bc

Hangganan

book_age18+
39
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
twisted
bxg
heavy
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

Si Angela ay lumaki ng walang gabay ng kanyang mga magulang—maaga kasi itong binawi sa kanya. Sa murang edad pa lamang, nasanay siya sa pambabatikos na kanyang natanggap. Bukod kasi sa ulila na siya, may malaking peklat din siya sa mukha.

Inakala niyang tatanda na siya ng walang pagbabago sa kanyang buhay ngunit isang araw nagbago ang lahat. Things started to change especially when her 18th birthday came. Sapagkat nang dumating ang araw ng kanyang kapanganakan, dito niya makikilala ang lalaking gugulo sa malungkot at mapag-isa niyang pamumuhay.

Sino nga ba siya—ang lalaking panay ang paglitaw sa kanyang panaginip, at panay ang pagsulpot sa kanyang realidad? Malalaman niya kaya ang kwento sa likod ng mga sugat ng kanyang nakaraan at malalaman niya kaya ang katauhan ng taong kumatok sa kanyang kaarawan?

chap-preview
Free preview
Prologo
This is the edited version. Please ignore previous versions. Prologo "Mama, ano ang nangyayari?" Tinapunan ako ni mama ng tingin, pero binalik niya rin sa harap ang atensyon. Nanlalaki ang kanyang mata. Pinagpapawisan ang noo. Kanina pa siya nadedeliryo kaya gulong-gulo ako sa kanyang inaasta. Sinubukan ko siyang usisain ulit pero gumewang ang kabuuan ng sasakyan. Nadulas kami ni mama sa upuan at napaluhod sa sahig ng kotse. Sinubukan kong tumayo ngunit kaagad rin akong inahon ni mama sa pagkakaluhod at inayos ang aking upo. Panay ang mura ni papa sa harapan habang sumusulyap ng nakaw na tingin mula sa rearview mirror. Hindi ko maintindihan ang nangyayari pero natatakot ako sa inaasta nilang dalawa. Mabilis pa rin ang pagmamaneho ni papa na parang may naghahabol sa amin. Sinubukan kong tanawin ang dahilan kung bakit sila natatakot pero tila imahinasyon lamang ito. Wala namang taong sumusunod. Hanggang ngayon mahigpit pa rin ang hawak sa akin ni mama, tila nababaliw sa gitna ng mga kaganapan. "A-ano h-hinahabol pa rin ba tayo John?" Sabi niya, patuloy pa ring lumilingap lingap sa kapaligiran. Hindi nakasagot si papa ngunit nasisilayan ko muli ang pag-igting ng kaniyang panga gayundin ang mariin niyang kapit sa manibela. "Sumagot ka John!" Sigaw ni mama habang dumidiin ang kaniyang kuko sa aking balat. Sa pagkakataong iyon, hindi ko mapigilan mapangiwi sa sakit. Mukhang nagising sa katinuan si mama nang mamalayang nasasaktan niya ako. Nanginginig niyang hinawakan ang aking panga at iniangat ang tingin sa kaniya. Pansin kong tuluyan ng nagtubig ang kaniyang mata. Inabot ko ang kaniyang mukha at marahang pinunasan ang nagbabadyang luha sa pisngi niya. "Ma ano nangyayari?" Sa halip na makasagot, nanlaki lamang ang kaniyang mga mata nang dumako ang mata sa harapan. Maya-maya pa naramdaman ko ang malutong na tunog ng nadurog na metal. Marahas kaming napabalikwas sa upuan nang may tinamaan ang kotse. Tuluyan akong naumpog sa upuan habang tumalsik sa paligid ang iilang bubog mula sa basag na bintana. "John!" Sigaw ni mama sa naganap na salpukan. Tumilapon ang sasakyan sa malakas na impact. Muling umalingawngaw ang kanilang mga boses pero para rin itong nalunod matapos bumuhos ang kakaibang sakit sa kabuuan ko. Namamaga ang katawan ko mula ulo hanggang paa at tila hindi maigalaw ang mga biyas. Patuloy ang hagulgol ni mama at panay ang kaniyang banggit sa pangalan ni papa pero walang siyang sagot na natanggap. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuang bahagi ng sasakyan at tila nablanko ako sa nangyayari nang maramdaman ang nakauwang na bahagi sa mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyan akong humiyaw nang maglandas ang dugo sa kabilang braso. Mahapdi ang bahaging iyon. Sinubukan ko din kapain ang nananakit na pisngi pero nang masilayan ang pulang likidong bumabalot sa aking palad. Tuluyan na ring kumuwala ang luha sa mata ko. "Mama!" Iyak ko. "M-mama!" Iginapang ko ang sarili palabas ng sasakyan para hanapin siya. "P-pakiusap! P-akiusap! G-gusto ko p-a mabuhay! B-bigyan mo pa kami ng pangalawang pagkakataon!" Rinig kong bulyas ni mama. Nakakatakot ang himig ng kanyang boses. Akmang tatayo ako pero bumigay na ang tuhod ko. Nangangatog ako sa hindi malamang dahilan na parang nagbago ang ihip ng hangin. Narinig ko muli ang sigaw ni mama pero wala na akong kakayahan pa upang masilayan kung nasaan o kung sino ang kasama niya. Naramdaman ko ang pandidilim ng mata na parang inaanyayahan na ako ng kadiliman. Mabibigat na ang talukap ko at parang nahihirapan na akong manatiling gising. "T-teka anong sinasabi mo! A-ayoko! A-ayok-" Nakarinig ako ng marahas na halinghing. Umalingawngaw ang boses ni mama pero hanggang dinig na lang ako sa kanyang mga hinaing. "W-wag! Wag! M-magkano! Magkano ang gusto mo! Kahit ano...kahit ano!" "Ang buhay niyo lang ang tanging kabayaran..." Halos manginig ako sa yumapos na lamig matapos marinig ang isang malalim na boses. Sino ang kausap niya? "Huwag ang anak ko! Maawa ka! Bigyan mo kami ng tsansa! Wala siyang kinalaman!" Ano ba ang nangyayari...patuloy ang kaniyang hagulgol. Ano mang gawin ko wala akong magawa para mapawi ang kaniyang pagaalala at iyak. "Huwag! Utang na loob! Gusto ko pang lumaki ang anak ko sa mundon-" Hindi ko na narinig ang kanyang sasabihin at sa halip, napalitan ng animo'y nabulunang daing ang kanyang pakiusap. Binalot ng katahimikan ang kapaligiran at hindi ko mapigilan matakot sa kinahinatnan ni mama. Ilang saglit, ang malamyang tunog na lang ng ulan ang bumalot sa pandinig ko. May kung anong kaba ang bumalot sa puso ko. Nang makaramdam ako ng mainit na hiningang humaplos sa aking pisngi, tsaka ko lamang napagtagtanto kung bakit ako natatakot. "Ang kaligayahan niya... ang magiging kabayaran..." Huli kong dinig matapos mawaglit ang aking katinuan. Sa kalagitnaan ng unos na bumuhos, tuluyan akong nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
164.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
132.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
111.8K
bc

His Obsession

read
78.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook