Kabanata 2

1631 Words
2 "Ayos ka lang? Kanina ka pa nakatulala." Nahirapan akong makasagot sa mga katanungan ni Ana. Kanina pa ako walang imik. Sa katunayan niyan ay nabigla ko si Ana nang biglaan akong lumusong paloob ng kanyang hotel unit. "Kanina ka pa namumutla. Okay ka lang ba talaga?" Pag-uusisa niya uli sa pagbabaka-sakaling hindi ko nadinig ang una niyang katanungan. Marahan na lamang ako tumango. Ano ba ang pwede kong sabihin? May parte sa aking nag-aalinlangan itanong sa kanya ang mga pangyayari kanina pero kinakain na ako ng pagdududa. Ayokong magmukhang nasisiraan kaya kailangan kong piliin ang sasabihin ko. "A-ana m-may nakaraan ba itong h-hotel? May nararamdaman ka bang kakaiba." Nangangatal kong katanungan sa kaniya. Hawak niya pa rin ang kaniyang cellphone, pero nang marinig niya ang sinabi ko, agad siyang napatigil. Makahulugan niya akong pinagmasdan "Wala naman Angela. Bakit mo natanong?" Humugot muna ako ng hangin bago siya balingan. "May nagpaparamdam ata dito sa c-condo. Kanina kasi… k-kanina m-may lalaki akong nakasabay.” Bahagyang natawa si Ana sa nadinig. Alam kong miski siya ay halos hindi makapaniwala. "Nagpapatawa ka ba, walang multo dito. Atsaka lalaki? Baka naman nahihibang ka na Angela. Aaminin ko noh, minsan hindi ko rin mapigilan mag daydream lalo na’t may mataan akong pogi..” I didn't answer, instead I gave her a quivering look. Kaagad ring napawi ang kanyang halakhak nang mapansing matalim ko siyang tinitigan. Kilala niya ako. Pala-biro rin ako minsan, pero kapag seryoso ang paksa, asahang totoo ang sinasabi ko. "Kanina kasi Ana...Sa may elevator...imposibleng guni-guni ko iyon. M-may m-multo ata akong nakasakay sa elevator.” Depensa ko uli. Hindi naman ako naka-inom. Hindi rin ako nasisiraan ng ulo. Imposibleng gawa-gawa ko lang iyon. Sigurado ako sa nakita. Sigurado sa napagdaanan. Namutla siya bigla nang marinig ang seryoso kong tugon. "I c-can't believe this. I d-don't want to believe. M-meron ba talaga?" Basag niyang sambit, puno ng takot ang boses. "Hindi ko alam sa totoo lang. A-ayoko pang m-maniwalang nababaliw lang ako.” Malutong na napamura si Ana. "Sh*t! Angela samahan mo ako sa labas. P-parang ayoko na rin mag-isa…" Naalala ko ang nangyari kanina. Ayoko ulit maranasan iyon. Tulad ng kanina, nagpanggap na lamang akong walang nadinig at ipinagpatuloy ang pag vacuum sa kanyang carpet. Iilang ungot ang narinig ko mula kay Ana. "Angela kasi! Nagkukwento ka ng ganiyan natakot na tuloy ako!" Napabuntong hininga na lamang ako. Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako matatakuting tao. Pero kakaiba talaga ang nangyari kanina. Kakaibang lamig ang naramdaman ko, yung tipong ayoko na muling maranasan. It was a situation I didn't want to repeat again. Alalahanin ko palang ay parang nasasakal na ako. Sino ba ang lalaking iyon? Kung multo siya… bakit siya nakikita at nakakapanayam ng mga reporters? Isa siyang taong nahahawakan at nakikita, kaya imposible ang unang hinala. Demonyo? Malabo. Maka-Diyos akong tao, kaya alam ko kung ano ang bagay na aatake sa aking pananampalataya. Hindi kaya ginaya lang ang kanyang mukha? Hindi kaya aswang ito na kayang mag-balatkayo? O baka naman niloloko lang ako. Baka parte ng isang prank ang lalaki, gaya sa mga napapanood kong reality TV show sa telebisyon ni Ana. Baka nga. The man looked and felt like an actor. Hindi naman imposible iyon sa kisig at kagwapuhan niya. Pero kung prank nga lang, sumusobra naman na ata ang panloloko nila sa puntong kayang-kaya makapatay ng tao. Hinukay ko ang utak sa mga posibilidad na senaryo ngunit nanatili pa ring blangko ang kasagutan sa lahat ng tanong ko. Paulit-ulit pa rin akong niyuyugyog ni Ana hanggang sa hinawakan ko na lamang siya upang matigil. "Hindi mo ba ako binibiro Angela?" Umiling ako. "Hindi...hindi ako magbibiro ng ganito dahil alam kong matatakutin ka...pero ako naman may pakana kaya ka natakot, kaya hahatid na lang kita sa elevator." Napabuga ng rilyebong buntong-hininga si Ana. Nagaatubili niyang kinuha ang kaniyang maliit na pouch, at hinawakan ako sa aking braso. "Lets go!" Sabay naming binagtas ang corridor ng hotel. Tahimik ang kapaligiran, ni kusing na tunog ay liban sa aming pandinig. Kasalukuyang nakasukbit ang kamay ni Ana sa aking mga braso, nangangamba pa rin sa laman ng aking kuwento kanina, habang ako’y nanatili ring alerto sa presensya ng taong kinakatakutan ko. Ayokong mangamba siya sa aking ulat. Hindi iyon ang pakay ko. Nais ko lamang sana tanungin kung may history na ba ang condo sa mga multo ngunit gaya ng kanyang sabi at base na rin sa matagal kong pamamalagi dito, wala pa akong nararamdamang kakaiba. It was actually a first. Only when he arrived… Nang makarating kami sa b****a ng elevator, bumukas ito at isiniwalat ang ilang bilang ng tao sa loob. "Hays salamat may kasama ako." Mahinang bulong ni Ana bago bitawan ang kanyang pagkaka-hawak sa akin. Masaya siyang may kasama na, paano naman ako? Ayoko lang takutin at abalahin pa si Ana pero sa totoo lang ay natatakot rin ako. "Salamat Angela! Ingat ka ha!" Ngiti niyang sambit bago muling magsara ang elevator doors. Sa pagkakataong iyon natigilan ako sa sarili. Halos atakihin ako sa puso nang may bulto ng tao ang nasa repleksyon ng pintuan ng elevator. Siya na naman...siya...hindi ako nagkakamali. Kabisadong kabisado ko na ang kakaibang aura na dumadaloy sa kaniya, mula sa mabikas niyang artikulo hanggang sa matipuno niyang katawan na makaka-akit ng kahit sinong babae. He was very handsome indeed, that's a trait I can't forget. Ngunit iba ang sitwasyon, iba ang kalagayan ko. At anuman o sinuman ang lalaking ito, malayo ang salitang pagnanasa. Tulad ng kanina, suot niya pa rin ang kaniyang suit and tie. Walang pinagbago ang kaniyang hitsura simula kanina. Nanginginig kong nilingon ang likuran at nakita ang nasabing lalaking matatagpuan sa dulo ng hallway. Tulad ng kanina, nakapamulsa lamang ito. Panadaliang namatay-sindi ang mga lighting fixtures ng condo. Pero naroon pa rin siya. Walang kibo. Napalunok ako nang maalala ang kaganapan sa elevator. Ang lalaking ito… malamang ay hindi tao. Suddenly, the air became stale. The hallways became a messy blur, suffocating me in the process. Bahagya akong nasamid sa sarili. Bumagal ang aking pag-hinga, sinunggaban ko ang leeg at tinangkang huminga ng malalim. Patagal ng patagal mas lalong nanikip ang aking dibdib, kagyat ay napaluhod ako habang naduduwal. "An-o nangya-" Halos namamayagpag na boses ang aking narehistro. Mas lalo lamang naging makapal ang hangin. Hirap kong winawasiwas ang kamay, pilit na sinasariwa ang hangin. Tuluyan akong nahiga sa sahig habang namimilipit sa sakit. Halos tumirik na ang aking mata, pakiramdam kong miski ang aking mga litid ay nagsilitawan na sa higpit ng aking pagkakasakal sa sarili. Mamamatay ba ako? Papatayin niya ba ako? Ramdam ko ang pangangatal at ang marahas na bigat na dumidiin sa aking dibdib. Takot na takot ako. Batid ko na ang pangingitim ng aking braso dulot ng kakulangan sa hangin ngunit wala na itong halaga. Kailangan ko lamang ng tulong. Iniangat ko ang kamay sa ere, pilit inaabot ang bulto ng lalaki. "T-tulong..." Namamaos kong sambit sa kaniya. Umaasang masaklolo sa gitna ng pamimilipit. “P-parang a-awa…” Hindi ko na alintana ang takot. Ang nais ko na lamang ay mabuhay...mabuhay datapwa't mahirap ang mabuhay. Nakakatuwa isipin na kahit ganito ka-miserable ang aking buhay, nagagawa ko pa rin palang lumaban. Siya na lamang ang aking pag-asa. Kung may awa man ang lalaking ito. Kung totoo man ang Diyos, sana sagapin niya ako. Sa ikalawang pagkakataon humingi ako ng tulong. "T-tulong..." Ang papalapit niyang bulto ang huli kong nakita bago magdilim ang aking paningin. ‘Angela’ gaya ng mga nakalipas kong panaginip, ang malamig niyang himig ang humaplos sa aking nagbabadyang ulirat. ‘Tu nunc mea.’ _____ "Ayos ka lang?" “Angela?” Nagising ako sa malamlam na boses ni Ana. Medyo malabo pa ang aking paningin habang inaaninag ang nasa harapan ko. Ang linya lang ng kanyang pigura ang unang nabungaran ko hanggang sa maging malinaw na imahe ang nasisilayan ko. She was peering down at me, looking worried. "Ana?" "Kanina ka pa namumutla. Okay ka lang ba talaga?" Nakaramdam ako ng kakaibang deja vu sa kanyang tanong ngunit hindi ko na lamang ito pinagpukulan ng pansin. Sa halip ay napaupo ako sa kinahihigaan habang sapo-sapo ang aking pumipintig na sintido. "Napasarap ata ang tulog mo akala ko patay ka na." Nanunukso niyang biro. Sinubukan kong kurot-kurutin ang sarili, at napagtantong buhay pa nga ako sa awa ng Diyos… Masyadong mapaglaro ang kanyang pagkakasabi dahil kanina lamang ay parang natikman ko na nga ang bingit ng kamatayan. Kung totoo nga ito. Ngayon, parang isang malabong panaginip ang nangyari kanina. At sana nga, isang masamang panaginip lang ang lahat ng nangyari kanina. Pero nagkamali pala ako subalit ang sumunod na sinabi ni Ana ang bumasag sa aking resolusyon. "Kanina pala nakita ka ng mga employee sa hallway ng walang malay." Binaba niya ang kanyang pouch at umupo sa aking harapan. “Don't worry. Tumawag na ako ng doktor. Ayos lang naman ang pakiramdam mo, masyado ka lang daw na-over fatigue kaya ang advice sa iyo ay ang magpahinga.” Maya-maya ay may nilabas siyang mga pakete ng gamot. “Para sayo, inumin mo yan ha.” “Naku Angela, baka dahil lang sa pagod mo kaya kung ano-ano nakikita mo. Mabuti nga at dahil lang sa pagod mo. Hindi ko na nga talaga babalakin pang bumalik dito kung totoo ngang minumulto ang hotel ni tito. Hays. Buti na lang at false alarm. Baka hindi pa ako makatulog nyan kung sakali.” _____ Author's Note: Hindi ko akalain na maiisipan kong ituloy pa itong novel na ito (⁠・⁠o⁠・⁠;⁠) Balak ko na sana i-abandon kaso pagtingin ko sa drafts may nakasulat na palang isang chapter, kaya tinuloy ko na lang. May nagbabasa pa ba neto? Kaway kaway po! Sana maenjoy niyo pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD