This is the edited version. Please ignore previous versions.
Kabanata 1
Simula pagkabata, nasanay na ako sa mapanghusgang tingin ng mga tao. Ang kanilang mga titig na puno ng disgusto para sa anyo ko ay habang buhay tatatak sa aking isipan.
Miski ako, kinahihiya ang malaking tapyas sa mukha. Matapos ang aksidente noon, hindi na naging payapa ang aking pakiki-halubilo sa iba. Palagi na lang naging sagabal ang itsura ko sa pakikipag-kaibigan.
"Hindi ako nadidiri sayo Angela, pero kasi nanghihina lang ako. Parang ang sakit kasi tignan," Ani sa akin ni Ana, ang taong may pinakamalapit na relasyon sa akin.
Imbis na sumagot tumango na lamang ako bilang baling. "Naiintindihan ko kung gusto mong tabunan ko ng tela. Ayoko rin naman makita at maaalala."
Bahagyang lumamlam ang kaniyang mata na tipong nagsisisi sa kaniyang mga sinabi. Ngunit wala akong problema doon, tama nga siya. Nakaka-panghina ang aking sitwasyon. At kahit sino ayaw masilayan ang tanda ng sugat ng nakaraan.
"Hindi ko sinasabi dahil nadidiri ako sayo Angela. Pero ayoko ring pinagmamasdan ka ng tao, alam kong ayaw mo sa lahat ang tinitignan,"
Tumango na lamang ako sa kaniyang pahayag.
Makalipas ang ilang minuto ng pangungumbinsi, umalis na rin si Ana upang pumasok sa trabaho. Hindi rin nagtagal inasikaso ko na ang kaniyang mga damitan.
Alam ni Ana na nahihirapan akong matanggap sa trabaho. Malaking hadlang ang aking peklat sa mukha sa pagkuha ng trabaho pero higit pa doon, wala akong tinapos sa pag-aaral.
Matapos kong makatanggap ng iilang puna at rejection mula sa iba't ibang amo at employer, inalok niya akong maging personal na kasambahay niya.
At ganoon nga ang aking ginawa. Naging kasambahay lamang ako. Wala ng lalabis pa.
Hanggang ngayon, ginagawa ko pa rin ang makakaya upang talikuran ang aming pinagsamahan. Ayokong isipin niya na habang buhay ako dedepende sa kanya, at ayokong makatanggap siya ng puna dahil lamang sa akin. Ngunit mapilit ito at tulad ng dati ay tinuturing pa rin akong kaibigan.
Napakaswerte ko kay Ana.
Matapos linisin ang kaniyang kwarto sa hotel, umalis na rin ako pababa ng lobby. Gaya ng kagawian, iilang titig ng mga empleyado ang aking naramdaman.
"Siya ba yung sinasabi nilang matalik na kaibigan daw ni Mam Ana?"
"Sinong Ana?"
"Yung anak ng fashion designer! Si Amanda!"
"Bakit anong problema?"
"May tsmis na malikot ang kamay,"
"Baka nagiipon pang plastic surgery,"
Hindi na ako nanatili pa upang marinig ang kanilang mga komento at halakhakan kaya't matulin kong sinuyod ang koridor ng hotel. Sanay na ako sa kalakaran ng buhay ko, wala namang bago.
Nang tuluyan akong makalabas sa hotel, sumiksik ako sa isang malaking haligi. Malakas ang ulan ngayon, at wala akong dalang payong. Kanina ko pa pinagiisipan dalhin ito at tila sensyales pala iyon ng paparating na unos.
Isang kotse ang huminto sa harapan ng hotel. Nagsilabasan ang mga chauffeur at dinaluhan ang panauhin sa loob. Isa-isa nilang inayos ang mga kompostura at parang langgam na humanay. Tila mahalaga ang indibidwal na ito kung kaya't dinumog ng samu't saring empleyado ang front doors.
"Sir kamusta po ang biyahe?"
Hindi sumagot ang lalaking lumabas mula sa kaniyang sasakyan. Bagama't madilim ang kapaligiran, hindi matatanggi ang kaniyang artikulo. Halos mamangha kami ng masilayan siya sa b****a ng liwanag, mukha siyang modelo ng mga magazine, mukha siyang artista, matangkad at matipuno ang kaniyang pangangatawan. Halatang banyaga base sa kulay ng mata at hubog ng mukha.
Nilibot niya ang paningin at sa hindi maipaliwanag na kaganapan, tuluyang nakatagpuan ng aking mata ang kaniyang mala-bughaw na mata.
Nanatili ang tingin namin sa isa't isa at tila sumilay ang makahulugang ngisi sa kanyang labi.
KUMATOK na ang hatinggabi bago ako makauwi sa aking tinutuluyan. Maliit lamang ito na apartment complex, kung tutuusin dating bodega ito na naisipan ng mga may-ari na ayusin para may pandagdag kita. Kumpara sa ibang apartment sa urban, maliit na halaga lamang ang kanilang hinihingi.
At sino ba ako para tumanggi sa murang alok?
Pinunasan ko lamang ng basang bimpo ang mukha. Wala akong pansariling kubeta, at sa aking pagkakarinig madalang ang dalaw ng tubig. Kung kaya't sa maliit na batsya lamang ako naglilinis ng katawan matapos magtrabaho.
Wala akong salamin. At sa katunayan, wala rin akong balak tignan ang hitsura. Lagi lamang akong manghihina sa sinapit, maaalala ko lamang ang mga nangyari.
Dala na rin siguro ng pagod, agad rin akong sumalampak sa higaan. Tuwina pinagmamasdan ko ang kupas na kisame, parang kailan lang rin ng pagmasdan ko ang natutuklap na pintura ng kupas na kisame ng ospital.
Matapos malaman na binawian na ng buhay ang magulang ko, tuluyang gumuho ang mundo at mga pangarap ko sa sarili.
Natuto akong tumayo sa sariling mga paa at natutunan kong tanggapin na siguro nga habang buhay akong mananatiling magisa.
Gayunpaman, sa ilang pagkakataon, nakatulog ako sa gitna ng pangangarap...sa gitna ng paggunita...Pangarap na mahirap abutin at ala-alang mahirap burahin.
Angela...sa wakas nagkita rin tayo
___
KINAUMAGAHAN nagising ako ng pawisan. Hindi ko mabilang kung ilang beses na akong nagising sa gitna ng gabi. Mabigat at mabilis ang t***k ng aking puso. Sa hindi malamang dahilan, hinabol ko ang hininga na animo'y matagal na ipinagkait sa akin.
Pumanhik na ako patungo sa maliit na batsyang nakatabi sa gilid ng silid. Kaagad kong sinabuyan ang sariling mukha ng malamig na tubig. Nagba-baka sakaling magigising ako sa sariling imahinasyon.
Sa kagyat ng gabi. Ang bumakas sa aking panaginip ay iisa. Laging rumerehistro sa isipan ko ang mala-karagatang mata ng taong nasilayan kagabi. Siya lamang...ang lalaki kagahapon ang naging laman ng aking mga panaginip.
Sino ba siya at bakit ganito ang naging epekto niya sa akin?
Ngayon lamang kami nagkita kaya bakit nababagabag ako sa kaniya. Madalas naman akong makasilay ng mga poging binata, artista, at mga foreigners sa hotel ni Ana pero siya lang ang nagiwan sa akin ng ganitong marka.
Iniling ko na lamang ang ulo habang kumuha ng telang pang-tabon sa mukha at pumila na sa main comfort room ng apartment. May iilang residente na wala ring kubeta ang nakapila roon. Pero hindi tataas ang bilang sa lima. Halos mayroon naman ang iba na sariling bathroom.
"Naliligo ka pala?" Natatawang sambit ng kapwa boarders ko na nakapila sa harapan. Bagama't di masyadong halata sa aking belong nakatabon sa mukha, nginitan ko na lamang siya.
Inismidan niya ako. Matapos mag-antay ng iilang minuto, naka-ligo rin ako ng matiwasay. Kaso sa buong durasyon ng paglilinis sa sarili, hindi mawala sa aking isipan ang kaniyang mga pagtawag sa aking pangalan. Para akong mababaliw kanina sa umaalingawngaw na boses sa aking tenga at isipan. Angela...
"Umalis ka nga dito pingas ang sakit mo sa mata"
Nagbingi-bingihan na lamang ako sa mga panlalait ng mga residente sa aming purok. Matapos makapag-ayos ng sarili ay walang pasubali ko ng dinala ang aking kailangan. Isang duffel bag na napulot ko lamang sa basaruhan. Ang tanging nilalaman nito ay ang aking bimpo, pitaka at iilang gamot kung sakaling may maramdaman akong kakaiba.
Kasalukuyang patungo ako sa hotel ni Ana para makapag-linis. Bagama't madalang umuwi si Ana at halos palaging malinis ang kaniyang kwarto, madalas ko pa rin itong binibisita para masiguradong walang kalat ang makakatakas sa aking paningin.
Halos isang oras rin na lakaran bago makapunta kina Ana. Kaya kinakailangan ko talagang makaligo datapwa't pagpapawisan rin naman ako.
"I.D mam?" Banggit sa akin ng guwardiya. Hinugot ko mula sa maliit na bulsa ang employee's I.D at inilahad ito sa nakabukas na kamay ng guwardiya.
Alegro niyang pinasadahan ng tingin ang aking I.D. Tumango-tango na lamang ito sa akin at ibinalik ang aking identification card. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakaka-alis, nagsalita muli ang guwardiya.
"Miss pasensya na. Pero maarte ang tao dito. Mga dugong bughaw. Kung maaari pakitakpan mo sana ng maigi yung mukh-"
"Opo...wag po kayong mag-alala." Agad kong putol sa kaniya at tuluyang pumasok sa loob ng malalaking pintuan.
Ramdam kong nakonsensya ang guwardiya sa aking pahayag ngunit wala akong sama ng loob. Sanay naman na ako. At kung tutuusin, maayos ang kaniyang pagkakasabi.
Mas lalo ko na lamang hinapit ang hawak na belo para matakpan ng maigi ang mukha.
Wala pa ako sa elevator doors ay kapansin pansin na agad ang dagat ng mga taong nakauniporme sa hallway. Lahat sila may hawak na mikropono ang iba ay camera naman.
"Sir ano po ang masasabi niyo sa pagmerge ng White Gem industries?"
"Sir ano pong balak niyo sa bagong acquire na stocks?"
"Sir kailan ang engagement niyo ni Mam Gabby?"
Rumagasa sa palasiyo ang mga katanungan at pagiinterbyu ng iilang reporters. Imbis na bumaling, walang imik ang lalaking tila nasa karagatan ng mga mamamahayag. Pamilyar sa akin ang lalaki kaya patago ko siyang sinisilayan sa kalayuan.
Sa halip na aliwin ang tumpok ng reporters, muli niya akong pinagpukulan ng titig. At nakumpirma ko ang hinuha, oo nga, kilalang kilala ko ang lalaking ito.
Siya na naman. The man who has been occupying my dreams lately. Napaka-laking patawa sa aking sitwasyon dahil nasilayan ko na naman ang naging bida ng aking panaginip.
Nakalimutan ko ata. Dito siya mag-iistay in diba? Naalala kong dito siya bumaba mula sa kanyang kotse. Kaya malamang dito rin siya mamamalagi.
Imbis na palalimin ang pagtiti-tigan umiwas na lamang ako ng masid at dumiretso patungo sa hotel room ni Ana. Tinipa ko ang pindutan ng elevator, 14 at hinintay itong magsarado. Ngunit bago pa magsara ang pintuan nito, isang kamay ang pumigil dito.
Bumukas muli ang mga saraduhan at tumambad sa aking paningin ang lalaki kanina.
Muntikan na akong mabuwal sa kinatatayuan nang maramdaman ang kaniyang titig sa aking anyo. Ngunit imbis na mabuhayan ng loob, iisa lamang ang aking pakiwari, nasisigurado kong pinandidirihan niya ang aking mukha kaya siguro napapadalas ang kaniyang sulyap.
Nandidiri o nagtataka, alin man sa dalawa ang rason. Wala na akong ibang nakitang dahilan.
Inayos ko muli ang kompustura at inantay magpinid ang elevator doors. Iilang minuto ang lumipas, animo'y napakatagal ng oras nang sa wakas ay maramdaman ko ang marahang pagtaas ng lift.
A few moments passed, biglaan na lamang namatay ang ilaw sa kalagitnaan ng pagahon. Minasdan ko ang maliit na screen ng elevator at nakitang ang numerong 13.
Paano mangyayari iyon? Walang 13th floor sa ano mang building complex.
Pinasadahan ko ng tingin ang control panel at gaya ng aking inaakala. Walang number 13 sa mga pindutan. Namawis ang aking kamay.
Pinagmasdan ko ang lalaking kasama na nasa aking harapan, kasalukuyang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa. Kaswal na kaswal ang dating na animo'y pangkaraniwang pangyayari ang masiraan ng elevator.
Hindi ko na lamang siya pinansin at pinisa ang alarm button ng elevator. Ito ay parang emergency button sa pagkakataong masira ito, tulad na lamang ng nangyayari sa akin ngayon. Ngunit mukhang hindi rin ito gumagana. Patuloy ko itong kinilatis na tipong nakadepende ang buhay ko ngunit dumaan na ang ilang sandali untiang namatay ang aking pag-asa.
Kinagat ko na lamang ang labi at nakipanayam sa lalaki. "Sir...baka po may cellphone kayo tumawag tayo ng tulong..."
Hindi sumagot ang aking kausap. Nanatili lamang siya sa pwesto, nakasuot pa rin sa bulsa ang mga kamay. Napatikhim ako at bahagyang nakaramdam ng hiya.
Sa talang ng aking buhay madalas ako makatanggap ng pang-iinsulto pero mas malala pala ang hindi ka pansinin sa gitna ng krisis.
Umubo ako ng iilang beses at muli siyang kinausap.
"Sir parang awa niyo na po para makalabas tayo...kahit tumawag lang po kayo ng tulon-"
Ngunit hindi ko na tinuloy ang sinabi nang mapansing hindi pa rin kumikibo ang lalaki. Tanging ang matipuno niyang likuran ang nakaharap sa akin kaya hindi ko mawari ang kaniyang ekspresyon.
Tuluyan na akong namawis sa sarili. Kakaibang takot ang bumalot sa aking puso. Hindi ko na lamang pinilit ang suhestyon at pinindot muli ang alarm.
"Gumana ka..." Parang paki-usap ko sa sarili.
Bakit hindi siya kumikibo? Natatakot na ako.
Nakarinig ako ng munting kaluskos mula sa labasan.
Panandaliang umugong ang elevator at halos mawalan ako ng balanse nang bumagsak ito mula 13 pababa ng basement.
Kinapitan ko ang dingding pero sa kabila ng matuling pagbagsak ng bagon, nanatiling pirmi ang tindig ng lalaki.
"Panginoon, tulungan niyo ako..tulungan niyo ako..." Paulit-ulit kong dasal sa sarili habang pinagmamasdan ang kasama.
Nangangatog akong napaluhod nang muling umandar ng napakabilis ang elevator. Kumislap ng mabilisan ang iba't ibang numero.
Nanginginig kong inaaninag ang lalaki at halos mapasigaw ako nang masilayan ang repleksyon niya sa elevator doors.
His eyes were like inferno.
Nagdaan ang ilang saglit ng animo'y walang hanggang pagkahulog ng elevator kahit pa narating na namin ang basement floor.
"T-tulong! Tulungan niyo ako!" Iyak ko.
Kumakatok ang luha sa aking mata pero hindi ko ito hinayaan tumakas. Ang pangamba sa dibdib ko ay sapat na para manuyo ang aking lalamunan at luha.
Sa isang iglap, walang pasumanong huminto ang bagon. Sumalampak ako sa biglaang pwersa at sumalubong sa akin ang liwanag.
"Mam ayos ka lang?"
"Pasensya na mam nagka-problema bigl-"
Tila nabingi ako sa kanilang mga pahayag subalit nang mailawan ang looban, walang lalaki ang bumungad sa akin. Tanging ako lamang ang nasa loob ng bagon.
Naglaho na parang bula ang lalaking kasama.
Pinagmasdan ko ang malaking numero sa dingding ng hallway, isang malaking numero 14 ang nakaukit dito.
Napaluhod na lamang ako sa nasilayan at nakaramdam ng pag-aasim ng nagbabadyang pagsusuka.