CHAPTER 1
I'm sobbing in tears while re-reading our old convo, we're so happy back then, everything feels so perfect but in just one snap everything changed. Gumawa ako ng isang desisyong Hindi ko inaakalang pagsisisihan ko, desisyong nagbago sa mundong kinasanayan ko.
3 years had already past but my feeling for you didn't even change a little,funny isn't it?Wanna know what's funniest? I'm so inlove with you even we just met in the world where everything is fake, fake name, fake age, fake personality, fake feelings and etc. Ang mundo kung saan pagnagpakatotoo ka talo ka. The world that we call RPW.
RPW has so many rules and one of those rules is "do not fall in love(remember that you're in fake world not in the Real world)" this is RPW's silver rule but I've broke it because of you, I've fall for you unexpectedly. I'd never thought that this day will come, the day that I'll cry for a man, the day that I'll cherish someone like an breathtaking jewels. Back then being in a relationship with someone is just a game for me, I just wanted to saw a man who's crying, kneeling and begging for me not to leave them ,but everything changed when I met you. You made me feel something that I've never felt for someone before. You teach and show me what love really is. I'm a big mess yet you've fix me, I found my missing piece into you.
"Shayyyy!" Nakakabinging tawag sakin ng bestfriend kong si Ryle na gumising sa naglalakbay kong diwa sabay punas saking basang pisnge.
"Oh lemma mo?Kung makasigaw toh kala mo naman nakahanap ng mama deasukal ,e' no." Mataray na asik ko sakanya.
"BWAHAHA kalma ,ang init na naman ng ulo palibhasa an'liit mo."
Dahil sa sinabi n'yang iyon ay pinandilatan ko s'ya ng mata ." At ano namang kinalaman ng height ko sa mood ko haa,anak ng kapre ka."
"Kasi nga an'liit mo kaya napakadali makapag-circulate ng dugo mo,kaya palagi kang high blood ."Sagot nya sa'kin habang nakangiting-aso, pina-ikot ko na lamang ang aking mata sabay tumalikod sa kanya. Wala akong mapapala kung makikipagtalo ako sa mokong na'to baka masapak ko lang 'to ng wala sa oras, napapaisip tuloy ako ngayon kung pa'no ko ba naging bestfriend ang bwesit na gaya n'ya amptt.
"Woii, 'wag ka muna umalis ,lika may pupuntahan tayo." saad nya sabay hila sakin .
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko nang marating namin ang cafeteria.
"Ano bang ginagawa sa cafeteria?Siguro mag swimming tayo rito shayy." sarcastic na sagot n'ya sa'kin.
"Stop being sarcastic it's pissing me off." usal ko sa kanya.
"'Wag ka kasi mag tanong ng patanga kung ayaw mong masagot ng pabara BWAHAHHA."
"Kung pumunta lang tayo rito para bwesitin mo ako,well I better leave."
"Biro lang naman e, lika rito."sambit n'ya at habang iginaya ako patungo sa bakanteng mesa.
"Antayin mo ako d'yan, wag kang aalis." wika n'ya kaya no choice ako kung'di mag-antay baka kase pag umalis ako magtampo na naman sa'kin amptt e' daig pa naman ni Ryle ang babae kung mag tampo amptt.
Ilang minuto lang ang inaantay ko't maya-maya pa'y natatanaw ko na s'ya bitbit ang isang tray na puno ng
"Siooomaaaiiiii." Masayang sigaw ko nang malinaw kong matanaw kung anong laman ng tray na dala n'ya.
"'Wag ka na sumimangot haa ampanget mo kasi, sige na kainin mo na 'yan." wika n'ya pagkatapos ilapag ang tray sa harapan ko.
"Akin lang 'to lahat?" tanong ko sa kanya.
"Oum ,ubusin mo na 'yan." Nakangiting sagot nya.
"Thankyouuuuuuuu." usal ko sabay yakap sa kanya. He really knows how to make me feel ease on the chaotic situations like this.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang mag salita si Rule. " Shayy I know that you're crying because of Mr. Rpw again, please move forward. Start a new chapter, ikaw lang din naman ang nahihirapan sa sitwasyon mo ngayon 'e."
"How many times would I need to tell you that I'm already moved on." sagot ko rito.
"Your mouth can tell lies but your eyes cannot."wika n'ya dahilan upang mapaiwas ako ng tingin sa kanya.
"If someone's already moved on from you, accept it. Don't question how fast they moved on. How they start again. How they can smile again like there's nothing wrong happened. They deserves it. They deserve to be happy again, and also you deserve it too. Accept what already happened. Accept that there are things that really meant to happen unexpectedly. Accept that people really come and go, that the people you thought that'll never leave you until the end , already left. Well, that's life. Accept what already happened ,move on from it and start a new journey again , alone or maybe you'll met someone in that new journey again. Shayy leave that chapter of your life and open a new page." Seryosong sambit n'ya, gusto kong umiyak pero pinigilan ko at idinaan ko na lang ito sa biro.
"Bravoooo!! Ang ganda ng speech mo grabe, naiyak ako kase hindi ko maintindihan straight English kasi nubaaaa." usal ko with matching papunas-punas pa ng pisngi para feel.
"BWAHAHHA amptt siraulo ka talaga,but I'm serious about that shayy." saad nya pagkatapos ay pinanggigilan ang aking pisnge.
"Bat ba panay pisil ka sa pisnge ko haa?kala mo naman indi masakit." Nakangusong saad ko ngunit tumawa lang sya kaya't pinagpatuloy kona lang ang pagkain ko.
SOMEONE'S POV.
Malawak ang aking ngiti habang binabay-bay ang daan patungo sa cafeteria.
"Pangettt na nerd!" Narinig kong sambit ng isang babaeng nadaanan ko ngunit isinawalang bahala ko na lamang ito at nag patuloy sa paglalakad.
"Oh their you are. Congratulations iha, ikaw ang nakakuha ng highest average sa klase". Masayang bati sakin ni Bb. Lopez.
"Luh, thank you ma'am. 'Di ko po talaga 'to ini- expect." Maluha-luhang saad ko.
"I told yah iha,keep it up at wag ka lang mag papa- apekto sa iba."wika n'ya bago umalis.
Dahil sa magandang balita na iyon ay mas lalong lumawak ang aking ngiti, sa wakas masasabi na rin sakin nila mama na proud sila sa'kin. Ngunit ang ngiting iyon ay naglaho nang makita ko si Ryle na kasama si Shaira. They look happy. They look so sweet. Habang pinagmamasdan sila'y para akong dinudurog ng paunti-unti. Legit. No lies. Gusto ko si Ryle, nahh let me rephrase it. Mahal ko si Ryle matagal na pero dahil kay Shaira ay hindi ko s'ya makuha.
"You're mine Mi amore and I'll do everything just to have you back."usal ko sa'king sarili.
Tinitigan ko muna ang napaka among mukha ni Ryle bago ko napagdesisyunang umalis . Pumunta ako sa room ngunit wala roong kahit isang tao kaya minabuti kona lamang na umuwi. Well, wala namang lesson ngayon kasi may event.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad pauwi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya't sumilong muna ako sa gilid ng isang karenderya.
"Congrats anak, proud sila mama at papa sayo." Narinig kong wika ng isa sa mga tao roon kaya napalingon ako. Sa pag lingon kong iyon ay nakita ko ang isang masaya at buong pamilya na sabay kumakain, pansin ko rin ang medalyang suot ng bata. That child must be so lucky kase naririnig nya ang mga katagang iyon mula sakanyang mga magulang. Samantalang ako puro nalang sermon at pangungutya ang natatanggap ko mula sakanila. Napangiti ako ng mapait at pinunasan ang mga luhang diko inaakalang kumawala.
Kahit malakas ang ulan ay sinulong ko ito, naglakad ako sa ulan kasabay nito ang pag agos ng aking mga luha. This is why I love the rain, no one will notice that I'm crying. Iniiyak ko lahat ng sakit at sama ng loob na meron ako hanggat sa maramdaman kong medyo gumaan na ang aking pakiramdam.
Lutang ang isip ko ng makabunggo ako sa isang matigas na bagay dahilan upang malaglag ang dala kong mga libro. Yumuko ako upang pulutin ito ngunit nagulat ako ng may isang kamay na inunahan akong pumulot rito.
"I'm sorry miss."Medyo islang na wika nito habang patuloy paring pinupulot ang nalaglag kong libro.
"No it's okay, don't say sorry it's my fault not yours." Saad ko at dali-daling kinuha sa kanya ang mga libro.
"No,kasalanan ko iyon dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya nabunggo kita." Pag sisi nito sakanyang sarili. I just rolled my eyes to him and surge my shoulders.
"Mukhang hindi ka naman magpapatalo ea, so to make it fair parehas nalang tayo may kasalanan." wika ko at ngumiti ng pilit pagkatapos ay linagpasan kona sya.
"Heyy."Narinig kong tawag nito sakin kaya huminto ako at liningon sya.
"Ano na naman?" singhal ko rito.
"Gano'n lang 'yon?" tanong nito sakin na parang hindi makapaniwala.
"Gano'n lang 'yun? Ang ano?"
"Hindi ka man lang mag papasalamat sa'kin dahil sa pagpulot ko ng mga libro mo."
"Oh, edi thank you po. Tsaka hindi naman kita inutusan na pulutin 'yon kaya bat pala ako mag t-thank you?" asik ko rito habang nakataas ang aking kaliwang kilay.
"Welcome as always mi lady." Natatawang wika nya sabay yuko kuno. Nice s'ya pa lang ang lalaking nakasalamuha ko ng ganito, yung iba kase pinag titripan at pinapagtawanan lang ako.
"Wala ka ng ibang sasabihin?"
"Ahm ,it is okay if I ask for your name?" tanong n'ya sabay kamot sa kanyang batok.
"Gusto mo malaman?okiee paki tanong na lang sa fish." Wika ko sabay talikod at lakad ng mabilis papalayo sakanya.
Bandang 3:30 pm na nang makarating ako sa bahay. Excited akong pumasok sa loob upang sabihin sa parents ko ang aking achievement. Dahan-dahan kong pinihit pabukas ang pintuan ,at bumungad sakin si papa na naka upo sa sofa habang umiinom. Nagkalat rin ang sandamakmak na basyo ng alak sa sahig.
"Pa, umiinom kana Naman?" Nag-aalalang saad ko rito.
"O e taposh? Hanong mashama dun haa?" Wika nya na halos di kona maintindihan.
"Itigil n'yo na 'yan, di ba nga sabi ng doctor iwasan na muna ang pag iinom ng alak." pag papaalala ko sakanya sabay abot ng alak na iniinom nya ngunit tinabig nya ang aking kamay.
"Wag mo nga akong pake alaman, kung makapag salita ka akala mo naman may na-iambag ka rito. Palamunin ka lang naman. Lumayas ka sa harapan ko kung 'di masasaktan ka talaga sa'kin."
"Pa,nag-aalala lang naman po ako sa inyo. Kung makapag bitiw kayo ng gan'yang mga salita parang hindi n'yo ako anak." Naluluhang wika ko, ngunit isang malakas na sampal lamang ang dumapo sa pisnge ko.
"Subukan mo pang sumagot nang gan'yan at hindi lang sampal ang aabutin mo sa'kin. Kung nandito lang sana ang kapatid mo edi hindi sana ganito ka mesirable ang buhay ko. Mas mabuti pa sanang ikaw nalang ang nawala at hindi ang kapatid mo tutal puro ka lang pabigat at sakit ng ulo sa'min." sigaw ni papa sakin. Sa bawat salitang binibigkas n'ya ay para akong sinasaksak ng paulit-ulit, sobrang sakit. Hindi ko napigilang umiyak. Naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit.
"Ohh anong inaarte-arte mo d'yan? May paiyak-iyak ka pang nalalaman. Bakit mababalik ba ng mga luha mo ang kapatid mo?di ba hindi?"
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata pagkatapos ay umalis na ako sa sala at nag tungo sa kusina upang gawin ang mga dapat kong gawin para naman kahit papano ay may magawa akong tama para sakanila. Itinali ko muna ang aking mahabang buhok bago nagsimulang mag hugas.
Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng biglang may kumalabog kaya't di ko sinasadyang mabitawan ang isang baso at mabasag ito. Lagot nanaman ako nito kay mama. And as a clue narinig ko ngang nasa labas na si mama ng bahay, dinig na dinig ko ang boses nya. .
"Ma, gusto mo po ng kape?" tanong ko kay mama ng makapasok ito sa bahay.
"Aba'y bat nag tatanong ka pa?Ba't hindi mo nalang gawin?"
Huminga na lamang ako ng malalim at ipinagtimpla sya ,ngunit ng ibinigay kona sa kanya ay kinunutan nya ako ng kilay.
"Ano Yan?" Parang iritadong tanong n'ya sa'kin.
"Yung kape mo po ma."
"Alam kong kape 'yan, ang tinatanong ko kung bakit d'yan mo 'yan itinimpla. Ilipat mo 'yan sa baso ko".
"Alin po bang baso ma?"
"Napakarami mong satsat ako na nga lang ang gagawa." Inis na sambit nito.
Nanatili ang katahimikan sa loob ng ilang minuto ng biglang lumabas si mama galing sa kusina at Kita ko ang galit sa mga mata nya.
"Sino ang bumasag neto?". Galit na tanong n'ya sabay pinakita ang basong nabasag ko kanina.
"Aba sino pa bang iba?Edi iyang ta-tanga-tanga mong anak."Parang diskumpyadong sambit naman ni papa.
"A-no po k-kase ma, h-hindi k-ko naman po sinasadyang mabitawan. May b-bigla po kaseng kumalabog k-kanina kaya nagulat ako at n-nabitawan ko po i-iyan." Kinakabahang paliwanag ko sa kanya ngunit walang silbe ang paliwanag ko at bigla nya akong sinabunutan at pinagsasampal.
"Ma!! Tama na po, isang baso lang naman 'yan ea. Pangako po bukas papalitan ko rin yan, gagawa ako ng paraan." Pakiusap ko sa kanya.
"Sa tingin mo ba mapapalitan mo 'yon? Iyon na nga lang ang natitirang ala-ala ng kapatid mo sa'kin pero anong ginawa mo?sinira mo. Wala kang kwenta. Bakit ba iniluwal pa kita."Galit na sigaw sa'kin ni mama habang di parin tumitigil sa pag sampal sa'kin,naramdaman kong pumutok ang aking labi at malalasahan kona rin ang dugong galing doon. Nanlalabo narin ang aking paningin ngunit hindi ako nag patinag dito.
Nang mapagod na si mamang pagsasampalin ako ay agad akong tumakbo papunta sa silid ko. Humarap ako sa salamin at pinaghalong awa't sakit ang naramdaman ko saking sarili habang tinititigan ang mukha kong puno ng pasa at ang duguan kong labi. Napasalampak ako ng upo saking kama habang walang patid ang pag agos ng aking mga luha, hindi dahil sa sakit ng mga pasang natamo ko ngunit dahil sa mga masasakit na salitang binitawan nila at nabaon sa puso ko. Bakit ba lagi na lamang silang ganito? Hindi ko rin naman ginustong mabuhay pero bakit akong sinisisi nila. Lahat nalang ng gagawin ko'y mali para sakanila. Bawat kilos kona lamang ay kinukumpara lagi nila ako sa iba. Balang araw pag sisisihan nyo rin lahat ng toh. Balang araw makikita nyo rin ang halaga ko. Pero tinitiyak kong sa araw na iyon ay wala na kayong makikitang dating ako. Maari ngang lilingunin kopa rin kayo ngunit wag kayong aasa na babalik pa ako upang i-ahon kayo sa pagkalugmok na daranasin nyo.