solve this problem..." Nanlaki ang aking mga mata. Bakit hindi nila pinaalam sa groom?! "Sofina, minsan lang akong hihiling sayo..." Kinabahan ako. Tama, minsan lang siya hihiling kaya mahirap itong tanggihan pero willing naman akong pumayag. Madali lang naman siguro ito. "Please, marry my son. Marry Kane."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD