Niluwagan ni Kane ang kurbatang suot habang nagmamaneho, galit na galit siya pero hindi niya gustong idaan sa pagmamaneho ang gigil upang walang ibang taong maaaring mapahamak. He's a doctor, he's supposed to save lives.
Kaya smooth lang siyang nagda-drive kahit ang totoo kumukulo ang dugo niya sa nangyaring kasal. Kasal na hindi niya aakalaing mauuwi sa bangungot. This is the worst day ever!
He wanted to marry his girlfriend, pero ang nangyari, naikasal siya sa babaeng ni hindi man lang niya maalala ang buong pangalan at ni hindi niya alam ang edad! Ang tanging alam lang niya ay ilang taon na itong namamalagi sa mansyon sapagkat namatay ang ina nitong dating nag-aalaga naman sa kaniya.
Bullsh*t!
He's married to a maid and now his girlfriend is missing! Ilang beses na niya itong sinubukang tawagan at i-text pero wala man lang itong reply, ni-hindi ma-reach. Nagpatulong na rin siya sa kaibigang investigator upang mapadali ang paghahanap sa nobya.
Mas lalong nahirapan pa si Kane sapagkat wala siyang kilala ni isa sa kamag-anak ni Caitlyn. Ang manager lang at iilang kaibigan sa industrya, pero pagdating sa mga pamilya at pinaka malapit na kaibigan ay wala itong ipinakilala sa kaniya.
They were together for three years but he didn't even get a chance to know people around her. Nawawala kasi palagi sa isip niya ang lahat kapag kasama ito.
He sighed for the nth time. Mahigpit ang kapit ni Kane sa steering wheel, doon niya nilalabas ang nararamdaman. He's doing his best to control himself.
Kaninang kanina pa talaga siya nagpipigil, sa simbahan pa lamang ay matinding pagpipigil na ang ginawa niya upang wag makagawa ng eskandalo. Sa reception ay kating kati na siyang umalis agad dahil hindi niya matiis ang maglagi ng matagal na oras sa tabi ng ibang babae habang ang nobya ay nawawala.
Kane truly wasted his valuable time, but there is nothing he can do about it. To keep things under control and conduct himself professionally, he pretended everything was alright. Maraming mga kaibigan, katrabaho at kasosyo sa negosyo ang mga dumalo kaya kailangan hindi siya mapahiya. For him, his good image is important.
Matapos mai-park ng maayos sa parking lot ng kaniyang company building ang kotse ay mabilis ang lakad na nagtungo si Kane sa elevator, nang makita siya ng mga empleyadong kasalubong ay tila napipilan ang mga bibig ng mga ito.
Ang akma nilang pagngiti at pagbati ay napalitan ng bahagyang takot at pagtataka. Ang kanilang boss kasi bagamat madalas na tahimik ay ramdam naman nila ang pagiging mabait dahil sa awra nito. Minsan nga ay bumabati pa ito pabalik.
Subalit iba ngayon, ang mga kilay nitong makapal ay salubong, ang mga mata ay nandidilim, at umiigting ang panga. Parang kahit sino ay walang pwede na magtangkang kumausap o lumapit kundi ay makakatikim ng malakas na uppercut at mababalian ng buto. Dahil sa mabangis na awra ni Kane ay tanging sunod ng tingin na lang ang nagawa ng mga curious na empleyado.
Sa loob ng kaniyang opisina, umupo si Kane sa swivel chair at napatingin sa picture frame na nasa gilid ng kaniyang malapad na office table. Napatitig siya sa litrato nilang dalawa ni Caitlyn, kuha ito noong nasa UK pa lamang sila. Pareho silang nakangiti dito, nakayakap siya sa nobya mula sa likuran, at ang baba ay nasa balikat nito.
Ito ang babaeng plinano niyang pakasalan at makasamang bumuo ng pamilya, ito lamang at wala ng iba. Hindi siya titigil hanggang sa mahanap ito.
Una silang nagkakilala sa UK, kung saan siya nag-aral ng medicine, mga naunang buwan dito ay mag-isa lang siya sa bansa. Maayos naman ang pag-aaral pero malungkot ang manirahan sa banyagang bansa na walang kahit sinong kakilala kaya naisipan niyang magpunta sa bar nang magkaroon ng oras.
He wanted to chill and enjoy his rest day. However, it was there that he met Caitlyn, a stunning and attractive woman who was flirting and dancing with him despite the fact that they had only met minutes ago. Mas lalo siyang napalapit sa dalaga nang malamang Filipina ito at pansamantalang nag-i-stay sa UK dahil sa project nito.
After clubbing they had s*x, that night Kane felt like he already found someone who could be with him. She's kind, respectful, and likes adventure. Palagi silang nagkikita at magkasamang dalawa, at kahit ilang linggo pa lang na nagkakilala ay nagkapalagayan at naging sila agad. There's no time for courting if they already like each other. Sa banyagang bansa na iyon ay nakatagpo siya ng taong makakasama, nawaglit ang konting lungkot at pagka-miss niya sa sariling bansa.
Hinawakan niya ang picture frame at tinitigan, sa lalim ng iniisip ay hindi niya napansin ang pagbukas ng pintuan ng kaniyang opisina, pumasok doon ang matangkad at matipunong lalaki na nagngangalang Xenon Montenegro.
"Kane, dude!"
Napa-angat siya ng tingin sa pagtawag nito sa kaniya, walang paalam na umupo ang bisita sa malambot na kulay itim na sofa. Inilapag ni Kane ng maayos pabalik sa dating pwesto ang hawak tsaka tumayo para umupo rin sa katapat ng kaibigan.
"Do you know where she is now?" Deretsa niyang tanong.
Pumaling ang ulo ni Xenon. "Hindi mo ba muna ako aalukin ng drinks like tea, coffee, juice? Pero parang mas masarap alak ngayon. Tara, shot puno!" A playful smile appeared on his friend's lips, halatang nang-aasar. Palagi naman.
Seryoso niya itong tiningnan, pinapakitang wala siyang panahon makipag biruan. Nap-tss naman si Xenon nang mapansin yon.
"Fine. These images come from the hotel's CCTV where she had planned to stay." Nilapag nito ang hawak na folder sa glass coffee table sa kanilang harapan. Ito ang gusto niya sa kaibigan, palaging mabilis umaksyon sa tuwing may bagay siyang nais malaman.
"We found out that Caitlyn arrived there at 5pm. Sa may lounge area siya dumiretso habang inaantay ang update ng receptionist tungkol sa room niya."
Itinuro nito ang litrato kung saan makikita si Caitlyn dala ang maliit na bagahe. Sunod namang ipinakita ni Xenon ang litratong nakaupo na si Caitlyn sa lounge chair, halatang may kasama na ito. Ngunit malabo.
D*mn that CCTV!
"Malayo sa cctv ang kanilang pwesto, masyadong nasa sulok kaya hindi makita ng malinaw kung sino ang kaniyang kausap. After their conversation, she simply vanishes."
Napatayo si Kane, hindi maipinta ang mukha. "How? Sa dami ng workers sa hotel na 'yan ay wala man lang nakakita sa kaniya? Considering that my girlfriend is a well-known actress, it is extremely unlikely."
"You're right. However, keep in mind that you paid them to pry into their own business. Sumunod sila sa gusto mo kaya hindi nila nasundan ang mga galaw nito, wala silang alam ngayon. It was even stated by the receptionist that Caitlyn had failed to get her room key. Sakto naman na walang ibang tao sa lounge area maliban sa kaniya at sa taong kausap niya."
Oh d*mn! Pinigilan ni Kane ang sarili na mag-alburoto sa inis. Wala na kasi siyang ibang inisip kundi hanapin ang nobya kaya parang tumalon na ang utak sa kung saan upang makapag isip pa ng maayos.
Nakalimutan niyang binayaran niya ang mga empleyado sa hotel na yon para tantanan sa kakalapit at kakapa-picture sa kaniyang nobya. Gusto niya kasing mapanatili nito ang privacy kahit sandali lamang bago ang kanilang pag-iisang dibdib. Even though it's an exclusive hotel, he still wants to make sure nobody is filming or taking photos of her.
"We are currently unable to locate her, napagtanungan na rin namin ang mga tao na tingin namin ay malalapit sa kaniya pero wala ring idea ang mga ito kung saan siya maaaring nagpunta. But don't worry—we won't give up on finding your girl."
Napahugot siya ng malalim na hininga. Kagabi lang ito nawala, kung sana lang ay hindi nila sinunod pa ang tradisyon na hindi pwedeng magkita at magkasama ang bride at groom araw bago ang kasal ay hindi sana mangyayari ito, hindi sana mawawala si Caitlyn.
"Yes, search for her as quickly as possible. Regarding the wedding, I would prefer that no one else knows about it, and that no photos or films of it be circulated."
"Speaking of the wedding, we discovered another thing.." Naagaw muli ni Xenon ang atensyon niya nang magsalita ito. "Hindi mga dokumento ni Caitlyn ang naipasa sa munisipyo para sa kasal. Malinaw pa sa sikat ng araw ang nakasaad na pangalan sa marriage license at marriage certificate... ito ay si Sofina Alcantara."
As Kane studied the papers Xenon had placed on the table, a muscle in his jaw tickled. How the heck did that happen?!
"I think, matagal nang napaghandaan itong kasal mo sa ibang babae, dude. Baka di ka lang talaga aware kasi imposible naman na mangyari ito. I don't know, maybe this is an arranged marriage. The heck, that arranged marriage thing is cringey as f*ck."
Kane was speechless, ilang oras na ang nakalipas nang makaalis sa kaniyang opisina si Xenon subalit hindi pa rin niya magawang makapaniwala. Halo-halo ang emosyon niya ngayon kaya dumiretso siya sa kalapit na high-end bar para uminom ng alak.
Alam niyang simula sa araw na ito ay never nang magiging maayos ang lahat sa buhay niya. Feel niya nasira ang lahat ng mga magagandang plano niya.
He married a wrong, cheap woman! Hinding hindi niya ito magagawang mapatawad. Kumuyom ng mariin ang kamao ni Kane.
That Sophia Alcantara! Sinadya nito ang lahat!
He knew she had a crush on him. Hindi lamang niya pinagtutuunan dahil wala naman siyang pakialam sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. They can never have him.
But this one is different, she's desperate and selfish to get him! Ito malamang ang taong kumausap sa nobya sa may lounge area ng hotel. Sure siyang pinagbantaan nito ang nobya upang lumayo at wag magpakita.
Dapat pala ay nakinig na siya noon pa lang sa gusto ni Caitlyn na palayasin ito sa mansyon. Kung alam lang niya na kaya nitong gawin ang lahat masira lamang ang relasyon at buhay nilang dalawa ni Caitlyn, he wouldn't think twice about kicking out her from their property. She's a heartless b*tch!
Kailan man ay hindi siya nakaramdam ng matinding pagkamuhi sa kahit na sinong tao, ngayon lang. Kay Sophia lang. Ang babaeng sariling kaligayahan lamang ang palaging iniisip, wala itong pakialam kung makatapak o makasakit ng ibang tao.
The audacity! She will get a dose of her own medicine, sisiguraduhin yan ni Kane. Kung maaari lang itong durugin gamit ang kaniyang mga kamay ay kanina pa niya ginawa.
Inisang lagok niya ang alak tsaka pabagsak na inilapag ang baso sa bar table.